Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Pages: [1] 2 3 4

Author Topic: Nagtatago ng money kay husband / away dahil sa pera  (Read 15558 times)

mommy bong

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 59
    • View Profile
Nagtatago ng money kay husband / away dahil sa pera
« on: October 24, 2011, 12:42:10 pm »

hi mga mommies!

Any comment lang po... my husband, actually live-in partner, doesn't know the real amount of my salary, at least 4thousand un natatago ko sa kanya every month plus un iba benefits sa work. the reason for this, kasi may anak ako sa dati ko nakarelasyon, but we were not married. bago ko pa nakilala un husband ko ngayon, anak ko na to, medyo may issue kami sa bagay na yan, parang gusto niya hayaan ko na alng sa family ko s aprovince un anak ko and wag ko na syado gastusan, HINDI NAMAN PWEDE UN,  at anak ko un.. pinaglalaban ko pa rin karapatan ko sa anak ko.. so, un iba ko natatago pera from my sweldo, un gingamit ko o pinapadala ko sa anak ko sa province.

masama ba ko? malaking kasalanan ba un? honestly, wala naman ako nararamdaman guilt, worried lang ako kasi parang may nililihim ako sa kanya and yet, no guilt feeling.

what is your thought on this? thank you in advance.


Mod's note:
You Know What Could Be Worse Than an Affair? Financial Infidelity

Read it on Smart Parenting. Click this link:
https://www.smartparenting.com.ph/life/money/worse-than-affair-financial-infidelity-a00041-20170615

Post a question about this topic or share your experience. 
Login or register to join this and other discussions! Members get a downloadable freebie upon registration or membership update.

For avid Facebook users, join us on SP Village (click the image).



« Last Edit: December 22, 2017, 03:00:54 pm by Mommyjazz »
Logged

chester

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 322
    • View Profile
Re: Nagtatago ng money kay husband
« Reply #1 on: October 24, 2011, 12:54:50 pm »

hi sis. in my point of view it depends sa situation. just like my sister,  hindi niya sinasabi sa kanyang husband na may iba siyang savings account. why? kasi yung husband niya eh sobrang magastos basta alam niyang may pera.  so ang sis ko nagtatago para in case na may kailangang kailangan silang pagkagastusan ay may makukunan siya.
sa akin naman, husband ko alam ko sinasahod niya per payday. pero ang sahod ko hindi niya alam.  hindi siya nagtatanong kasi budgeted lahat ng hawak kong pera. at alam din niya na walang natitira sa sahod ko kasi napupunta sa budget namin. at kung may nasasave naman ako eh inilalabas ko pag may gusto siya or in case of emergency.
para sa akin wala naman masama na magsave ka para sa anak mo o para sa sarili mo. hindi natin masabi ang mangyayari sa hinharap. but explain to your hubby na rin na dapat nagbibigay ka sa anak mo. kahit anong gawin niya eh anak mo yun eh. dapat intindihin niya yun.
Logged

MommyMichell

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 86
  • Love my smart kids!
    • View Profile
Re: Nagtatago ng money kay husband
« Reply #2 on: October 24, 2011, 01:05:37 pm »

Tama lang ginagawa mo sis, it is your money at tama lang na magprovide ka para sa anak mo, wala dapat pakialam yung partner mo sa pagsustento mo sa baby mo, ask ko lang kung bakit ayaw niya na isupport mo anak mo? Kung hindi niya pala tanggap sitwasyon mo sana di na sya nakipagrelasyon sayo at naghanap na lang sya ng babae na wala pang anak. Sorry sis naiirita lang ako sa ganyang klase ng lalaki. Para sa akin hindi sya worth it. Kung ako ikaw ipapakita ko pa sa kanya na todo-suporta ako sa anak ko at kung may violent reaction sya e he's free to pack his bags & walk out the door (forever). Mga bata inosente at hindi dapat nadadamay sa kung anuman hang-ups natin sa buhay. I'm not saying na hiwalayan mo sya pero dapat matuto ka to fight for your child para marealize niya na dapat matanggap niya na decision mo na hindi ka mag-stop magsupport sa anak mo, good luck sis, sana maayos to
Logged
Thanks to all the moms here for sharing!

