Parent Chat

  • August 25, 2019, 05:51:30 pm
  • Welcome, Guest
Advanced search  

News:

Pages: 1 [2]

Author Topic: obligasyon ba ni hubby na buhayin lahat ng family niya?  (Read 21319 times)

queldultra

  • Newbie
  • *
  • Posts: 7
    • View Profile
Re: obligasyon ba ni hubby na buhayin lahat ng family niya?
« Reply #15 on: June 19, 2012, 10:50:23 am »

it all depends on your capability and willingness
Logged

jem.sexy@yahoo.com

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 260
    • View Profile
Re: obligasyon ba ni hubby na buhayin lahat ng family niya?
« Reply #16 on: October 24, 2012, 10:44:11 pm »

@glitter_mom10
saken palagay hindi po obligasyon, pero salamat kung makakatulong yung mga anak ko sa akin.  kung hindi ay hindi ko naman i-obliga sa kanila yun.  mas maganda na magbigay at tumulong ng maluwag sa dibdib ikasisiya ko yun pero kung hindi naman wagas eh wag na muna.  ngunit may mga taong ganun isipin lang sana na hindi lang sila single ngaun may iba na silang pamilya na binubuhay medyo mahirap mag settle down itong concern na ito pero maganda na nabasa ko itong post, salamat sis.
Logged

KVsmommy

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 478
  • Living a full life as a WAHMmy. :D
    • View Profile
Re: obligasyon ba ni hubby na buhayin lahat ng family niya?
« Reply #17 on: October 25, 2012, 01:34:30 am »

IMO, it's NEVER an OBLIGATION. Pag sinabi mo kasing obligasyon, para kasing you're really 'tied' to the act of giving financial assistance (sana kung assistance lang ano?hehe.).

It's a decision though, and it's one that both husband and wife should make. Bilang mag-asawa, kahit pa para sa sarili mong nanay at tatay or kapatid ang tulong, kailangan parehong maluwag sa loob nyong gawin, dahil kung hindi, kahit paminsan lang, it can possibly create a rift between the two of you.

Saka hindi lahat ng pagkakataon na may pangangailangan ang either party (your family or hubby's) dapat naka-rescue kayo agad. One thing I learned from my own parents - tough love - kailangan din nyan minsan para matutong tumayo sa sariling paa. Minsan kasi may mga kamag-anak na dahil sa nasanay na may tumutulong sa kanila, aba eh, nawiwili na - lagi na lang silang may 'need'.

imiyeeyesiam

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 89
    • View Profile
Re: obligasyon ba ni hubby na buhayin lahat ng family niya?
« Reply #18 on: February 04, 2013, 01:38:44 am »

 ;D Kung sobra sobra naman ang biyaya ok lang na tumulong..yung bukal sa loob pero hindi yung laging aasa nalang kay hubby..ang mahirap nga yung pasekreto na tinutulungan ni hubby mga iLs ko..e ok lang naman kung magsabi sakin..siguro nga nahihiya si hubby kasi mas malaki sahod ko sa kanya..ayaw niya lang siguro sabihin ko na maliit nga lang sinasahod niya tumutulong pa sa pamilya niya..hindi ko pa nga naopen to sa kanya..napansin ko lang kasi na may cebuana receipt sa car niya lagi na nagpapadala siya sa kanila..hindi ko kasi alam pano sabihin to sa kanya..
Logged

eloytski

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 146
    • View Profile
Re: obligasyon ba ni hubby na buhayin lahat ng family niya?
« Reply #19 on: February 04, 2013, 04:02:14 pm »

Para po sa akin, once you have your own family, you should not be expected to help out financially in the same way as before. Shempre kasi, priority mo na yung sarili mong pamilya. Pero mauunawaan ko naman kung nag-aabot pa rin ang isang partner sa pamilya niya, lalo na kung kailangan naman talaga at deserving na tulungan. My hubby and I still give some to our respective parents, pero hindi kasing-regular at kasing-laki gaya ng dati, and they understand. Ang badtrip lang kasi, gaya nga nung na-share na ng ibang mommies e kapag sa inyo na nga lang sumasahod at wala na silang effort na buhayin ang sarili nila.

