Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Pages: [1] 2 3 ... 6

Author Topic: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (  (Read 60650 times)

Ahmira

  • Newbie
  • *
  • Posts: 11
    • View Profile
..Yung feeling na walang kaibigan... : (
« on: December 22, 2011, 01:44:51 am »

Feeling ko I forgot to make friends na...parang wala akong someone na masasabi kong true friend or best friend...I consider them friends pero in the end parang, mlalaman ko nalang , I'm just a colleague for them....parang someone they've known lang, someone they will not treasure....

Some friends, they'll communicate lang if may kailangan....Let's say hihiram ng ganito ng ganyan....I'm used to it pero in times you need someone to talk to , parang wala akong matawag na kaibigan.....
Logged

babyblair

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 334
  • young mom and lucky wife.
    • View Profile
Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
« Reply #1 on: December 22, 2011, 03:02:05 am »

hi sis, i can be a friend :)

.. been there.. it's hard but you know im thankful bcoz atleast i know i dont have them instead of me hoping na i have people backing me up tapos yun naman pala wala.
and i can proudly say SP moms have been a very big part of my life. these people are true. always ready to help.

so dont dwell on those kind of people, not worth it. look at the people who's still there for you, your family and God. :)
Logged

Lhani

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 64
    • View Profile
    • its fun being mom...
Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
« Reply #2 on: December 22, 2011, 03:16:28 am »

Hi sis ahmira

Parehas tayo ng situation ngayon..Before i got married i used to have friends,lots of friends..I even have 2 bestfriends..More than 10 years kaming mag bestfriends,Not until one day something happen to us,very bad na ikinasira ng pinagsamahan namin at naging sobrang complicated ng mga nangyari..At That very moment parang natakot akong magtiwala  ulit or magkaron ulit ng bestfriend. :'(.Two years of living alone with my hubby without friends or best friends parang nakakasad pala..Lalo na pag nakikita ko yung mga kawork ko na gumigimik and ni hindi man lang ako inaaya na sumama. :(.Then Before i got pregnant i gained friends na pero gaya sayo colleague lang ang tingin nila sa akin and not as thier real friend..The good thing lang is i made some of them maging godparent ng baby ko..Naging ok naman until now pero as you said nga walang true friendship na kagaya ng samahan na meron sila..And narealized ko lang na mahirap parin talagang humanap ng totoong kaibigan na nandyan lagi sa tabi mo para damayan ka at ups and downs..And siguro i get to used to it na rin na kay hubby lang mag lean on..

Sad noh sis pero thats the reality of life.. :(
Logged
i love taking care of my only daughter "HAILEY"
and i love her so much...

Ahmira

  • Newbie
  • *
  • Posts: 11
    • View Profile
Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
« Reply #3 on: December 22, 2011, 04:05:27 am »


@babyblair - Wow. That's so nice to hear.
Thanks you so much sis.I am looking forward to get to know you more.
Maybe we can chat sometime.

@Lhani - True, Ganyan nga yung feeling..Same sentiment. Minsan, ini-enjoy ko nalang yung company
of those people na gsto akong kasama...You're lucky that you have your husband.
Ako, single parent.. I have FB friends, pero they're like a living ghost nga...

Sana multuhin naman nila ako minsan...
Logged

buuurp

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 669
    • View Profile
Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
« Reply #4 on: December 22, 2011, 06:59:31 am »

hello ako din, I don't know I have a barkada pero I feel like an outsider na, dahil I'm a mom, tapos sila they are having the time of their lives (we are all 24-25) kasi single or with their bfs or gfs, ako naman I am married na, working, have an 11 month baby boy. don't get me wrong ha, I love what I have right now (kahit sakit sa ulo magpalaki ng asawa lol) pero I am feeling what you are feeling, sometimes I receive a text from an SP mom inviting me for an EB or event gusto ko sumama pero ang dami dami naman responsibilities nakapatong sa akin ngayon, with the new company I am with now, I have friends pero hindi sila yung talagang masasandalan, or sasama kapag gusto ko magshop or what not, kasi di naman sila mommies din. ewan, so I guess, if you need a friend you can count me in din. :D hehe.
Logged

