Parent Chat

Advanced search  

News:

Author Topic: husband na sobrang mapagbigay, what to tell him na hindi nakakasakit na salita?  (Read 5087 times)

mommy_lola3

  • Newbie
  • *
  • Posts: 1
    • View Profile

Basahin sa Smart Parenting:
Dapat Pa Bang Magbigay Si Hubby Ng Pera Sa Mga Magulang Niya?
Click HERE.


hello mga mommies advice naman kung pano ko masasabi sa husband ko na sobra na sya magbigay sa In Laws ko. andun yung parang sila na ang priority niya at hindi kami ng anak niya. nakasasama ng loob kasi, isang salita lang ng pahingi ng mga IL's ko, padala na agad ng pera. pautang bigay din agad kahit malaking halaga. ano un? di niya kaya kami iniisip? paano kung kami naman ang mawalan, matutulungan din kaya nila kami?

Naka-relate ka ba? Mag post ng katanungan o payo dito
Reply to join this discussion.

« Last Edit: December 02, 2019, 11:41:55 am by Parentchat Admin »
Logged

Jean_31

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 157
    • View Profile

hay nako sis... ang hirap ng ganyan... yan din ang situation ko. Binata pa yung husband ko sya na nagpapaaral sa 4 nyang pamangkin... 2HS at 2Elementary. Ang ate niya hindi na nagtrabaho at wala na balak mag work ata? We're not married yet, we don't have a house of our own yet. May balak pa sila bumili ng sasakyan, at gusto ng inlaws ko mag dagdag sya sa pambayad.. hayyy....  :-\ Sometimes, naiisip ko wala sya balak pakasalan ako... puro nalang sya promises di naman niya tinutupad...  :'(
Logged

certifiedmom

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 85
  • certified housewifey with 2 lovely boys
    • View Profile

sabihin mo lang ng maayos at mahinahon sa kanya kung anong prob mo sis, magbigay ka rin ng example na situation na what if kung kayo naman ang mawalan, mga ganung tipo para mas maintindihan niya.  :)
Logged

Mommy France

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 1649
  • Lucky to be loved by 2 boys
    • View Profile

If he is generous, I think it is a good thing pero sabe nga too much is also bad.
If you really care for him and not just because you want him stop giving, tell him na he needs to reward himself too.

Yung asawa ko generous din lalo na samen ni miggy. Pero pag nakita mo yung mga gamit niya sobrang tagal na samantalang kami binibilihan niya ng bago. So, tell him he's been generous enough and it's time to focus muna sa sarili niya. Baka naman nakakalimutan niyang bigyan yung sarili niya.

Also, sabihan mo rin siya na he's note entirely helping kung gagawin niyang dependent ang mga tao sa kanya. Mas nakakatulong tayo kung long term ang tulong na ibibigay. Sometimes, people ask for things that are not necessarily solutions to their problems. :D

I'm sure kung makikita ng asawa mo yung concern at yung sincerety mo kung bakit mo siya sinasabihan, lalabas yung tamang words sa bibig mo at mararamdaman niya yun.
Logged
I am not perfect but I try my best to make the most of what God gave me.
Bad things may happen to me, but I will always come out of it with my head up high. Why? Because I know that I did the things I can control the right way. And the things I can't control, I leave it up to God's will.

anousheh

  • Newbie
  • *
  • Posts: 41
    • View Profile

Relate ako dyan sis, ang husband ko para na rin nyang anak kung gastusan yung anak ng ate nyang single parent. Ok lang sana kung sobra-sobra, e kaso kami nga mismo kinakapos minsan eh. Worst, kung umasta yung pamangkin, talo pa tunay na anak kung makahingi. Mga anak namin kc ay trained na wag maging materialistic at bumili lang ng kung ano ang importante, smantalang si pamangkin..whoaa..at nagtatampo pa yung ate niya pag binilhan ni hubby mga anak namin at wala yung si pamangkin. Pero ako talagang prinangka ko si hubby na di dapat ganun. Buti di naman niya minasama..pero yun nga, til now minsan di pa rin talaga niya matiis ate niya at ang anak nitong demanding.
Logged

goodmornin

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 144
    • View Profile
    • Gourmet coffee business

try mo kausapin si hubby na magbudget kayo together..mag date kayo, starbucks or whatever. basta sa labas ng bahay  ;D plan kayo together like travel, dreams nyo, vacation, para sa kids, personal goals (most of these naman kase require money) so pag may na settle kayo, set a budget..para hindi kung saan saan napupunta yung money.

