Parent Chat

Advanced search  

News:

Pages: 1 2 [3] 4 5

Author Topic: Unplanned Second Pregnancy, how did you handle it?  (Read 27722 times)

mandyislove

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 106
  • AMANDA REESE...an answered prayer!
    • View Profile
Re: Unplanned Second Pregnancy, how did you handle it?
« Reply #30 on: August 08, 2012, 05:12:04 pm »

will post here kapag confirmed na ;D
Logged
Some people think it's holding on that makes one strong, sometimes it's letting go...

mommy celyn

  • Newbie
  • *
  • Posts: 35
  • I am a mom... proud and loving it!
    • View Profile
Re: Unplanned Second Pregnancy, how did you handle it?
« Reply #31 on: August 31, 2012, 09:16:58 pm »

wow... I am also pregnant with our 2nd child. I found out about it nung 11 months old pa lang ang panganay namin ni husband.  Noong una hindi ko rin alam kung matutuwa ako o hindi. Ang una din na naisip ko eh yung sasabihin ng ibang tao. Alam niyo na macomment ang mga tao... hehe... Sinabi ko sa husband ko and he told me na andiyan na yan eh makakayanan naman din natin to. So kahit paano narelieve ako. Pero hindi pa rin maalis sa isip ko yung sasabihin ng ibang tao. Hanggang sa naisip ko, hindi lang naman ako sa mundo ang nasundan agad ang anak. At unfair kay 2nd baby kung ganito ang mararamdaman ko. Sino namang anak ang matutuwang malaman na hindi naging masaya ang mommy nung nalamang pinagbubuntis ka di ba. So, I gather my strength and really tried to be happy and think of the positive sides of my pregnancy. I was advised ng mga kakilala ko sa church namin na para maiwasan ang competition between sa kanila paglaki wag hayaang maintimidate sila o iprovoke ng ibang tao. Di ba may mga time na yung mga relatives natin o kakilala natin mahilig asarin ang mga bata na "naku, may bagong baby na si mommy. Hindi ka na niya love" o kaya "oh mas cute si baby kesa sayo"... yung mga ganoong katuwaan ba ng mga matatanda. Dapat daw sawayin agad ang mga ganun ang encourage the panganays to love and know the roles of kuya or ate... Kasi nga naman kapag inaasar yung mga panganay sa kanilang younger na kapatid may psychological at emotional effect yun sa mga bata at dun nagstastart yung mga competition o misunderstanding between them. Kaya talagang nag-usap kami ni hubby na walang mang-aasar sa panganay namin sa kanyang younger brother. Kahit mga sariling pamilya pa namin. The good thing about samin din kasi ni husband we dont let our families get too involved sa marriage and family life namin. Bukod kami talaga. Kahit mahirap atleast we have privacy ni husband. Kaya noong sinabi na namin sa kanila na we are expecting again... tahimik lang sila... hahaha...
We love our inlaws and respect them but we make sure na they know there lines.
Ngayon medyo kapos din talaga kami pero I always talk to my baby na everythings gonna be okay. Although si panganay talagang no clue pa kasi nga 15months old pa lang I try to ready myself na sa kanila. Like mga ganitong forums na sobrang nakakatulong sa mga mommies kung paano ihandle ang mga ganitong sitwasyon,
I also ready myself na sa mga hindi magagandang comments mula sa ibang tao, ready na yung mga pambara ko sa kanila.  Feeling ko kasi if I dont fight its like I am failing my baby.  hehe, ako lang yun mga mommies ha. )
Logged

IanAndDina

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 151
  • Live your life to the fullest!
    • View Profile
Re: not expected pregnancy is a blessing.. share your stories
« Reply #32 on: September 03, 2012, 02:33:46 pm »

Hi mommies! Pasali ako  I'm on my 25th week na po:) Before I got pregnant, me and my mom were always arguing, dumadating pa nga sa point na halos magkasigawan kaming dalawa, as in hindi talaga kami magkasundo, pati yung younger brother ko. Everything changed when I got pregnant -unexpected siya kasi plan pa namin magkababy sa 2014  :P- as in nagbago talaga lahat  ;D I used to stay kasi sa house nila hubby and nung hindi pa naman ako buntis ni walang txt man lang ang mama ko sken, then come May, na nalaman kong preggy ako xempre ininform ko sila, aun, maya't maya ang tawag, to the point na sila pa nagloload sken para makapagreply ako sa mga text nila. Then yung younger brother ko, todo protect saken, lalo na kapag umuuwi ako and sasakay kami ng trike, sasabihin nun sa driver "manong dahan dahan sa lubak ha!" And nung nalaman niang boy si baby, isip siya ng isip ng gusto niang pangalan and gusto niya siya ang kamukha  ;D! We were never that close before!!! Tinalo pa nga yung asawa ko! Super blessing talaga tong si baby boy ko! Si hubby din feeling ko mas lalo kaming naging close, lalo na kapag namimili ng mga gamit ni baby, lumalabas na yung pagging daddy niya  ;D Lahat nakikishare sa excitement sa paglabas ni baby boy,
Logged

wintersolstice

  • Newbie
  • *
  • Posts: 10
  • An OC mom and wife
    • View Profile
Re: Unplanned Second Pregnancy, how did you handle it?
« Reply #33 on: September 06, 2012, 08:04:14 pm »

