Parent Chat

  • August 24, 2019, 08:29:50 am
  • Welcome, Guest
Advanced search  

News:

Pages: [1] 2 3

Author Topic: nasanay at gusto palagi karga  (Read 29661 times)

jovy1219

  • Newbie
  • *
  • Posts: 25
    • View Profile
nasanay at gusto palagi karga
« on: June 16, 2011, 03:17:36 pm »

Smart Parenting is giving away awesome prizes twice a month! No purchase necessary. Click HERE to join.

Basahin sa Smart Parenting. Click any topic title below for full information.



Bakit Tumitigil si Baby sa Pag-Iyak Kapag Kinarga Mo Siya


5 Ways to 'Say No' to a Tot Who Wants to Be Carried All the Time

My baby is just 1 month old. Last week dumating ang mga in-laws ko dito at sige sila ng karga sa baby ko. Before sila dumating, talagang sleep all day lang s baby, iyak lang pag gutom tapos tulog na ulit. Mula ng dumating ang mga in-laws ko, lagi nilang karga si baby. Kaya eto na nung umalis na sila (they just stayed here for a week), hay ayaw na palapag si baby. Iyak na agad everytime ilalapag. Hirap! Wala akong ibang magawa kasi maghapon karga lang kami, kahit sa duyan ayaw din palapag, nagigising agad. Ganun b talaga yun? In the span of 1 week, nasanay na agad sya sa karga? Or normal lang tong behavior ng baby. Sabi kasi ng mama ko ganun daw tlaga ang baby, nagpapalit every month.

Reply

Naka-relate ka ba? Maging member ng Smart Parenting para makareply dito. Share your tips because as a member, you get a chance to be invited to exclusive events or grab limited freebies from Smart Parenting and partner brands!  Invites are sent via email to selected forum members so be an active Parent Chatter!
« Last Edit: August 01, 2019, 10:09:12 am by Parentchat Admin »
Logged
JovyMikeArielleZoe   [/url]

ysLim

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 621
    • View Profile
Re: nasanay at gusto palagi karga
« Reply #1 on: June 16, 2011, 04:12:04 pm »

agree ako sa mama mo mommy jovy1219, ganyan talaga mga baby papalit-palit ng ugali every month. ganyan din kasi baby ko. ;D
 
Logged

mommyayie

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 118
    • View Profile
Re: nasanay at gusto palagi karga
« Reply #2 on: June 16, 2011, 04:38:40 pm »

sis jovy1219, ang baby boy ko, since ata ipinanganak ko, gusto lage karga siya.  Until now na 10 months na siya and weighing 10 kls. gusto paden lage buhat kaya at the end of the day, back ache talaga. Siguro nasanay den siya sa laging buhat. Ineenjoy ko na lang kasi 1st baby ko naman siya saka bilis den niya lumaki. Mabilis den dumating yung time na hindi na siya magpapabuhat. Pero may mga baby den na hindi lage nagpapabuhat. Different naman ang personalities ng mga babies, Maybe panganay kaya malambing... Just enjoy...
Logged

techno_green

  • Newbie
  • *
  • Posts: 22
  • A happy man marries the girl he loves;
    • View Profile
Re: nasanay at gusto palagi karga
« Reply #3 on: June 16, 2011, 04:56:49 pm »

haha problem ko din eto with my 2.5 yo kid. pag ibang tao hinde nagpapakarga..pero pag sa amin parents niya asus todo kapit parang ungoy para lang makarga sya..sinanay kasi ni lola sa karga...
Logged
A happier man loves the girl he marries;

Nunal

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 199
    • View Profile
Re: nasanay at gusto palagi karga
« Reply #4 on: June 16, 2011, 05:39:01 pm »

