ann05, super goodluck sis, yun naman talaga ang gusto kong mangyari na ako na ang pinaka huli na mabibiktima ng ka irresponsablihan nila. Kaya super vocal ako sa nangyari sa akin at ayaw kong maulit sa kahit sinong mommy dahil alam ko kung gaano ako nalungkot on my child's special day. Kaya sana naman, magbago na ang Iko's.
Regarding sa tigas ng cake, about 1 hour ko pa lang siyang nalalagay, matigas na talaga, and kung talagang ganyan ang cake nila, bakit wala silang advisory sa kliyente, or sign man lang na "Please do not refrigerate".
Katulad ng Estrel's cake, nandun sa package ang instruction na kailangan ma consume agad yung cake, and dapat ganun din ang Iko's, maging responsable silang cake maker, at first time kong umorder ng cake nila, na kapag nalagay pala sa fridge eh matigas na hindi mo na makain. Sino ba nakakaalam na ganun ang cake nila, eh diba sila, so dapat sa kanila manggaling ang instruction kung paano best ma eenjoy ang cake nila ng kliyente.
Eh wala napaka tamad kasi nila

May guts pa talaga si Bless ng Iko's mag text sa akin kahapon, asking me na isoli yung cupcake tower nila, yes, ang gusto nila personal kong isoli, ni wala man lang apology tungkol sa ginawa nila sa cake ng anak ko, the nerve talaga ng staff ng Iko's!
I replied to her "Ang gulo ninyo talaga kausap, ang manager ng Shakey's, ayaw ibigay sa akin yung cupcake tower at yun daw ang bilin ninyo, kayo daw magpipick up from the branch, suko talaga ako sa gulo ninyong kausapin!".
And hindi na nag reply yang Bless na yan.
See mga sis, kung gaano sila ka irresponsable, They know I am so much disappointed about their cake, pero wala man lang effort to make me feel na hindi nila sinasadya yung ginawa nila sa cake ng anak ko, it's like yung pagkakamali nila eh "everyday" thing na nila, kumbaga manhid na sila sa bad feedbacks

And for me, that's a very dangerous thing, wala silang pakialam sa customer satisfaction, so hindi sila mag move forward, or ma improve ang ginagawa nila, kasi wala lang ang kliyente, basta sila kumikita.