Hello mommies! Same tayo ng situation mommy celyn. Kaka-celebrate lang ng 1st birthday ng eldest ko when I found out that I'm 7 1/2 weeks pregnant. In denial din ako until I went for ultrasound. medyo nahihiya din kami ni hubby na ipagsabi din so we waited muna talaga na mag-1 year si panganay. When we told our parents about it, magkaibang reaction nakuha namen. My parents were ecstatic about my second pregnancy, ayos lang daw yan magkasunod para nagpapalaki nalang ng baby and di masyadong ma-spoiled ang eldest namin. Sa side naman ni hubby, nagulat ako nabalitaan ko nalang sa bro-in-law ko na naiyak daw mom-in-law ko nung nalaman. Ayaw pa nila kasing masundan yung panganay namin. Kawawa daw kase. medyo sumama naman loob ko sa kanila kasi everytime we talk about my second pregnancy laging sinasabi kawawa daw si eldest. Gusto ko na ngang tanungin in what point siya kawawa. Sobrang nagtitimpi lang talaga ko. So sabi ko sa sarili ko kung di nila matanggap, e di huwag! Isa pa yun ikinaka-depress ko lately.  :'(

Personally naman, unexpected talaga yung second pregnancy ko. Mixed emotions din naramdaman ko. Andun na yung fear na baka di namin makayanan financially or emotionally baka di ko kaya mag-alaga ng dalawa. Pero after some time, na-realize ko na wala narin akong magagawa might as well enjoy the moment nalang na buntis na naman ako and enjoy the remaining months na solo kami ni eldest. I also started reading topics gaya nitong forum so I would have atleast an idea what to expect having 2 kids at the same time. I have to be strong for myself and my baby. Kasi until now nafi-feel ko na unrecognized pa rin siya ng family. Tipong di man ako buntis ganun. Di siya tinatanong, di masyadong inaalala or what, unlike dun sa first pregnancy. All I'm praying is sana lumabas siya ng normal and healthy. Kaya natin yan mga mommies!
« Last Edit: September 06, 2012, 08:20:33 pm by Mommyjazz »
Logged
Making the decision to have a child is momentous. It is to decide forever to have your heart go walking around outside your body.
- Elizabeth Stone

je_anne

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 51
    • View Profile
Re: Unplanned Second Pregnancy, how did you handle it?
« Reply #34 on: September 07, 2012, 01:31:10 pm »

Hi mga mommies, Im 28 weeks now with Baby No.2.

I found out when Baby No.1 was only 4 months old. So imagine my shock and stress when I found out. I gave birth with Baby No. 1 last Dec 2011. Obviously, since I wasn't thinking  of contraceptives at that time. When I had my period last Feb 2012, I asked my sis-in-law na OB, if possible na ma preggy na ako. Sabi niya oo and she told me to use pills na. Sabi niya I should wait for the next period and dun ko isabay yung contraceptives para hindi ako malito. Unfortunately, hindi na nasundan yung period ko.

So after 2 to 3 weeks of delay, took the PT and  positive nga siya. Definitely, I wasn't happy or ecstatic about it. I was thinking na kawawa naman baby ko, I wasn't even able to enjoy him, tapos may kasunod agad. Si hubby and I were embarrassed to inform our family pa, thinking na it was too soon. Lalo na sa office, kasi I just got back from my maternity leave di ba.

Eventually, nag-sink in na rin. I was reading through some posts dito about having kids with small age gaps and kaya naman pala. I was thinking of the responsibilities, etc. I didn't post anything about the pregnancy sa FB or even told anyone outside my family until I was showing na. Yung tipong obviously hindi na normal ang belly ko kasi parang di naman na siya lumiliit.


I also share the sentiments of sis wintersolstice na hindi masyado tinatanong yung baby no. 2. Unlike the first baby, lalo na sa side ni hubby kc first apo yung unang baby ko. Kahit si hubby parang di rin masyado excited dito sa 2nd lalo na nung mga first few months. HIndi gaya nung panganay namin na lagi niya kinakausap nung nasa tummy ko pa lang. Pero ngayon si hubby parang natauhan na ata na may 2nd baby kami, kasi kapag nglalaro kami ni Baby No.1  lagi niya nireremind na yung tiyan ko daw baka madaganan, tapos he's already talking about the name of our 2nd baby, kung ano daw maganda kahit 3 months to go pa ako.

