Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Pages: 1 2 3 [4] 5

Author Topic: Giving birth at Ospital ng Maynila (or other public hospitals)  (Read 73327 times)

mama-ni-miggy

  • Newbie
  • *
  • Posts: 2
    • View Profile
Re: Giving birth at Ospital ng Maynila (or other public hospitals)
« Reply #45 on: October 13, 2011, 07:11:43 pm »

mga sis,share ko lang po.. nagpunta po kami ng husband ko yesterday sa QMMC para magpacheck up and para magkarecord dun kasi sabi sabi sa akin mas maganda kung magka record daw kame sa public hospital.. sobrang haba ng pila para sa check up sa ward, kaya ang ginawa namin pumunta kami sa payclinic since check up pa lang naman kasi nagmamadali din kami, aasikasuhin din kasi namin yung sa SSS ko pati yung philhealth..

during may check up, ask ko na si OB kung may package ba sya kasi im 5 months and 3 weeks preggy kaya naghahanap na kami ng hospital.. pagka-ask ko kung may package ba sya, NGUMIWI sya sa amin before sya sumagot sa question ko.. tapos direkta niya kong sinagot na wala syang package.. 15k - 20k daw yung PF, 3 doctors na sila dun.. tapos ask niya ako kung sya ba mismo magpapaanak sa akin or magpaparefer lang ako sa ward.. sinabi ko sa kanya na magpaparefer ako (nagsisi tuloy ako bakit sinabi ko yung totoo, andaldal ko kasi.. hehe) medyo tumaas yung boses niya tapos obvious na nasira yung araw niya dahil dun sa direktang sagot ko, hindi lang daw ako ang gagawa ng ganun sa kanya.. tapos yung husband ko ask niya kung magkano yung private rooms nila doon.. sabi sa amin tanungin daw namin sa information, ayaw a kaming sagutin ng maayos, pero sabi niya 1.5 k daw private.. maglying-in na lang daw kami.. ilang beses nyang inulit ulit yun.. syempre, andating sa amin ng husband ko, minamaliit niya kami.. ask niya ako kung ano daw work ko, sabi ko kakaresign ko lang sa work ko, pati yung husband ko ask niya rin kung ano work.. paglabas namin ng clinic niya, sabi ko sa husband ko dapat pala sinabi natin dun sa OB, CEO ka para umamo sya ulit sa atin.. tinawanan lang ako ng tinawanan ng asawa ko kasi talagan gigil na  gigil ako sa naging reaction ng OB.. sabi niya tuloy sa akin hanapin daw namin yung anesthologist para daw kumalma ako.. dun lang ako naging ok kahit pano..


[/size]@ sheehan

Hi! Nakuha mo ba yung pangalan ng ob sa pay clinic. Balak ko rin kasing mag-pay clinic sa QMMC. Nirecommend nung OB ko dito sa clinica manila (Dra. Theresa Milan) si Dra. Mahusay, consultant raw sya sa QMMC pero pupuntahan ko pa lang sa Monday. Nanganak ako this year sa QMMC, Philhealth ward, tapos CS. Okay naman overall kaso shempre may mga bloopers at sablay sa hospital. Kung pwede lang sana, ayoko nang manganak ulet sa QMMC pero wala kaming money. Unplanned pregnancy itong sa kin. 8 months pa lang ang baby boy ko, almost 4 months preggy ako so ang EDD ko, third week ng March 2012.

