Parent Chat

Advanced search  

News:

Pages: 1 [2] 3

Author Topic: Is your Mom toxic?  (Read 17805 times)

mumzeth

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 173
  • See GOD bigger than yourself.
    • View Profile
Re: Is your Mom toxic?
« Reply #15 on: August 15, 2011, 09:20:12 pm »

sobrang hurt  sya sis.. kasi syempre babae ka pa naman din tapos kumbaga ikaw yung crystal na pinakamamahal niya at iniingatan tapos biglang nabasag.. hanggang ngayon depress sya kasi baka sa twing maaalala niya kung pano ka niya iningatan tapos biglang nabuntis alam mo yun masakit sa part niya.

ganyan din buong family ko sakin.. minsan nga yung lolo ko sinasabi pa sakin "pabuntis ka ulit!" masakit pero tinatanggap ko alam ko na yun yung way niya para itama ako at alam ko na ayaw na rin nilang maulit yung pagkakamali ko...

pero kahit ganon nagpapakatatag ako kasi alam ko na mahirap mabura sa isip nila yun. lahat ng pwede kong gawin para igain ulit yung trust nila sakin, ginagawa ko. lahat ng nega na sinasabi nila ginagawa kong challenge para iparating sa kanila na kahit nabuntis ako nagkamali ako kaya ko paring maging matinong tao. :D
Logged
Read John 3:16 but replace the blanks with your name..

"For GOD so loved _______ that he gave his one and only Son, so that if ________ believes in him, _______ will not perish but have eternal life."

 just wanna share how much GOD loves us.. :)

toughmom moderator

  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 1148
    • View Profile
Re: Is your Mom toxic?
« Reply #16 on: May 30, 2012, 09:34:11 am »

How To Deal with Monster Moms
[img width=150]http://www.smartparenting.com.ph/images/site-alpha/articles/being-a-parent/relationships/monster_mom/upset-ci.jpg[/immg]

http://www.smartparenting.com.ph/mom-dad/relationships/how-to-deal-with-monster-moms
Logged

danel_em

  • Guest
Re: Is your Mom toxic?
« Reply #17 on: June 16, 2012, 06:27:40 pm »

toxic in a way na nakakatuwa naman ang mama ko. minsan lang talaga tumataas na kilay ko sa sobrang paklamers :"_)))
Logged

Angela Zhane

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 117
  • I love you a bunch!
    • View Profile
Re: Is your Mom toxic?
« Reply #18 on: July 03, 2012, 02:25:56 pm »

My mom is one of the best. Although, we argue in a lot of things at the end of the day i know kakampi ko pa rin siya. Nag-iisa na lang kasi siyang magulang naming magkakapatid and thankful ako to have her. Sa mga naging dagok ko sa buhay she embraced it because she loves me. Being a single mom, maraming tao ang palihim na kumukutya but my mom accepted everything as it is kasi ito siguro ang kapalaran ko. Bukod pa sa mga nagawa ng mga kapatid ko. I can't thank her enough sa lahat ng sakripisyo niya sa aming magkakapatid then and now. Kung papipiliin ako ng ina, siya pa rin ang pipiliin kong maging nanay. :)
Logged

chococream

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 569
  • without you life is without meaning baby
    • View Profile
    • Online Store
Re: Is your Mom toxic?
« Reply #19 on: July 03, 2012, 09:23:11 pm »

upon posting this thread, i was gravely sadened sa mom ko that she is still very much emotionally toxic. kahit hidni na ako nagpapa ramdam sa kanya, or nagiingat akong hindi sya ma trigger she still find ways para pabalikin ako sa amin. ang hidni ko lang ma gets is why gusto niya akong pabalikin sa amin, dahil ba wala na syang punching bab? lahat ng siblings ko as much as possible hidni na lumalapit sa kanya kasi instead greetings and sweetams inaaway niya, tinataboy at binabalik ang mga litanyang pilit ng kinakalimutan na past ng mga brothers ko.

lets face it lahat naman tayo merong kahihiyan na tinatago pero kaya nga past kasi tapos na, ok na yong lesson na yon no need pa balikan ng balikan pero sa kanya para syang tape recorder pa balik balik hidni masira sira at kahit panay mong ina.appease hindi wala syang nadidinig at nakikita kung hindi mali.