Crocs2011

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 57
  • Proud Mom of Araeg˝an :)
    • View Profile
Re: Nagtatago ng money kay husband
« Reply #3 on: October 24, 2011, 01:08:50 pm »

Hi sis, hindi ka masama. Okay yang ginagawa mo. Mas masama kung hindi mo susuportahan ang anak mo sa province. Good luck sis.
Logged

mommy bong

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 59
    • View Profile
Re: Nagtatago ng money kay husband
« Reply #4 on: October 24, 2011, 01:15:54 pm »

Salamat sa mga prompt responses mga sis... hirap talag sitwasyon ko.. at first ok anan sya, but we have our own child, dun na lumabas totoo ugali.. parang gusto niya lahat ng income namin sa min lang, sa anak namin.. although supportive naman sya sa ibang bagay para sa anak ko asa province, pero talagang very small amount lang ang gusto niya ibigay ko.. mahabang story at napakarami namin pinagdaanan gulo, before he realized na hindi ko naman i give up panganay ko.. pero tlagang binabantayan niya bawat bigay ko pera, so i have learned to do this thing, magtago ng mga totoong nakukuha ko benefits at salary sa office.

thank you.. thank you...
Logged

luk_resha

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 374
    • View Profile
Re: Nagtatago ng money kay husband
« Reply #5 on: October 24, 2011, 02:07:18 pm »

walang masama sis especially if para sa importanteng bagay...

eto ang isang bagay na sana noon ko pa naiisip gawin lately ko na lang kasi ginagawa  ;D dati lahat sinasabi ko kay hubby kahit maabutan lang ako ng boss ko ng 500 na pang merienda binabalita ko talaga sakanya pero nung madalas na madalas na madalas ng nang hihingi yung mga ILs ko kay hubby natuto na akong mag tago ng pera. at first i feel guilty kasi nasanay ako na lahat alam ng hubby ko yung pag may extra allowance ako na nakukuha bumibili ako ng kung ano-ano pero iniisip ko na lang na pag hindi ko ginawa and pag dumating yung time na talagang walang wala na kami e kami din ang kawawa e buti sana kung sa panahon ng kagipitan e natutulungan kami ng ILs ko kaso puro lang naman hingi ang alam nila. last january ko lang eto nasimulan  ;D may then boss gave me a new years gift nasa 6k pero 3k lang sinabi ko kay hubby  ;D the other half binigay ko sa mom ko. then rightnow with my new boss i have a monthly allowance saka may mga other allowances pa ako pag may schooling never ko talaga binabanggit kay hubby at ang ginagawa ko pag yung walang wala talaga kami dun ako humuhugot pero pinapalabas ko kay hubby na nag hiram ako sa office  ;D para naman hindi din sya mag hinala na may ipon pala ako tapos pag may pera sya humihingi agad ako ng pambayad kuno kesa mahingi na naman ng ILs ko yung pera niya at walang maiwan samin  ;D ;D basta pag andyan yung sundot ng konsensya iniisip ko na para kay baby at sa oras ng kagipitan.
Logged

kara

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 138
    • View Profile
Re: Nagtatago ng money kay husband
« Reply #6 on: October 24, 2011, 02:25:03 pm »

hindi naman masama yun lalo na at maganda naman ang reason mo sis...

ako din, pag may pera ako minsan hindi ko sinasabi na may pera ako, SAHM ako and walang income minsan binibigyan ako ng parents ko ng pera hindi ko na sinasabi sa kanya yun...  ;D
Logged

yhamslove«

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 886
  • I'm a Certified SP (Sisterly-Packaged) Member
    • View Profile
Re: Nagtatago ng money kay husband
« Reply #7 on: October 24, 2011, 02:38:34 pm »

@ mommy bong:

nalungkot naman ako sa gustong mangyari ng husband mo sis. sa totoo lang dapat nga hindi siya makikialam sa mga plano mo regarding your first child eh.

eh kung pagpalitin natin ang sitwasyon... kunwari siya yung may anak sa una at gusto mo "small amount" lang ang ibibigay ng husband mo sa unang anak niya... ano kaya mararamdam niya?

as to your question: masama ba ko? malaking kasalanan ba un?

hindi kita masisisi sa naging desisyon mo. hindi naman yun masama at tingin ko hindi yun malaking kasalanan.

ang iniisip ko lang, paano kung nalaman ng asawa mo? pero sana hindi kase baka pag umabot sa point na yun, baka lalo siyang maghigpit.

kung ako siguro, basta anak ko na ang pinag-uusapan, kahit ikagalit pa ng asawa ko, wala akong paki. hangga't nababalanse ko yung para sa anak namin ngayon, hangga't hindi kami nagigipit o nababaon sa utang dahil sa pagbibigay ko sa unang anak ko.

