Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Pages: 1 [2]

Author Topic: Paano sasabihin kay hubby na gusto ko na bumukod, stressed ako living w/ my ILs  (Read 52947 times)

mommy celyn

  • Newbie
  • *
  • Posts: 35
  • I am a mom... proud and loving it!
    • View Profile

hi mga sis, back upan ko lang yung sinabi ni sis Morefun... hehe isang quote mula kay Dr. Gary Chapman author ng The 5 Love Languages...

Separating from Parents After Marriage

The scriptures say that when we get married we are to ‘leave’ our parents and ‘cleave’ to each other. What does this leaving and cleaving look like in daily life? It means that we no longer ‘lean’ on our parents but on each other. It means that we do not allow parents to dominate our lives. We show them respect by listening to their ideas or suggestions, but we make our own decisions.

We do not run to them with a list of our spouse’s failures. Parents are not in the best position to be our counselor. Leaving means that we seek to be financially independent from our parents as soon as possible. We are grateful for their contribution to our lives, but now we want to make our own way. Leaving means that we build upon the foundation they have given us.


hope this help even for a bit... ;D
Logged

mommy_ni_sye

  • Newbie
  • *
  • Posts: 38
    • View Profile

ako, dati pa, sinabi ko na talaga kay hubby na gusto ko bumukod. nakatira rin kasi kami sa bahay ng parents niya. hopefully, by next year, makabukod na kami. kausapin mo lang siya ng maayos. maiintidihan naman niya siguro. actually, kailangan niyang intindihin, kailangan ka niyang maintindihan kung bakit gusto mo bumukod.

btw, salamat sa pag-share ng quote ni dr, chapman. kakainspire na talagang magkaroon ng sariling bahay at buhay. :)
Logged

lykeil

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 126
    • View Profile

For me, since maliit lang mga sahod niyo mag asawa, kuha na lang kayo ng kwarto lang or studio type. Wala naman ang baby nyo e. Mas makakatipid kayo at may peace of mind. Mahirap talagang makasama mga kapatid ng asawa mo at magulang niya lalo't walang kusang palo sa gawaing bahay.

Sabihin mo na lang kay hubby mo na lumalaki ang anak niyo kaya lalaki na rin ang gastos lalo't kung mag aaral na. Kaya imbes na ipambayad sa mga needs ng mga in-laws mo, better yet, think about your child's future.

Ang pagmamahalan ng mag asawa ay hindi one way. Dapat pareho kayo sa decision making. Meeting half way kumbaga lalo na pagdating sa pera. HIndi kayo aasenso kung pati sila aatupagin mo pa eh, hindi rin gaano kalaki ang sahod ng mister mo para suportahan ang buong barangay nila, di ba??  Anyways, pwede kayo magbigay ng allowance sa parents niya/kapatid niya every month pero pagkasyahin na nila yun or pandagdag lang talaga yun, at hindi lahat iaasa sa inyo.
Logged

chukkie13

  • Newbie
  • *
  • Posts: 3
    • View Profile

Hi, newbie here..

Kahit na wala akong gaanong problema sa IL ko hindi ko pa din feel na makitira., yun nga, sobrang hirap kumilos, hindi mo magawa yung gusto mo.

Medyo naiirita lang ako sa hubby ko, may work sya, ako naman I look after sa baby namin., gusto kong bumalik sa work kasi nakikita ko naman yung situation namin., lahat ng pangangailangan ng anak namin sa mama niya hinihingi.. isa pa I have a son who's 8 years old na, anak ko sa una. wala namang ibang susuporta sa kanya kundi ako. gusto ni hubby sa bahay lang ako, paglalabas ako hindi ako pinapayagan, kahit sa kabilang kanto lang ang punta ko ayaw pa din., ang gusto niya palagi akong good mood pag andito sa kanilang teritoryo, pag nakita akong bad mood ang meaning sa kanya ayaw ko na dito. sakal na sakal na ako., lahat ng move ko bilang niya.

now my problem is parang i am falling out of love., ayaw kong gumawa ng move na pagsisihan ko sa huli., pero naiirita na ako sa kanya pag nakikita ko sya, i can't reply na sa mga i love you niya., pag nag i love you sya uulit ulitin niya yun hanggat hindi ako nagrereply. Kaya kahit pilit para matigil lang sya.

Paano ko ba macoconfrim tong nararamdaman ko?

