Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Pages: [1] 2

Author Topic: disciplining other people's kids  (Read 7212 times)

mommyayie

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 118
    • View Profile
disciplining other people's kids
« on: June 24, 2011, 10:37:14 am »

Hi moms,

I just need your advice. I live with my in-laws. Ang nakatira lang naman dun, si nanay, tatay, hubby, baby at ako kaya lang yung mga pamangkin ni hubby lagi nandon. Minsan nga dun pa natutulog. Kaya lang sobra kulit nung dalawang lalaki. One is 8 yrs old and the other one is 4. Ang iingay, natotorete ako sa ingay at sawayan nila. kahit nagpapahinga na kami ni baby, ang gugulo pa den. Pagod ako sa work tapos di ka man lang makapagrest ng maayos. Tapos lagi hingi ng hingi ng pera. Kanina nga before ako pumasok, nagmamaktol yung 8 yrs old kasi di binigyan ng pera, aba sinipa ba naman ang stroller ni baby eh nakasakay si baby. bute nalang sa sewing machine ni nanay tumama e kung sa pinto, laglag c baby ko. Kung wala lang si nanay napalo ko n yun. Mas lalo tuloy ako nainis sa kanya. Normal ba mommys na maging mainit yung dugo mo sa isang bata. I know I should not kasi bata sila kaya lang ganun yung nafifeel ko. Please advice me. Thanks moms.
« Last Edit: May 30, 2012, 09:24:11 am by toughmom »
Logged

yhamslove®

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 886
  • I'm a Certified SP (Sisterly-Packaged) Member
    • View Profile
Re: How to deal with batang makulit?
« Reply #1 on: June 24, 2011, 10:49:36 am »

I know I should not kasi bata sila

you already answered your own question sis.

oo normal lang sa isang napapagod na tao ang mairita kapag may  maingay o makakita ng hindi niya gusto sa paningin niya. pero dapat pairalin nalang diyan eh pagpapasensiya.

mga lalake pa yung mga bata so expected na yun na magulo at makulit talaga. siguro pwede sila kausapin tungkol diyan. mapagsabihan na pwede naman silang maglaro ng hindi nag-iingay. Yung malambing na pagsasalita lang ba. "Boys, papahinga lang si Tita ha, wag masyado maingay..."

Normal ba mommys na maging mainit yung dugo mo sa isang bata?

pagod ka lang sis kaya madali kang mairita, at siguro hindi ka rin sanay ng may maingay. habaan mo nalang pasensiya mo kase bata yung mga yon. Like what I said, pwede rin naman silang pagsabihan sa maayos na paraan.

lagi mong isipin na mga bata yan at hindi pa rin nila alam kung ano mga ginagawa nila.

yung lagi silang humihingi ng pera, i think the responsibility of moderating them should be performed by their parents.
Logged
yhamslove  

mommyayie

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 118
    • View Profile
Re: How to deal with batang makulit?
« Reply #2 on: June 24, 2011, 11:03:22 am »

Thanks mommy yhamslove for the very helpful advice. Mainitin kasi ang ulo ko. I'm also a moody type of person. Sana magawa ko yung advice mo.
Logged

Rainebow Mom

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 73
    • View Profile
Re: How to deal with batang makulit?
« Reply #3 on: June 24, 2011, 11:08:35 am »

Hi mommyayie, I share your concerns kasi may 3 akong pamangkin na kapag nagbakasyon sa amin ay grabe parang may dumaan na bagyo sa bahay. Talon ng talon sa sofa, bumabaha sa toilet, kasi flash ng flash sa CR,  ang ingay kasi laging nag aaway silang magkakapatid, palipat lipat ang channel ng TV, ang lectric fan bukas 24 hours at nasa number 3. Ang mom ko ang kumakausap sa pinsan ko na please sawayin niya ang mga bata lalo na kapag nsa ibang bahay or may ibang tao sa bahay. Baka kasi dumating sila sa point na walang gustong papuntahin sila sa kaninong bahay.

Umiiwas na lang ako kasi ang hirap, gustuhin mo man silang disiplinahin, ang mga bata,  ay hindi pwede kasi hindi ako ang magulang nila. Magkakasamaan pa kami ng loob ng pinsan ko. Baka sabihin pinapangunahan ko sila.