Sis jovy1219, i agree with your mom. Si LJ din kasi nung first 2 months niya lagi lang sya natutulog sa crib niya then after a few weeks gusto na lagi karga at di makatulog kung di mo isasayaw. Then after another week ayaw na din niya ng basta sayaw kaya we've decided na maglagay ng duyan, for about 1 month naka duyan sya and eventually nagsawa na naman sya so natutulog na sya ng kusa sa kama kahit hindi karga. Now na 9 months na sya he can't sleep na naman kung di sya karga at isinasayaw at mostly nagigising pa sa madaling araw para lang magpakarga..  Enjoy it na lang kasi mabilis sila lumaki at mas mafefeel mo pag laki nila pag sanay sa karga kasi feel na feel mo BIGAT nila :D
Logged

jovy1219

  • Newbie
  • *
  • Posts: 25
    • View Profile
Re: nasanay at gusto palagi karga
« Reply #5 on: June 16, 2011, 09:24:18 pm »

Thanks sa response nyong lahat, ganun na nga siguro... enjoy it while it last...hehe
Yung panganay ko kasi hindi naman ganun, yung second ko ayun nasnay din sa karga kaya til now karga prin before matulog. Ayaw kona sana maulit sa bunso pero mukhang wala na akong magagawa. hehe
Logged
JovyMikeArielleZoe   [/url]

aish_teru

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 151
    • View Profile
Re: nasanay at gusto palagi karga
« Reply #6 on: July 07, 2011, 12:58:46 pm »

ganyan din baby ko nasanay sa karga pag binaba cry na agad gusto niya  palagi nakadikit minsan katabi niya yung yaya sa bed pag sobrang himbing na yung tulog saka ibabalik sa crib niya... hehe  :P
Logged

mommy e

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 211
    • View Profile
Re: nasanay at gusto palagi karga
« Reply #7 on: July 08, 2011, 08:18:00 am »

yung eldest ko nasanay sa karga, kasi syempre first baby kaya laging karga ni mommy, ni daddy, ni tita, ni lola, etc. kaya ayun 2 yrs old na pinaghehele ko pa sa gabi .. naku ambigat pa naman ... :-) .. kaya lang, ang sabi ko nga that time, pag laki naman di ko na makakarga at sya mismo di na magpapakarga kaya sinamantala ko na na kargahin ng kargahin at good bonding din naman para sa min ... :-)

yung bunso ko naman, sa in laws ko kc kami stay nun eh di masyado kinakarga kaya ayun kahit wala pa yun 1 yr old, natutulog na yun mag isa, di na kailangan ipag hele ... :-) malayo kasi work ko nun kaya di masyado marami time ko sa kanya ... kaya mga sis, naniniwala ako na depende yan how we want to do it .... :-)
Logged
Count your blessings .... not what's missing ....

baby bulinggit

  • Newbie
  • *
  • Posts: 12
    • View Profile
Re: nasanay at gusto palagi karga
« Reply #8 on: July 08, 2011, 10:13:13 pm »

my first and only baby nasanay sa karga. from the start di ako nag-yaya, so sobrang wala na akong nagawa sa buhay ko kundi magkarga ng anak ko. yes, kapag nilapag mo sya sa kama, as in iyak agad. kung matutulog naman, nasa ibabaw pa ng dibdib ko, kapag nilapag mo dahil sa ihing-ihi na ako, ayun gising agad. hirap din palang sanayin ang anak sa karga, who knows,  first timer :)
Logged

orangetag

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 70
    • View Profile
Re: nasanay at gusto palagi karga
« Reply #9 on: August 02, 2011, 12:09:11 am »

Ok lang yan sis. Beleieve me, dadating yung time na mami-miss mo na kinakarga si baby. My baby is turning 2 this Sept. Mas gusto na niya na takbo ng takbo kesa magpakarga. Nakakamiss. :( hehe. So enjoy it while it lasts.  :D
Logged

unknown

  • Guest
Re: nasanay at gusto palagi karga
« Reply #10 on: August 02, 2011, 09:39:13 am »

