Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Pages: [1] 2 3 4

Author Topic: working moms how do you keep a close reltionship with your babies  (Read 15371 times)

ramen_girl

  • Newbie
  • *
  • Posts: 2
    • View Profile

hello mommies out there im a first time mom also a career woman im just worried kasi i leave my baby with my mother in law late nko nakaka-uwi sa house mga 8-9pm wala pa OT yun lagi pa naman tulog baby ko since mag ti-3 months plng siya every morning i try to bond with her by giving her her vitamins, pinapaliguan ko siya bago ko umalis ng bahay pero feeling ko ang onti padin ng time na nabibigay ko sa kanya pag weekends naglilinis naman kami ni hubby ng bahay, wala pa kc kami makuhang katulong lagi siya binabantayan ng lola niya im worried na bka dumating yung time na mas mauuna pa niya mabigkas ang word na lola bago mama at bka mas maging malapit siya dun kesa sakin ang sad lang pag naiisip ko :( nakakapraning any advise? hindi naman ako pwede mag quit ng job kasi compare sa hubby ko mas ok yung salary ko sa kanya with both our salaries enough lang para sa mga bayarin namin :( please advise thanks

Read it on Smart Parenting.
How working parents are coping with Metro Manila traffic

Click this link:
https://www.smartparenting.com.ph/parenting/real-parenting/family-time-long-commute-traffic-manila-a00228-20181129?ref=parentchat

Get a chance to be invited to exclusive events or grab limited freebies from Smart Parenting and partner brands! Login to reply to this topic or share your tips in this forum. Invites are sent via email to selected forum members so be an active Parent Chatter!
« Last Edit: November 29, 2018, 11:07:27 pm by Mommy Jazz »
Logged

kuliglig^^

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 285
    • View Profile
Re: working moms how do you keep a close realtionship with your babies
« Reply #1 on: November 18, 2011, 06:08:51 pm »

Hala, ako sis worry ko din to, kasi balik na rin ako sa work after ML. :( Ayoko maging close baby ko sa yaya or others, dapat samin lang ni hubby close si baby.

Sisses, I'll also wait for your responses.
Logged

pola

  • Newbie
  • *
  • Posts: 44
    • View Profile
Re: working moms how do you keep a close realtionship with your babies
« Reply #2 on: November 18, 2011, 07:39:06 pm »

ako din mommies=( super ayoko iwan si baby sa umaga pag papasok ako.but i have no choice.. im planning to resign na nga para sa bahay na lang ako.. and nag aaplly na ko as VA para sa bahay na lang ako mag work.. sana nga lang matanggap.. kulang na kulang yung oras namin sa umaga bago ko umalis.. pag dating ko naman sa gabi tulog na sya=( nakakasad.. :(
Logged

momaye

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 309
  • I'm a full time wife and a 24/7 mom
    • View Profile
    • Momaye's Diary
Re: working moms how do you keep a close realtionship with your babies
« Reply #3 on: November 25, 2011, 06:53:38 pm »

hi working moms! I am too a working mom, since 2 months si baby kelangan na back to work. he is 17 months na ngaun. we do have a yaya. but you know what makamommy pa din sya. sabi ng yaya niya he kept on yelling mommy sa baba ng stair namin kasi akala niya nasa taas lang ako. pagdating namin sa bahay, naku mommy na agad. ayaw niya un di niya ko nakikita. even his dad, he will not sleep until we are home or both of us are in bed na.

nun una that is my fear too. na baka mas hahabol pa sya sa yaya niya. but good thing hinde nga nangyari. kasi pala eventually the baby will know who's providing all he's needs kaya naman narerecognize niya sino un parents o mommy niya. basta, after work see to it na bibigay mu un full attention sa kanya. kahit mahirap kelangan talaga. kasi if magkaisip sya at nakikita niya na anjan ka nga pero parang wala ka din at mas available lagi si yaya sa kanya syempre kahit ikaw who would you prefer to be with? weekends should really spend with them. mahirap talaga ibudget ang time but soon makakadjust din lalo na un mga new mommies.

by the way, i have a blog you might want to check out. here's the link --> http://momayes.blogspot.com
Logged
please visit my blog: http://www.momaye.com/and our family blog:http://www.ourfamilyblogsabout.info/

ea_brea

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 408
  • don't be afraid to dream a little bigger, darling
    • View Profile
    • La Mer de Reve
Re: working moms how do you keep a close realtionship with your babies
« Reply #4 on: November 25, 2011, 07:25:38 pm »

ako naman maaga nabuntis, so i had to finish studying after giving birth (well summer naman ako nanganak so no pause talaga in studying) pero ayun from the very beginning iniiwan ko yung anak ko at first sa mom ko, then sa yaya na. hindi naman naging super close ang anak ko sa yaya. kasi paguwi ko i make it a point  na asikasuhin siya kaagad. on weekends lalo or pag walang pasok, ako lang talaga nagaalaga. kahit ngayon sa parents ko ulit siya naiiwan, he still looks forward to seeing me when i get home. :)

