Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Pages: 1 2 3 [4]

Author Topic: Single-mommy-hood, what's your story?  (Read 39721 times)

ahyzeyuh

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 1065
  • im a good person,just keep on making bad decisions
    • View Profile
Re: Single-mommy-hood, what's your story?
« Reply #45 on: September 26, 2013, 01:08:39 pm »

MODS promote ko lang yung isang thread or pwedi din siya merge

hi mommies,
Meron po kami single mom group sa FB.
its more on expanding our network of friends.

some mommies are single by choice others are by chance

all single parent is welcome to join

its not available thru searching. its a private group coz other mommies are too open about personal info and issues. they can rant and express anything they have in mind.

if interested please check this thread http://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php/topic,53321.msg893040.html#msg893040

or look for the topic >  support group on fb for single moms 
« Last Edit: September 26, 2013, 01:51:31 pm by ahyzeyuh »
Logged

psyche17

  • Newbie
  • *
  • Posts: 2
    • View Profile
Re: Single-mommy-hood, what's your story?
« Reply #46 on: October 24, 2013, 06:15:10 pm »

i'm a newbie here. i just want to share my story
my bf and i were only together for 6months when i found out that i was pregnant. i thought that it is the start of our happy life together. i was so wrong.
he had a past (2 kids with different mothers). my family and i accepted it. we got married. and during the my last trimester suddenly things were different. hindi na sya pumupunta sa bahay namin. we didn't live together since wala naman kame ipon to get our own house and malayo yung house niya sa work ko and yung house rin namin malayo sa work niya.
his ex-gf (mother of his first child) texted me one night saying na nakikipagbalikan sa kanya ang husband ko and madalas sa kanila umuuwi. i asked him about it and he denied it. until the day that i gave birth. hindi sya pumunta sa ospital. he changed his number. i was so hurt and devastated.
dinala ko sa house nila ang baby ko after 4 months and wala pa rin. i was hoping that we can patch things up but andun pa rin sya sa "first family" niya.
now i've decided na i will no longer ask for financial support for my child (wala naman talaga sya naibigay since we learned that i was pregnant). all i asked from him is annulment of our marriage so he can marry the person that he is with.

sometimes i'm thinking what if i made a different choice about him. what we were never together and i am with someone else. but then if we were not together i wouldn't have a very handsome baby boy now.
in time i will be ok
Logged

maia2013

  • Newbie
  • *
  • Posts: 26
    • View Profile
Why you're a SINGLE MOM?
« Reply #47 on: November 11, 2013, 05:13:35 pm »

Hi mga sis! what's the reason why you are a single mom? I know marami tayo dito na single mom, share your stories...and let's exchange ideas and thoughts. Lets say, anong age ka when you became a single mom, what did you do...etchetera...

I'm excited to read your stories! thanks :)
Logged

MaraMeow

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 74
    • View Profile
Re: Why you're a SINGLE MOM?
« Reply #48 on: November 12, 2013, 08:12:20 am »

Im a single mom because dineny kami ng father ng baby ko. Hindi daw sakanya ito. Hayy kaloka! nanganak ako 2 months ago, 19 years old lang ako. Ang ginawa ko na lang is nagpakatatag ako. Hindi ko na hinabol pa yung lalaki kasi alam ko sa sarili ko wala akong mapapala kasi we are both young, nagpapakasaya pa siya sa buhay niya ngayon. pero ako I am matured enough to face the consequences ng ginawa namin at accept the responsibility na alagaan ang baby ko. Ayaw ko ipilit sarili ko sakanya, masaya naman ako ngayon eh. Ang ganda ng baby ko, healthy pa. :) Malaking tulong talaga kung may support, love and care ng family mo. kaya ngayon happy ako sa buhay ko kasi binigyan ako ni papa God ng isang cute na blessing. :)

how about you sis maia2013 what's your story?
Logged

maia2013

  • Newbie
  • *
  • Posts: 26
    • View Profile
Re: Single-mommy-hood, what's your story?
« Reply #49 on: November 12, 2013, 09:15:34 am »

Hi sis @MaraMeow... I gave birth last June, noong una delightful naman si X, sya pa nga nagpiprisinta na magbigay ng name kay baby since we already know na girl ang magiging baby namin, then when I'm on my 5th month hindi na sya nagpakita, never din ako naghabol kahit alam ko bahay at work niya, I even changed my contact numbers, ayaw kase saken ng mom niya as if mayaman sila, kaloka!hahaha!

