Parent Chat

Advanced search  

News:

Pages: [1] 2 3 ... 7

Author Topic: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...  (Read 102103 times)

MoMeekai

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 58
    • View Profile

Basahin sa Smart Parenting. Click any topic title.
Romatic Gestures: Forget flowers and chocolates
11 Husband Commandments
14 Acts of Love That No Jewelry or Bouquet of Roses Can Ever Outshine

photo by  @SOLENNATICS, @NICOBOLZICO/INSTAGRAM

sino po ba dito ang may hubby na hindi ganun kashowy/ demonstrative? my hubby kasi is ganun. talagang naturalesa sa kanya ang masyadong prim and proper, minsan lang maging sweet and kenkoy. magtu 2 years na kami na married pero parang mas ngayon nagiging apparent sakin ang pagkakaiba ng personalities namin. ako kasi yung carefree type, jolly at que sera-sera ang attitude. sya naman yung planner, always going by the norms and masyadong seryoso sa buhay: na kelangan planado na ang future namin. minsan nakakainis lang e.  ;D nagiging sweet lang sya sakin pag may ginawa akong sweet sa kanya, giving gifts pag may binigay ako. parang ping-pong lang ba? e ako pa naman yung tipo ng babae na sobrang hilig sa surprises.. hopeless romantic ever kahit may asawa na. hahaha!

share naman kayo mga sissies ng mga kwento nyo about your unexpressive hubby. pwede din magvent out dito ng kainisan sa hubby.  ;D

ako, accepted ko sya as he is kasi ganun ko naman na talaga sya nakilala. kaso minsan, ang boring boring na e. to the point na napapaisip ako na dapat siguro pumili na lang ako noon ng kasingpersonality ko.   :-\

Naka-relate ka ba? Basahin ang latest comment tungkol dito o mag Reply para makapagpost ng katanungan, payo o kwento.


« Last Edit: January 25, 2022, 11:19:31 pm by Parentchat Admin »
Logged

peppergurl971

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 54
    • View Profile
Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
« Reply #1 on: December 02, 2011, 11:49:07 am »

Asawa ko kulang din sa asukal e. Although alam ko na seryoso sya sa akin at sa pamilya namin pero di ko maiwasang hanapan sya ng kahit corny na sweetness bilang partner. Madalas pa ako umani ng pintas sa asawa ko like,"ang laki ng tyan mo, parang tyan ng lalaki". Pabiro nyang sinasabi yan pero nasasaktan ako. Minsan naman sa paglalakad example mag sisimba kami (walking distance ang church samin), masyadong mabilis mag lakad at ayaw man lang mahawakan sa braso. One time, nung masyado na syang nauuna sakin, tinaguan ko. Nakita ko nililingon niya rin ako. Tapos nung di nako niya makita, dumerecho pa rin, hinintay na lang ako sa simbahan. Tumabi na lang ako sa kanya pag dating ko. Walang question kung san ako nang galing.
I dont know if this is going to be a major problem for us. Kaya ko pang dedmahin sa ngayon, pero kasi nakakaramdam nako ng inis sa pagiging unexpressive niya. Take note wala pa kaming 5years na kasal. Most of the time pa nasa abroad sya for work.
Logged

yhamsloveŽ

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 870
  • I'm a Certified SP (Sisterly-Packaged) Member
    • View Profile
Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
« Reply #2 on: December 02, 2011, 12:24:27 pm »

My husband falls under the category of TAHIMIK.

Expressive naman siya at sweet pero hindi sa salita - sa acts.  ;)

Pero tahimik talaga siya as in hindi pala-kwento. Ganyan na siya kahit nung college days namin na magbabarkada kami. Siya yung "Nicest Guy" sa grupo namin.

Kahit interview-hin ko siya sa gabi about how his day was, sasagot pero napaka tipid.  ;D - summarized na yung kwento niya, hindi tulad ko na with matching actions pa pati eksaktong tono ng boses  ;D

Wala rin siya masyadong sense of humor eh yun pa naman ang isa sa mga gustong-gusto ko sa isang lalake.

