Parent Chat

Advanced search  

News:

Pages: [1] 2

Author Topic: Paano sasabihin kay hubby na gusto ko na bumukod, stressed ako living w/ my ILs  (Read 49208 times)

mercyf

  • Newbie
  • *
  • Posts: 5
  • Family is the best company you could have.
    • View Profile

Basahin sa Smart Parenting:
Ano Nga Bang Ibig Sabihin Ng 'Stress-free Life' Para Sa Mga Nanay? Bumukod Ka
Click HERE.


Mag-2years na kami married ng hubby ko.. nakikitaira kami ngayon sa family niya... dati masaya naman kami.. hindi kami nag-aaway. Ang baby namin nasa probinsya.  Ang prob ko lang lately, sumasama loob ko sa family niya.. tapos kapag naiinis na ako, nagagalit sya sa akin.

Ang lahat nag-umpisa lang ng inuwi na si baby ko sa province para makapaghanap ng work si hubby. Tapos, kumuha kami dun ng yaya ni baby kasi nagtuturo si mama at tumutulong din sa health center. Dahil wala pa work si hubby, sinusulo ko padala sa baby namin... tapos buy ng food at ibang need sa bahay, tapos kapag mi extra pa bibigay din ng share sa bayarin sa bahay. Minimum lang po sahod ko.. nung nagkawork na si hubby... below min lang sahod niya, kasi undergrad.. every end of the month, sya ang nagbabayad sa kuryente at ilaw. Mi isa pa sya brother, na nagwork narin.. pero sabi ng byenan ko, allowance pa lang daw binibigay.. what so sad, ako din nagbabayad ng internet kasi sa akin naka-pangalan.. pero hindi ko naman napapakinabangan... lagi busy sa kanila.

Ang isa pa mas nakakasama ng loob, solo ko parin padala sa baby ko... tapos, ganun parin sa bahay...hindi ko na nabayaran internet kasi kulang na.. tried so many sidelines like natasha, avonk, etc kaso ang byenan ko mahilig umorder.. at good luck naman sa bayaran. Sahod ni hubby sa allowance niya at yung pambayad sa kuryente napupunta... ang nakakasama ng loob... ang sisipag ng mga in-laws ko... ako taga-hugas, taga-ligpit at nakapag-saing nila... then, minsan, kapag late na ako makauwi.. wala pa rin sinaing, wala ulam.. kahit nauuna yung brother nila na may work.. hindi man maasahan.. kapag gutom na sya, lalabas sya para kumain.. ang sa akin lang.. sana yung kinain niya sa labas, pinambili niya ng ulam para sa lahat. Unfair, kasi samin n nga lahat... masama pa loob nila kapag hindi ko nagagawa yung mga dating ginagawa ko... katulong ba ako? katulong na, tagabili pa ng pagkain nila... tagabayad ng internet nila. Tapos ngaun, ngsawa na ako.. nagagalit sila sa akin... masama daw ugali ko, hindi n ako magaling...

Gusto ko na bumukod.. yung sana pangkain namin 2.. binabudget ko for 4-5. Sana nakakatipid pa kami konti..hirap makisama. Gawin mu na lahat, hindi parin oks sa kanila. Tapos sa halip na maintindihan ako ng asawa ko, sya pa nagagalit sa akin. Mukha ba akong pera? Ang sa akin lang... may sarili na kaming buhay..

Naka-relate ka ba? Mag post ng katanungan o payo dito
Reply to join this discussion.


« Last Edit: January 19, 2020, 01:56:23 am by Parentchat Admin »
Logged

hollatiya

  • Guest
Re: Gusto ko na bumukod kami ng hubby ko para makapag-ipon...
« Reply #1 on: September 21, 2011, 04:06:31 pm »

naku sis mahirap talaga makisama.. kht wala kina ginagawa dme pa nila nasasabi syo.. alam mo mas mahirap bumukod pero mas rewarding naman kc yung pinaghihirapan mo sa inyo napupunta.. kami nga ng hubby ko dati kasi namin sa house yung family ng eldest brother niya eh 4 kids plus yung mag asawa eh wala pa kami anak nun.. tpos hati sa kuryente pati tubig eh ang unfair naman sa part namin nun kc 2 lang kami.. tpos super ingay pa kc yung mga bata.. dumating sa point na d nko nakakatulog ng maayos kaya sbi ko sknya na willing ako na ako magbayad ng rent bsta bumukod kami or else uuwi ako smen.. aun pinagbigyan naman ako pero within vicinity nga lang ng dati namin tinitirahan..

if i were u sis try to talk to ur hubby.. kung mas maigi ba na bumukod kyo kc u need to save na for the baby..
Logged

yhamslove®

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 886
  • I'm a Certified SP (Sisterly-Packaged) Member
    • View Profile
Re: Gusto ko na bumukod kami ng hubby ko para makapag-ipon...
« Reply #2 on: September 21, 2011, 04:19:14 pm »

hi sis mercyf!