 :-\ Agree ako dito. Ang baby ko he's 14mos old hindi matutulog pagka-hindi kinakarga or dinuduyan ang problem kasi he's so heavy....
Logged

mama_jo

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 485
  • female version of her papa
    • View Profile
Re: nasanay at gusto palagi karga
« Reply #11 on: August 02, 2011, 12:13:09 pm »

join din ako...

both my 2 kids gusto magpakara...pero ok na ang eldest, she's more than 3 years old.  si bunsoy 10-month old naman ang di rin makakatulog pag di kinakarga or kahit gising sya pag la sa mood, gusto niya pakarga ang bigat pa naman kasi mataba.

pero sabi ng mga olds, dapat ienjoy raw namin ang days ang nagpapakarga sila kasi pag malalaki na, eh halos di na nga raw sasama sa mga magulang coz' they have their own group.

Logged

buyboy's mom

  • Newbie
  • *
  • Posts: 13
    • View Profile
Re: nasanay at gusto palagi karga
« Reply #12 on: August 02, 2011, 12:29:44 pm »

nakaka-relate ako sa inyo mga sisses..
mula pinanganak ko baby ko, puro karga na. sobrang iyakin kasi nung nasa hospital pa kami. kaya lagi namin karga just to comfort him. Tas nung nasa house na kami, nasanay sa karga ng Lola niya. kaya until now, he's 9 months old na, ayaw pa rin palapag sa playard niya mag-isa. feeling niya iiwanan siya. wala tuloy kami magawang ibang task. kawawa din lola niya maghapon ng-kakarga sa kanya. minsan i tried to train him na less karga, so iyak ng iyak. hindi namin pinapansin hoping eventually ma-realize niya na hindi siya bubuhatin. pero ayaw tlaga mg-stop. maaawa ka na lang kasi todo iyak at hikbi na siya, parang hirap na huminga sa kakaiyak.. no choice kami but to get him na. hay! ganito ba tlaga?? wa-effect mga test namin sa kanya.. kung sabagay, time flies, enjoy as much as possible kahit masakit sa likod.
Logged

honeybabyme

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 235
    • View Profile
Re: nasanay at gusto palagi karga
« Reply #13 on: August 02, 2011, 02:04:07 pm »

NAku ganyan din si baby ko. Nung 1st weeks niya tulog ng tulog kahit gisingin ayaw, then sa gabi naman gising. Tapos yung nga after 1month sabi nila nasanay daw sa karga kaya lage niya gusto karga lang pag gising. Up until now na 2mos. siya kahit ngawit na kamay ko at pawis na ko kakahele sa kanya gusto niya karga. Nagresearch tuloy ako tungkol dito un nga pabago bago daw talaga mga babies, weekly daw nagbabago ang pattern nila.

Sabi naman wag daw sanayin at hayaan daw umiyak pero sa pagbabasa ko ng mga article, may negative effect daw sa attitudeng baby yung pinapabayaang umiyak.Sabi kasi ginagamit daw ni baby yung pag iyak para kargahin siya. Pero base sa mga experiences at mga articles, Babies 0-4mos donot know how to manipulate. Gusto lang daw nila ng init ng katawan ng tao, since they spent 9mos. inside our womb and hearing our heartbeat, nasa adjustment period pa daw sila kaya ganun. They learn trust when somebody get them when they cry. So ibig sabihin pag pinaiyak o ang baby ng  todo they will not learn how to trust.

Enjoy mo lang sis si baby minsan lang siya baby... after nyan maglalakad na siya. At d natin mmamalayan malaki na pala.
Logged

eka1212

  • Newbie
  • *
  • Posts: 32
    • View Profile
Re: nasanay at gusto palagi karga
« Reply #14 on: August 05, 2011, 05:03:23 pm »

sa akin din ganyan,,, nasanay na karga at ayaw pa niya ng nakaupo kami gusto niya pagkinarga namin siya nakatayo at siya din gusto niya itatayo din siya. kakapagod din lalo na pag hindi niya makuha tulog niya pero wala na ko problems sa gabi unlike before.
Logged
Pages: [1] 2 3