spend quality time if you can't give time in terms of quantity. :) balance lang lahat. kung maglilinis or magluluto kayo ng hubby mo, why not isama si baby, kahit sa malapit na area lang. yung SIL ko lagi kasama sa kitchen yung anak niya, nasa high chair, pag nagluluto. happy sila lalo na when baking at napaka mommy's boy pa ng nephew ko. :)

momsylicious

  • Newbie
  • *
  • Posts: 6
    • View Profile
Re: working moms how do you keep a close realtionship with your babies
« Reply #5 on: November 25, 2011, 11:17:46 pm »

I'm on a GY shift...it's really heart aching not to be with your child at night. But I make sure that I play with my daughter often..bring her to the kids favorite Jollibee..read her stories, watch dora and barney with her kahit sobrang antok na ako..and I make sure to feed her by myself kahit yung sa dinner lang kasi aalis na ulet ako for work.  :-* :-* :-*
Logged

Mlabable

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 581
    • View Profile
Re: working moms how do you keep a close realtionship with your babies
« Reply #6 on: November 25, 2011, 11:51:52 pm »

It takes a lot of sacrifice. I'm a working mom too, night shift, no yaya pero di pa kami nakabukod sa parent's house pa rin.
 
9PM-9AM office hours kasama na yung travel ko. So pagdating ko ng bahay kahit sobrang pagod at antok na gusto ko ako pa rin mag-aasikaso ng anak ko. Pagdating papaliguan then at 10AM nap time niya sa morning. Dun ko na sinasabayan siya ng tulog, nakakatawa nga minsan kapag pinapatulog ko siya I say a little prayer na Lord, sana maka 2-3 hours tulog anak ko para mahaba-haba din tulog ko.
 
Pag gising niya kailangan gising na rin ako, so playtime namin pag mga ganong oras. On the side nakakapanood ako ng mga teleserye sa hapon, hehe.
 
Then 3PM nap time naman niya sa hapon  so nakakatulog pa rin ako kahit 1 hour lang. Pag gising na siya gala time na kami. Nilalabas ko siya para makalaro naman siya sa ibang bata. By the way, he's 1 year and 3 months pa lang.
 
6PM pasok na kami sa loob then at 7PM bath time na yan after that patulugin ko na siya. Basta may chance itinutulog ko lang hanggat di pa oras ng work ko.
 
Mahirap pero it's worth it kasi mama's boy talaga ang anak ko. Malapit din siya sa daddy niya kasi we make sure na kahit pagod dapat may time pa rin. Ayoko naman i-give up work ko kasi syempre gusto ko pa rin ibigay needs and wants namin. Kung kaya ko naman ipagsabay di ba..
 
Yun nga lang pagdating sa work antok talaga ako kaya pag break time itutulog ko nalang. At buti nalang walang pakialaman masyado sa work, di mahigpit sa time.
 
Thankful din ako kasi yung parents ko very supportive, minsan pag alam nilang sobrang pagod at antok ako sila naman bantay kay baby, hugas ng bote, etc. Before pag weekends ako naglalaba ng damit namin pero naisip ko sayang yung time para sa baby ko kaya nagpalabada nalang ako.
 
Kaya niyo yan mommies. Sacrifice lang talaga para sa anak natin.
Logged
Farrell and Hamir, My Precious Sons

You have been an inspiration, and will always will be.
You are the greatest thing that has ever happened to me.
Your life has given me something I will never, ever lose.
I will do anything for your sake, because you are my precious.

Mommy France

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 1649
  • Lucky to be loved by 2 boys
    • View Profile
Re: working moms how do you keep a close realtionship with your babies
« Reply #7 on: November 26, 2011, 07:27:00 pm »

I agree with Mercy and ea_brea...
Career woman din ako. I had to be on bed rest beore I gave birth so 1 month pa lang anak ko balik work na ako.

Overtime is a NO-NO for me.
Of course I had the same fear na baka mas maging close yung anak ko sa nag-aalaga sa kanya because Im working and my husband also had the same concerns.

Pero like what I always tell din dito sa SP, it's not always about the quantity of time spent but the quality.

Isa sa mga major sacrifice nameng mag-asawa is yung katabi namen matulog yung anak namen. Pero sobrang nakatulong ito samen kasi kami pa rin hinahanap ng anak ko bago siya matulog at if  ever magising siya ng maaga, ako yung katabi niya. Adjust talaga kami ng intimacy schedule pero sobrang bawi naman dahil hindi ko kailangan mag-pills. Natural planning kami. :)

Isa rin sa pwede kong i-advice is maghanap ka ng isang activity na kayo lang. Ako ang activity namen ni Miggy is singing dahil mahilig mag-perform itong anak ko. Daddy naman niya is playtime.