Alam mo sis, nasanay kase sila na ganon ka: taga-hugas, taga-ligpit at nakapag-saing. Naiintindihan ko naman yun, siyempre dun kayo nakatira so in return of your stay at their house, tutulong ka sa ibang household chores. Pero matanong ko lang, as in ikaw lahat gumagawa non? Never sila nagkusa?

Bakit ka nila nasabihan na masama ugali mo? Anong basis nila? Nagkasagutan ba kayo ng ILs mo?

Pag ganyan na ang sitwasyon sis, mahirap na talaga kapag may kasamaan ka na nasa iisang bubong lang kayo. Mahirap kumilos kase bawat galaw mo minamatyagan.

Ano bang say ng asawa mo sa idea na bumukod kayo? Kung agree siya, then check the disadvantages and advantages. Kaya ba financially? If the answer is yes, then magsimula ka nang magtanong-tanong kung saan kayo pwedeng lumipat, yung apartment na okay na sa inyong dalawa.

Ngayon, kung ayaw ng mister mo, i think he has to do something about the rift between you and your ILs. Kase kung hindi yan mare-resolve, mahihirapan ka lang lalo.
Logged
yhamslove  

mommy irene

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 373
  • A loving wife and mom ...
    • View Profile
Re: Gusto ko na bumukod kami ng hubby ko para makapag-ipon...
« Reply #3 on: September 21, 2011, 06:21:10 pm »

i agree with sis yhams..

in my case, nakabukod kami ng mister ko plus our 1 y/o baby.. mahirap pero i can say, masaya kasi alam mo kung ano ikikilos mo kasi kingdom mo yun.. kayo lang dalawa ang kikilos, wala kayong aasahan.. malalaman mo kung ano yung salitang RESPONSABLE.. you'll do the budgeting, household chores, walang lamang - patas.. ako nga, sa amin ni hubby ako lang ang kumakayod pero keri lang kesa naman babalik ako sa amin or kami sa kanila, iniisip ko na kasi yung mga ganyan.. ayoko ng rift, ayoko ng sumbatan kaya maigi na lang na bumukod kahit hirap..

better ask your hubby if ok sa kanya yung idea na ganun - para alam niya/niyo kung ano ang dapat i-priority niyo.. im sure, pag bumukod kayo, magtitipid siya ng todo kasi alam na niya ang buhay pamilyado..

ill pray for your wisdom sis.. take care & god bless!!
Logged

mumzeth

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 173
  • See GOD bigger than yourself.
    • View Profile
Re: Gusto ko na bumukod kami ng hubby ko para makapag-ipon...
« Reply #4 on: September 21, 2011, 06:34:17 pm »

@mommy mercyf - sobrang nakakarelate ako dito... sobra lahat ng sintemyento mo ganon din ang pakiramdam ko.. ang pinagkaiba lang single mom ako at ikaw may asawa and ang pinakikisamahan mo ILs mo.. pero alam mo mommy kahit po na minimum ang sahod mo at marami kang sinusoportahan at gustong gustong mong bumukod para makatipid.. magpray ka po. tama rin po yung sinabi nilang lahat na mag-open ka sa hubby mo.. pero magpray ka muna ng bonggang bongga para po bigyan ka ng Panginoon ng wisdom para po maging ok ang pag-uusap nyo..
Logged
Read John 3:16 but replace the blanks with your name..