buti sana kung sa luho napupunta, eh sa anak mo naman eh... tao naman yung pinaglalaanan mo... hindi basta-basta kung sino lang. tama ka sis.. anak mo yun.

pero kung sa tingin mo sis, yan ang mas mabuting gawin, gawin mo lang. pagpatuloy mo lang ang pagdadasal na sana balang araw maintindihan ng asawa mo yung sitwasyon mo. para hindi mo na kailangan magtago sa kanya.
Logged
yhamslove  

mariann

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 859
  • enjoying motherhood to micah and iza
    • View Profile
Re: Nagtatago ng money kay husband
« Reply #8 on: October 24, 2011, 05:15:13 pm »

I don't find anything wrong with what you are doing. You can even tell him frankly that your child is your responsibility. Besides, you already have him even before you've met your partner now. He should accept you and your past.
Logged
mariann[move]

mamacharis

  • Guest
Re: Nagtatago ng money kay husband
« Reply #9 on: October 24, 2011, 05:44:30 pm »

mommy bong

sis kung ganyan ang gusto ng partner mo dapat mas lalo kang magtabi para sa first child mo. syempre lalaki yan mag aaral at mas malaki ang gastos kaya yung naitatabi mo na 4k every sahod eh mas mabuti siguro na dagdagan mo pa. Yun eh kung hindi pa rin magbabago ang view niya na wag mong gastusan ang first child mo.

syempre ina tayo gusto natin lahat ng anak natin eh maayos maibigay ang mga pangangailangan nila. kahit sabihin patago o nagtatago ka ng pera eh sa mabuti mo naman ginagamit hindi sa luho kaya siguro hindi ka na guilty.

na try mo na ba kausapin siya uli at ipaintindi sa kanya ang sitwasyon? alam mo hanga ako sayo kasi may ibang nanay na kapag nagkaron na uli ng bagong partner pinababayaan na ang anak nila.

sa totoo lang may point si mommy michell kaso syempre mahal na ni sis mommy bong ang asawa niya kaya di ganun kadali yun. PERO kung kaya mo sis pwede mo gawin advice ni mommy michell para magkaalaman na. alam naman niya na may bagahe ka sana naiintindihan niya (partner mo ) lalo na ngayon na may anak na pala kayo.
Logged

rianne_mallows

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 270
    • View Profile
Re: Nagtatago ng money kay husband
« Reply #10 on: October 24, 2011, 09:20:27 pm »

@mommy bong

sorry ha pero ang sama ng ugali ng asawa mo.. parang hindi lalake..

1. una sa lahat,wala pa siya sa buhay mo, anak mo na yun
2. pera mo yun.. anong pakialaman niya dun? ni hindi nga kayo kasal, may limitation ang pangengealam
3. may anak na din kayo, alam niya ang gastos ng pagpapalaki ng bata... dapat mas maintindihan niya iyon
4. alam niya na may anak ka na bago siya umeksena.. tapos ngayon mag-iinarte siya?

 kung sa amin yan kinuyog na yan eh.. hindi uubra sa pamilya ko yang ganyan..

agree ako sa suggestion na lalo mo ipakita na ginagastusan mo anak mo para magkaalaman na..

fast forward tayo..  kapag nag-aral na anak mo.. mas malaking gastos..  hindi na pwedeng lihim yan.. mabubuking at mabubuking ka.. hindi enough ang 4k a month mo sis.. baon lang kulang pa yan.. may tuition at projects pa..  ano yun, kesyo ayaw ng asawa mo tameme ka na?

ngayon pa lang kailangan ipaglaban mo na anak mo.. IMO, yung ginagawa mo, your just delaying the enevitable.. dadating at dadating sa point na magkakaalaman kayo.. why not now? why prolong the deception? dun din naman papunta yan

hindi ako bilib sa pagtatago ng pera.. mas maganda confrontation na lang.. 

maawa kasa anak mo..

iintayin mo pa ba na kayo naka restaurant siya naka-turo-ruro
baby niyo exclusive school, yung anak mo nasa public,
baby niyo, naka branded, anak mo sa ukay at divi
kayo naka hong kong, cruise .. anak mo sa star city lang pwede?


exag?? i dont think so.. sa sinabi mo na ugali ng LIVE-IN PARTNER mo, ganyan ang gusto niya mangyari