Logged

imiyeeyesiam

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 89
    • View Profile
Re: obligasyon ba ni hubby na buhayin lahat ng family niya?
« Reply #20 on: February 13, 2013, 05:44:48 pm »

Like ngayon andito MIL ko e wala naman pera si hubby at wala naman kahit noon pa...ako naman lahat..napakainsensitive naman ng family ni hubby at hindi man lang mahiya..senxa nilabas ko lang dito kabadtripan ko..
Logged

Jin

  • Newbie
  • *
  • Posts: 4
    • View Profile
Re: obligasyon ba ni hubby na buhayin lahat ng family niya?
« Reply #21 on: March 09, 2013, 05:16:26 pm »

Hello po share ko lang din sitwasyon ko kami ni husband dito sa japan tatay niya sa saudi kuya niya dito rin sa japan may anak si husband dati eh ngyn sinusustentuhan namin since may asawa na lahat kapatid ni husband bale ang padala ni taay pansarili nalang ni nanay ngayon lam niya buntis ako twag pa dito manghingi ng padala lam naman niya sana ang sitwasyon manganak ako nxt month kelangan namin ng 210k sa hospital since may insurance kami yun excess nalang bayaran namin diko makapal talaga kahit minsan hindi ko pa nkikita mga in laws ko pero ganyan na sa loob ng 20yrs tatay ni husband sa saudi walang naipundar yung nanay niya upa lang ng bahay buti binilhan namin nung august bwesit talaga halos wala na nga kami makain dahil sa sitwasyon ngayon manganganak ako nghahabol parin sa padala pasensya na po napahaba
Logged

preciouslara

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 371
    • View Profile
Re: obligasyon ba ni hubby na buhayin lahat ng family niya?
« Reply #22 on: March 10, 2013, 09:13:49 pm »

obligasyon- in my pov hindi na, once you got married iba na dapat priority mo, we can still help kung may extra naman diba pero kung wala, hindi dapat pilitin lalo na kung meron pa naman pedeng iba na tumulong diba, dapat sa family hati hati lagi ng gastos especially kung para sa parents yung bibigay,, like in my hubby's case 3 silang magkakapatid, yung eldest na lang nila yung walang asawa,all of them are working abroad, then yung mom nila eh my store to support daw yung daily needs nilang mag asawa, nung una naging issue samin ito ni hubby, kasi bago ko pa malaman how much eh naibigay na niya, i install in his mind na im his family na and i should know everything, we should make decision together and not yung ako laing huling nakakalam, hubby changed naman, pero minsan nakakainis pa din kasi nga parang he's obligated to give kahit na minsan alam nilang we need the money, pero pag yung bunso nila eh laging ok lang kahit hindi or maliit lang ibigay, minsan nakakasama lang ng loob kasi pag hindi ka nakabigay ng isang beses parang kami pa yung may utang na dapat bayaran..hindi ko na langpinansin, basta nagbigay ako kay hubby ng fixed amount na pedeng ibigay,sumusunod naman, so tingin ko nasa pag uusap niyo lang yan ni hubby  :)
Logged

clorets10

  • Newbie
  • *
  • Posts: 1
    • View Profile
Re: obligasyon ba ni hubby na buhayin lahat ng family niya?
« Reply #23 on: May 31, 2016, 11:04:12 am »

Hello mommies, well I'm really confused talaga. Ganito kasi yan. Saamin kasi ako lang may work then si hubby po ang nagaalaga sa anak namin. Andito kasi kami sa Baguio, then yung mom ni hubby gsto kaming bumaba dun at dun nalang ako magwork pero maganda na work ko dito. Ang point lang kasi mga mommies, hingi sila ng hingi saakin ng pera, kasi mom niya is pilay(not exactly kasi nakakalakad). Brief history lang bago ang lahat. Way back 2013 kasi, naisipan namin ni hubby(well actually hindi pa kami kasal hanggang ngayon) na tumira nalang sa cavite para may matirhan mama niya. Then ayun, natuloy, habang tumatagal paarte ng paarte (sorry sa term) yung mom niya, like tatanong ko kung anong gusto nyang ulam then ssagot sya ng "kayo na bhala", then syempre kung anong naisip naming ulam yun ang bibilin. For example ang binili namin is for tinolang manok. Ngayon, ang gagawin ng mom niya, hhiwalay sya ng manok niya then ipprito niya?? I mean, it's okay naman pero the thing here is nagtanong ako sana sinabi niya na prito nalang. Syempre tinitipid din namin yung pera na pinapadala ng mom ko from malaysia. So ayun, pinalampas ko lang. Months after, nalaman ko na buntis ako, eh gusto ng mom ko na sa province ako managanak kasi mas safe daw. So syempre, bilang mom ko at bilang sya yung nagastos saamin, pumayag kami. Take note, hindi pa po kami kasal ng bf ko pero ang ginawa ni mama ko para hndi kawawa si mama ng bf ko, nagpadala sya ng 6k panimula niya ng maliit na business. So ayun, inabot ko, pero sabi dagdagan ko daw, I was like "yan lang po kasi nakayanan ng mama ko". Isa pa, sana nagthank you na lang sya. So yun nga, natuloy kami, nasa Cagayan na kami, then wala pa atang one month, nanghihingi nnaman mom niya, eh nagstart din kami ng gulayan namin sa province kasi para makaipon sa panganganak ko. Haay. Imberna na ako. Ilang beses namin napagaawayan yan. Then recently, nanganak na ako ha. Mahigit 1 year old na anak namin tas andito na ulit kami sa Baguio. Nagdecide kami na paakyatin nalang mom niya para wala ng problema. Hanggang sa super broke na kami na ultimo asin hndi kami makabili. OMG! Diskartehan ko daw sya (mom niya) ng pamasahe pauwi ng Cavite. Haay. Seryoso?? Ako pa talaga ddiskarte?? OMG hind naman purket nasa abroad si mom ko eh may pera na ako. Gaad!Nagaway na kami ni bf ko hanggang sa sinanla ko na sa tita ko yung computer set namin. Eh di umalis na sila(kasama bf ko, kasi nga nagaway kami). Ayun tas syempre namis na kami nung asawa ko then umuwi na sya dito. Ngayon, sya ulit nagbbntay kay baby namin. Tas ayan nnaman, pinapababa nnaman sya ng mama niya. Jusko hndi ko na po talaga alam gagawin ko. Sory mahaba ang post.
Logged