she zaps your positive energy, at na over power niya ng negative energy niya.  papasok ka sa bahay niya na full of hope pero lalabas kang downtrodden at pasan ang mundo. hidni ko ma gets anong point ng mom ko bakit niya ako gustong dun bumalik sa bahay at sa kanya kung maligay naman ako dito sa pamilya ko. bakit niya ako gustong iwan ang pamilya ko para sa kanya kung pagkukutya at physical abuse at emotional shame ang kaya nyang ibigay sa akin.

hai ewan ko hidni ko ma gets.  :'( :'( :'( :'( :'(  at ako pa ang lier, mali at gumagawa nag kuento kung ako nga ang bugbugsarado niya. ako lang ata ang nahihiya sa mga pinagsasabi niya sa mga neighbors niya ng kung ano ano yet ang neighbors niya nakikita ang mga pasa at nadidinig ang mga iyak ko if binubug ko before. sana man lang ma change na si mama.
Logged

gheng

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 74
    • View Profile
Re: Is your Mom toxic?
« Reply #20 on: July 17, 2014, 02:34:56 pm »

hi, gusto ko lang maglabas ng sama ng loob ko sa family ko.. haist hindi ko na kasi alam ang dapat gawin...

I got pregnant last 2012 na hindi inaasahan. syempre super galit ang mother ko saken dahil ako lang ang inaasahan sa bahay. nung araw na nanganak ako, hindi pa namin nakukuha ng asawa ko yung ni-loan ko kaya yung parents ko muna yung nag-abono. though binayaran naman namin ng asawa ko lahat ng ginastos eh ang DAMI KO PA RIN NARIRINIG MULA SA MOTHER KO.... :(

Simula nang nagka-isip ako and natutuong dumiskarte sa buhay (siguro grade 5 ako) hanggang grumaduate ako ng college, hindi ako dumipende sa magulang ko, kapag wala sila maibigay sken, ok lang, nagagawan ko naman ng paraan. eto lang talaga nung nagbuntis ako humingi ng tulong sa kanila (financially) pero baket ganun, ang dami na nila SINUMBAT saken...

until now, dahil sa kagustuhan ko na wag magkarinig sa kung anu2x INAKO ko na lahat ng gastusin sa bahay. kasi sila mama din naman nag-aalaga sa anak ko at pagtanaw na din ng UTANG NA LOOB SA KANILA.

nakakainggit lang yung mga young mom dito na super supportive sa mga anak nila. akala ko nung una, lilipas din yung sama ng loob nila, pero hindi pala. NAKAKA DEPRESS na madalas kasi kahit gawin ko na lahat, KULANG PA RIN PARA SA KANILA...
« Last Edit: July 17, 2014, 02:38:15 pm by gheng »
Logged

vmjanne

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 81
    • View Profile
Re: Is your Mom toxic?
« Reply #21 on: July 17, 2014, 05:32:51 pm »

Hugs @gheng!

I feel for you. That's one reason why I do not contact my parents in any way. Mahirap nga bayaran ang 'utang na loob' kasi wala naman sapat na kabayaran ito -- accdg to my officemate. I do not know the background bakit ganun parents mo at medyo cold sila sayo. My parents have their own lives na at may sarili ng pamilya mula pa nun 2003. ALthough I get to see them every now and then hindi ako humihingi ng tulong in any way kasi marami din akong naririnig. Naiisip ko rin na baka it reminds them na ako yun naging anak nila nung sila pa eh pareho nga silang galit sa isa't isa now.

Naisip ko rin baka they were rooting for me to become a doctor pero I dropped out of med school para magpakasal sa hubby ko. Maganda naman ang work ko ngayon pati family life ko-- super mahal ko in-laws ko!! Kaya minsan kahit anong pagod ko magwork I always think ayokong maging pabigat sa kanila in any way para walang masabi. And so far 11 years hindi ko sila masyadong kinikibo eto sila ang gumagawa ng way to talk to me. Basta for me lang ayokong maging ganun sa anak ko kasi hindi naman nila gusto or utang na loob nila na pagaralin or ibigay needs nila while growing up. It's their right to have that good education at pinili ko na mag anak kaya hindi ako dapat magreklamo and thus support them.