Nabasa ko yung mga threads. Grabe! Nakakalula ang manganak sa private. Until now, hindi ko pa rin alam kung san ako manganganak. May sinabi sa kin yung officemate ko dati na mag-inquire ako sa charity ward ng St. Luke's. Magtatanong-tanong rin ako. Haist! Ang hirap pag nasundan agad! Wala kaming ipon!  :-[


Logged

sheehan

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 71
    • View Profile
Re: Giving birth at Ospital ng Maynila (or other public hospitals)
« Reply #46 on: October 14, 2011, 05:41:58 am »

sis if im not mistaken, si dra. favillar po yung name ng nagcheckup sa akin dun.. i were you, wag sakanya kasi matanda na po.. hehe.. parang mga 50+ na and masungit.. hehe.. ;D once lang po kami nagpunta dun ni hubby.. ang mahal din ng pf niya kasi painless daw kasi.. pf niya sa NSD yan sis ha.. hindi na niya sinabi sa akin yung rate pag CS..

sis, magkano bills mo sa philhealth ward ng QMMC?..kasi i decided na magmaternity clinic na lang ako tapos if ever na ma-CS ako (wag naman po sana) e sa QMMC na lang ako para makamura.. 1st baby ko po kasi..
Logged

mama-ni-miggy

  • Newbie
  • *
  • Posts: 2
    • View Profile
Re: Giving birth at Ospital ng Maynila (or other public hospitals)
« Reply #47 on: October 14, 2011, 10:54:07 am »

@sis sheehan:

Kung wala ka namang issues sa katawan (diabetes, or gestational diabetes, rheumatic heart) at kung sa tingin mo, kakayanin mo, mag-maternity clinic ka na lang. Basta, you have to make sure na reliable yung mga doctors at walang naging anomalies or issues sa mga pasyente nila before.

Anyway, nung nanganak ako sa QMMC last Feb 16, nasa Philhealth ward ako. 5 days and 4 nights ang stay ko so umabot ang bill ng Php 25k. Pero nabawasan ng 11k c/o Philhealth. So, mga 13k na lang, tapos inilapit ng mom ko sa Social Welfare, naging Php 8,500 na lang yung total bill namin.

If I have a choice, ayoko na sanang manganak ulit sa QMMC kasi marami silang pasyente talaga at di ka na nila maasikaso minsan. In fairness to them naman, maganda ang pagka-CS sa kin. Sabi nga nung OB ko sa Medical City, maganda raw yung pagkakatahi sa kin.  ;) Kaso, wala kaming ipon dahil 8 months pa lang yung first born ko. Hindi sinasadyang nasundan sya agad. 4 months na ko now, so pag 1 year ni first baby sa Feb. 16 next year, ipapanganak ko naman yung pangalawang baby namin. Sakit sa ulo! Pupunta ako ng QMMC sa Monday kasi wala akong pasok. Until now, naghahanap pa rin ako ng pwede kong panganakan na hindi masyadong mahal. Hopefully, makakita ako ng maganda pero affordable na hospital.
Logged

sheehan

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 71
    • View Profile
Re: Giving birth at Ospital ng Maynila (or other public hospitals)
« Reply #48 on: October 16, 2011, 06:55:14 pm »

so far sis wala pa naman akong narinig na masama dun sa maternity clinic na yun.. pero hindi ko pa napupuntahan yun now..  :) dami ko kasi ginagawa.. pag 9 months ko na, magpapalabtest ulit ako ng para sa uti, etc.

nung pumunta kami dun, grabe ang haba ng pila para sa check up.. kaya nag payward na lang kami.. taga san ka ba sis?.. yung sis ng fiancee ng kuya ko sa ospital ng maynila nanganak CS last april.. maganda naman daw.. tapos nagpakain na lang daw sila dun kasi wala silang binayaran.. except sa mga bulak, etc.. may mga nabasa rin ako dito sa sp regarding sa ospital ng maynila.... malayo kasi kami dun eh, sayang..
Logged

sether

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 60
    • View Profile
    • my investment opportunities
Re: Giving birth at Ospital ng Maynila (or other public hospitals)
« Reply #49 on: November 23, 2011, 02:00:17 pm »