Then I found out na my ka-live in na pala sya na una pa saken, at may tatlo silang anak. Imagine ginawa akong mistress without my knowledge!

Yes, super mahalaga ang support ng family. They never fail to show love and support samin ni baby. Sobrang saya ko din ngayon, kasi I have more reasons to live. Masama man ang nangyari sa lovelife ko, I still have reason to be thankful and that's my daughter na super cute din at healthy :)

the funny part is, lately may naririnig pa ako na hindi daw sa kanya ang anak ko while unfortunately eh kamukhang kamukha niya. Nakakatawa lang na ang dami ko naririnig na para bang naghahabol ako? sila ang hindi maka-move on! while ako super happy and contented. At wala naman ako balak humingi kahit pisong duling sa kanya no...that's not so me :)
Logged

proud_daddy

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 107
    • View Profile
Re: Single-mommy-hood, what's your story?
« Reply #50 on: July 10, 2014, 06:39:31 am »

Proud of you mga single mom... soon enough you will bless..keep on standing on your baby.. two thumbs up..
Logged

Godiswithme

  • Newbie
  • *
  • Posts: 1
    • View Profile
Re: Single-mommy-hood, what's your story?
« Reply #51 on: September 19, 2014, 10:03:58 pm »

Single Mom of 2. Let him go because of his kaadikan sa Sabong.
He's always out on Saturdays and Sundays which is Family Day dapat.
When we fight tungkol sa pag alis alis niya, nagbabago saglit pero after a while balik ulit sa dati.

He doesn't inform me where he's going and who's with him.
Even I know na pupunta sya sa Sabungan but mas ok parin na alam ko kung san at sino kasama.
Laging ubos ang pera when I ask him to buy Milk for the kids.

He worked in a Cruise ship for 3 Years and pag uwi wala naman inaabot na pera (Last pay), wala na daw syang money so ag tendency lahat ng inipon ko sa mga padala niya yun ang nagagastos ko which is supposed to be for our vacation.
So yung plan namin na trip to Bali and Palawan walang natupad.

He even planned for our Wedding, pagiipunan daw niya paguwi from Cruise pero wala na din.

We decided na umuwi na sya for good and he was jobless for 8months kasi ang hirap makahanap ng work.
But I shouldered every gastusin and never obliged him na tumulong cos I know kapag nagka work na sya, magtutulungan kaming dalawa.

Just this July nagka work na sya but out of 13k na salary niya per payday, 1 to 4k lang ang binibigay niya then ayun wala na laging pera.

I am thinking na hindi talaga matutupad lahat ng dreams at plans kapag ganun sya. HIhilahin niya lang ako pababa when I just wanted to have a Happy Family. But he is sensing that I'll ask him na iwanan ang pagsasabong kaya siguro when we had a fight, he said na "Sige wag kang mag-alala bukas aalis nko". He's 33 but still immature.

I hope I made the right decision.  ;)
Logged

gara0630

  • Newbie
  • *
  • Posts: 2
    • View Profile
Re: Single-mommy-hood, what's your story?
« Reply #52 on: March 04, 2015, 03:16:27 pm »

Hi Single Mommies!

I'm one of the few women who has the same fate as you guys are. I've been a single mom since I gave birth last June. Medyo tragic ang story ng buhay ko starting from the time that I knew I was pregnant up until I gave birth. THe father of my kid made a fool out of me. Nakilala ko lang sha online and we started our "relationship" days pa lang ng magkita kami, I got pregnant 3 months pa lang kami nun. At first he was saying okay lang walang problema, but after the long run, madalas na kaming mag-away. He's even asking money from me kahit nung buntis na ako. Hindi niya rin pinaramdam sakin na supportive sya at all during my pregnancy to the point na sobrang stressed ako nung malaman ko na nakikipag-kita pa pala sha sa iba. Marami ng times na nakikipag-break sha ayaw kong pmayag kasi nga mahal ko sha and magkaka-baby kami. Ni hindi sha dumalaw sa hospital nung nanganak ako ( so for sure, hindi rin niya tanda birthday ng baby namin )

After kong manganak nakikipag-communicate sha hindi dahil gusto niyang makita ang bata kundi nanghihingi sha sakin ng pera, kung hindi ko daw bigay gusto niya, hindi ko na sha makokontak kahit kelan. DUmatng kasi talaga sa point na hinahabol ko sha para sa bata.

