embed embed2

Parent Chat

Advanced search  

News:

watch now
Pages: 1 [2] 3 4 ... 10

Author Topic: All about speech delay and speech therapy  (Read 153289 times)

ELENRN

  • Newbie
  • *
  • Posts: 20
    • View Profile
Re: All about speech delay and speech therapy
« Reply #15 on: August 12, 2011, 12:43:22 pm »

Actually, hindi ko po talaga napapansin na hindi gaano nag sasalita ang son ko,siguro dahil busy rin ako sa work. Na alarm po ako nun madinig ko mga kaopismates ko na may mga anak din na same age ng anak ko
na nag kukwentuhan tungkol sa mga kadaldalan ng mga anak nila. Sa isip ko lang bakit parang ang anak ko hindi pa ganun ang pinapakita at hindi din tumatawag ng mommy, kaya po nag decide ako na pumunta sa Dev.Ped. Before kami nag punta sa doctor confident ako na OK yun son ko at speech delay lang talaga. Kaya nun sinabi ni Dev.Ped. na nag sususpect siya ng AUTISM para akong sinaksak sa dibdib. The following week po nag punta ako agad sa school ( Mainstreaming school ) para maenroll na yun son ko at maagapan na kung ano man problem. Thank god at nakita ko kaagad ang improvement sa kanya at bigla siya nag salita ng MOMMY nun first day niya sa school kasi napansin niya na wala ako at yun SPED Teacher lang ang kasama niya. 6months ako nag night shift para lang po samahan siya sa school dahil gusto ko makita ang behavior niya. Im happy sa nakita kong improvement at sulit lahat ng sakripisyo. I realized na dapat po talaga bukas at malawak ang isip natin mga parents pag dating sa mga anak natin lalo na pag may special needs. God is with us.
Logged

ELENRN

  • Newbie
  • *
  • Posts: 20
    • View Profile
Re: All about speech delay and speech therapy
« Reply #16 on: September 08, 2011, 10:08:26 pm »

Sis swtgrl_bee, malaki na ang improvement ng son ko alam na niya ang ABC, sa numbers ilan pa lang ang nasasabi niya in random order. Sa colors nasasabi na niya ang blue and red, sa shapes he can say circle. Napansin ko kasi mdami na siya alam pero yun iba naa identify niya thru sight reading. Yun dami ng words na nasasabi niya hindi ko pa alam kung ilan pero marami na at malaki na talaga ang improvement compared nun 21 mos. pa lang siya. Sa ngayon hindi pa siya nakakapag 2 word phrases pero masaya na rin ako kasi nakikita ko na nagpipilit na siya magsalita at everytime may makita siya na alam niya sasabihin niya at ituturo sa amin. Sabi ng DevPed hindi pa siya pwede mag speech therapy kasi hindi pa ok ang sitting niya kaya yun muna ang aayusin before mag start ng therapy. As of now satisfied naman ako sa natututunan niya sa SPED sessions niya.
Logged

mommyjanice

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 197
  • Life Is not fair, but it's still good
    • View Profile
Re: All about speech delay and speech therapy
« Reply #17 on: September 12, 2011, 04:32:12 pm »

Minsan nga nagagalit nasi Hubby kasi ang kulit ko daw.. sabi ko kasi ipa- assess na namin kaso ayaw niya.. Baka daw ako ang may sapak  ;D ;D ;D... ALthough minsan, pag my sinasabi kami like La na, ang sasabihin ny, Nana???o di ba bonggaluts...

nakakaintindi sya-oo
sumusunod naman-oo
yun nga lang,ala pa talaga nasasabi..mama lang talaga..sana nga po delayed lang..at kung delayed lang eto, kaylan kaya matuto?? ::)  :(


Sis Elenrn,

Magkano expenses nyo, sino at saan yung  Developmental / Behavioral Pediatrician nyo>.sorry Im makulit kasi worried na talaga ako.

BTW, 2 years old na sya nung Sept. 10.
Logged
[Consider pursuing your dream like a 400 meter dash. Lock your eyes on the finish line; be aware of your competitors without taking your eyes off your goal. Kapag linga ka ng linga at lingon ng lingon, di ka pa nakakalahati, semplang na ang byuti mo. Pakialam mo sa takbo nila? Ayusin mo ang takbo mo

ELENRN

  • Newbie
  • *
  • Posts: 20
    • View Profile
Re: All about speech delay and speech therapy
« Reply #18 on: September 12, 2011, 05:10:36 pm »