Share ko lang mga sis since public hospital din ako nanganak nung first baby ko. Yung OB ko dati is from Lourdes Hosp. sa may Mandaluyong kasi mas malapit kami dun kaso nung malaman ko na CS ako kasi breech at sabi nung OB maghanda ako ng 60k eh umuwi kami ni mother in law dito sa province sa Bataan kasi mas mura daw at nurse din yung pinsan nila. 5k-7k ata ang nagastos namin libre kasi yung doctor hehe pancit lang ata pinadala then yung anesthesiologist eh nasa 1k ata lang kaya super mura then. I'm on my second baby now at since dito na kami stay sa province eh dito na din ako ulit manganganak hehe. Bago na yung hospital so I think malinis naman iniba na kasi simula nung nanganak ako 6 yrs ago. Hopefully nasa ganun pa din yung gastos wala kasi kami philhealth and sss eh hindi na cover kasi na miss ko yung isang quarter kaya too bad talaga sayang din ang benefits. May nakausap kami classmate ata ng asawa ko dati naka 500 lang ata daw sya sa binayaran niya normal delivery naman ata sya hehe. Sabi nung OB ko nung una ako nagpacheck up for this second baby eh pwede daw ako may normal or CS, parang takot na nga ako mag normal hehe.
Logged

momzen

  • Newbie
  • *
  • Posts: 5
    • View Profile
Re: Giving birth at Ospital ng Maynila (or other public hospitals)
« Reply #50 on: January 29, 2012, 09:55:26 am »

hi mga mommies ako im planning n s east ave mnganak. though s cpitol ako ngpacheck up for 7 mos. s capitol 50 to 60k  s ward un at normal lang what more kng cs ako db. while s bgong ob ko 25k all in na nkaprivate pa ako s east ave. at mabait p yung o.b.  ko unlike s capitol msungit n ang mhal pa.

marami n dn ako nkkausap n mommies s east at ok naman yung delivery nila s ob ko
====
Hi sis Abril21, natuloy kaba sa East Ave MEdical Center? KElan EDD mo? Pwede ba malaman sino OB mo. Sis balak ko din lipat galing din ako ng Capitol MEd at same lang tau ng quote, nakakapanlumo hay....help me naman sis. Bigyan moko hint...Thanks
Logged

adaengkantada

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 132
  • speak out even if your voice is breaking
    • View Profile
    • Halo-Halong Kalamay
Re: Giving birth at Ospital ng Maynila (or other public hospitals)
« Reply #51 on: February 01, 2012, 08:36:30 pm »

hi mommies!

ako both times sa PGH ako nanganak. CS din pareho.

sa 1st baby ko, mga 20k lang nagastos namin, Pay Ward para mas mura kesa private room, pero aircon ang room at yung OB mo din ang aasikaso sa yo.

sa 2nd baby, nasa 30k na ang gastos. same pa rin, pay ward.

tipid na rin pero hindi naman uncomfortable ang feeling. ok nga kasi me makakachika kang ibang nanay or lola kapag bored ka.
Logged
If you like online contests, earning opps and great deals, please LIKE my page!


https://www.facebook.com/pages/Halo-Halong-Kalamay/104953612931886?sk=wall][img]http://mangovpn.com/hil

mauisalang

  • Newbie
  • *
  • Posts: 2
    • View Profile
Re: Giving birth at Ospital ng Maynila (or other public hospitals)
« Reply #52 on: February 03, 2012, 05:54:31 pm »

hi mommies!

ako both times sa PGH ako nanganak. CS din pareho.

sa 1st baby ko, mga 20k lang nagastos namin, Pay Ward para mas mura kesa private room, pero aircon ang room at yung OB mo din ang aasikaso sa yo.

sa 2nd baby, nasa 30k na ang gastos. same pa rin, pay ward.

tipid na rin pero hindi naman uncomfortable ang feeling. ok nga kasi me makakachika kang ibang nanay or lola kapag bored ka.

