edit ko nauna ko post mga sis since back to manila na kami after our 3d/2n vacation in palawan
first day: DIY honda bay kami ni hubby we did enjoy our island hopping, rented a trike @400 c/o kuya alex then pagdating sa lourdes wharf may couple na nag aabang ng makakashare sa boat and so share a boat and win a friend kami

1,500 ang rent ng isang boat parang hanggang 8 yata capacity (im not sure though yung boat namin malaki compared sa iba) at eto lang may hidden charges aside from the 1,500

later in the afternoon nag punta sa baywalk which is stone throw away lang sa audissie pension na pinag stay-an namin.
second day: super smooth and happy ng UR tour 8 kami sa van and magaling si kuya ariel na tour guide audissie pension na rin nag arrange ng UR tour namin they gave it @1,400/pax (topstar travel and tours sila affiliated) and kuntento kami sa service

nakabalik kami sa pension around 3:30pm freshen up lang kami ni hubby then around 5 nag ikot ikot kami sa city and namili sakto naman baragatan kaya madaming tiangehan booth and then namili din kami sa cora's souvenir shops dito ko nabili mostly pasalubong ko sa mga officemates ko nice items and affordable.
third day: we went sa crocodile farm di na kami nag rent ng trike yun na lang kasi balak namin puntahan saka may play kasi nba hinabol talaga ni hubby laro ng miami niya

kaya back to pension kami agad after crocodile farm then after ng laro lunchout kami then namili ng ilang nakita pa sa daan then nag gayak na kami 2pm flight pabalik manila.
personal feedback:*audissie pension: clean, comfortable and affordable naman ang rooms saka malapit sa city proper yun nga lang gaya sabi sis angel's mom di nangiti yung may ari as in natatawa nga si hubby sakanya kasi pag nasa lobby kami at andun si sir kiko parang may gusto syang sabihin na di mawari

kulang na kulang sa PR.
*DIY tours: mura na yung 400 na trike namin for honda bay compared sa nakuha ng ibang sis natin pero actually mahal pa rin pala yung 400, i have a friend na na-assign dati sa palawan and saka ko lang sya natawagan nung andun na kami sa honda bay ayun pinagalitan ako kasi ang mahal daw ng upa ko e may mga multicab naman palang nadaan sa area P25 each lang hehe charge to experience na lang, kaya when kuya alex offered 600 for the city tour umayaw na si hubby saka yun nga crocodile farm na lang balak namin puntahan kasi nakapag ikot na rin kami he even lowered it to 400 pero di natinag si hubby

instead nag trike kami papunta chowking bayan at dun nag abang ng multicab P28 each all in all ang 1 way oh di ba tipid to the max

haba haba na ng post ko hihi super enjoy kasi ng palawan vacation namin ni hubby sana laging may extra budget for travel