Ironic kase hindi mahilig magpatawa ang asawa ko pero mahilig siyang manood ng mga gag shows at mga programs na ang tema eh practical joke... ganon...

minsan nagiging mapaghanap ako sa asawa ko na gusto ko sana maging katulad ko rin siya pero ganon talaga personality niya. okay na ako sa ganon basta hindi niya lang ako bibigyan ng problema (babae, sugal, alak..) at basta mahal niya lang kami ng anak namin.  :D
Logged
yhamslove  

MoMeekai

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 58
    • View Profile
Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
« Reply #3 on: December 02, 2011, 12:48:22 pm »

"Asawa ko kulang din sa asukal e. Although alam ko na seryoso sya sa akin at sa pamilya namin pero di ko maiwasang hanapan sya ng kahit corny na sweetness bilang partner. Madalas pa ako umani ng pintas sa asawa ko like,"ang laki ng tyan mo, parang tyan ng lalaki". Pabiro nyang sinasabi yan pero nasasaktan ako. Minsan naman sa paglalakad example mag sisimba kami (walking distance ang church samin), masyadong mabilis mag lakad at ayaw man lang mahawakan sa braso. One time, nung masyado na syang nauuna sakin, tinaguan ko. Nakita ko nililingon niya rin ako. Tapos nung di nako niya makita, dumerecho pa rin, hinintay na lang ako sa simbahan. Tumabi na lang ako sa kanya pag dating ko. Walang question kung san ako nang galing.
I dont know if this is going to be a major problem for us. Kaya ko pang dedmahin sa ngayon, pero kasi nakakaramdam nako ng inis sa pagiging unexpressive niya. Take note wala pa kaming 5years na kasal. Most of the time pa nasa abroad sya for work."

aww, ang sakit naman nun sis, yung hindi ka hinanap. pag sakin nangyari yan, sasabihin ko talaga na masama ang loob ko y ganun nangyari. ganun kasi ako vocal, sinasabi ko lahat kaso minsan nakakapagod din magsabi ng magsabi. in fairness naman sa hubby ko, nakikinig sya at nagbabago talaga pero after few months, balik uli sya sa dati kasi nga ganun na sya, inborn ang pagkaunexpressive kumbaga. hehe.

kami naman magtu 2 years pa lang na kasal and 7 years of being together. mas nawala yung sweetness ni hubby lately. simula nag 5 months ang baby namin, 7 months na si baby now. sporadic na yung ikikiss ka out of nowhere tapos hug ka ng surprise. oo nagkikiss bago alis, uwi from work, bago matulog with "i love u" pa pero parang out of habit na lang. minsan kinaqualify ko na lang na baka dahil may baby na kami pero nabasa ko kasi sa isang topic dito, yung iba kahit 10 years na mag asawa super sweet pa rin ang hubby. kainggit lang.  :(
Logged

MoMeekai

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 58
    • View Profile
Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
« Reply #4 on: December 02, 2011, 12:52:16 pm »

My husband falls under the category of TAHIMIK.

Expressive naman siya at sweet pero hindi sa salita - sa acts.  ;)

Pero tahimik talaga siya as in hindi pala-kwento. Ganyan na siya kahit nung college days namin na magbabarkada kami. Siya yung "Nicest Guy" sa grupo namin.

Kahit interview-hin ko siya sa gabi about how his day was, sasagot pero napaka tipid.  ;D - summarized na yung kwento niya, hindi tulad ko na with matching actions pa pati eksaktong tono ng boses  ;D


naku. parehas na parehas asawa natin sis. matipid din kung magkwento. magkkwento lang kung tatanungin mo. minsan gusto ko na basagin ang laptop e.  ;D sinabihan ko nga sya one time "nagseselos ako kay laptop." ayun, shutdown naman agad sya pero the next day, ganun uli, nakababad sa laptop. haysh.
Logged

mercyf

  • Newbie
  • *
  • Posts: 3
  • Family is the best company you could have.
    • View Profile
Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
« Reply #5 on: December 02, 2011, 01:06:27 pm »

Hi,thanks for posting...

I just want to share my same experience... my hubby is not very expressive as well. Although he said "i love you" naman, he kisses me sometimes even in public, hold my hands when walking, sa bahay naman naglalambing.. ang kinaiinisan ko lang minsan, kapag nag-aaway kami at sya yong mali, hinding hindi ako makakatikim ng suyo sa kanya. Kapag wala ako sa bahay, he will not asked me or text me kung kumusta na ba ako? Kumain na ba ako, etc... he never checks on me... minsan naman, he would just play at the computer and hindi niya kami papansinin ng anak namin.