Gusto kong humingi ng space, pero paano ko gagawin? Pag humingi ako ng space uuwi ako samin, ayaw kong makita ako ng parents ko na ganito. Hindi ko alam gagawin ko.
Logged

Baby Pepper

  • Newbie
  • *
  • Posts: 26
    • View Profile

i just wanna share my experienced...

i just got married 2 years ago, and from the start i wanted to have our own life.. but we agreed that since 2 lang naman ang nasa house nila en sa kanya naman ipapamana yung house nagdecide kami na dun na muna kami tumira.. alam ko it was really a complicated idea, since my mga friends ako na yun ang sinasabi na i have to had my our own kasi kahit may sarili kaming room paglabas ay sama sama pa rin gamit namin.. kinuwenta namin gastusin,s bhay kc share share kami..unlike pag nagsarili kami sarili namin gastos at the same time naman magbibigay din sya sa knilasame with me, kaya better dun na lang muna daw kami... after 6months i got pregnant at di na nga kami nakaalis since may pinaghahandaan kaming gastusin until i gave birth,hindi na tlaga kami naka alis kc no one will see our baby pag nasa work na kami, s bahay nga naman kht may yaya kami komportable kami na andun sister at mama to watch over. kesa naman sa sarling house namin na yaya lang maiiwan,nakakatakot...
 
so the thing i have to sacrifice.... hindi ako nkakapagluto ng gusto ko kc di naman lahat gusto luto ko kc mama niya talaga taga luto.. hindi ko makain gusto kong food kc i have to consider them... need ko bumili ng bulk order pra lahat kasama...same with grocery need ko mggrocery ng doble...hindi ako makapg ayos ng gusto ko kc hindi naman talaga ako makakagalaw ng gamit nila kc respect ky mother in law at yun ang ayos niya...hindi ako makabili ng appliances n gusto ko kc i hve to consider yung electric bill or space na paglalagyan.. hindi ako makatulog ng mahaba kc  i need to help s chores... prng filing ko my mata n nkatingin s akin...(mabait naman sila ky lang iba talaga pg may srili k)

hanggang s dumating ang baby ko..naging worst ang consideration ko..kc kahati ko sila s baby ko, kukunin ng ate niya, bibihisan, may gusto sila na nasusunod s baby ko, i have to do this kc they watch over my baby pag asa work ako..i really suffer a separation anxiety with my baby, minsan sila nagdedesisyon pr s baby ko, what wil she dress,what will she eat,what will she do....nasabi ko naman laht s husband ko ito..pro i have to respect each decision we've made..ang hirap! sobrang mahirap! nakakaiyak talaga... pero bilang isang ina, kailangan gawin mo ito..

ika nga nila "your life is your choice" kung gusto mo maging masaya ikaw ang gagawa para maging masaya ka"..pero hindi lahat madali, kailangan mong isipin ang family mo, ang husband mo at ang baby mo..

inaantay ko nalang yung right time para magkaroon ako ng sarili kong "home".. i am willing to wait for this.. i know God have some plans for my situation" i always pray lang na maging mas matatag pa at gaiwn ang lahat ng ito para sa husband at baby ko..


am i doing it in good way mga sis!??.....****sigh***** nakakastress pala talaga ang mga bagay bagay
Logged

maraica

  • Newbie
  • *
  • Posts: 5
    • View Profile

Haist ako mga sissy so stressed depressed etc. Ewan ko kung part Lang to ng post partum 1month pa Lang kasi baby ko

The probLem is hiwaLay kami ng tirahan ni hubby ayoko kasi sa kaniLa. Naiinis kasi ako sa mom niya haLos Lahat kay hubby inaasa gawain bahay aLam naman may trabaho sya e yung pasok niya 10-15 hrs. duty
Pag sahod naman waLa ng natitira samen ni baby sakto Lang pang diaper & miLk
May panganay syang 24/7 sa Laptop as in waLang ginagawa sa bahay tas sya pa un naghaharian sa bahay na un !!
Hindi niya pag trabaho.in kinukunsinte niya un katamaran tas Lahat sa asawa ko iaasa Like WT_??? :@

And the unforgettabLe moment is nung nanganak ako im  about to caLL my dad for the expenses . ( my dad shouLder aLL the expenses since im preggy para un sahod ni hubby ipunin namin para mka.pag simuLa) and my MiL insisted to pay aLL my hospitaL biLL then after about 2weeks naniningiL sya sa binayaran niya with interest !!!!
Di ba sya nag iisip andame nyang utang samen waLang bayad utang sya ng utang sa tindahan sa asawa ko pinapaLista !!!
Di kasi sya marunong humawak ng pera nag LoLoan sya about 10k-50k and end up with nothing (1day miLLioner) todo gastos ngaun bukas waLa ng kakainin