I call Miggy during lunch time and before kami umalis ng office para ma-anticipate niya yung pagdating namen.
Logged
I am not perfect but I try my best to make the most of what God gave me.
Bad things may happen to me, but I will always come out of it with my head up high. Why? Because I know that I did the things I can control the right way. And the things I can't control, I leave it up to God's will.

yhamsloveŽ

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 886
  • I'm a Certified SP (Sisterly-Packaged) Member
    • View Profile
Re: working moms how do you keep a close realtionship with your babies
« Reply #8 on: November 26, 2011, 09:23:09 pm »

maghanap ka ng isang activity na kayo lang.



Ganyan ang ginagawa ko kay Geno.

Pagdating ko sa bahay from work, inaabangan na ako agad ng anak ko kase excited na siyang magtimpla kami ng juice or iced tea para sa dinner. Siya ang taga-lagay ng ice cubes with matching counting kahit minsan pagkatapos ng "five" eh "eight" na agad!  ;D

Katabi rin namin siya matulog ng asawa ko tapos nagdadasal din kami bago matulog. Kagabi nga naiyak pa siya habang nagdadasal kase sabi ko "God sana po di pa maantok si Mama kase dami pa plato na huhugasan niya...."  :D Mukhang naawa sa akin ang anak ko...  :D

Lagi-lagi ko rin siyang niyayakap kapag nasa bahay ako at sinasabi ko sa kanya na mahal na mahal ko siya.  :)
Logged
yhamslove  

Mommy France

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 1649
  • Lucky to be loved by 2 boys
    • View Profile
Re: working moms how do you keep a close realtionship with your babies
« Reply #9 on: November 26, 2011, 10:42:41 pm »


Ganyan ang ginagawa ko kay Geno.

Pagdating ko sa bahay from work, inaabangan na ako agad ng anak ko kase excited na siyang magtimpla kami ng juice or iced tea para sa dinner. Siya ang taga-lagay ng ice cubes with matching counting kahit minsan pagkatapos ng "five" eh "eight" na agad!  ;D


Little ACTS, Big IMPACT! :D
Logged
I am not perfect but I try my best to make the most of what God gave me.
Bad things may happen to me, but I will always come out of it with my head up high. Why? Because I know that I did the things I can control the right way. And the things I can't control, I leave it up to God's will.

kathnrhai

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 110
    • View Profile
Re: working moms how do you keep a close realtionship with your babies
« Reply #10 on: November 26, 2011, 11:15:43 pm »

hi mga mommies.. same here, napagdaanan ko din ang ganyang stage..
im a working mom too. same kami ni hubby na may work, sa nanay ko iniiwan si baby.and ayoko kumuha ng yaya, lalot di naman namin relatives,, hirap na kasi humanap ng matinong yaya ngayon,iniisip ko kasi,pano kung sila na lang ng baby ko maiwan sa bahay, dko alm kung inaasikaso niya ba ng maayos or what. and natakot din ako sa mga napapanood ko se net..

my baby is turning 8 months sa dec. wen i gave birth,after 2 months ng ML ko, pumasok na ko, ok naman ang sked ko sa work, 9-9 ako. 2days, 2nights ang pasok ko,and the rest..day off na. kaya ill make sue na may bonding time kami ni baby pagdating namin ni hubby.

at first week ko sa work, di din ako nag-oot gustong gusto ko na umuwi dahil ang hirap nga nung feeling na di mo nakikita si baby., pero nung medyo tumagal tagal na.medyo nababawasan yun feeling na ganun..although.. gustong gusto ko pdn umuwi agad.

yung baby ko naman,hands on kami ni hubby everytime na nasa bahay kami.as in si baby lang ang priority..hehe. pag umuuwi kami ni hubby sa gabi,kukunin ko na si baby kay nanay,kasi sya yung katabi pag wala pkmi. pag nasa kwarto na kami,didilat niya yung eyes niya,and magssmile samin pareho tas matutulog na sya ulit..

wag kayo magalala mga sisses..alam naman ni baby kung sino ang mommy niya,yun nga lang sating mommies,yun feeling na parang mas nagiging close siya sa iba,or mas alam nila yung gagawin kesa sating mommies..
Logged

syndyela

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 270
  • Happy to relate with SP moms! :)
    • View Profile
    • Soulary
Re: working moms how do you keep a close realtionship with your babies
« Reply #11 on: November 27, 2011, 03:51:57 pm »

You're not so alone sis.  Ganyan din una kong na-feel nung nag-work ulit ako after manganak.  My daughter was 8 months old back then and sobrang an bigat ng feeling ko na naiiwan ko ang baby ko sa In Laws ko and sa mga maid nila.  Moreover than that, gabi na din ako nakakarating sa bahay from work kasi Pasay ang work ko tapos sa Alabang kami nakatira ngayon, around 8pm na ako nakakadating sa bahay (and 8:30 pm ang sleeping time ni baby).  Actually sobrang nahihirapan nga talaga ako dahil sa travel period ko, sobrang unproductive kasi pag nasa traffic, sayang yung time na sana na-spend ko nalang with my family.