But since I love him, and ayoko na masyado palakihin yong issue.. tumatahimik na lang ako or i'll pay attention to my baby na lang :) hindi naman kasi minsan maiiwasana yong mga ganung isyu among families... what's important is you learn yo give and understand.

Logged

MoMeekai

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 58
    • View Profile
Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
« Reply #6 on: December 02, 2011, 01:27:25 pm »

^oo nga sis e. minsan un na lang iniisip ko. consolation kumbaga. na mabait asawa ko. never pa ako binigyan ng problema. wala bisyo, hindi palainom, hindi gumigimik at higit sa lahat panatag ang loob ko na ako lang sa buhay niya kasi bahay-ofis lang sya. at minsan din naman, pag kaming 2 lang naglalakad sa mall (hindi kasama si baby), sangdikit naman talaga kami at hhww all throughout. minsan iniisip ko talaga, siguro factor na din yung nagkaanak na kami. masyado syang concentrated at focused na maging good provider kaya la na sya panahon pa mag isip ng mga sweet nothings sakin. saka nakikita ko din kasi sa FIL ko, na hindi sya sweet sa MIL ko kaya iniintindi ko na rin minsan na ganun kasi kinalakhan niya, ganun nakita niya sa dad niya. ako kasi yung papa ko sobrang sweet sa nanay ko. PDA kahit ang tanda-tanda na nila. megakiss niya si mama in public. nanay ko ang nahihiya. nakakatuwa.  ;D
« Last Edit: December 02, 2011, 01:40:46 pm by MoMeekai »
Logged

Bablel

  • Newbie
  • *
  • Posts: 13
    • View Profile
Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
« Reply #7 on: December 03, 2011, 07:27:50 am »

Nakakatuwa naman tong thread n to... parehong pareho experiences nten sa hubby na hindi showy at super tahimik.. Kala ko ako lang nakakaexperience ng ganito..  ;D
Logged

avengeus22

  • Newbie
  • *
  • Posts: 4
  • "Love let me live Life as it should be..."
    • View Profile
Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
« Reply #8 on: December 06, 2011, 06:16:48 pm »

Si hubby tahimik na hindi nagsaralita or nageexpress ng feelings
and thoughts niya..ang hirap at yun talaga main source ng misunder
standings,pain at grief. Slowly nagiimprove pero mostly bec ako umaadjust.
Minsan kasi ang hirap din,im human as well..hay,prayers lang at tibay ng loob
to be patient and to love...
Logged
"Love let me live Life as it should be..."

lenmel

  • Newbie
  • *
  • Posts: 46
    • View Profile
Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
« Reply #9 on: December 06, 2011, 08:53:39 pm »

Hay, hubby ko rin hindi expressive at tahimik. kwento ako ng kwento as in nobela with action pa.. Ang isasagot lang "ok".minsan nakakainis na dahil ako luka luka tpos siya ganon. Nakakabore na rin pero ganun talaga. Kahit anniversary namen di niya naaalala.  Walang hilig sa surprise at adventure. 6 years na kame kasal pero d pa kami nagsasama ng matagal dahil nasa abroad siya. Pag magbabakasyon naman laging computer ang kaharap. Gusto ko nga sabihin diyan ka na lang sa computer mo. Hindi rin siya mahilig sa bata.. Hay, himutok!!
Logged

khaki_e

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 100
  • i am a woman. a wife. a mother.
    • View Profile
Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
« Reply #10 on: December 06, 2011, 11:13:14 pm »

same here mga sissies.. hindi din sweet si hubby.. last time na binigyan niya ako ng gift nung 1st xmas pa namin.. to think na 15 years na kami together... hindi din sya makwento... pero makulit pag nakikipaglaro sa mga kids.. ang ayaw k lang sa kanya pag may ibang tao or co-workers na lagi nyang kausap.. kahit work related ang usapan.. kasi sa akin hin di sya ganun katagal makipag usap... pero thumbs up ako sa kanya kasi maalaga sya sa mga kids...
Logged

ilove323

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 73
    • View Profile
Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
« Reply #11 on: December 07, 2011, 12:33:02 am »

ang cute naman ng thread na to...parang window for ventilation ng mga not showy na hubby ...hahahaa I can so totally relate...Si hubby madaldal talkative pero super wlang kalambing lambing sa katawan....

