embed embed2

Parent Chat

Advanced search  

News:

watch now
Pages: [1] 2 3

Author Topic: hirap sa pag-hinga.. share ur experience...  (Read 150809 times)

jadz1826

  • Newbie
  • *
  • Posts: 39
  • being a mom is worth living for...
    • View Profile
hirap sa pag-hinga.. share ur experience...
« on: November 14, 2011, 01:23:26 pm »

Basahin sa Smart Parenting. Click any topic title.
Pregnancy Symptoms Week 20: Shortness of Breath Begins
Ang Bilis ng Tibok ng Puso Ko! Normal Ba Yun sa Buntis?

photo by ISTOCK


hi mga sis!

naranasan nyo rin ba during ur pregnancy yung hirap kayo sa paghinga? yung parang lagi kinakapos?  ako kasi most of the time ganun eh.. di ko pa natanong kay ob, iniisip ko kasi na baka normal lang un sa mga preggy... sa experience nyo mga momsie? ganun ba talaga?


Naka-relate ka ba? Basahin ang latest comment tungkol dito o mag Reply para makapagpost ng katanungan, payo o kwento.


« Last Edit: December 02, 2021, 03:09:24 pm by Parentchat Admin »
Logged

imeego

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 340
    • View Profile
Re: hirap sa pag-hinga.. share ur experience...
« Reply #1 on: November 14, 2011, 01:59:50 pm »

yes naexperience ko to..this is fairly common in pregnancy especially sa latter part because of the growing baby inside the uterus and since sumisikip na sa loob ng tummy natin, nagkakaron ng compression sa diaphragm, and because of this compression may restriction sa expansion ng lungs....there are also other factors like the increasing demand for oxygen etc...what you can do sis is take thing slowly like pag naglalakad para di mabilis mapagod, and you can use additional pillows pag matutulog para medyo raised yung upper body mo...important thing is that it is not severe, walang other signs/symptoms like chest pain etc...but you still have to inform your OB so she can explain it to you fully
Logged

Emmy Lou Tordil

  • Newbie
  • *
  • Posts: 5
    • View Profile
Re: hirap sa pag-hinga.. share ur experience...
« Reply #2 on: November 15, 2011, 10:07:53 am »

mommy imeego is right. ako, naeexperience ko din to especially pag nakahiga ako ng patihaya.. so gagawin ko sideways ako hihiga. tapos binabagalan ko na rin lakad ko, para hindi ako hingalan. kasi sobra kinakapos ako ng hininga.
Logged

makdonna

  • Newbie
  • *
  • Posts: 30
    • View Profile
Re: hirap sa pag-hinga.. share ur experience...
« Reply #3 on: November 18, 2011, 01:21:23 pm »

naeexperience ko ito ngayon, i'm in my 32nd week of pregnancy. nagstart to since pumasok ako sa 3rd trim. dahil nga rin siguro sa size ni baby at this point, and i'm expecting na mas may discomfort as baby grows the next weeks. pero normal lang naman daw to. hindi na lang ako nagpapapagod and pag naeexperience ko yung shortness of breath, i just change my position to a more comfortable one.  :)
Logged

jadz1826

  • Newbie
  • *
  • Posts: 39
  • being a mom is worth living for...
    • View Profile
Re: hirap sa pag-hinga.. share ur experience...
« Reply #4 on: November 18, 2011, 09:23:40 pm »

thanks sa mga rely sissies kahit papano nagkaron ako ng mga idea kung ano mga dapat kong gawin..  :)
the best talaga ang mga sp moms! :D
Logged

Angela Zhane

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 117
  • I love you a bunch!
    • View Profile
Re: hirap sa pag-hinga.. share ur experience...
« Reply #5 on: November 19, 2011, 09:23:08 am »

I experienced this too. Especially, pag nakatihaya feeling ko nalulunod ako. Ang ginagawa ko ini-elevate ko na lang yung ulunan ko. Use ako ng atleast 2 pillows tsaka sideways din ako mahiga. As much as i can laging nasa left side kasi yun daw ang mainam na posisyon for the baby pero pag napagod turn to the right naman ako then medyo nakabend ang mga legs. So far nakakatulong naman para mas maayos ang tulog ko through the night or everytime na nasa kama ako.
Logged

sether

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 60
    • View Profile
    • my investment opportunities
Re: hirap sa pag-hinga.. share ur experience...
« Reply #6 on: November 19, 2011, 12:13:35 pm »

i experience this too!
Logged

ciesamson01

  • Newbie
  • *
  • Posts: 7
    • View Profile
Re: hirap sa pag-hinga.. share ur experience...
« Reply #7 on: November 21, 2011, 02:00:23 pm »