@Sis momcri-c
 Same po yun son natin hindi pa rin po siya nakikipag usap, one word din lang po. Based po sa kwento nyo nakakaintindi naman ang anak nyo at nakakasagot kahit one word lang. Pag Autism po hindi sumusunod at pag tinawag ay hindi lumilingon parang bingi at may sariling mundo. Kung nakakapag communicate po siya at may gestures ok po yun. Pero kung worid kayo mas maganda if mapa assess nyo siya sa Developmental Pediatrician para may peace of mind kayo. Taga laguna po kami, ang DevPed po ng son ko ay si Dr.Joel Lazaro. Sa Manila po mas marami kayo pagpipilian na DevPed.
Logged

riddermark

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 590
  • back to my old name
    • View Profile
Re: All about speech delay and speech therapy
« Reply #19 on: September 15, 2011, 05:02:54 pm »

we're transferring to another center as advised na rin ng dev pedia namin. doctor didn't like the pathologist's approach

my youngest is now 1yr 8mos and could not talk yet. the only word i know he knows is "baba-bye" (bye-bye). he has good eye contact. responds when called but not when he's in front of the TV talagang di sya lilingon. has a happy disposition, likes peek-a-boo. does hand flapping sometimes and spinning but some says it's acceptable with his age. i think he can "understand" (compared to my eldest when he was that age).  sometimes din pag na focus sya sa wheels ng car, he would play with it (spin), amazed sya but he knows how to play with it the normal way. doesnt do lining up naman.

do you think i should really worry? paranoid ako e but im not taking him for assessment yet. kasi if i compare nga with kuya nung same age sila, mas sociable sya.  but he can't talk yet.

what do you think?
« Last Edit: October 03, 2011, 05:27:31 pm by riddermark »
Logged
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
God created little boys for He knew that there should be lots of love and happiness added to a family.

mingzhou

  • Newbie
  • *
  • Posts: 1
    • View Profile
Re: All about speech delay and speech therapy
« Reply #20 on: September 19, 2011, 03:33:33 pm »

Hello Nanay Iza, I'm a speech-language therapist. Normally developing 2-year olds typically speak 2-3 word strings. There are several causes of delayed speech in children and seeing a speech pathologist or a child development specialist will help identify specific language/learning/behavioural/intellectual issues, if any. If you believe there is something wrong with your child's language skills, it won't harm to see a therapist or a doctor for a consult :)

See the American Speech-Language-Hearing Association's website: http://www.asha.org/public/speech/development/12.htm for more information on language milestones.

This advice is for educational purposes only. It must not be used as a substitute for professional medical advice.
« Last Edit: June 28, 2018, 03:23:43 pm by Mommyjazz »
Logged

justine2007

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 127
    • View Profile
Re: All about speech delay and speech therapy
« Reply #21 on: September 20, 2011, 05:07:03 pm »

hi sis riddermark...  alam mo yung baby ko worried din ako before kasi 2 y/o na hindi pa ganong nagssalita lagi nga rin akong nagbabasa dito sa SP about sa speech devt. ng mga babies gusto ko na nga ring dalhin sa dev. pedia kaya lang sobrang layo dito kasi ako sa province and kasi wala naman siyang sign na autistic siya or something kaya medyo minsan nawawala ang pagka paranoid ko about that nung nag 3 siya aun dumaldal na ngaung 4 years old na siya super super daldal na and pati paglalakad niya delay dati 1.5 siya bago naglakad... kaya wag mag worry if wala naman taung nakikita na sign na may ibang problem siguro may bata lang na ganun na delay ang ibang development.... 
Logged

Nanay Iza

  • Newbie
  • *
  • Posts: 21
    • View Profile
Re: All about speech delay and speech therapy
« Reply #22 on: September 21, 2011, 02:20:21 am »

@ Sis mingzhou - Thanks po sa advice. Actually natatakot po kasi talaga ako..there were times na pag naiisip ko, naiiyak ako pero nandun pa din yung takot na baka maconfirm na ganun nga..  :(  Night shift kasi ako so I was thinking baka kulang lang din ako ng time kay baby kaya hindi pa sya marunong magsalita. Before kasi pagkauwi sa bahay antok na ako pero ngayon naglalaan na ako ng time para magplay kami & tinuturuan ko sya kahit hindi sya nakikinig. Tsaka nlilimit ko na yung pnunuod ng tv. Sana talaga mag improve. Pero magpa sked na din ako sa dev ped para sure. :)

Logged

otsowaloeyt08

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 50
    • View Profile
Re: All about speech delay and speech therapy
« Reply #23 on: September 21, 2011, 09:59:02 am »

hi mga sis!

update ko lang kayo. last week we visited my son's pedia for vaccine.. and she again said that my son needs assessment from a dev pedia. malambot pa daw ang tuhod.