Ii tried to search his account sa FB and there I found na may girlfriend na pala sha even before pa kami nagkakilala. Ngayon, ex na rin niya daddy ng baby ko and sa kanya ko nalaman na 14 pala lahat-lahat ng anak niya ( inamin lang niya sa akin is 2 ang anak niya) Ayon sa awa ng Diyos ngayon, may bago na shang girlfriend na for sure pineperahan niya and masayang-masaya sila.

First few months I felt na nagpo-post partum ako sa sobrang stress sa kanya na dumating sa point na ikinapayat ko ng bongga. Supposedly kapag na-CS mataba after manganak, kabaligtaran ang nangyari sakin.. Kaya nahihirapan akong mag-move on. But now, i'm still having a hard itme pero at least wala na akong nararamdamang masyadong sakit kasi tanggap ko na yung kapalaran ko na magiging SIngle Mom ako and tanggap ko na rin na hindi kami importante sa kanya.

ILike what other felt, gusto kong gumanti sa kanya but naicip ko na sakit lang sa ulo yun. Hintayin ko na lang yung karma niya. Sa ngayon kapg nakikita ko ang baby namin, masaya sa pakiramdam kasi despite na sobrang stress ako nung pinagbubuntis ko sha, hindi sya sakitin and masayahing baby sha, yun nga lang sobrang kamukha niya ang daddy niya.

Tanggap ko na Single Mom ako and I'm trying my best to be able to provide what my kid needs. I'm also looking forward for future bonding namin especially kapag malaki na sha ( girl ang baby ko).  I was so happy na girl and anak ko kasi yun talga ang gusto ko, kahit hindi na ako magka-anak ulit, sha lang...sapat na.

Medyo magulo ang kuwento ko, pagtiyagaan niyo na lang. Bilib ako sa mga single moms na hindi takot humarap sa responsibilty. CHeers to Us!
Logged

jhenzky13

  • Newbie
  • *
  • Posts: 5
    • View Profile
Re: Single-mommy-hood, what's your story?
« Reply #53 on: March 22, 2015, 11:36:31 pm »

Hi Single MomZ..

Bago lang ako dito.. pero this past 3 months nakahiligan ko magbasa basa dito sa SP..

Anyways, share ko lang story ko.. OFW ako, nagwowork ako sa UAE before I got pregnant.. My baby's daddy is a Syrian.. and he is a Muslim.. di ko alam kung masasabi ko bang single mom ba talaga ako o hindi.. but simula nung umuwi ako ng Pinas i already put on my mind na I belong to that group.. the single moms..