Ang fear ko lang sa mga babies ko, baka lagi nilang icocompare yung dalawa. Lalo na sa side ni hubby nga, kc unang apo di ba. Hopefully, he'll be normal and healthy just like his kuya. Good luck sa atin lahat.




Logged

mommy celyn

  • Newbie
  • *
  • Posts: 35
  • I am a mom... proud and loving it!
    • View Profile
Re: Unplanned Second Pregnancy, how did you handle it?
« Reply #35 on: September 08, 2012, 05:19:46 pm »

oo nga mommy wintersolstice... kung hindi sila masaya kay 2nd baby ano ngayon... Tayo naman ang pinaka-importanteng tao sa buhay ng mga babies natin diba... Ako talaga basa ako ng maraming mga infos sa pag-alaga ng 2 kids. Kapag nga may mga nasasalubong  akong mga mommies na may hawak ng mga newborn sobrang na-eexcite na ako... Hindi na ako makapaghintay makita si baby no.2....
Si husband although tanggap naman medjo hindi rin ganoon ka-involve. Kapag hinahawakan nga niya yung tummy ko hindi gumagalaw si baby. Pero kapag ako galaw siya ng galaw. Pero noong pinagbubuntis ko si panganay kahit sino humawak sa tummy ko gumagalaw siya. Feeling ko tuloy parang naabsorb din ng baby ko yung mga disappointments ko. Kaya I always try to be positive. Gaya niyo mga mommies wala akong ibang prayer kundi maging healthy si baby. Although minsan nagiguilty ako kasi hindi naman deserve ni baby yung mga negative views ng ibang tao. Wala naman siyang kasalanan o hindi naman niya choice na masunod agad sa panganay diba na sana maisip din ng mga tao sa paligid natin. Masakit lang kasi mismong mga family natin yung minsan may mga masamang nasasabi imbes na sila yung magbigay satin ng su[/color]pport.

Pero as long as andito tayo for our babies di ba...  ;)[/i]
Logged

BlueAby

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 461
  • Mother of two
    • View Profile
    • CS_CuteShoppe FB Page
Re: Unplanned Second Pregnancy, how did you handle it?
« Reply #36 on: September 20, 2012, 02:40:52 pm »

Share ko lang po experience ko.
Months lang din pagitan ng babies ko. Then one time nung pumunta kami ni hubby sa bahay nila, sakto na nandoon yung barkada ng kuya niya. Eh lumabas ako nun para sundan hubby ko kasi hawak niya yung panganay ko and gabi na. Sasabihin ko sana na suotan niya ng cap. That time malaki na ang tyan ko sa bunso kong anak. Nasaktan lang ako nung narinig ko yung isang barkada ng kapatid ng hubby ko. Sabi ba naman "O meron na agad kasunod? Parang kuneho lang ah" Sa totoo lang nabastusan ako sa sinabi ng taong yun kaya pumasok na agad ako sa loob ng bahay. Di pala narinig ni hubby yung sinabi. Pero kahit naman marinig niya yun di naman din ako ipaglalaban nun. Saksakan sa kaduwagan yung hubby ko na tipong ako pa ang nagtatanggol lagi sa kanya. Kakasad lang kapag nakakarinig ako ng ganun tapos di pa kami close ng taong yun. Ang sarap nga sagutin or barahin kaso dayo lang din naman ako sa place nila hubby.  :'(
Logged

FV's mom

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 258
  • daddy's little version
    • View Profile
Re: Unplanned Second Pregnancy, how did you handle it?
« Reply #37 on: September 20, 2012, 05:23:45 pm »

naku sis.. madame talagang ganyang tao.. yung tipong kailangan pa nila ipasigawan na "buntis ka ulet?"

ako sa dame ng nagtatanung.. dedma lang ako  ;D

buhay naman natin to mga sis.. tsaka it's always a blessing na magkarun ng another baby in the family  ;)

hindi ibibigay sa atin ni Lord to kung alam niya na hindi naten kaya.. kapag nakakarinig ako ng ganyan specially dito sa office namen na madaming chismosa.. I just close my eyes ang feel my baby and pray.. Alam ko na God has a great plan for me and for my family..

good thing din sis si hubby super pagtanggol sa akin  ;D lagi niya sinasabi "eh ano pakelam niyo?" hehe..

good luck sa ating lahat :)
Logged
http://www.earnmailer.com/link/0fc0d1d0ef27e188

