Parent Chat

  • June 17, 2019, 10:33:56 pm
  • Welcome, Guest
Advanced search  

News:

Smart Parenting is giving away awesome prizes twice a month! No purchase necessary. Click here to find out.

Pages: 1 2 [3] 4 5

Author Topic: How can I help my shy kid?  (Read 35051 times)

mommy e

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 211
    • View Profile
Re: How can I help my shy kid?
« Reply #30 on: September 02, 2011, 11:07:15 am »

sis don't let him feel the pressure ... slowly but surely sis, kc mas pressured sya mas magiging resistant sya. my eldest kc sya din sya ng ganyang stage .. ine encourage ko lang sya although di ko sya pine pressure ... bring him to kid's parties, or yung sa mga playhouse / playrooms na maraming kids ... nakatulong yan sa kid ko nawala pagiging mahiyain niya ... nasobrahan naman yata ... hehe
Logged
Count your blessings .... not what's missing ....

sassysy

  • Newbie
  • *
  • Posts: 18
    • View Profile
Re: How can I help my shy kid?
« Reply #31 on: September 02, 2011, 11:58:52 am »

sis, siguro to begin with, you should expose him to an environment with a lot of people. baka kasi kaya na hihiya laging kayo lang ng hubby mo kasama sa house. dapat meron siya group of friends whom he can play with. cousins man or neighbor or try to arrange play dates with your friends' kids. or pwede din dalhin mo siya dun sa mga play area sa mall, madami kids dun. and true yun na wag mo siya i-pressure kasi the more na mahihiya yan.and once he started playing with other kids, observe mo lang siya wag mo rin i pressure na makipaglaro na. dapat at his own pace. so i think the best way for him to know how to interact with other people and overcome his shyness is through play. kasi every kid is not pressured by playing and find it enjoying. :)
Logged

inker

  • Newbie
  • *
  • Posts: 31
    • View Profile
Re: How can I help my shy kid?
« Reply #32 on: September 02, 2011, 12:09:38 pm »

^ I agree, sis mommy e. If you push your child to socialize and be friendly just like other kids, the result might be the opposite; the child might hide more in his or her shell.

My 4 year old daughter is very talkative and fun to be with when at home. Ilabas mo yan at di agad magsasalita. Isali mo sa birthday party, nasa isang tabi lang. I tried to push her to join, but she won't budge. If I tried to push her more, she'd cry. Laging ganito when it involves being with a large group of people.

Ganito rin yung nangyari last summer when I enrolled her at a ballet school. As expected, the first day was terrible. She wasn't cooperating, she moved around, she fidgeted, and eventually she cried when the teacher asked her to get back to her place. I asked her what the problem was when we got home. She said she felt shy. I told her that it's okay to feel shy and that when she got to know the teacher and the other kids, she'd feel happy there. I asked her to give the school another try. On the next meeting, I brought her to school 30 minutes earlier. The teacher and one of the students were early too. Dito sila nagkaroon ng bonding. My daughter warmed up to her teacher, she helped her arrange the name tags and place the stickers on the floor. She bonded with the other kid, too. When the lesson started, she followed her teacher, she didn't fidget and didn't make a scene. Dito ko napagtanto na kailangan lang niya mag-warm up when she's in a public place.

Simula nun, lagi ko na syang dinadala sa kahit anong events nang maaga, especially if it'll be her first time to be at that place and she'll have a fewer or none familiar face to meet there. And it is working.

But still, I don't expect her to be that cooperative all the time. Lalo na kapag may mga performance na. My daughter is a bit OC and a perfectionist too. Kapag di niya alam or perfected (based on her standards) ang isang activity, you can't make her do it kahit magmakaawa ka pa. I realized that it is part of her personality and I have to accept it and help her overcome her shyness and perfectionism in a gradual manner. Kasi pareho lang kami mafu-frustrate. Which is why when the ballet school invited us for a summer ballet recital, I refused. Sabi ko next time na lang when she's at least a year doing ballet. At least she's comfortable performing by then. Until now, she's doing ballet and she's still enjoying it.