Hi Mommy adaengkantada! Kelan ka nanganak sa 2nd baby mo? Plano ko rin manganak sa PGH.
Logged

adaengkantada

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 132
  • speak out even if your voice is breaking
    • View Profile
    • Halo-Halong Kalamay
Re: Giving birth at Ospital ng Maynila (or other public hospitals)
« Reply #53 on: February 05, 2012, 12:40:47 pm »

@ mauisalang

last jan 24 2011 ako nanganak dun.

hanapin mo si dra. aguilar. sya yung doctor ko dun. teka, exclusive pala sa 30k na sinabi ko yung pf niya, arnf 18k din kasi pala yun.
Logged
If you like online contests, earning opps and great deals, please LIKE my page!


https://www.facebook.com/pages/Halo-Halong-Kalamay/104953612931886?sk=wall][img]http://mangovpn.com/hil

working_girl88

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 90
  • working girl
    • View Profile
Re: Giving birth at Ospital ng Maynila (or other public hospitals)
« Reply #54 on: February 06, 2012, 11:24:23 am »

sa QMMC ako nanganak, pay ward. ok naman yung naging experience ko kahit public yung hospital. wala akong philhealth kaya 26k ang binayadan namin, NSD ako. 2  1/2 days kami dun. si dra eleanor de vera ang OB. mabait and hindi ka peperahan. i recommend her kasi ang daming advice and chika about pregnancy. sarap kakwentuhan. ;D
Logged

crazykikaylen

  • Newbie
  • *
  • Posts: 2
    • View Profile
Re: Giving birth at Ospital ng Maynila (or other public hospitals)
« Reply #55 on: May 09, 2012, 06:17:31 pm »

@trinity_ata

hi sis! would u know how much it would cost pag dun sa private area nila? kasi plan ko din dun manganak. wala kasi ako philhealth and sss. i'm due either last week of may or first week of june eh. may tendency na ma-CS pa ko kasi mataas ang blood sugar ko and baka maging malaki si baby. hope to hear from you. thanks! :)
« Last Edit: May 09, 2012, 09:16:00 pm by toughmom »
Logged

annekjarki

  • Newbie
  • *
  • Posts: 8
    • View Profile
Re: Giving birth at Ospital ng Maynila (or other public hospitals)
« Reply #56 on: July 11, 2012, 02:34:42 pm »

Hi!  :)

ask ko lang po baka meron sa inyo mganganak or nganak recently sa ospital ng maynila? pa share naman ng ginastos niyo and experience much better if cs kasi sched cs ako...
malapit na ko manganak mga 3 weeks nalang at hindi pa fully ayos yung details ko dun...
irerefer nalang kasi ako ng ob ko sa isang ob doon sa OMMC.

sana mahelp niyo ko with your sharings....ty
Logged

jamillahreign

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 56
    • View Profile
Re: Giving birth at Ospital ng Maynila (or other public hospitals)
« Reply #57 on: July 11, 2012, 11:49:36 pm »

mga  mommies share lang po...about  STA.ANA  HOISPITAL..;))


sta.ana hospital po ako nanganak last feb.19,2011.
yeah according to other sisses tama po sila daily check-ups ko po dun din need na po pumila as early 3am..but on my 7 months na po hindi na ako sumasama sa  hubby ko para maghintay ng maaga...8am pa kasi ang check-up nila..

ok naman po sa sta.ana..nung time na manganganak ako kahit isa lang yung doctor may nagbabantay sakin na isang nurse kahit 6 mommies kaming naglalabor sa labor room...but mahirap lang sa situation ko that time is 6am pinalalakad lakad ako then 9am IE 8cm na..so pinahiga na ako then 11am pumutok na water bag ko tapos dinala ko sa labor room...they say "crowning: na daw so nakikita na nila yung hair ng baby ko..eh isa lang yung doktora that time then my nagCS pa...so nauna yung cs sa akin pintgilid ako hilab ng hilab yung tiyan ko dahil naiinject na ako ng pangpahilab..then mga 12:00pm dinala na ko sa delivery ..may isang nurse na nagbabantay sa akin...then ire lang daw ako yung di ko na talaga kaya kasi di na humihilab tiyan ko umalis bigla ,,,then ilang minutes bago bumalik,,,OH MY ...todo pigil ako sa pag-ire kasi baka mamaya lumabas ulo ng baby ko malalglag dun sa nakasahod na plastic...mga 3pm need na raw i-push kasi malapit na daw yung head..so pussshhhh.....dumating si doctora save by the bell lumabas na rin baby ko by 3:30pm...haysssss