I started to live with him when we were just a month its June 2013.. ang saya ang sweet niya at super maalaga.. he is treating me like a queen.. super! lahat ng gusto ko binibigay niya sakin.. then after 6 months i am going back to Pinas for vacation and he also had his vacation sa Syria.. Dec. 2013 kami umalis nauna lang sya ng 2 days.. after a month Jan 2014 balik UAE na ako.. during our vacation di kami madalas mag usap.. not araw araw ha.. then nagstart na ko sa work.. im asking him kung kelan sya babalik lagi niya sinasabi next week... hanggang naka 1 month na.. one time sa whatsapp my nag message sakin ang sabi "Congratulations and Best wishes" before kasi kami magvacation sya nagamit ng number ko.. so dun ko nalaman kinasal na pala sya sa pinsan niya.. grabe! sobrang sakit.. tinanong ko sya kung bakit di niya sinabi sakin agad sabi niya ayaw niya daw ako saktan kasi mahal niya ako at napilitan lang daw sya.. para sa nanay niya.. medyo nawalan na ako ng pag asa na babalik pa sya.. at nawala na rin kami ng communcation.. sabi ko sa sarili ko mag move on na ako.. kaya nagchange ako ng number.. then Feb 2014 nagtext kapatid ko sabi sakin tawag daw ng daw ang bf ko sa kanya tinatanong kung nasan ako.. at dahil memorize ko number niya tinext ko sya.. nagpunta sya agad sa bldg ko at nag usap kami.. dapat di ba ako ang iiyak? pero naubos na yata luha ko kakaiyak nun wala pa sya.. kaya nung nag usap kami sya ang nagluluhod at nag iiyak.. nagmamakaawa na balikan ko sya.. mula nun niligawan niya ulit ako binigyan ng mga pangako na pakakasalan niya ako.. ako naman si tan** nagpauto nanaman.. March 2014 nagsama ulit kami.. now im not a gf coz now im a mistress.. masaya, enjoy parang nakalimutan namin na may nangyari.. di niya pinararamdam sakin na may asawa sya.. kapag nakikita ko sa phone niya n nagtetext asawa niya di naman niya tinatago.. kaso di niya nirereplyan o tinatawagan man lang.. ako pa nagpupush sa kanya na kahit once a week tawagan niya kasi babae din ako.. kwento niya pa sakin ng 1 month daw sila nagsama pro 3 times lang sila nag sex.. kasi nga ako ang mahal niya.. syempre di ako naniwala.. lalaki sya eh.. then April 2014 nag ayos kami ng papers para sa court marriage namin.. nagpamedical na din kami.. pero suddenly sinadya ko idelay.. nagbago isip ko.. kung ano ano dahilan ginawa ko para di kami matuloy.. para kasing di ko kakayanin may kahati forever.. un nafeel ko that time.. then June 2014 nagvisit yung Mom niya.. pinakilala niya ako.. magkakatabi kami natutulog sa hotel.. enjoy super saya.. feeling ko ok ang lahat.. pinaliwanag niya kubg bakit sila pinakasal.. at Mom niya pa mismo nag swear sakin na gusto talga ako ng anak niya at gusto ako pakasalan.. magaan sa feeling..

Then sabi ng bf ko need muna daw namin maghiwalay ng bahay kasi para makatipid kami.. at makaipon pang pakasal.. sakin naman ok lang para di ko need ipaaalam lahat ng gagawin ko.. July 2014 separate house na kami.. pero everyday niya ako sinusundo at hinahatid after work.. then dumating yung time na after niya ako ihatid nag ooff sya ng phone binibuksan niya na lang pag susunduin niya na ako para ihatid sa work.. so nagtataka na ako, di naman sya ganun dati.. then suddenly naisip ko icheck yung whatsapp ng wife niya.. nakita ko yung status na masaya sya.. kasi madalas status nun lonely at sad sya.. nagmessage ako ask ko sya kung nasa UAE sya.. FYI kilala niya ako na gf ng asawa niya kasi may pic kami sa fb ng bf ko.. at alam niya din number ko.. then nag reply sya sabi niya oo kaya mag meet daw kami at magusap..

Then nagmeet nga kami at nag usap.. nung una akala ko sasampalin niya ako o sasaktan o pagsasalitaan ng masama.. pero di niya ginawa yun.. mabait sya.. at sa kanya ko lahat nalaman na lahat ng kwento sakin ng bf ko about sa kanila eh totoo.. sya na mismo nagsabi sakin na naiingit sya sakin kasi ako ang mahal ng asawa niya.. pinakasalan nga sya pero di sya magawang mahalin.. di ko alam dapat ko sabihin pagkatapos ko marinig yun sa aswa ng bf ko.. at eto pa habang nag uusap kami tawag ng tawag bf ko sakin.. samantalang 5 hrs kami magkausap ng asawa niya never tumawag sa kanya.. grabe! puro reklamo narinig ko sa asawa niya 1 week na daw sya sa UAE pero nasa bahay lang sya para daw sya estatwa.. kaya sa awa ko ako ang nagtour sa kanya.. di ako pumapasok para maitour lang sya.. kasi at least mapasaya ko man lang sya kahit papaano..

Nagulat ang bf ko nung nakita niya mga pics namin ng asawa niya na magkasama.. abot langit nanaman ang pag sosorry niya sakin.. then pag alis ng aswa niya August 2014 sabi ko parang ayoko na kasi naguguilty na ako may nasasaktan kami.. kung kailan ready na ako mag move on.. kahit mahirap kasi mahal ko talaga sya at alam kong mahal niya rin ako.. saka naman kami nakabuo.....