pero magkaiba kami ng opinion ni doc.. my son improved a lot.. ngayon at 15 months he is walking n naman.. short distances pero kasi ang bigat niya. tas sa speech naman, my mga recognizable words na naman.

dapat daw kasi at 18 months he is running na tas knows at least 10 words. sabi niya, baka delayed nga kaya she urged me to schedule an assessment.

naghintay na rin naman kami ng 3 months.. kaso un mil ko ayaw.. normal naman daw son namin ang talino nga kasi magaling mag-observe at he imitates un mga ginagawa namin kahit one time lang niya makita.

pero kami ni hubby is willing to go to a dev pedia. hanap pa kami ng sked na ok din s sked ni hubby..

@nanay iza - naranasan ko din un ganyan feeling na naiiyak at nanghihina dahil sa pagwoworry sa maga possibilities.. lalo na nung gustong gusto ni baby na magspin ng wheels. pero i thought na hindi puwede un ganun so nagbasa ko. and isa sa mga good advises is bawasan ang tv o no tv talaga. after nun natuto siya to point out things and mas naencourage siya to converse kahit di pa recognizable un mga sinasabi. at least kita namin un development. dati kasi pag-umaga at magprepare ako ng breakfast and others, haharap ko siya sa tv kahit educational dvds un, iba pa rin. tas sumunod, i name things na lagi niya ginagamit o nakikita. mas ok din na you desacribe un things na ginagawa mo.. at marami rin nag-advise to use one language lang kasi baka nalilito siya. kaso kami minsan sa kanya english tas kami sa bahay tagalog, baka nga nakoconfuse siya.. books din magandang start ng speech development.

@ sis justine2007 - sana nga ganun din ang baby ko. congrats sa inyo!
Logged

LX

  • Newbie
  • *
  • Posts: 1
    • View Profile
Re: All about speech delay and speech therapy
« Reply #24 on: December 28, 2011, 01:56:43 pm »

Hi mga mommies! Kaka register ko lang po dto. And I register because sa topic na ito.

Super nkakarelate ako sa inyo. My Daughter is now 2Years & 3Mos Old. She learned to walk when she was 1Year & 9Mos (Late na - But parang sinadya para gift sa papa niya kasi exact BDay ng Hubby ko sya naglakad, super great gift).. And now, she can only say "Baba", "Dada", "Papa", "Ma". Kahit na yan palang ang kaya niya sabihin I'm so happy kpag nnaririnig ko sya.

She can point the sky when she hears an airplane and when she sees it. She huggs us without reason. She is showing a sign pag nakakakita sya ng food bec she want to eat. But hndi niya padin alam what is a ball, an apple, flower, the things na dapat alam niya na. She can't even zip pa sa straw. Hndi niya din ako tinatawag na Mama. Sa ngayon, mabibilang palang ang mga alam niya.

The Dev't Ped told that she has GDD. Super sad ako but I know may pag asa pa so nag focus talaga ako sa baby ko. I'm always praying na sana maging ok na.

She went to an Early Intervention Class - Occupational Therapy for 6Mos, She was enrolled when she was 1Year and 2Mos. And super ang laki ng inimprove, dyan niya natutunan yung mga alam niya ngayon. Super bait bait ng teacher niya & I know love na love ang baby ko dun, nung una nga lang sobrang iyak ng iyak ang baby ko but after mga 2weeks, ok na, love niya na pmunta sa class niya. Nagsisisi ako na inistop ko sya after 6Mos, medyo mahal kasi P400/Hour for Occupational Therapy. But, I'm planning to enroll her again kasi sulit naman talaga, sana mahabol niya agad yung mga delays niya.

I can't wait for my Daughter to talk. To express her feelings the way we can understand.

Pahingi naman advice mga mommies sa mga routines nyo ni baby!  :)

Goodluck din sa mga babies nyo mga mommies! Andyan si Lord and will always help and guide us. Mahalin natin ang mga anak natin kahit ano pa ang mali sa knila, they need attention, so let's give them..

Xoxo
Logged

ELENRN

  • Newbie
  • *
  • Posts: 20
    • View Profile
Re: All about speech delay and speech therapy
« Reply #25 on: January 05, 2012, 12:13:28 am »

@ Sis LX

Hello po. Nag early intervention din ang son ko for 6mos. 21 mos.old siya nun mag start kami kasi hindi din nagsasalita. Communication Disorder ang diagnosis ng DevPed niya. He is 2yrs. and 8mos. na ngayon at madami na siya nasasabing words. Malaki talaga ang improvement pag nag tetherapy. At present naka enroll ang son ko sa
SPED. Hindi na siya nag OT. Tuloy mo lang yan sis kasi worth naman kahit magastos lalo na pag nakikita natin na may improvement ang mga anak natin.