And just Last week i stayed there for 3 days onLy it supposed to be 1week but we had an argument
Sunday morning pinaarawan niya si baby
(My baby has cough, everyweek i go to mak.med for check up and doctor aLways says its normaL its just the saLiva)
pag uwi niya bkt daw may ubo edi cnabe ko un sabe ng doctor.
Hindi ako pinansin inuutusan niya si hubby na bumiLi ng carbocistein na gamot inuLit ko pa its normaL ayaw padin ako pansinin then i text my pedia if its ok then the answer is no . i teLL to it my miL but stiLL npka.kuLit bumiLi daw sa inis ko i packed our things i get the baby and says iuuwi ko nLang to my nebuLizer sa bahay then Leave.
@night nag away kami ni hubby through txx kung bakit ko daw inuwi un baby sbe ko nainis ako sa mama niya kase pinipiLit un gamot i wont take the risk if its about my chiLds heaLth. Then he said a badword to me and its hurt me a Lot na gusto ko na sya hiwaLayan kasi 2nd priority Lang kami i masyado syang mamas boy. kesyo di naman daw big deaL un !!!! NOT BIG DEAL ?!!! pano kung npa.inom un baby ng gamot tas nagka side effect hindi parin bigdeaL ?!!!

untiL now di ko parin sya kinikibo kasi sobrang sama na ng Loob ko simuLa buntis ako nagtitiis nko sa pamiLya niya !!!
hindi ko aLam pero baka di Lang ako sanay ng may kahati im onLy chiLd im spoiLed brat Like others says im so papas girL untiL now i cry to my dad teLLing him my probLem pero ayaw niya na makieLam kasi nga may famiLy na daw ako pero sabe ko waLa pkong pamiLya anak Lang coz wer not married im onLy 20

Do you think we need to Live seperateLy ?
Logged

Baby Pepper

  • Newbie
  • *
  • Posts: 26
    • View Profile

Hi Sis Maraica,

I think YES! hindi makakatayo ang husband mo s srili nyang paa kung laging asa mother niya desisiyon niya...(huh! sounds easy for me, pero i have this prolem din naman).... mahirap nga lang talaga, kasi ang dami nating ico consider at this point,marami taung maaaperktuhan... the best way siguro is to talk very open minded and pray na sana we come up to the best decision.
Logged

gabryelle

  • Newbie
  • *
  • Posts: 1
  • Hi , newbie ako dito.
    • View Profile

Hi po, magshare lang din ako dito.
Kasama ko din ang IL's ko sa bahay, yung father ng hubby ko patay na yung mother niya naman walang work so sia ang nagbabantay sa baby ko, may 2 na kapatid yung asawa ko, yung isang boy bunso nila , pinagaaral pa namin , tuition fee kami sumasagot magasawa, yung isa naman girl, may asawa and anak na din kasi din namin, sa upa ng bahay kami nagbabayad , 4k monthly plus everyday expense pa , then yung kapatid niya na girl kuryente and tubig na less than 1500 lang naman ,. un fdair yung hatian ng gastos db. nakakainis lang.
Logged

Baby Pepper

  • Newbie
  • *
  • Posts: 26
    • View Profile

Hi ... yes..super unfair talaga!! same scenario with me, kami nagsho shoulder ng mga bayaran, siempre hindi naman mura ang mga bagay bagay di ba!.. halos kinuwenta ko, 11k monthly without abot abot or unexpected bayarins pa yan, tpos wala p kami naitatabi para sa baby namin... Sana magawan na antin to ng paraan
Logged

gheng

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 74
    • View Profile

After reading your own stories here, parang naguilty naman ako sa husband ko. :(

Ang hirap pala ng situation niya sa amin. minsan kasi nababanggit niya din sa kin yung mga comments niyo sa kin which is patungkol naman sa Mother ko..

Though gusto ko rin ng idea na bumukod, natatakot ako sa magiging expenses. Sa ngayon kasi almost 5k a month lang yung binibigay ko kay mama para sa pagkain at ibang kaylangan sa bhay (like shampoo, sabon). eh kung bubukod kami kailangan namin magrent(eh magkano paupahan ngayon), tpos yung water at electric bills, pagkaen pa. ako kasi ang mas malaki ang kinikita, yung husband ko, tsempuhan lang kung  malakas ang sound system rental ngayon.

ineexplain ko naman ng mabuti sa kanya yung dahilan ko kaya ayaw ko pa umalis sa bahay. sa ngayon, wala na naman nababanggit na sama ng loob ang husband ko sa family ko.
Logged

Barbra Mae Vidal

  • Newbie
  • *
  • Posts: 12
    • View Profile

sa amin naman, ako nagpush na bumukod kami since naaawa na ako sa asawa ko. bukod sa pagod sa work, e nagiging katulong pa sa bahay namin noon. pagnagpahinga, sasabihan ng tatamad tamad at paupo upo lang. kahit ako gustong gusto ko umalis sa bahay namin.

