Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Author Topic: Nagpipigil si baby pag walang diaper. help! :(  (Read 8210 times)

danna04

  • Newbie
  • *
  • Posts: 38
    • View Profile
Nagpipigil si baby pag walang diaper. help! :(
« on: July 29, 2012, 08:59:29 pm »

Hi mommies. my daughter is 1y10mos. nag papanty narin sya and marunong sya magsabi if mag wee wee or poo poo sya. the problem is, she refuses to go sa toilet or any other way. gusto niya mag suot ng diaper para mag pee or poo! so sayang din ang diaper. but im happy na marunong sya magsabi. di ko lang alam what to do sa problem namin. baka may suggestions kayo,. tia po ! :)
Logged

studentmom

  • Newbie
  • *
  • Posts: 27
    • View Profile
Re: Nagpipigil si baby pag walang diaper. help! :(
« Reply #1 on: July 30, 2012, 12:19:27 pm »

mommy last 2 days ako ngstart turuan si baby sa pag wiwi sa toilet.. 2.1 years old na siya..
1st day umiiyak siya kc pinapagalitan ko pag nagwewee sa floor..
tampo tampo ko kunwari.. ayaw niya kasi nagagalit ako sa kanya..

2nd day until now, medyo ok na..
i keep on reminding my baby na sa CR wewewee.. hindi sa floor.. as in maya maya ko sinasabi na" sa CR weewee anak ha.." o kaya naman lagi ko siya tinatanong kung weewee ba siya..
pag nag yes, punta CR, minsan di siya weewee talaga.. nakakapagod pero tyagaan lang po..

tapos syempre, praise, applause and reward nung nagsabi siya ng "mommy weewee please" at ngweewee nga siya sa cr.. super saya naming magina that time.. pati siya tawa ng tawa nung naweewee sa toilet..

tapos mommy, ako kasi, nagpapaalam ako kay baby na magweeweewee.. tapos hinahayaan ko lang na open yung door nung CR namin, since kaming 2 lang dito sa bahay.. para makita niya na nagweweewee si mommy sa CR din.. tapos wash after.. ganun.. kahit nagpopoop ako (sensya na po.. hehe) nagpapaalam din ako sa kanya..
feelig ko kasi sa ganung paraan matatandaan niya yung mga tinuturo ko sa kanya..

imagine nung saturday lang ako nagstart.. nung 1st day, talaga namang naka 20+ panties ata si baby.. haha..

ngayon, effective na naman.. pero may mga pagkakataon na nakakawiwi pa din siya sa floor.. sasabihan ko na lang ulit siya pero hindi ko na pinapagalitan.. para hindi na umiyak.. natatakot kasing magalit ako sa kanya.. haha..

ayun mommy, sana nakatulong yung experience ko.. hehe
Logged

KVsmommy

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 477
  • Living a full life as a WAHMmy. :D
    • View Profile
Re: Nagpipigil si baby pag walang diaper. help! :(
« Reply #2 on: July 30, 2012, 01:57:25 pm »

sis danna04: baka 'scared' sya sa idea of going to the toilet? Does she have a potty seat ba sis? If wala pa, you might want to get one for her, if possible yung maganda yung colors or yung may 'sounds'. Maganda kasi if you give her the impression na going to the potty is something 'fun'. :) You can also make use of the chart and rewards system. :)

danna04

  • Newbie
  • *
  • Posts: 38
    • View Profile
Re: Nagpipigil si baby pag walang diaper. help! :(
« Reply #3 on: July 31, 2012, 05:49:23 pm »

meron sya potty seat. pinaglalaruan lang niya. kahit nga ako dinemo ko na mag pee sa potty seat niya eh! alam niya naman how kaso she refuses to do it talaga. siguro nga she's scared pa. sana gawin niya narin soon :(
Logged

KVsmommy

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 477
  • Living a full life as a WAHMmy. :D
    • View Profile
Re: Nagpipigil si baby pag walang diaper. help! :(
« Reply #4 on: August 01, 2012, 08:52:46 am »

Ahhh I see... tiyaga-tiyaga lang din sis. :) Potty training kasi ONLY becomes successful when the kid's ready for it. :)

sweetpumpkin

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 255
    • View Profile
Re: Nagpipigil si baby pag walang diaper. help! :(
« Reply #5 on: August 01, 2012, 09:52:03 am »

sipagan mo lang mommy danna04 na dalhin sya sa toilet. like evey 30 mins dalhin mo sya para magweewee. kasi nung nagstart pa lang daughter ko mag potty train, nagkaroon sya UTI. nagpipigil din kasi or. hindi niya natatapos ihi niya.tyagain mo lang mommy danna04. after ilang mos ok na yan... :)
Logged

danna04

  • Newbie
  • *
  • Posts: 38
    • View Profile
Re: Nagpipigil si baby pag walang diaper. help! :(
« Reply #6 on: August 01, 2012, 04:56:18 pm »