Dapat tigilan nilang panonood ng teleserye ang drama nila.. hahaha ;D
Logged

annamariemomof3

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 144
    • View Profile
Re: Is your Mom toxic?
« Reply #22 on: November 05, 2014, 09:58:18 am »

mayroon siguro talagang mga magulang na walang parental instinct. yung tipong basta naipanganak ka dun na nagtatapos yun. financially di naman nila ako pinagdamutan. pero sa atensiyon at pagmamahal yun ang kulang na kulang. yung tipong di ka man lang suklayan lahat inaasa lang sa yaya. maiintindihan sana kung kailangan niyang magtrabaho eh di naman daddy ko lang naman ang nagwork. graduation kasal binyag ng mga kids ko never siyang umattend. maski nga nung nanganak ako ni di dumalaw at take note 2 months sa ospital baby ko kasi preemie ni hindi nagparamdam. nung iuwi ko anak ko sa halip na kamustahin alam mo ano ang sabi ang pangit daw. hay naku i have tried and tried to be at least civilized with my mother para man lang sa mga bata pero give up na ako. hindi ko talaga siya maintindihan. kakausapin lang niya ako para utangan o kaya para laitin. mula naman nagkasakit daddy ko parang hindi na makapag isip ng sarili niya sunod sunuran na lang sa mommy ko. right now i am not in speaking terms with them. ok nang lumaki ang mga anak ko ng walang lolo at lola kesa naman lumaki sila sa ganung environment na mamaliitin lang sila.
Logged

satchie

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 52
    • View Profile
Re: Is your Mom toxic?
« Reply #23 on: November 20, 2014, 11:32:53 am »

I guess lesson from this since parents na tayo lets not do this kind of parenting to our kids.
We will support them so they will be strong enough to be on their feet at the right age.
Logged

simplengmisis

  • Newbie
  • *
  • Posts: 44
    • View Profile
Re: Is your Mom toxic?
« Reply #24 on: January 15, 2019, 04:56:58 pm »

Hindi kami nagkikubuan nang 5 taon. Hindi ku sya maintindihan bakit lagi aku mali. Sabi ng tyahin ku, kasi ganun din daw lola ko. Siguru yun kasi ang paraan na alam niya. Hindi na din aku nagkukwento tungkol sa pamilya ku kasi sisiraan lang.
Logged

Catherine Concepcion

  • Newbie
  • *
  • Posts: 5
    • View Profile
Re: Is your Mom toxic?
« Reply #25 on: January 16, 2019, 12:58:44 am »

Hello po, pwede po ba humingi ng advice. Isa po akong FA, may pamilya na, pero di pa po kami nagsasama ng asawa ko, dito po kami ng anak ko sa magulang ko nakatira. Ako po nagbabayad ng kuryente namin. Yung kapatid ko po nagbabayad ng ibang bills like water and wifi. And nagbibigay ng 5k monthly sa mama ko. And 4k naman ang binigay ko nung akinse, hindi pa po ba sapat na pang budget yun sa pagkain? 2 lang po sila ng kapatid kong bunso dito palagi sa bahay kasi kami ng kapatid ko palaging nasa trabaho. Hindi pa po ba kasya ang 9k for food and grocery? Hiwalay po yung needs ng anak ko dun. Kami po ng asawa ko ang nagpoprovide nun. Di ko po kasi magets.
Logged

Catherine Concepcion

  • Newbie
  • *
  • Posts: 5
    • View Profile
Re: Is your Mom toxic?
« Reply #26 on: January 16, 2019, 11:22:27 am »

Tinanong ko mama ko kung magkano ba dapat ang hawak nyang pera for budget sa bahay (excluding the bills) 15k daw dapat. Sapat ba yun? Or sobra.
Logged

Mommy Jazz

  • Administrator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 3200
    • View Profile
    • Jazer Basan for Smart Parenting
Re: Is your Mom toxic?
« Reply #27 on: January 17, 2019, 10:56:20 am »

Hello Catherine. There are many things to consider. No matter how you sit down and do your own math, may mga tao na hindi confrontational pagdating sa pera. So if your mom is someone who's ok to talk things out like finances, good for both of you.
My POV, if 15k monthly plus utilities, might as well live on your own. Could your mom be giving you a clue to pay her rent or move out?
« Last Edit: January 17, 2019, 10:57:54 am by Mommy Jazz »
Logged