"For GOD so loved _______ that he gave his one and only Son, so that if ________ believes in him, _______ will not perish but have eternal life."

 just wanna share how much GOD loves us.. :)

mamuko

  • Newbie
  • *
  • Posts: 1
    • View Profile
Paano sasabihin kay hubby na gusto ko na bumukod, stressed ako living w/ my ILs
« Reply #5 on: September 28, 2011, 10:08:54 am »

HI guys,newbie here! I have a problema with my In-laws and I have no one to talk about it.  We're living with my IL's, sila yung nakikitira sa amin together with my BIL na me kapansanan.. ok lang naman sakin yun, si hubby nagwowork abroad, ang problema kasi ngayon yung 4 y/o na anak namin super likot at makulit, namamalo minsan sa sobrang tuwa, nung nung nagagalit at pinapalo ko pa minsan, ineexplain ko na mali yung ginawa niya pero bata nga naman need ng pasensiya, sinasabi kase ni MIL na hindi ko pinagsasabihan kase nga ayoko ng pagalitan siya at ayoko na paluin kase gusto ko kakausapin ko nalang siya kase para di masanay na laging papaluin pag may kasalanan... ayun hindi ako iniimikan ng MIL ko, hindi rin ako umiimik nalang... what should i do? gusto ko nang bumukod nalang, at eto pa, kami lahat nagbabayad ng bills at food pati electric bill ng BIL ko, hayyy, almost 4 years nang ganun, paano ko sasabihin kay hubby na gusto ko na magsarili kami? dami kong problema dito... stress ako lagi... araw-araw..  help me please!! :(
« Last Edit: September 28, 2011, 10:23:32 am by Tiger Lily »
Logged

yhamslove®

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 886
  • I'm a Certified SP (Sisterly-Packaged) Member
    • View Profile

Hi sis mamuko! Welcome to SP!

Hindi kayo nag-iimikan ngayon ng MIL mo dahil nakapagsabi siya na hindi mo pinagsasabihan ang anak mo? Ano yun sis, pasigaw ba or galit ang tono ng MIL mo nung sinabi niya yun sa iyo? I hope hindi.

If I were in your shoes, papalampasin ko nalang kung ano man yung nabanggit ng MIL ko. Kung hindi niya ako imikin, ako nalang magte-take ng initiative para kibuin siya. Mabigat kase pakiramdam kapag hindi mo ka-imikan ang isang tao tapos nasa iisang bubong kayo.

Intindihin mo nalang ang MIL mo sis. Imagine kung sarili mong Nanay ang gumawa non, hindi mo rin ba kikibuin? Matanda na sila eh, pagpasensiyahan mo nalang. At saka hindi rin naman siya ibang tao, nanay siya ng asawa mo.

Yung BIL mo na may kapansanan at yung sinasabi mong BIL mo na kayo ang nagbabayad ng electric bills, magkaibang tao ba yun?

Sis, you said 4 years na ganyan ang sitwasyon nyo. May iba pa bang grabeng nangyari in that span of time? Sabi mo kase marami kang problema diyan.  I hope di naman gaano malala. Sabi mo naman okay lang sa iyo yun na nandiyan sila di ba?

Wala na sigurong ibang malapitan ang MIL at BIL mo kaya kinupkop ng hubby mo. Kung ako ikaw, ako nalang mag-aadjust sa mga ILs ko. They're your hubby's family and I don't know kung ano magiging reaction ni hubby mo kapag sinabi mong gusto mo na bumukod. Siyempre maiisip niya ang pamilya niya.

Siguro kung umabot sa point na nagigipit na kayo at nagkandabaun-baon sa utang dahil bukod sa iyo at sa anak mo eh gastos din ng asawa mo ang lahat including your IL's bills, dun mo na sabihin sa hubby mo na dapat bumukod na kayo.
Logged
yhamslove  

babyblair

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 334
  • young mom and lucky wife.
    • View Profile

my baby's dad is in Canada. and maybe next year. nandoon nadin kami together with his family,. and my main problem is in-laws na pakikialaman kung paano ko palalakihin baby namin.ngayon pa nga lang i can sense how they will be "pakialamero/pakialamera" kaya start pa lang. i told him, magbubukod kami no matter what.
 ang hirap naman kasi ng di ka makadiskarte ng sarili mo.

if ngayon lang nangyare na nakialam MIL mo, i think palampasin mo na.. way of life na ata talaga yung may masasabi ang matatanda satin. inlaws or not. pero kung talagang stress na sila. and you can't take it at nagiging hinder para maging effective na mom and asawa ka. go tell your husband. but in the most civil way.

yes it will be hard for him kasi pamilya niya yon, but kung talagang reasonable ka . he will understand.
for now, ikaw na kumibo sa MIL mo. kasi ang petty naman na reason dahil lang don kaya kayo bumukod. baka isipin pa ng husband mo irrational ka kasi nga may issue. e kapag clean slate. iisipin niya  na, you really think it's for the best.
Logged

ishko

  • Newbie
  • *
  • Posts: 28
    • View Profile

wala na ko masabi.. hays
« Last Edit: December 14, 2011, 10:43:49 am by ishko »
Logged

Tiger Lily

  • Global Moderator
  • Sr. Member
  • *****
  • Posts: 461
    • View Profile

^sis ishko:

Please modify your post.