thanks for the advice mommies :))
Logged

baby chloe

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 99
    • View Profile
Re: Nagpipigil si baby pag walang diaper. help! :(
« Reply #7 on: August 26, 2012, 11:43:07 pm »

i have the same problem sis danna, my daughter is 2yrs 9 mos, nagpipigil din mag weewee at poop if di sya naka diapers. kaya pag di na talaga niya kayang pigilan, iiyak na at magpapa suot na ng diaper. then weewee or poopoo pag naka diaper na. she has her potty, ayaw talaga gamitin. don't know how to solve this problem. i hope she learns soon. gastos din kasi ang diapers  :(
Logged

kakay22

  • Newbie
  • *
  • Posts: 6
    • View Profile
Re: Nagpipigil si baby pag walang diaper. help! :(
« Reply #8 on: August 27, 2012, 10:52:21 am »

Hi mga sis! pano pag boy ang baby mo..pano tuturuan magwiwi? e pag girl papaupuin lang e pag sa boy kelangan nakatayo...my tips ba kayo mabibigay..boy kasi baby ko parang mhairap ata turuan pag boy..
« Last Edit: August 27, 2012, 10:54:17 am by kakay22 »
Logged

sweetpumpkin

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 255
    • View Profile
Re: Nagpipigil si baby pag walang diaper. help! :(
« Reply #9 on: August 27, 2012, 12:22:06 pm »

sis kakay22- my eldest is a boy. bago sya magy 3yrs oldnagstart na kami itrain sya magweewee sa toilet. dinadalasan lang namen na dalhin sya sa toilet.tapos tuturuan na ilabas ang patutuy niya para magweewee..malaking tulong ang daddy niya kasi minsan si daddy muna magweewee tapos sunod sya.ginagaya niya ang dad niya.dalasan lang lagi ang pagpunta sa toilet.minsan kasi sa sobrang busy nila paglalaro tinatamad na sila kahit nafifeel na nila na naiihi na sila.hanggang sa ayun abutan na nga ng pagihi sa shorts.ang daughter ko ngayon this april 2012 lang natuto at 2yrs and 7mos.kasi pumapasok na sya sa school.pero may times pa rin na inaabutan sya.lalo na pag sinusumpong talagang iihi sya sa pants niya.pero most of the time sa toilet talaga sya.she will turn 3yrs old next month.ngayon naman may bad habit sya.tuwing gabi ilang beses kami pumupunta ng toilet..at hindi para umihi,para tumambay..ewan ko ba sa anak ko.natutuwa sya sa cr masyado uupo lang sya tapos wishwish daw kunwari pero hindi naman tapos aalis na sa toilet seat.siguro every night nakaka-apat na balik-balik kami sa cr.may binili kasi kaming tungtungan na kahoy.para maabot niya toilet seat.ayun tuwang tuwa naman .hay...tyaga lang talaga.. :)
Logged

lykeil

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 126
    • View Profile
Re: Nagpipigil si baby pag walang diaper. help! :(
« Reply #10 on: August 29, 2012, 04:18:04 pm »

danna04 Yung bunso ko, when she was 2 years old at pinapasanay ko nang walang diaper at day time, nalaman kong nangingilala pala siya ng toilet seat at potty. Pag bago sa kanya, hindi mo siya mapapa wee wee kahit na need niya to go, so end up sa floor nga. Kanya kanya ugali ng mga bata. Find what makes her being scared of going to toilet, baka kasi ayaw niyang marumi, madilim. Kids need affirmation and moral support lalo na pag bago sa kanila. Marami pang dapat ipaintindi sa kanila at these age.

Kusa lang naman din aayaw sa diaper yan pag comfortable na siya sa CR nyo or potty training niya. Find the reason and you'll get the solution. : )
Logged

Morefun

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 230
    • View Profile
Re: Nagpipigil si baby pag walang diaper. help! :(
« Reply #11 on: July 03, 2013, 04:49:15 pm »

hi sis, nag start pa lang ako mag potty train kay baby.  she just turned 2 this june 18.  di ko ma follow up kasi working mom ako.  silang dalawa lang ni yaya sa house.  so hindi ko maituloy tuloy araw araw.  pag day off ko lang kami nag popotty train.
Logged

chardonnay

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 488
    • View Profile
Re: Nagpipigil si baby pag walang diaper. help! :(
« Reply #12 on: March 28, 2014, 11:15:39 pm »

mommies, do u have updates sa baby nyo? My 2yo & 3mos is also doing this. Tinanggalan ko ng diaper pag morning. Natuwa naman ako hindi wiwi sa panty kaso parang hino hold niya lang kasi pagka diaper, ayun ang dami bigla. Pag ask ko naman sya kung saan wiwi pag walang diaper, sumasagot naman sya ng "CR". Pag dinadala ko naman sa CR, sasabihin niya "wala wiwi". SInasama ko rin sya pag wiwi ko para makita niya. Sana dito niya inaapply ang sobrang pagiging gaya gaya niya hehe. I plan to buy story books about potty training, baka umepek :)
Logged