my 2.2 yr old son, konti pa lang din nasasabi na words. siguro less than 20 pa lang. mama/papa/baby/wow/babye/hi/no/yehey/go.. pero he is very smart, imitator, at mahilig kumanta, hindi nga lang namin maintindihan ang song niya. he can express naman kung may gusto sya. the first time I saw him na may hawak syang pen, alam nyang kelangan ng papel na masulatan so naghanap din sya ng papel. lahat ng toys niya may code name bawat isa, pag may ipapakuha ako na toy niya banggitin ko lang yung name alam niya kung ano yun. alam din niya para saan ang mga susi, pupunta yun either sa may gate o kaya sa doors at kunyari bubuksan niya yung locks. nadidistinguish na rin niya kung ano at alin ang pambahay at pang-alis na damit. ang bilis din nyang makaramdam kung me aalis, mag-aabang na agad sa pinto at di na talaga aalis dun. nauutusan ko na sya like kuha yung vitamins niya sa ref. at water ko. pag ipinabalik ko alam din niya. pag may ipinahanap ako na hindi niya makita, sasabihin niya "wa" sabay open ng palm niya. nilatagan namin ng ibat-ibang remote, alam niya kung alin ang para sa aircon, para sa electric fan, tv, dvd, digibox.. Problem lang talaga yung speech pero hindi ko pinipressure sarili ko kasi ma-i-stress lang ako pag ganun, basta tinuturuan ko lang sya. frustrating nga lang talaga minsan pero nakakatawa rin like for example I teach him 123 ang kanya watusi. I teach him naman mga animal names in tagalog like aso, ang kanya "a---to" pusa, kanya pu --*a, dami ko tawa talaga.. lol. pero nag-alala ako baka makasanayan niya yung word na yun tas may makarinig na iba, not good to hear pa naman kaya never ko na inulit yun, instead cat na lang. Inases na rin sya ng pedia niya when he turned 2 year old, sabi niya ok naman daw son ko, yung pagsasalita lang talaga. at dahil daw lalaki, na common daw talaga sa pagsasalita ng late, she told me to wait until 3 years kung ganun pa rin sya na hindi pa rin nakakapagsalita saka na daw kami mag devped. wala naman daw prob yun dahil may kakilala daw sya na devped at sp, madali lang daw kami isingit sa sched.