I so love baby FREIA VENNIZE and my husband VINSON



Uploaded with ImageShack.us

smart.momi

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 150
    • View Profile
Re: Unplanned Second Pregnancy, how did you handle it?
« Reply #38 on: September 27, 2012, 03:25:58 pm »

i just want to share yung situation ko now.  The other day, i found out that i am 5weeks pregnant with our 2nd child. Yung eldest namin 2yrs and 9months old na. Umiyak talaga ako promise. Not because i am happy about it pero i was so disappointed. Walang wala kasi talaga sa plan to. And unlike other mommies, pumalpak ang calendar method ko at gumamit pa ako ng emergency morning pills pero walang effect din. I feel depressed and naiinis ako kasi kung ako lang gusto ko lang talaga muna ma-enjoy ang eldest namin. Sana pag 4yrs old na sya. Pero nandito na nga. Sabi ni hubby blessing pa rin. Pero ako okay sige pero i don't find myself happy and exerting more effort para maging okay ang pagbubuntis ko. I am just maybe self centered. Just like the others, were not prepared yet. Financially and emotionally. We are on the process of purchasing a house pero ito pa nangyari. I am just praying that God will heal me. That He will touch my heart and help me realize that we can get through all of these..
Logged

abz22

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 134
  • Soon to be Mommy of Two!! :D
    • View Profile
Re: Unplanned Second Pregnancy, how did you handle it?
« Reply #39 on: September 29, 2012, 09:04:25 am »

^sis kaya mo yan. ako din ganyan ee. hahaha. as in parang nung una wala akong paki. pero day by day, narerealize ko na sakin lang din kukuha ng strength yung 2nd baby ko. ayoko din naman mafeel niya na unwanted siya. xka imagine na laging unfair sa mga 2nd babies. kasi, si eldest, naranasan niyang maging mag-isa sa attention ng parents niya.  but our 2nd babies would never experience that kasi nga second sila. so think positive. the motherhood within us will tell us na kaya natin to iget through.  ;D
Logged

smart.momi

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 150
    • View Profile
Re: Unplanned Second Pregnancy, how did you handle it?
« Reply #40 on: October 01, 2012, 01:44:13 pm »

thanks sis abz22. i'm okay na now. im  sensitive na rin to baby's needs. Sana tuloy tuloy na to :)
Logged

abz22

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 134
  • Soon to be Mommy of Two!! :D
    • View Profile
Re: Unplanned Second Pregnancy, how did you handle it?
« Reply #41 on: October 01, 2012, 05:25:02 pm »

^yes sis. based sa nangyari sakin, may time talaga na kakatok ang negativities lalo na pag may problem na sa pera, sa attention. pag nahihrapan ka tas andaming household chores.  pero ayun, kaya natin 'to.  ;) we'll get this through. ako nga mas malapit yung pagitan. pagkapanganak ko, 1 year and 3 months pa lang ang panganay namin and until now marami ako emotional problems. pero ayun nga, THINK POSITIVE. tiwala kay Lord.
Logged

mhiles16

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 54
    • View Profile
Re: Unplanned Second Pregnancy, how did you handle it?
« Reply #42 on: October 19, 2012, 04:49:19 pm »

Hi mga mommies..pajoin po..same here in my situation..unexpected un second baby.
1yr and 3 months pa lang din panganay namin.but i'm very happy because it is a blessings. :)
medyo mahirap lang ihandle dahil sa daming problem..pero kaya natin to.
Logged

jem.sexy@yahoo.com

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 257
    • View Profile
Re: Unplanned Second Pregnancy, how did you handle it?
« Reply #43 on: October 19, 2012, 05:03:34 pm »

i was also in the same stage before and the first time i've heard about this unplanned pregnancy of mine, I cried sobra.  pero later on, natanggap ko rin, kailangang tanggapin eh alanganin mo namang patayin ko yung baby sa loob ng tyan ko, di kaya ng powers ko yun.  so sabi ko sa sarili ko hiindi naman magic nung ginawa yan kaya hayan.  fast forward to today, ay grabe nanggigigil ako sa baby...totoo pala blessing pala sila kasi pag masama ang loob ko eh tignan ko lang itong mga bata, naiibsan na yung lungkot ko...echos!  ;)
Logged

trisha88

  • Newbie
  • *
  • Posts: 43
  • The hardest job is being a PARENT not a PRESIDENT
    • View Profile
Re: Unplanned Second Pregnancy, how did you handle it?
« Reply #44 on: December 11, 2012, 11:29:57 pm »

Grabeng hirap siguro nun kung sobrang magkasuno ang babies. Parang twins na rin yung anak mo pag ganun di ba?
Logged
The hardest job is not being a PRESIDENT but being a PARENT
Pages: 1 2 [3] 4 5