nung bumukod kami, natuto ako kumain ng gulay hehe until now lagi kami naka-gulay.bukod sa healthy, mura pa. one thing na proud na proud ako is nanganak ako ng walang hiningi sa parents ko ni singkong duling. pinag ipunan at pinaghandaan talaga namin ni hubby. kaya niu yan sis. tiwala lang at tamang pagbubudget.
« Last Edit: January 08, 2019, 10:33:42 pm by Mommy Jazz »
Logged

Barbra Mae Vidal

  • Newbie
  • *
  • Posts: 12
    • View Profile

@maraica

yes. you need to live separately OR umuwi ka nalang sainyo. kung ganyang klase lang naman din ng lalaki, magiging asawa mo, better to be a single mom and for sure, open arms naman na tatanggapin ka ng daddy mo.
« Last Edit: January 08, 2019, 10:35:41 pm by Mommy Jazz »
Logged

Jane Amaro

  • Newbie
  • *
  • Posts: 1
    • View Profile

Buti may gantong forum, gusto ko ishare ang aking karanasan, ngayon ay nasa inlaw ako,kasama 2 kaptid ng asawa ko, currently Iam pregnant and malapit na due date, nais ko n sana mag solo for my baby na sa tingin ko ay kaya naman naman dhil we both working.nakausap ko n din ang mama ko na willing sya mgbantay dhil tingin ko hnd naman kakayanin pa mgkatulong dhil ngayon palng sobra na expenses naman.ni hindi din me makatulong sa parents ko(sa ngayon kasi nkaleave ako from work, pero kung babalik ako unti lang ang masave naman) mabait kasi asawa ko at sobrang matulungin, mababait din naman mga kapatid niya, nga pala kapitbahy naman din namin ang iba nyang mga kapatid.since Iam planning bumukod, kinausap ko asawa ko na nais ko sana bumukod kung san malapit sa lahat,yun malapit din sa work ko para madali me makauwi at favor din sa baby ko, meron n ko nkita, pero ang problem is my husband gusto niya dito, kasi 1 his reason na hnd ko puwede sabhn, pero feeling ko isa dun is ayaw niya lumayo sa parents, gusto ng family ng husband ko na sama sma sila,kung bukod man nasa isang compound man, yun napili ko naman bahy hnd naman malayo sa knila actually one ride lang naman tricycle malyo lang lalakarin sa sakyan but they can manage kasi my Car naman sila, meron naman din lupa pero not on his name bigay nyanyun to his mother, sabi ng mama niya puwede naman pagtayuan ,nasabi n din naman ang plan, but the problem is alm ng husband ko kung san ko nais,akalain ba ko ba naman ask ako kung ok sa akin dito, na sinagot ko na kht san, " so yun kung saan na napunta" alm din nila n ok n asawa ko dto. Magiging masama ba ko kung igigiit ko ang nais ko, ? Kaht kasi mgwork ako nais kong makauwi ng agad ,hay napakahirap,
Logged

Rika .

  • Newbie
  • *
  • Posts: 3
    • View Profile

I need help din kung paano sabihin or iexplain kay hubby na gusto kong bumukod kami.
May malaking problema lang. Sya lang yung naiwan dito sa pinas na pwede magalaga sa mama niya. May kapatid sya dito kaso may pamilya na din at nasa malayo. Nasabi ko na sakanya dati noong buntis ako na kung pwede bumukod kami. Kaso yun lang ang rason niya na walang magaalaga. Di na kasi healthy dito kasama ang mama niya. Lahat nalang ng gusto ng mama niya kelangan masunod. Kung hindi magiinarte sya at magsusumbong ng kung ano sa mga kapatid ni hubby. Na laging pinagsisimulan ng away ng magkakapatid. Wala rin kaming privacy dahil papasok nalang sya bigla sa kwarto namin at maghahanap ng mali. Pati pwesto ng bed naging issue ng ilang araw dito sa bahay. Dahit gusto niya ilipat agad kaso CS ako, di ko mabuhat. Si hubby naman may trabaho, pagod na pag uwi. Napaka insensitive din niya, kahit kita nyang pinapatulog si baby papasok sya sa kwarto para ikwento yung pinost ng favorite nyang anak na nasa abroad. Yung tipong umiiyak na si baby e di pa sya natigil. Pag sinabihan mo naman na papatulugin si baby sasama loob niya. Sasabihin nyang ang disrespectful ko daw dahil pinapalayas ko sya. Nakakatrigger na ng depression dahil wala naman akong magawa dahil in law ko sya. At noong last na pinagusapan namin ni hubby sabi niya tiisin nalang daw dahil walang magaalaga. Sumama din loob ni hubby kasi bat daw ganon tingin ko sa mama niya. Di rin ako makauwi saamin dahil sa pandemic.
Logged
Pages: 1 [2]