1st trimester pa lang nahihirapan na ko, sabi dahil daw sa  low-blood ako. baka daw kulang ang supply ng oxygen sa katawan ko. May history kasi ako ng hypotension eh. Until now, may time na nahihirapan pa rin talaga ako huminga.  ayun, share lang :)
Logged

apple11

  • Newbie
  • *
  • Posts: 34
    • View Profile
Re: hirap sa pag-hinga.. share ur experience...
« Reply #8 on: November 21, 2011, 02:21:03 pm »

In my experience, everytime i'm pregnant I also felt that. Yung napapagod agad at parang kulang oxygen kahit nakaupo lang. Natural lang daw yun pero grabe experince ko sa 1st baby ko. Talagang may 1 beat na kulang sa heartbeat ko. Kaya pinaconsult pa ko ng ob ko sa magaling na cardio. tapos pina2decho p ko ng cardio. grabe ang mahal ng nging gastos ko. ala naman nakita kasi normal naman lahat. after birth parang ala lang bumalik lahat sa normal.
Logged

honeybabyme

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 124
    • View Profile
Re: hirap sa pag-hinga.. share ur experience...
« Reply #9 on: November 21, 2011, 06:57:21 pm »

Count me in sis, hirap din ako huminga nung preggy ako mga 7th-9th months ko... tapos madalas naka side lying lang kasi yun yung cmfy position sakin, and sobrang taas ng unan, about 3 big pillows gamit ko... Hirap matulog sa gabi..
Normal lang kasi yun nga po may growing fetus satin kaya yung diaphragm hirap din sa pag expand...
Logged

jadz1826

  • Newbie
  • *
  • Posts: 39
  • being a mom is worth living for...
    • View Profile
Re: hirap sa pag-hinga.. share ur experience...
« Reply #10 on: November 21, 2011, 09:25:06 pm »

mga sis kung kayo nag add ng pillows para mas maging comfortable, ako baligtad tinatanggal ko pillows ko i sleep without pillows parang mas comfortable ako without pillows eh.. mas nakakahinga ako ng maayos.. Hay!!
Logged

kulotski

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 69
    • View Profile
Re: hirap sa pag-hinga.. share ur experience...
« Reply #11 on: November 23, 2011, 05:31:01 pm »

Count me in mommies, slow-mo na rin ako maglakad ngayon kasi hinihingal kaagad ako. Saka everyone says ang lakas ko daw huminga lately.  ;D I imagine mas lalala pa to as the baby grows bigger.
Logged

jenstelian

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 90
  • I Love You Pa and Baby Stel!!!(^_^)
    • View Profile
Re: hirap sa pag-hinga.. share ur experience...
« Reply #12 on: November 23, 2011, 06:53:01 pm »

me too(3 yrs ago  ;D), tama si sis imeego jan. ako naglalagay ng bigkis below my breast para hindi masyado masipa ang diaphragm  at maging cause ng hindi makahinga ng maayos...sabi din kasi ng mga matatanda samen...ginawa ko nalang din at nakatulong naman po. lalo n kapag nakahiga ako....  ;)
Logged

weddingsingermom

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 66
  • Mom of three girls and a wife of a violinist.
    • View Profile
Re: hirap sa pag-hinga.. share ur experience...
« Reply #13 on: March 31, 2012, 12:16:46 am »

Natabunan na tong thread na ito, haha! Naisipan ko lang magreply kasi nararanasan ko ngayon to, hirap sa paghinga. I'm on my 33rd week now and lalong kapos ako sa paghinga, same with my two older girls when i was pregnant with them. Apat na patong ng unan sa gabi para makatulog ako, kaso minsan ang strain sa balakang naman kaya most of the time patagilid ako matulog. Hirap pag nakatihaya kasi parang sinasakal o ma.y nakabara sa airways mo.
Logged

ysLim

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 620
    • View Profile
Re: hirap sa pag-hinga.. share ur experience...
« Reply #14 on: May 27, 2012, 09:42:24 am »

ngayon ko lang naranasan na kapos ako lage sa paghinga. di ko to napansin sa 1st baby ko. ang bagal ko maglakad kasi sumasakit na down there tsaka ang bilis kong mapagod.  :(
Logged
Pages: [1] 2 3
 

Close