God Bless You  :)
Logged

Teacher Li

  • Newbie
  • *
  • Posts: 2
    • View Profile
Re: All about speech delay and speech therapy
« Reply #26 on: January 11, 2012, 07:15:42 am »

hi mommies. im Teacher Li, a speech therapist in Pasig. normally,when a parent asks for my opinion as to when to seek professional help i always answer that if you (the parent) feels na may delay na tlaga,it's time to consult a professional na,no matter how young the child is. these days, we opt for prevention than "waiting it out". kasi some kids will develop talaga in time but some kids dont. so if you have extra money naman, better consult na to avoid risking further delays. it's better if we start speech therapy (or any intervention) early.
Logged

buuurp

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 669
    • View Profile
Re: All about speech delay and speech therapy
« Reply #27 on: March 05, 2012, 01:34:03 pm »

Nakakapressure naman, 13 months na si baby at wala pa syang first word. Sabi ng new pedia namin kapag 24 months na wala pa din atleast 2 phrases speech therapy na. Sabi naman ng matatanda dahil sa sobrang liksi ni baby nauna maglakad at 9months eh talagang delayed. Sabi ng doctor kasabihan yun, nowadays talagang speech therapy if at 24 months wala talaga.

Binawasan ko na tv niya - fave niya baby einstein, baby can read, mickey mouse club house, dibo, sesame street. Pero syempre if si yaya kasama tv sila na puro for educational naman, kinakausap din nama sya lagi ni Ate Beth at lalo na ko. Minsan nakakafrustrate kapag magflashcards kami (bigay ni doc) di niya ko pinapansin. Papansinin lang niya ko kapag kumakanta or may sounds or tungkol sa animals. Nagrerespond lang sya ng point ng fingers kapag tinanong where's Pio? Where's the light? Where's the pig? Hayyy. Kapag where's mommy or daddy wala sarili pa din niya turo niya.

Nakakabahala - kada visit namin pinapakita ni doc yung mga picture ng ball, cat, bell, cup - nakatitig lang sya. Wahhh, help. Buong time na magkasama kami daldal ako ng daldal na im mommy, ur pio, thank u pio, whats that pio, tumatawa lang... Ano pa ba tips na pwede ko gawin para magutter ng first word si baby?
Logged

Sometimes, its not that people change…you just find out who they really are.

imeego

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 340
    • View Profile
Re: All about speech delay and speech therapy
« Reply #28 on: March 05, 2012, 04:11:14 pm »

^try mo sis expose sya more sa books, yung mga board books with colorful pictures para makuha attention niya and lagi lang kausapin...baby ko di nanonood ng tv kahit educational di sya interesado, sandali niya lang titingnan pero sa books mahilig sya...at first talagang titig lang sila, no reaction pero eventually matututunan niya din...make sure na when you talk to him eye level kayo, yung nakikita niya  movement ng lips mo kasi easier for him na matutunan yung words,  effective kasi yan sa baby ko...di din ako naniniwala na pag early yung motor development ng baby mas higher ang chance na delay sa speech, baby ko kasi early din naglakad pero early din naman nagsalita...at 11 months may mga meaningful words na sya and sumasagot na pag tinanong, he's 16 mos old now and madami na syang 2-word combinations/phrases na nasasabi...one factor din siguro yun kaya never ko naexperience nagtantrum sya kasi he can fully express himself, as in lahat ng gusto niya nasasabi niya...tell your yaya to lessen tv time pag sila lang and kausapin na lang niya lagi si baby ;)
« Last Edit: March 05, 2012, 04:16:30 pm by imeego »
Logged

mineh

  • Newbie
  • *
  • Posts: 19
    • View Profile
Re: All about speech delay and speech therapy
« Reply #29 on: March 05, 2012, 04:53:34 pm »

hi sis, i do speech therapy though by experience lang, i had hearing impaired students before and mas nakapag-salita pa sila nung tinuruan ko kesa sa naging speech teacher nila, hindi pa ako nag-aral ng speech therapy. start with 1 syllable like a e i o u, pag tinuruan mo nakaharap sa'yo kelangan makita yung mouth mo. ok lang f hindi nila ma-ulit un kasi mag-register un sa mind nila. tongue exercise esp sa umaga. yan basic muna. ok lang yan sis, knay-knyang time mga kids.
Logged
Pages: 1 [2] 3 4 ... 10
 

Close