Tama sis mommy yhamslove na nasa parents ng pagdi discipline ng mga bata. Kung open ka lang sana sa mga in-laws mo. Try mo sis.
Logged

mommyayie

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 118
    • View Profile
Re: How to deal with batang makulit?
« Reply #4 on: June 24, 2011, 11:20:33 am »

Bute ka nga sis Rainebow Mom pag bakasyon lang nila e ako almost everyday ko naeencounter ang kakulitan nila. Di ko alam kung paanong pagpapalaki ng magulang ang ginawa sa kanila. Mga kulang kasi sa gabay ng magulang. Wala na ata ako magagawa kundi magtiis.
Logged

yhamslove®

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 886
  • I'm a Certified SP (Sisterly-Packaged) Member
    • View Profile
Re: How to deal with batang makulit?
« Reply #5 on: June 24, 2011, 11:28:50 am »

I agree with sis Rainebow Mom, iwas nalang talaga at pagpapasensiya. Lahat ng paraan na maisip mo para hindi lumala ang sitwasyon, gawin mo.

Sa totoo lang, hindi ko rin gusto yung magulo at maingay. Ke bata man o matanda. Pero pagpapasensiyahan nalang kase hindi rin makakatulong, lalo na sa akin kung itutuloy ko yung init ng ulo ko.

Ayun, kakapasensiya ko, nasanay na ako... nagamit ko ngayon ang pagpapasensiya sa anak ko... makulit din kase... ;D
Logged
yhamslove  

rheign

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 180
  • Finally, another baby, another blessing... :)
    • View Profile
Re: How to deal with batang makulit?
« Reply #6 on: June 24, 2011, 12:49:44 pm »

I have the same experience, with my hubby's pamangkin... pero the difference is may go signal ako to teach the kid good manners... sobrang kulit din kasi yun... pero pag nandito sya sa bahay takot sya sa akin... di ko sya pinapalo, yun ang di ko ginagawa pero i talk to him pag may ginawa syang bad, and eventually natututo sya and sumusunod na sya...

namatay na kasi yung mom niya, which kapatid ni hubby... kaya parang anak na din turing dun ni hubby... madalas pag nababakasyon yun dito, wala si hubby kasi work niya sa abroad... natutuwa naman ang side ng papa ng pamangkin ni hubby kasi pag nandito natututo yung bata...

i believe kasi na mas maganda ang kinakausap ang mga bata kesa sa papaluin mo sila, tsaka dapat maging firm sa mga pinapangaral sa kanila...
Logged
a WOMAN who is so blessed with a family whom i call my OWN... They are my inspiration and my life... Without them i will be lost...

mommyayie

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 118
    • View Profile
Re: How to deal with batang makulit?
« Reply #7 on: June 27, 2011, 03:53:40 pm »

Thanks MOM rheign, yhamslove, Rainebow Mom for the advices. Para sa akin kasi it's the role of their parents to teach them good manners. Sa sobrang busy ko kasi at daming iniisip ayoko na pati sila problemahin ko pa. I'm a first time mom kasi and my son is only 10 months. Super nasa stage ng pagaadjust pako. Para ngang nasa postpartum depression pa din minsan. I'm a working mom and super busy and lack of sleep. kaya sobrang mainitin ang ulo at sometimes masungit. Kaya ayoko ng magulo talaga. Hope I can overcome this situation.
Logged

rheign

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 180
  • Finally, another baby, another blessing... :)
    • View Profile
Re: How to deal with batang makulit?
« Reply #8 on: June 27, 2011, 04:28:28 pm »

^don't worry masasanay ka din naman... sa amin kasi open kami sa mga pangaral na ganyan... kahit sa mga pinsan ko, we are allowed to teach them what's good and bad pag nakikita namin na mali ang ginagawa, syempre we say it in a nice way hindi yung pagsasabihan sila ng pagalit... yes, it's the parents responsibility ang pagdicipline sa anak pero pag nakikita naman namin na may maling ginawa yung bata we tell the kids na uy mali yang ginawa mo ha, hindi dapat ganun, magagalit sayo si daddy/mommy mo and ganun din naman sila pag nakita nila na may maling ginawa ang anak ko... and we appreciate that...

you can tell them naman na in a nice way na wag kayo masyado maingay kasi natutulog si baby... mga ganun... basta wag paiiralin ang init ng ulo...
Logged
a WOMAN who is so blessed with a family whom i call my OWN... They are my inspiration and my life... Without them i will be lost...