and if it it helps, set a "generosity fund" just to set a limit. basta meron kayo savings, yung needs ng family meron na lahat, that's the time you can give to others. being generous is good pero sa totoo lang, nakakalimutan din yun ng binigyan mo. i sound bitter pero dont be confident na in the future,malalapitan mo rin sila kapag kayo na ang nangailangan. so what i'm saying is, you need to be wise even when giving to others, even our family (may abuso naman talaga na pamilya sometimes)

basta kausapin si hubby na super sweet, calm, and loving, para hindi ma-offend si hubby. as the wife, it's your job to remind him pag nalilihis na yung focus nila. hope this helps!
Logged
Trick Photography and special effects http://www.specialeffectsphotography.net

preciouslara

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 365
    • View Profile

hay naku,ganito din hubby ko,pero pag nakikita ko na sobra na, sinasabihan ko talaga siya, recently lang we had issue regarding this, he still supports his family din kasi, pero lahat silang magkakapatid eh nagbibigay din sa parents nila,pero yung family nila favorite talaga yung bunsong kapatid nila na may own family na din ha and parang binababy pa din nilang lahat and pag yun parang ok lang sa kanila kahit hindi magbigay basta lagi nilang inaalala yun eh samantalang pag si hubby kelangan magbigay talaga parang obligado talaga siya so minsan sinasabihan ko siya pag nakikita kong sumosobra na kasi imbes na mapunta sa ipon namin eh nappunta sa wala sa sobrang pagbibigay niya..
@goodmornin super tama talaga lahat ng sinabi mo sis, in the end pag kayo nangailangan hindi mo din maexpect na tutulong sila agad sayo gaya ng inagawa mong pagtulong sa iba kahit family pa yan, pag dating kasi sa pera minsan, kahit magpamilya eh nakakalimot...haiiissst :(
Logged

goodmornin

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 144
    • View Profile
    • Gourmet coffee business

^^ thanks sis! ang hirap kase mag budget pag nawawala yung binabudget mo! hehe napunta na pala sa ibang tao!  :o kailangan lang maging wais especially sa money kase blessings yan, dapat hindi winawaldas, or pinapalago kung kaya :)
Logged
Trick Photography and special effects http://www.specialeffectsphotography.net

amieh

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 258
    • View Profile

korek! mahirap mag budget ng walang bina-budget!!  >:(
Logged

BlueAby

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 461
  • Mother of two
    • View Profile
    • CS_CuteShoppe FB Page

mahirap yung ganyang situation mommy. Kahit ako ganyan din prob ko. Feeling ko akala ng side ni hubby may pagawaan sya ng pera. Ultimo panregalo sa ibang tao kay hubby pa hinihingi. At ang masama pa pati yata pang sustento sa kabit ng byenan kong lalaki sa kanya pa hinihingi. Ang kakapal lang kasi. Kaya ayaw din nila na magkatuluyan kami ni hubby dahil mababawasan yung nakukuha nilang pera dito. Kaya tuloy kami ni hubby... walang mapundar. Kulang pa yung sustentong nabibigay niya sa mga anak namin. May mga times nga na di na yun kumakain ng lunch or dinner kapag nasa office para daw makatipid. Recently kinausap ko sya. Sabi ko di pagtulong ang ginagawa niya dahil lalo lang niya tinuturuan ang family niya na umasa sa kanya. Sabi ko walang mang-aabuso sa kanya kung siya mismo ay di magpapa-abuso. Di ko lang alam kung hanggang kailan na kayang sundin ang sinabi ko. Breadwinner din naman ako sa amin pero nagsusumikap ang magulang ko... kaya tumutulong lang talaga ako. Unlike sa side niya, si hubby na nga lahat ng gastusin, nakukuha pa ng parents niya na magsugal at kumuha ng mga kabit nito.
Logged