Iko's Bakeshop Cake: Nightmare Cake

Dito ko nakita yung pic na gawa ng Iko's, baby superman theme, dahil nagandahan ako sa cake, I asked Bless of Ikos kung pwede same concept, and she said yes.
And kahapon party ng baby ko, super nightmare kasi:
1. Yung design ng cake, iba yung sa execution, nakakalungkot, para lang silang naglaro ng clay dun sa topper, naging froglet baby superman yung topper, samantalang hindi naman yun ang pic na pinakita ko sa kanila, parang nasa kinder pa yung gumawa ng topper, hindi gawa ng isang kilalang bakeshop!
2. Mali yung name ng celebrant na nilagay sa cake, at yung name ng anak ko, dineliver lang naman nila sa Shakey's kapitolyo, yung para sa Kapitolyo yung dineliver sa amin!
3. When I called them up, ni isang sorry wala akong narinig sa kanila, basta gagawa daw sila ng paraan.
4. Gumawa nga sila ng paraan, pero napaka lousy, nag print lang sila ng picture ng gusto kong design, dinikit sa styro, tiyaraan, yun na daw ang topper, kalowka! At yung supposedly name ng anak ko in individual candy letters, ang ginawa, sinulat na lang using an icing, sa stars!
5. And again, where's the apology for all the heartaches they have caused me on my son's special day?
http://i1078.photobucket.com/albums/w485/anatomy888/007.jpgplease don't be fooled by my shot, may enhancement lang kaya parang colorful siya.
and please don't be fooled, masarap nga yung cake at cupcakes, yes in fairness to them, pero nung nailagay na sa ref yung cake, grabe sing tigas ng bloke, naging malutong na brownie, hindi na namin makain sa tigas! Ayun, itatapon na lang.

Mahirap silang kausap, iba ang design na gagawin nila sa gusto ng costumer, mali ang name, matigas na cake bloke na, I paid 5.065 for that cake, tapos ganun na lang?
I won't mind paying more, kung maganda sana ang service nila, pero what did they do?
As in HINDING HINDI NA AKO UULIT SA KANILA!
Sa Iko's Bakeshop: Bahala na sa inyo ang kapalaran na maningil sa ginawa ninyo sa amin!
Warning to all moms!