after nun sa recovery room na..tutulungan ka nila i-breastfeed si baby..

sa room maganda po aircon po then 1 bed for me and to my baby...1 lang po pwedeng bantayunless oras ng dalaw...8am-8pm po oras ng dalaw[....libre foods breakfast,lunch and dinner ....mas maganda na rin po kung may maghahatid sa inyo ng food kasi wala pong lassa yung food nila hehe;))))

wala po akong binayaran sa hospital maliban po sa newborn screening ni baby worth 600php
then naka almost 3k lang po ako sa pinabili nila na mga needs sa panganganak ko...so sulit talaga laking tipid....^_^

/size]
Logged

mandyislove

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 106
  • AMANDA REESE...an answered prayer!
    • View Profile
Re: Giving birth at Ospital ng Maynila (or other public hospitals)
« Reply #58 on: August 08, 2012, 04:22:53 pm »

sayang now ko lang nabasa ito, last year papala itong thread...


Nanganak ako sa Ospital ng Maynila Medical Center (yan nakalagay sa busy ni baby ;D ) nung June 02, 2010. Nagka idea ako dito kasi yung friend ko sa uzzap dito daw siya manganganak at maganda daw dito. Yung tita din ni hubby na nanganak ng twins a year earlier dito din. So ayun punta ako dun around May 9, 2010 ata para magpaschedule ng check-up, June 9, 2010 ang schedule ko, 1 month in advance ang pagpapaschedule, siguro dahil nadin sa dami ng patients. Ginamit ko Manila address ni hubby kahit sa Parañaque kami nakatira. Then nung mga 3week of May nagka Bell's Palsy ako, 38weeks ako that time, sa OM nadin ako nagpacheck-up, yung check-up sana na aabutin lang ng less than 2 hours, inabot na ng gabi! Akala ko nga makakapasok pa ako sa office, pero hindi na, nagworry nga din mama ko nun, kala niya nanganak na ako kasi whole day ako wala. Inadvise pa ako ng OB dun na mag Eveprim which I never bought kasi nagkukuripot na ako that time at naisip ko ayoko pa manganak ng May, gusto ko kasi sa June ;D  Before pala nung check-up na yun pumunta muna ako ng OPD, gusto ko na kasi magpacheck-up kahit wala pa yung scheduled check-up ko dahil nga sa Bell's Palsy ko, ayun sinungitan ako nung OB kasi pabalik balik ako kasama yung lesbian na nurse-secretary na nagwoworry nadin siguro sa condition ko, sabi ba naman sa June 9 pa nga daw check-up ko at kung nagwoworry na daw ako sa condition ko eh di dumiretso na daw ako sa ER, kaya yun nga dumirertso na akong ER!