Nung una I felt na I didn't want na maging mas close si baby ko sa IL's ko and sa mga maids.  Pero ngayon na 2 years old na si baby ko, I didn't mind kung love niya IL's ko and yung mga maids (basta alam pa rin niya na at the end of the day, ako pa rin ang mommy niya).  Kasi sila yung mga nagiging kalaro ng baby ko pag gusto ko ng alone time with hubby, or just alone time with myself.  Though at times my daughter is still nagging me to spend all my time with her, at least may mapag-iiwanan ako kapag yung times na ganito--- na tumatambay ako sa smart parenting forum kahit saglit lang. :)

So how do I keep a close relationship with my baby--- simply giivng her time and attention.  kahit 15 minutes lang pag-uwi ko sa bahay. Ako lagi nagpapaligo kay baby sa gabi before siya matulog and nagpapatulog sa kanya kapag maabutan ko pa siya na gising.  Before matulog I always ask her kumusta ang day niya, ano ginawa niya, etc...and she responds naman na akala mo e malaking tao na siya.  During weekends, may playtime kami, harutan and kulitan.  Ako din nagpapaligo sa kanya during weekends.  Minsan nag-aagawan kami sa hehe.  basta I make sure na at the end of the day, she feels so loved by her mommy :)
Logged

ea_brea

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 408
  • don't be afraid to dream a little bigger, darling
    • View Profile
    • La Mer de Reve
Re: working moms how do you keep a close realtionship with your babies
« Reply #12 on: November 28, 2011, 04:37:43 pm »

Isa sa mga major sacrifice nameng mag-asawa is yung katabi namen matulog yung anak namen. Pero sobrang nakatulong ito samen kasi kami pa rin hinahanap ng anak ko bago siya matulog at if  ever magising siya ng maaga, ako yung katabi niya.

ako din katabi ko matulog anak ko, hindi pa kasi kami magkasama ng daddy niya sa 1 bahay (long story), at ako din ang hinahanap niya pag matutulog na. nung umalis nga ako ng gabi for dinner minsan pinagalitan ako ng anak ko the next day, bawal daw ako umalis kasi matutulog na kami (tinabihan kasi siya ng mom ko nun)!  ;D natawa lang ako. sabi ko hindi naman all the time ako aalis. ayun nagtampo pa din. hehe

jenstelian

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 90
  • I Love You Pa and Baby Stel!!!(^_^)
    • View Profile
Re: working moms how do you keep a close realtionship with your babies
« Reply #13 on: November 28, 2011, 05:34:30 pm »

naku buti yung iba dito nakakasama p yung anak nila kahit night lang...ako nga po every weekend lang..ganun ang sitwasyon namin for 3 years n. pag-uwi ko sa bahay kapag friday night wait niya ako kasi sabay kami niyang matutulog..alam n alam niya n firday at uuwi ako..late n kami nagigising sa morning ok lang sa parents ko kasi yun nalang daw time namin dalawa..ako mismo nagpapakain sa kanya, nagbibigay vitamins, as in lahat lahat ako kasi un nalang time namin dalawa. kahit bibili lang sa sari-sari store kasama ko hehe pati pagligo magkasabay kami..tpos tinuruan ko siya magcount, magbasa etc.....kapag isinasama siya ng mommy(nanay ko) niya ayaw sumama saken gusto saken lang siya...ayaw n nga minsan papasukin ako sa work. umiiyak..kelangan ng mahabang paliwanagan at bolahan...siya naghahatid saken sa sakayan... :)
Logged

chester

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 322
    • View Profile
Re: working moms how do you keep a close realtionship with your babies
« Reply #14 on: November 28, 2011, 05:59:44 pm »

hay yung baby ko MIL ko nag aalaga. after ML balik work na ako dito manila at siya naiwan sa province. 4-1/2 months pa lang siya ngaun. every 15 and 30 lang uwi namin sa province.  last 2 weeks ago na umuwi ako nakatingin lang siya sa akin. noong kinuha ko grabe iyak niya. ilang oras bago siya nasanay sa akin.  ang hirap sis. tapos meron pang time na nagkasakit siya, biglang uwian pero hindi naman pwedeng magtagal kasi may work eh.  :(

ang solution ko lang ay makuha na namin yung loan namin para sa bahay para makasama ko na ang baby ko.

sa mga sis na kasama niyo si baby, ang swerte niyo po.
Logged
Pages: [1] 2 3 4