Logged
hindi naman ako masamang tao...
sadyang kapag nagsasabi ako ng totoo..
tinatamaan at tumatagos sa pagkatao mo

babyblair

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 334
  • young mom and lucky wife.
    • View Profile
Re: Nagtatago ng money kay husband
« Reply #11 on: October 24, 2011, 11:14:02 pm »

agree din ako kay mommymichell. bonggahan mo pa lalo ang expenses ng panganay mo. take it or leave it! pero seriously. hating kapatid dapat..

kung gusto naman ng husband mo na makipagpatalbugan ang bunso mo sa panganay mo e siya ang gumawa ng paraan at magpayaman para hindi ikaw ang ginigipit niya.

if i were you nga, iuuwi ko anak sa bahay ko. para makapag-bond silang magkapatid at para malaman ng husband mo na ngayon na hindi pwedeng outcast si panganay. alam mo as i look at it hindi mo kayang tumayo para sa anak mo. take a stand sis!!!
nangyayari ngayon financier ka lang not a mother. sorry for my harsh comments. i just want to let you know how it feels as a child.

i have a niece na iniwan ng mom niya sa lolo at lola though financially sinusuportahan at nabibisita minsan. you know what happened because of the situation. nagka attention disorder. something ganun.

i'm not saying it will happen. but with all the negativities naaapektuhan yung mga bata. and as a mother, we should protect them. no buts
Logged

steffani

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 73
    • View Profile
Re: Nagtatago ng money kay husband
« Reply #12 on: October 25, 2011, 09:55:06 am »

mommy bong this is what i think...

for me the issue is not whether it is right or wrong that you are hiding a portion of your salary (and benefits) from your husband (or live-in partner)... the issue is why have you allowed yourself to be in a relationship with a person who does not value the same things that you value... a child (your child) should not be something that is negotiable in a relationship.. kung baga, package deal na kayo... when he committed himself to you, he also committed himself to your child... diba...

ano ba pagkakakilala sa'yo ng lalake na 'yan? irresponsible?

imagine mo na lang... what if nagkaanak kayo tapos nagkahiwalay... does that mean hindi rin niya susuportahan ang naging anak nyo?

think about it...

a child is defenseless... kaya nga meron silang parents para merong mag-aalaga at susuporta... kung itinatago mo ang pagsuporta mo sa kanya, what message is that sending to your kid...

get your priorities straight girl!!!
Logged

ryuu

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 518
    • View Profile
Re: Nagtatago ng money kay husband
« Reply #13 on: October 29, 2011, 08:44:54 pm »

hide and seek ang finances namin ng asawa ko.. ayaw nyang ipaalam ang payday niya, kung magkano pati payslip.. pero ako, alam niya lahat.. he does not believe in saving.. tapos one day millionaire minsan.. di ba, us wives, ang dapat magbudget ng family finances? pero he doesn't want to.. feeling ko wala syang tiwala sa akin when it comes to it.. yung issue namin maliit lang pero nakakaapekto sa amin ng malaki.. dahil ganun, nagtatago na rin ako ng pera sa kanya.. i believe in saving money.. and gusto ko habang maliit pa si baby, may nase-save na akong pera for future and emergency purposes.. pero pag nalalaman niya na may natatabi ako, inaasahan niya ako sa ibang gastos.. samantalang nung sahm ako, ultimo gastusin, hindi ko alam.. ano bang gagawin ko? :(
Logged
 

mamacharis

  • Guest
Re: Nagtatago ng money kay husband
« Reply #14 on: October 29, 2011, 09:01:54 pm »

mga sis kapag ganyan ang problema kelangan talaga magtabi. kung kinakailangan magopen ng secret bank account gawin! hindi pwedeng hindi mag iipon lalo na pag may baby. hay naku lalo na ngayon hirap ng economiya ng pilipinas bukas meron bukas wala, pwedeng may trabaho ngayon may trabaho bukas pano pag nawalan? nakatunganga na lang? syempre ayaw ng mga ina na tulad natin na pati ang anak ay madadamay , mahihirapan at magtitiis kaya habang maaga mag ipon ng mag ipon. kung ayaw ng asawa/partner o kung ano pa yan ang pag iipon hayaan mo siya basta mag ipon ka for sure darating ang araw masasabi mo sa kanya na buti na lang may ipon ako.
Logged
Pages: [1] 2 3 4