Posting in all caps is not allowed in our forum.  Kindly take time to read this:
Common Forum Mistakes (please click).

Thank you.
Logged
Simply follow the Rules and Guidelines, and for sure... you'll never go wrong  ;)

toughmom moderator

  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 1189
    • View Profile

Stand strong as a couple.
As with everything, you and your partner have to have each other’s back at all times. It is hard enough to have to live with the criticisms and opinions of the in-laws but knowing that your partner is not supportive and is overly critical of you as well is just too much to handle. You also have to make sure that you and your partner show that you are united in your decisions and actions for your family no matter how the in-laws feel.
How to Deal with Opinionated In-Laws


http://www.smartparenting.com.ph/mom-dad/relationships/how-to-deal-with-opinionated-in-laws/page/1
Logged

coldblood

  • Newbie
  • *
  • Posts: 5
    • View Profile


Hi mga sis! I just wanna share my biggest Problem.. My mother inlaw!  :'(

kung tutuosin naman kasi okay naman sya. kaso may attitude talaga sya na di niya nacocontrol. As of now, my husband and i where living in the same roof with my parents inlaws. Bahay nila to. My house naman kami na ibinibigay nila samin kaso di pa kami makalipat kasi bagong panganak palang ako. one month old palang si baby. Incase of emergency anjan sila. Sila narin lang din ang nagsabing lumipat nalang kami kung kaya na namin. Wala namang problem dito sa house kaso my timena umeepal talaga yung mother inlaw ko. walang prob sa father inlaw ko kasi mabait siya. yung mother inlaw ko talaga may time na napapansin ko na nagdadamot siya, tinatago niya yung ibang bagay na dapat para sa lahat. example shampoo, sabon.. hehe, tapos nagpaparinig sa mga wala namang kakwenta kwentang bagay. alam ko naman na sakin siya nagpaparinig di lang niya maipranka. Gusto niya nakikita niya kaming kumikilos sa bahay, na ofcourse ginagawa ko naman yung part ko. tulutulong ako sa gawaing bahay kahit may katulong kami. pero di padin sapat sakanya. gusto niya lagi akong kumikilos. naiilang nanga ako minsan e. kinakausap ko naman yung asawa ko0 parte sa mother inlaw ko. pero wala naman din xang magawa. kasi pati husband ko di pa kayang umalis dito sakanila. naiinis lang din ako kasi dumedepende yung husband ko sa parents niya, palibhasa kasi may kaya sila. hanngang ngayung 1 month old na si baby, lagi padin kaming nagdidiscusion about sa paghahanap ng trabaho. ang dami nyang dahilan, kesho masyado pang bata si baby, kelangan ko ng tulong niya sa pag alaga kay baby. e kaya ko namam. nakakainis kasi parang di pa siya nagmamature. Uun tuloy, pag nagpaparinig yung mother in law ko wala kami parehong magawa. I mean ako lang pla kasi yung husband ko rumarason. Di naman ako pinapabayaan ng husband ko at alam kung kampi kami. kaso nakakainis lang kasi wala akong magawa, gusto ko ng umalis dito sa house na to at mag sarili kami kaso yung asawa ko parang hindi pa kaya. Di naman niya ako pinapayagan maghanap ng trabaho. Parehas kaming College Grad. kaya wala namng problem when it comes to work kasi malapit yung opportunity sakin. kaso ayaw niya akong magwork. Ngayung may apo na sila, masaya naman sila e. tuwang tuwa, my time lang na nakakairita kasi ang dami nilang pamahiiin na alam. Manila girl kasi ako kaya di naman ako mahilig magpapapniwala dun, sila kasi andito sa leyte kung baga ang dami nilang alam na di ko alam at di ko pinaniniwalaan.