Before nung college ako and bfgf pa kami ok naman pero like when we got married ayun..di pala malambing tapos hindi rin showy.. i cant complain din masyado kasi good provider and father sya...pero like sweet hubby material negative... no surprises..tas di kaya mag arrange mga date nights or di outgoing so literal if we want to go out of town we go out with friends para di ako mabored hehe..

is it a problem? Sometimes..kasi sympre I go green with envy when I see other hubbies na super lambing sa wifey nila.. pero yun lang just need to vent it out..tas ask ko if love ba niya ako he knows naman na gusto ko malambing mga ganun pero really need to get over it...for like 7 years ive been doing pretty good..kaso hay minsan isip ko sana bfgf nalang kami hehe

pano kaya matrain mga hubbies na maging malambing and showy.... hahaha sana may class for this...I will pay for him to get trained baka makatulong :D

Logged

peppergurl971

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 54
    • View Profile
Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
« Reply #12 on: December 07, 2011, 01:01:14 am »

may naisip lang ako. maganda siguro i-voice out na natin sa mga hubby natin na gusto natin silang maging malambing sa atin. baka sakali matauhan. i tried to be vocal sa hubby ko kanina via phone (abroad sya e). I tried to talk sexy kanina, ang response niya - pinagtawanan ako. Hay! >:(
Logged

MoMeekai

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 58
    • View Profile
Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
« Reply #13 on: December 15, 2011, 10:28:15 am »

hay salamat, naunlock na to. nakakainis naman kasi yang mga spammers na yan. hehe. niwei, minsan vinovoice out ko sa asawa ko na hindi na sya malambing sakin then voila! nagiging malambing sya for a few days. then eventually, babalik na naman sa dedma mode niya. haysh.  >:( hehe.

nakakatawa mga sis kasi pag may special occassion ako yung aligaga na maghanap ng pwede naming mapuntahang mag-asawa. ayun nga, may nakita ako voucher na romantic get away para sa couple good for one year. aba siempre binili ko, sayang din tapos sinabi ko kay hubby iavail namin sa heart's day. sabi ko, di ba dapat ikaw nagpaplan ng mga ganito para satin? kasi heart's day yun e, dapat ikaw yung aligaga nag iisip ng pakulo para saakin. tapos sabi niya ba naman, sige ako na lang magbabayad nyan. waaa!!!  >:( >:( >:(
Logged

mommyjanice

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 197
  • Life Is not fair, but it's still good
    • View Profile
Re: kwento ng mga may hubby na naturally unexpressive/not sweet/tahimik...
« Reply #14 on: December 15, 2011, 12:45:06 pm »

Pareho kami ni Sis Yhamslove..Ganyan na ganyan din ang asawa ko.. Napakatahimik at napakatipid magsalita. Ako, paos na sa kakakwento, sya, ganun,oo,talaga lang ang sagot.

Hilig din niya akong pintasan. Up to the point na sinabihan pa niya ako ng pangit mo.Dun na ako nagburst out. Umiyak talaga kao sa harapan niya at sinabi ko lahat ng hinanakit ko.Sabi ko pa nga, ang pangit na ito ang nagbigay sa yo ng anak,kaya ang pangit din na ato ang nagtatanggal sayo ng karapatan mo sa kanya.Ayun,natahimik si loko. Sorry ng sorry at halos lumuhod sa harapan ko.. O di ba?!!!

Pero sa POV ko naman, mainam na ang tahimik kaysa sa madaldal pa sayo.. Sabi niya ni Sis MArnie, basta mahal niya kayo,alang problema.
Logged
[Consider pursuing your dream like a 400 meter dash. Lock your eyes on the finish line; be aware of your competitors without taking your eyes off your goal. Kapag linga ka ng linga at lingon ng lingon, di ka pa nakakalahati, semplang na ang byuti mo. Pakialam mo sa takbo nila? Ayusin mo ang takbo mo
Pages: [1] 2 3 ... 7