Oct 7, 2014 i knew i was pregnant for 6 weeks.. then end of the month umuwi na ko ng Pinas.. until now may communication pa kami.. mostly everyday kami nag skype.. i dont have work here so i dont have income kaya pinapadalhan niya ako allowance and allowance for our baby..

Honestly gusto niya magpunta dito to marry me.. pero my Mom refuses.. ayaw niya.. my Mom knows that he is married already.. kaya ganun.. and now im 7 months preggy at inaaccept na magiging single mom na talaga ako..

Pasensya sobrang haba yata..  at nakakainip.. pero gusto ko lang ishare.. Anyways, im just 25 at kayang kaya ko pa buhayin baby ko.. sabi ko nga i dont need a husband but my baby needs a father.. then what i need to do.. ayoko naman maging selfish eh.. at ayoko din naman maging martir.. i have an option that me stay as single and he will still be my baby's father.. kaya ganun set up namin ngayon..

Sana advice naman dyan kung tama ba yung gagawin ko.. for me and for my baby..
Logged

ahyzeyuh

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 1065
  • im a good person,just keep on making bad decisions
    • View Profile
Re: Single-mommy-hood, what's your story?
« Reply #54 on: March 25, 2015, 07:00:34 am »

mahirap mag advise sis sa totoo lang. ur making a great deal of decision making.
ipagpray mo kung ano ba talaga ang dapat mong gawin, hinge ka ng guidance.
in making decision, think about the future... not because ur pregnant or not because of ur moms decision

Update lang ako, hihi tagal na rin pala since huling post ko sa thread- i gues 2yrs ago pa
my baby is now 6 years old
Civil pa rin kami ni SD.
walang allowance si baby from him

i survive the single mommyhood, with friends and family around me.
its not easy, but kaya naman  :D
Logged

nikkiniks

  • Newbie
  • *
  • Posts: 3
    • View Profile
Re: Single-mommy-hood, what's your story?
« Reply #55 on: May 25, 2015, 10:37:45 pm »

I am a young and single mom. Before I gave birth, malabo na talaga relationship namin ng ex-bf ko because of third party thingy.. but then, when I gave birth to my baby girl it suddenly changed. The guy who used to be my ex reconciled with me again... That time, I was really happy because i'm on my way in achieving my dream of having a happy family yet I was wrong pala.... hindi pa rin pala dun ang tuloy, a week before my baby's 1st bday, he left and decided to be with the other woman.... no communication, wala ng kumusta o anuman, walang pakialamanan ba..... so then, I decided to take all the responsibilities of a parent, being the mom and dad at the same time, kahit alam ko that time that I was broken and pained...... Pero I am lucky and blessed that God gave me my daughter that became my strength and life.... ngayon mas happy kasi alam ko naman sa sarili ko na napapalaki ko ang anak ko ng tama at maayos...  :) Single mothers are the most strongest person in the world! :) ;)
Logged

sweetlove

  • Newbie
  • *
  • Posts: 3
    • View Profile
Re: Single-mommy-hood, what's your story?
« Reply #56 on: February 28, 2016, 07:32:14 pm »

Hi mga mommies,Bagó lang po ako dito sa site na to..single mom din ako for 8 years,wala na ako work ngayon perň sustentado kami ng SD ko.ok po kami ng dad ng són ko.thankful pa rin ako kasi Hindi niya pinabayaan ang anak ko.nakilala ko siya na may asawa na pala.that time Hindi ko Alam.
Logged

mommyleon

  • Guest
Re: Single-mommy-hood, what's your story?
« Reply #57 on: April 03, 2017, 03:28:42 am »

Hi everyone! My son is turning 3 this May and I've been a single mom for almost 2 years. Son's father found another love and I guess she's his true love so I let them be. We ended our relationship the day after our son's first birthday since I found out that he's still seeing the girl she fell in love with, but we were already on rough ride before that and we tried to keep up for our son. Tried hard at begging him and the girl to give my son a family but didn't work. Since the break up, my son got the chance to see his dad once that was Christmas 2015. I'm a proud working single mom. I know I can survive all hardship in my life as long as I have my son's smile and giggles.  ;)
Logged
Pages: 1 2 3 [4]