To sis Mayums, it helped me a lot reading about sensitivities in children, including overexcitabilities. Kasi may mga bata pala that get overwhelmed with certain sounds or noise and large group of people. Masyado silang mag-absorb ng outside stimuli whether it be visual or auditory. It helped me realize too that my child is an individual, has her own personal preferences which I should respect. Eventually, as many moms here attest, she'll grow into a more sociable child in time with our help, proper guidance and understanding.

Logged

jrvez_mom

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 54
  • i love mah boys (",)
    • View Profile
Re: How can I help my shy kid?
« Reply #33 on: September 02, 2011, 12:24:41 pm »


@ mommy mayums : i think we have the same concern.ganyan din ang 2nd child ko, nursery din and sobrang shy sa loob ng classroom.shy din sya sa teacher niya.i keep on telling him na dapat hindi sya ma shy kay teacher kase nice naman si teacher.minsan siya na nga raw yung niyayaya nang mga classmates niya pero minsan lang talaga makipag-mingle.pag dito naman sa bahay sobrang likot naman.He has 2 brothers and playmates na mga kapitbahay and in my observation nakikipaglaro naman sya..kung may oral recitation sila sa school ang hina raw ng boses and minsan hindi na nagsasalita..i keep on assuring him na wala naman sya dapat katakutan because friendly naman yung mga classmates niya and very nice and soft spoken si teacher..sabi niya lalakasan naraw niya boses niya and hindi na sya ma shy kay teacher..sabi din ng teacher niya hindi raw dapat biglain ang bata ,kakausapin lang daw and give them assurance na magiging ok ang lahat na wala sila dapat ikahiya. :)
Logged

meme

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 120
  • With u and God in the center, I am complete...
    • View Profile
Re: How can I help my shy kid?
« Reply #34 on: September 02, 2011, 01:00:02 pm »

ganyan din ang concern ko sa daughter ko na 3 years old. masyado sya mahiyain pag ibang tao, parang ayaw niya napapansin. pag kakilala niya kasama niya ok lang pero pag hindi na naku nasa isang tabi na lang sya. fisrt day niya sa school umiiyak sya hanggang pangatlong araw, pero eventually nag warm up na sya kay teacher tsaka mga classmates niya. pero pag may ibang tao sa school umiiyak pa rin sya. gaya nung linggo ng wika nila, ang galing niya pag pagpractice pero nung time na magperform na sila, since madami tao nanonood ayaw niya na tapos umiiyak na. ganoon din pag may nagbibirthday sa school nila, pag may kasamang ibang bata na hindi niya classmates, di na sya nakikihalubilo.

nag try na rin ako ipasok sya sa mga playroom para masanay sa maraming bata. pansin ko yung ibang bata nag aagawan minsan sa isang laruan, sya mas gusto niya mag isa. kung kukunin ng ibang bata yung nilalaro niya, hinahayaan niya lang, lilipat na lang sya sa iba.

pinagsasabihan ko na lang na hindi sya dapat mahiya pero hindi ko pinipressure. ganun din kasi ako nung bata ako, hanggang college nga dala dala ko pagiging mahiyain. may kanya kanya talagang personality eh, tinutulungan ko na lang sya idevelop para kahit paano mawala yung takot niya.
Logged
"Happy is the man who captures the first love of a woman, but happier is the woman who captures the last love of a man…."

MommyMichell

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 86
  • Love my smart kids!
    • View Profile
Re: How can I help my shy kid?
« Reply #35 on: September 02, 2011, 01:01:04 pm »

ganyan din problem ko sa panganay ko, 2 weeks nag-iiyak sa school nung kinder at kailangan makita agad niya ako paglabas niya ng room kundi e ngangawa na so ginawa ko sinali ko sa mga kung ano anong activities na alam kong mae-enjoy na, malapit na halloween, naku sis sali mo sa mall na may trick or treat kung saan kayo malapit, imposibleng hindi sya mag-enjoy at mawala inhibitions niya, pa-onti onti masasanay sya makipag-interact sa ibang kids at mao-overcome niya na shyness niya, sa ngayon 11 years old na son ko and may daughter ako 6 years old, mukhang nasobrahan naman, overconfident na minsan :D
Logged
Thanks to all the moms here for sharing!