In less than a week nanganak nanaman ako, dinala ko lang yung index na binigay sakin nung nagpacheck-up ako a week earlier, same set of questions, natatawa pa ako dun sa intern, nung nagtatanong, "ah magiging maselan po ang mga susunod na katanungan..." ang sagot ko lang, "ah oo may idea na ako, tinanong na sakin yan last week eh. hehe" Kahit sobrang sakit na dahil naglalabor na ako may time padin ako mag-observe sa mga patients around me. That night ang daming tinatanggihan na patients sobra, panay pray ko na sana wag ako tanggihan at nagtitipid nga kami ni hubby, but I guess kapag Manila resident ka hindi ka pwede tanggihan kasi pero taga ibang lugar yung mga tinatanggihan nila, meron pa nga dun sabi nung OB "nagalaw" na daw, hindi ko pa alam exact meaning nun, sabi lang ng ka officemate ko inattempt daw ipalaglag, pero deny to death namin yung magnanay at sabi yun din daw sinabi sa kanila sa ibang hospital. sabi pa nga ni Doc, "bakit ba dito kayo lagi pumupunta, dami naman ospital dyan! May East Ave..." Ilang oras din ako nag-antay sa ER, napanatag lang ako na dun talaga ako manganganak nung pinabili na ng gamit si mama at hubby, halo halo, sanitex, suture, IV cath, adult diaper, binili sa drugstore sa tapat worth almost P1,600. Pinatanggal damit ko at pinagtapis ako ng hospital blanket. Nalaglag pa yung IV cath bago ilagay, sinabi ko nga kay doc (alam ko intern lang siya) na nalaglag na yun at sa isip ko talaga gusto ko palitan ng bago. Ayun naka ilang tusok din, hirap hanapin vein ko. Eh di yun habang nag-aantay sa elevator, may nilabas ba naman from the elevator na patay na kahit nakabalot ng blanket kita mo malaki pa tummy, nakakapanglambot talaga!


Pagdating sa OR/DR pinalipat ako sa isa pang stretcher, imagine yung hirap na sobrang sakit na dahil naglalabor ka tapos mano mano ka lilipat dun, pinatanggal nadin yung kumot, in short wala akong suot papunta sa labor room, hindi ko na naisip ang hiya that time, naisip ko lang gusto ko maideliver safely si baby. Pagdating sa makeshift labor room na gilid lang ng OR, pinalipat ulit ako ng isa pang stretcher na mano mano, at binigyan ng pillowcase as sapin, nilagay din sa tummy ko yung pagmonitor ng heart rate ni baby, buti at nauna ako kasi yung sumunod sakin walang ganun... every now and then IE si doc, naririnig mo din na may nanganganak sa DR na ilang steps lang ang layo, nung hindi ko na talaga kaya, tinawag ko na si doc, ayun lipat ulit sa stretcher, sabi ko hindi ko na kaya at baka mapaanak na ako, wag daw, that time medyo inalalayan na ako, nasanggi ko pa nga yung dextrose stand nung katabi kong naglalabor... Pagdating sa DR, lipat ulit, sa delivery table naman, after konting ayos, pinapush na ako, first pursh walang dating, tinanong ko si doc kung isa pa ;D  then nung second push lumabas na si baby! eto na yung worst part, episiotomy na! may anesthesia daw, pero sobrang sakit talaga, panay ouch ko, naartehan ata sakin yung nurse at ginaya ako...


Ilang hours din ako sa recovery room, siguro dahil wala pang vacant na bed, 4:39am ako nanganak, mga after around lunch time dinala na ako sa room, 2 in 1 bed, nung late afternoon tsaka hinatid si baby, nadelay compared sa ibang babies kasi nagsuka daw, inoobserbahan pa, kapag nailabas na daw kasi ng nursery hindi na pwede ipasok dahil sterile daw ang nursery. So ibig sabihin sterile din yung langaw na nakita namin nung viewing hours :o  Sobrang naawa lang ako kay hubby kasi nung around 11:30pm pinapalabas na siya, bawal daw bantay, nagstay lang sa labas ng hospital si hubby na nilalamok, bumili lang ng karton para may maupuan, sobrang hirap talaga, never ko naimagine na ganun mangyayari. The next day mga lunch time din, pinapa discharge na ako, nainis pa nga si mama kasi andun pa kami hinatid na agad yung next patient, ako nadin nagfile ng busy sa baba. Sabi nung friend ko na on the same day din nanganak pala, may mga payward daw, sana nga nag-avail na kami at naawa talaga ako kay hubby. Yung BIL din pala ng lolo ko head ata ng Pathology Dept, hindi ko man lang naapproach ni minsan... before discharge pala pinagdonate lang kami ng zonrox at powder soap... wala pang 2K ang gastos, mas malaki pa ata nagastos sa food kasi nagpadeliver pa kami ni hubby, nakakahiya lang sa ibang patients na nakatingin sa inyo at lugaw ang kinakain...