Catherine Concepcion

  • Newbie
  • *
  • Posts: 5
    • View Profile
Re: Is your Mom toxic?
« Reply #28 on: January 25, 2019, 01:56:54 pm »

Thank you sa reply. Wala din po kami ng rent sa bahay. It's our own na. Kaya nagtataka ako sa demand nyang money every month. Nakapagdecide na mami ng asawa ko na mag move out. Ang iniisip ko lang kasi baka magalit nanaman sya. (palagi kasing galit mama ko di ko makausap ng masinsinan) pero of course priority ko na asawa at anak ko eh.
Logged

Chachae

  • Newbie
  • *
  • Posts: 1
    • View Profile
Re: Is your Mom toxic?
« Reply #29 on: June 15, 2020, 04:14:40 pm »

Hi mga momshies! Newbie here! Hihingi lang po ng payo. 2 years ago nabuntis po ako ng long time boyfriend ko. After ko manganak, 5 months ko lang nakasama si baby. Bumalik na kasi ako sa work. Parehas kami ni hubby ko (married last year) na nagwowork sa Manila. Beyond 5 months, nanay ko na nagbantay sa baby ko. Ayaw ng nanay ko sa Manila kaya inuwi nila sa probinsya. Kaysa daw magbayad sa yaya, at di pa naman ganun kalaki kita. Nag resign hubby ko sa work at nag decide na manatili nalang sa probinsya. So December 2019 sa province na sya, sa bahay sya nakatira kasi nandun anak namin. Ako naman nakauwi bago mag total lockdown ang Manila. So 3 months na paninirahan ko sa magulang ko, na kasama asawa ko at anak, ang daming nangyari, like, nag aaway kami ng nanay ko. Kasi bawat kilos ko, sinisita niya. Oo alam ko sya nagpalaki sa baby namin, mag kiss sa baby bawal. Kasi sya nga daw pinipilit na di halikan. Sya daw nagpalaki kaya alam niya daw lahat ng di pwede kay baby. Okay lang naman. Kasi tama naman sya. One time, nag away kami ng asawa ko, nangialam sya, nananahimik lang ako, sya yung nagbubunganga. Lumayas hubby ko. Pero bumalik din dahil sabi ko, ganyan lang talaga si Nanay. Pero po, parang habang tumatagal, lalo ko na fefeel na wala ako power towards my baby. Sya lagi nasusunod. maharot asawa ko sa baby namin, ayaw niya. Ayaw niya nahinaharot baby namin. Kasi nasasaktan daw. Naawa naman ako sa asawa ko na di magawa gusto niya sa anak niya. Basta, parang may pader palagi. Feeling ko may poster na nakalagay lahat ng bawal at dapat. May binili ako, inubos niya agad kasi di yun ang gusto niya para kay baby. Nasasaktan na ako. Parang napapagod na ako na sya yung nagpapatakbo buhay namin. Nanay ko sya, pero iba na. Syempre wala ako kakampi sa bahay, kapatid ko sa nanay ko kakampi pag nag tatalo kami. Ang sensitive ko lalo na pag baby ko na pinag uusapan. Nandito na nga yung pagsisisi ko na, dapat tiniis ko nalang na ako magpalaki sa baby namin. Sana na di ako pumayag na kunin nila. Kasi kabaligtaran yung nangyari. I am thankful that they love my baby so much. Kasi yan lang baby sa bahay. But nagtatalo isip ko, if magsasarili na kami, malulungkot nanay kasi malalayo sya sa baby ko, pero mas lalo naman maliit mundo namin. Di ko na po alam. Umiiyak po ako kasi, kung ano ano sinasabi ng nanay ko. Kahit di niya banggitin, parang gusto niya ipamukha at isumbat na sya nag alaga, kaya sya ang may karapatan. Parang tagabili lang kami ng pangangailangan ni baby. parang yun lang role namin. Di namin katabi si baby kasi hinahanap niya si nanay. Masakit, pero tinitiis ko. Pwede ko ba pwersahin nailayo si baby para masanay na sya samin? Dapat ko ba tiisin lahat, para sa nanay ko na di sya malungkot? Di ko po alam, si hubby wala rin sinasabi sa sitwasyon. Wala ako mahingian ng advice. Huhuhuhuhu
« Last Edit: September 03, 2020, 11:02:11 am by Parentchat Admin »
Logged
Pages: 1 [2] 3