Nunal

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 199
    • View Profile
Re: How to deal with batang makulit?
« Reply #9 on: June 27, 2011, 06:14:51 pm »

Hi Sis mommyayie, Im a first time mom din and  same age baby natin :) Share ko lang po and it might help on your situation , i have 7 pamangkins na 3 boys and 4 girls and their age ranges from 4 - 10 years old. Super kukulit din at ang gugulo nila lalo na pag magkakasama sila although every time na may occasion lang naman sila nagkakasama-sama so imagine how wild they could be. Sigaw, talon, takbo at kung ano-ano pa. One thing i discovered with kids eh kapag inaaway mo sila or pinapakita mo na di mo sila gusto or yung ginagawa nila eh lalo sila nagsusutil (to the maximum level) kaya what i usually do eh pag darating ako may pang suhol ako na candy or chocolate or i usually share my snacks with them then sabay sabi na "o yan ha behave muna kayo kasi sleep si baby ko or mag rest ako" and usually ang bata kasi pag naabutan ng pagkain mas madali na kausapin.  ;D

What you can do Sis is try to look for alternative solution how you can bond with them or find a way that you think you can talk to them nicely.
Logged

mommyayie

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 118
    • View Profile
Re: How to deal with batang makulit?
« Reply #10 on: June 28, 2011, 04:02:59 pm »

Thanks sis mommy zhel and to all the moms. If ever di ko muna magagawa yung mga advice niyo, maybe in God's time, magagawa ko den yun ng bukal sa kalooban ko. Ayoko kasi pilitin ang sarili ko. Pamangkin kasi sila ni hubby and diko den maintindihan kung bakit ayoko sa kanila. Kasi sa pamangkin ko naman kahit magulo sila okay lang sakin. May ibang bata na ayoko, may ibang bata na gusto ko. I know medyo bad ako diba. I'll try my best to like everyone.
Logged

Mariel Arun

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 502
  • A happy wife runs a happy home :)
    • View Profile
Re: How to deal with batang makulit?
« Reply #11 on: June 30, 2011, 10:24:12 am »

^Mommy hindi kaya inis ka sa parents ng mga bata kaya nadi-displace yong pagka-inis mo sa kanila?

Oo sis, naiintindihan ko na may mga batang sadya lang wala talagang charisma. Yong di ba cute?, yong makulit na agad sa unang tingin.

But remember the saying "Do not do unto others, what you do not want to do unto you"..icipin mo nalang sis, panu kung paglaki ni baby mo siya naman ang kaiinisan, wouldn't you be hurt for your child too?

Try to clean your heart with the hate for the makukulit na pamangkin, pag di mo kaya utter a simple prayer to help you. You'll be surprised how it'll feel lightly kapag andyan na yong mga little monsters. Try to be sincere as possible, wag mo pwersahin ang sarili mo a simple act at a time will do...children can feel insincerity.

I know, kasi ganyan din ako dati.  ;D
Logged
Create happy memories with our kids, its one of the things we'll leave with them, their happy childhood :)

mommyayie

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 118
    • View Profile
Re: How to deal with batang makulit?
« Reply #12 on: June 30, 2011, 05:43:55 pm »

Thanks sis MaritheMom, I do pray naman na sana wag ko na mafeel yung pagkainis. Na sana my heart would be open for them. Narerealize ko na den na baka nga sa baby ko mangyare yun kaya now, I'm trying my very best to be nice to them. Wala naman akong inis sa parents nila. I'm trying to change. Your advices really helps me to realize my mistake.  Thanks so much.
Logged

toughmom moderator

  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 1189
    • View Profile
Re: How to deal with batang makulit?
« Reply #13 on: August 18, 2011, 11:21:52 pm »

Dissecting the Behavior of an Annoying Kid

Learn the red flags of children’s annoying behavior and how to correct these.
The key is in knowing the difference between what is annoying and what is normal behavior for a child who is innately curious and inquisitive or just plain tired and cranky. Marie Javier, a preschool teacher gives us some tell-tale signs of a child whose behavior can get quite annoying:
http://www.smartparenting.com.ph/preschooler/behavior/dissecting-the-behavior-of-an-annoying-kid

Logged

inker

  • Newbie
  • *
  • Posts: 31
    • View Profile
Re: How to deal with batang makulit?
« Reply #14 on: August 20, 2011, 09:58:39 am »

^^ Nakow sis, magsanay ka na dyan sa mga pamangkin mo at mauubusan ka rin nang buhok kapag lumaki na yang anak mo  ;D  Lalaki pa naman. Hindi mo palang nararanasan ngayon, kasi baby pa yan.

Ako, sanay na ako sa mga pamangkin kong makukulit. Ganun talaga lalo na at lalaki. You can't expect them to keep still. Rambulan kung rambulan. Takbo dito takbo duon. Will test your patience.

If you can't control your anger, you have to practice now. If not, lagi lang kayong magaaway ng anak mo or mapapalo mo kapag lumaki na yan at nagsimula nang mangulit.

Haay... the joys and sorrows of being an adult and a parent  ;)
Logged
Pages: [1] 2