sorry po napahaba ang kwento...
« Last Edit: August 08, 2012, 04:26:57 pm by mandyislove »
Logged
Some people think it's holding on that makes one strong, sometimes it's letting go...

annekjarki

  • Newbie
  • *
  • Posts: 8
    • View Profile
Re: Giving birth at Ospital ng Maynila (or other public hospitals)
« Reply #59 on: August 15, 2012, 08:22:35 am »

Hi! mommies :) nganak na din ako sa wakas :) via cs in OMMC last Wednesday 430am.
before ako magshare can relate talaga ako sa earlier post ni mandyislove...almost still the same pa rin ang procedure nila...

supposedly Monday August 6 ako mangnanak since schedule cs naman ako kaso noong nan doon kami sa OMMC may nagadvise sa hubby ko na may ibang paraan pa mas mura manganak doon.so aun yung supposedly "pay ward" na beauty ko inilipat ng charity.

ni reschedule ako ng Tuesday so ayun the next day kami bumalik despite the weather.aun.sa OB ER room ako tumambay simula 9am.pagkatapos ng interview ko sinubaybayan ko yung higit 15 plus na mga ina na naglalabor,nakunan,nagpalaglag,nganganank at iba pa. may 4 na nurse/doctor that time na pansin kong stress na stress (2 days straight na raw kasi sila nag duty,yung dapat kapalit nila di pumasok dahil sa baha). tuloy ang buhos na pagdating ng mga pasyente kala ko nga magnonormal delivery na ako sa mga na witness ko.habang hindi pa literal lumulitaw yung ulo ni baby,hindi ka dadalhin sa delivery room.karamihan sa patients sa malalayong lugar at grabe iba iba ang trip.sinabihan ako ng nurse mag antay ako muna dahil uunahin ang mga nagaagaw buhay at puno rin yung operating room.so aun mega rosary ako habang view ko lang yung mga nakikita ko doon.pati si hubby sa labas na shock din hindi mapakali. natapos ang Tuesday andun pa rin ako sa er room ng sinabi bandang 2am ng Wednesday go na ako sa operating room.430am ako nanganak den yung recovery stage then sa room na ako nilagay.take note walang elevator kaya nakastretcher me ibinababa sa stairs (parang nagrollercoaster pa ako) sa room panay cs kami mga 5 nanay andun.mahirap makapagpahinga sa kwarto saan ako nalagay.may ibang rooms doon na okey naman ang ventilation.nakipagchikahan ako sa ibang mommies doon at yung sad part lang is most of them think hindi porket charity ward (zonrox n sabon) ang babayaran ay mega susungitan na sila ng mga nurse o doctor.hindi rin lahat ng ina na doon ay nagiinarte kaya kelangan sigawan.
for me...kung may budget ka naman talaga mas comfy talaga sa private pero kung wala talaga at napunta ka sa public...expect mo na yung mga bagay na hindi ganun ka okey ang tanging panaga mo lang talaga mahabang pasensya,puspusan na pagdarasal,alert na kasama (bantay) at ikaw mismo bilang ina be strong :)

p.s mga asa 7k pa din nagastos namin dahil sa mga gamot and dugo plus the zonrox and the bar of soap.
3 days lang ako nagstay sa OMMC. I'm glad im home and Me and my daughter are doing fine :)
Logged
Pages: 1 2 3 [4] 5