mayums

  • Newbie
  • *
  • Posts: 19
    • View Profile
Re: How can I help my shy kid?
« Reply #36 on: September 02, 2011, 03:23:41 pm »

mommies, thank you so much for your inputs. medyo nabawasan ang worries ko kasi di lang kami ang nakaka-experience ng ganito. sa class kasi nila parang wala naman akong nababalitaan na same case sa kanya.

with interaction naman with other kids, nakikipag-interact naman sya sa mga classmates niya although i think di pa niya memorize names nila. sa church naman meron syang mga kalaro. improving naman sya on that aspect kasi before di din sya masyadong nakikihalubilo.

thank you mommies. :)
Logged

denise2214

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 105
    • View Profile
Re: How can I help my shy kid?
« Reply #37 on: September 08, 2011, 09:21:59 am »

@sis inker-korek ka sis sa pagdala ng maaga sa mga events..ganyan din anak ko..pag late sya tantrums na agad..kaya lagi ko rin dinadala ng maaga tapos nirrready ko na sya sa possible na makita niya dun at what to expect.simula non ok na sya
Logged

ea_brea

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 410
  • don't be afraid to dream a little bigger, darling
    • View Profile
    • La Mer de Reve
Re: How can I help my shy kid?
« Reply #38 on: September 08, 2011, 10:51:03 am »

ganito din pamangkin ko, kahit sa mga children's parties. ginagawa ng SIL ko, hinahayaan niya muna mag-'warm-up' ang pamangkin ko to the setting and the people. hindi niya pine-pressure. ayun, minsan mabilis siya mag-adjust, minsan matagal din. iba-iba naman bawat bata e.

you can also try to expose him/her to environments na madaming kakausap sa kanya. napansin ko kasi sa ibang events and mga bata ay hindi kinakausap ng matatanda masyado.

toughmom

  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 1206
    • View Profile
Re: How can I help my shy kid?
« Reply #39 on: October 05, 2011, 09:18:29 am »

Shyness can be detected as early as your child’s infant years. New SP article Shyness Begins during Infancy helps you find out if your baby will turn out to be a shy child.
Their “shyness spectrum” reveals that there are gradations when it comes to shyness.
click image
Logged
Join existing topics for common concerns and use the "Seach feature" before starting a new topic. Keep your signatures small:100 pixels max.height  Refrain from using textspeaks (shortened SMS words). Quote only a portion of the message. Be cautious in sharing your personal infos

PMunoz

  • Newbie
  • *
  • Posts: 4
    • View Profile
Re: How can I help my shy kid?
« Reply #40 on: October 14, 2011, 02:18:53 pm »

aww maybe phase lang siya sis, kasi yung isang anak ko ganyan pero nawawalan din yung hiya niya pag nakilala na niya and nakasama kahit konti yung mga tao , so im sure your baby will be ok :)
Logged

CallcenterMom

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 110
    • View Profile
Re: How can I help my shy kid?
« Reply #41 on: January 11, 2012, 03:15:52 pm »

I have a 6yo daughter who used to be so shy.  I mentioned used to be kasi ngayon she knows how to overcome her shyness and nervousness.

Dati kapag may school program, talagang napipikon ako kasi binihisan mo ng todo-todo tapos ang practice niya sa school halos araw-araw.  Pagdating ng presentation day, tatayo lang na parang poste sa stage habang ang mga classmates niya ay sumasayaw.  Meron pa ngang point na talagang sinuhulan ko ng Barbie doll para sumayaw lang.

I enrolled her to a workshop, yung mga nag-aalok ng dance, sing and modeling workshop for kids.  During the first day, she was shy, medyo naluluha pa nga ng iniwan ko sa room with other kids.  After 3-5 sessions and so many vtrs (pinag-aaudition ko rin kasi sya as model) napansin ko ang confidence level niya nag-improve.  Of course, you have to still talk to them and assure them that they are doing great and that you are proud of them. 