advice naman jan mga sis kung ano dapat kung gawin.  :(
Modify message
Logged

coldblood

  • Newbie
  • *
  • Posts: 5
    • View Profile

Hi mga sis! I just wanna share my biggest Problem.. My mother inlaw!  :'(

kung tutuosin naman kasi okay naman sya. kaso may attitude talaga sya na di niya nacocontrol. As of now, my husband and i where living in the same roof with my parents inlaws. Bahay nila to. My house naman kami na ibinibigay nila samin kaso di pa kami makalipat kasi bagong panganak palang ako. one month old palang si baby. Incase of emergency anjan sila. Sila narin lang din ang nagsabing lumipat nalang kami kung kaya na namin. Wala namang problem dito sa house kaso my timena umeepal talaga yung mother inlaw ko. walang prob sa father inlaw ko kasi mabait siya. yung mother inlaw ko talaga may time na napapansin ko na nagdadamot siya, tinatago niya yung ibang bagay na dapat para sa lahat. example shampoo, sabon.. hehe, tapos nagpaparinig sa mga wala namang kakwenta kwentang bagay. alam ko naman na sakin siya nagpaparinig di lang niya maipranka. Gusto niya nakikita niya kaming kumikilos sa bahay, na ofcourse ginagawa ko naman yung part ko. tulutulong ako sa gawaing bahay kahit may katulong kami. pero di padin sapat sakanya. gusto niya lagi akong kumikilos. naiilang nanga ako minsan e. kinakausap ko naman yung asawa ko0 parte sa mother inlaw ko. pero wala naman din xang magawa. kasi pati husband ko di pa kayang umalis dito sakanila. naiinis lang din ako kasi dumedepende yung husband ko sa parents niya, palibhasa kasi may kaya sila. hanngang ngayung 1 month old na si baby, lagi padin kaming nagdidiscusion about sa paghahanap ng trabaho. ang dami nyang dahilan, kesho masyado pang bata si baby, kelangan ko ng tulong niya sa pag alaga kay baby. e kaya ko namam. nakakainis kasi parang di pa siya nagmamature. Uun tuloy, pag nagpaparinig yung mother in law ko wala kami parehong magawa. I mean ako lang pla kasi yung husband ko rumarason. Di naman ako pinapabayaan ng husband ko at alam kung kampi kami. kaso nakakainis lang kasi wala akong magawa, gusto ko ng umalis dito sa house na to at mag sarili kami kaso yung asawa ko parang hindi pa kaya. Di naman niya ako pinapayagan maghanap ng trabaho. Parehas kaming College Grad. kaya wala namng problem when it comes to work kasi malapit yung opportunity sakin. kaso ayaw niya akong magwork. Ngayung may apo na sila, masaya naman sila e. tuwang tuwa, my time lang na nakakairita kasi ang dami nilang pamahiiin na alam. Manila girl kasi ako kaya di naman ako mahilig magpapapniwala dun, sila kasi andito sa leyte kung baga ang dami nilang alam na di ko alam at di ko pinaniniwalaan.

advice naman jan mga sis kung ano dapat kung gawin.  :(
Modify message
Logged

kae08

  • Newbie
  • *
  • Posts: 2
    • View Profile

hi mgasis!

kame naman we are living with my husband's family. Mabait naman sila and masipag at halos wala na nga ako gawa sa house. Wala ako ma saysa pakikisama nila saken. Lahat, pati mga kapatid niya. my problem is alam mu yung feeling na may gusto ka gawin pero d mu magawa kasi baka d nila gutso. I mean gusto ko din naman maging house wife pero kasi yung huisband ko is totally dependent sa family niya. kaya kahit anung request ko na tulong kame is wala pa din. lagi pa din nakautos
kayan naman gusto ko na sana bumukod.. the problem is d pa daw kaya ng family niya pag bumukod kame.. nahihirapan ako.. sa totoo lang ..
Logged

Morefun

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 230
    • View Profile

Hello mga mommies!  I can relate sa mga nakatira sa in laws.  Yes, it's really hard kasi you are living with people you are not really familiar with.  Kung sa magkakapatid nga at sa sariling magulang may mga moments na world war na.  What more sa mga taong ngayon mo lang nakilala?  Mahirap talaga and I understand.  Tumira din kami saglit sa in law ko and it was an experience I don't ever want to happen again  ;D But the thing is, they are the family of my hubby.  I love my hubby, so kahit for the sake na lang ni hubby I am civilized na lang sa in law ko kahit na may mga past kami na hanggang ngayon ay pinanggigigilan ko.    >:( Hmmm...the thing is some people were able to convince my hubby that we should live separately from our parents because it is just the right thing to do. And that made him decide to leave his parent kahit na sobrang nalungkot siya. 

It's in the bible actually...Matthew 19:5 and said, 'For this reason a man will leave his father and mother and be united to his wife, and the two will become one flesh'?  Kaya if I were you...try to live separately from parents or relatives.   ;)
Logged
Pages: [1] 2