Mommy Jazz

  • Administrator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 3235
    • View Profile
    • Jazer Basan for Smart Parenting
Re: obligasyon ba ni hubby na buhayin lahat ng family niya?
« Reply #24 on: June 02, 2016, 09:14:30 am »

Sis clorets10, before I give an advice, ask ko lang. Solong anak ba si partner? May iba bang pwedeng sumuporta sa mother niya? Naghahanap ba ng trabaho si partner? Anong klaseng buhay at kabuhayan meron sila bago kayo nagka pamilya ng partner mo? Asking you this para nasa tamang perspective ang ipapayo ko po.
Logged
Authored SP articles
Login or Register via PC or mobile to join this discussion!

mamastar

  • Newbie
  • *
  • Posts: 2
    • View Profile
Re: obligasyon ba ni hubby na buhayin lahat ng family niya?
« Reply #25 on: March 22, 2017, 07:17:14 am »

I know mabigat sa pandinig ang obligasyon. yun nga lang, hindi ko talaga maintindihan bakit kailangan magbigay pa ni hubby ng pera sa mom niya since may work ang mom niya at seaman naman ang father-in-law ko. in short, okay ang income nila. kami naman ni hubby, parehas may work at may 1 year old daughter na. minsan naiisip ko kailangan ko lang siguro maging open-minded lang para matanggap ang ginagawa ni hubby kaso ang point ko lang, wala pa kaming gaanong ipon to buy our own house. sa ngayon nakikitira kami sa parents ko since doon ang mas maluwag na space, hindi humihingi ng share sa gastos ang parents ko para daw makaipon kami, yun din ang dahilan kung bakit na sa kanila kami ngayon at di sa in-laws ko. pag kasi dun kami sa in-laws ko, maliban sa binibigay ni hubby sa mom niya eh kailangan namin mag share din sa gastusin doon. minsan kasi naiinis na lang ako kasi ang luho ng mom niya, minsan magrereklamo na wala siyang pera at ang dami nilang utang tapos makikita mo kung saan saan nagpapabook. imbes na mag invest, gusto niya latest ang mga gadgets niya, sa ngayon may isang Iphone at isang Galaxy edge siya. may isang kapatid si hubby na single at nagwowork, yung kapatid niya na yun nakatira pa sa parents nila, pwede naman siya na muna ang magbigay sa mommy nila kaysa si hubby di ba? ang gusto ko lang kasi talaga maka-ipon kami para makabili ng sariling bahay, sa ngayon kasi pa sakto sakto lang kami. di naman pwedeng forever nandun kami sa parents ko, parents ko nga hindi tinatanggap kung may ibibigay kami tapos yung mother-in-law ko parang inoobligahan talaga magbigay si hubby tuwing sweldo niya. noong di pa kami kasal di ko pinakikialaman yun kasi wala akong karapatan. noon nga halos ako ang gumagastos sa date namin kasi lahat ng sahod niya binibigay niya sa mom niya, tapos minsan maririnig mo pa ang mom niya "bakit ito lang?!". mommies, alam naman natin lahat magastos na pag may baby at challenging talaga mag ipon. kung sino man sainyo ang naka experience ng ganito or something alike, please tell me paano niyo nareresolve ang ganitong sitwasyon?
Logged

  • Newbie
  • *
  • Posts: 2
    • View Profile
Re: obligasyon ba ni hubby na buhayin lahat ng family niya?
« Reply #26 on: October 14, 2017, 01:08:11 pm »

NO.
It may stand as his "Tulong" but never his obligation. Maybe he should think his priorities and set them straight again. Mostly that he has his own family to care about. You should talk to him about it and set new plans.
Logged
Pages: 1 [2]