Every kids naman may kanya-kanyang level of shyness.  They just need our help to overcome it.
Logged

mika-madz

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 63
    • View Profile
Re: How can I help my shy kid?
« Reply #42 on: February 27, 2012, 05:15:07 pm »

hi mommies!
I'm a newbie here.. dami ko natututunan sa mga posts & reactions nyo.. thank you for sharing :)
that's why i thought of sharing also my worries sa 4yr old daughter ko.. mahiyain sya e, as in hindi sya nakiki mingle with other kids.. siguro dhil hindi p sya nag aaral. last Sat kasi nag attend kami ng birthday party sa Max's.. ayaw niya mag participate sa games.. also.. nag i-inquire n kami sa mga schools for her schooling on June, e nahihirapan ako sa kanya kasi pag may interview, ayaw niya sumagot sa teacher. pero she knows ABC, colors, numbers, shapes, even writing her name.. sayang lang kasi hindi tuloy nakikita nung interviewer yun capabilities niya dhil sa "hiya" niya.. nakakatuwa lang kasi ang mga kids na sociable at nagpaparticipate sa parlor games.. how i wish ganun din ang anak ko..i just hope madevelop ang social skills niya pag nag aral n sya ;)
Logged

Mommy France

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 1651
  • Lucky to be loved by 2 boys
    • View Profile
Re: How can I help my shy kid?
« Reply #43 on: February 27, 2012, 05:25:55 pm »

Hi sis.. alam mo yung anak ko, this school year pa lang mag-aaral pero natutuwa ako sa kanya kasi malaki na yung pinagbago niya.

Dati kapag may bata lumalayo siya. Ngayon siya na yung lumalapit.

Sino ba madalas kasama ng anak mo sa bahay? Tapos anong activities yung ginagawa niya to bond with kids her age?

Yan kasi yung tanong namen sa sarili namen dahil natatakot kami ng asawa ko whenever lumalayo yung anak ko sa mga ka-age niya. Paano na lang pag nag-school siya. Although andun pa rin yung gulat factor (sabe sa assessment sa kanya sa montessori) at least daw nag-ta-try siya.

Dahil niyo sa mga playground tapos let her play with kids. Sa una talaga hindi lalapit pero kapag nasanay siya dun sa lugar mas lalakas na yung loob niya makipaglaro. It doesn't have to be sa mga posh na play area. Kami sa play ground lang dun sa may BF. May little tykes dun na pinapalaro namen yung anak ko tapos nanonood lang kami.

Dun naman sa interview for school, nag-prepare talaga kami ng anak ko. Na-set ko sa utak niya yung gagawin ng teacher. Anong isasagot niya pag tinanong siya ni teacher?
Yung anak ko di pa masyado nakakasali sa parlor games kasi hindi pa siya ganun kagaling sa pag-follow ng directions. Nadi-distract pa siya. Pero kapag may lumapit sa kanyang bata, siya pa yung nagyayaya makipag-play.

We had the same dilemma, yung sa anak ko lang medyo na overcome na niya kasi na-set ko na sa kanya.
Logged
I am not perfect but I try my best to make the most of what God gave me.
Bad things may happen to me, but I will always come out of it with my head up high. Why? Because I know that I did the things I can control the right way. And the things I can't control, I leave it up to God's will.

mika-madz

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 63
    • View Profile
Re: How can I help my shy kid?
« Reply #44 on: February 28, 2012, 12:20:51 pm »

HI Mommy France! thanks for the advice.. tamang tama, bukas may interview sya ulit sa school, iko-condition ko n utak niya.. and yes, siguro dapat dalas dalasan ko ang pag dala sa knila sa playground. SAHM ako, pero di ko sila madalas mdala sa playground kasi sa dami ng house chores, pagod n din ako minsan sa hapon. kaya sialng magkapatid lang lagi magkalaro, my other kid is 2yrs old.  tska ayun., watching cartoons lang everyday. Sana maganda kalabasan ng interview niya tom.. Thank you!! 
Logged
Pages: 1 2 [3] 4 5