Sometimes, its not that people change…you just find out who they really are.

two_angels'_mom

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 415
    • View Profile
Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
« Reply #5 on: December 22, 2011, 07:20:22 am »

hi sis ako din i can be ur friend..and maybe the rest of the SP moms too..were all here for you if u need someone to talk to..i have some SP moms who have been really there for me in times na wala ako makausap i turn to this site..

been there too..lalo na when i had SD..he was so selfish and seloso kasi pati social life ko kinontrol niya..hindi niya ko pinapayagan lumabas the whole time were together i lose some of my close friends in the process..or atleast just like you maybe ako lang pala nagconsider na close friend sa kanila pero sila nung kasama ko lang kami close nung mga nagsipag-abroad na wala na hindi ka man lang makamusta considering inaanak pa nila mga anak ko hay pabayaan na lang sila me mga ganun talagang tao..minsan nga lang talagang nakakalungkot..and the lowest point of my life a naisip ko pa masama ba kong tao at wala man lang ako maituring na bestfriend..walang matakbuhan..there was even a time na naconfine ako at walang dumalaw :(..they are just too busy with their own life..but then i get to keep atleast one friend na masasabi ko is my bestfriend coz marami na kami pinagdaanan and were still here for each other..well hindi din sya nakadalaw nung naconfine ako but then malililt pa kasi anak niya at walang mapag-iiwanan kaya hindi ako nadalaw..well kakalungkot inintindi ko na lang..

@ lhani, sis dont be afraid to open ur heart again..coz there are some people na akala mo lang balewala ka sa kanila pero in the lowest point of ur life sila pa pala makakaramay mo..make friends..ako din dati i had this friend na akala ko sya na talaga bestfriend ko since she is my friend since childhood hanggang hischool years..tapos nalaman ko na lang rin kung ano-ano pala sinasabi behind my back..hay pinabayaan ko na lang sya..pero tinanggal ko na sya sa list ng true friends ko..coz true friends will stick with no matter what..will be ur friend despite misunderstandings..yung bestfriend ko na tinuturing ngayon nakilala ko lang nung nagwowork na ko..but she's been there ever since..nagkaaway na kami dahil sa negosyo pero in the end we still patched things up..nagkakatampuhan pero were still there for each other..kaya wag ka matakot to make friends..kasi ang kaibigan parang bf yan matatagpuan mo in the least expected ways..tamo nga ako who will ever think i will find close friends thru SP ;)
Logged

nylej20

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 433
  • mother of twins...
    • View Profile
Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
« Reply #6 on: December 22, 2011, 07:28:36 am »

hi sis..tama lahat ng sinabi nila. All SP moms here are friendly and warm. I can be a friend too.  Hayaan mo na yung mga dati mong friends. Im sure makakahanap ka pa rin ng iba dyan. Suwerte lang ako kasi i have bestfriends and masasabi kong try and tested na. Ang conflict lang ngayon ay malayo na ko sa kanila but still nakikipag communicate pa rin ako para di maputol ang chikahan.
ask ko lang sis sa stay at home ka lang ba?bakit di mo itry makipag socialize. Like dito sa SP may mga get together sila, you can join them. para may mameet kang iba. Dont worry, in time may mahahanap ka rin na friends..cheer up! ;)
Logged
Happy Mom

ahyzeyuh

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 1065
  • im a good person,just keep on making bad decisions
    • View Profile
Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
« Reply #7 on: December 22, 2011, 11:26:38 am »

got the same feeling

feeling sad and alone
wala na yung mga closest friends na willing to be w/ you or to hear you out
Logged

insensitive

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 896
  • i didn't know i was capable of feeling so much...
    • View Profile
Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
« Reply #8 on: December 22, 2011, 11:39:35 am »

kasama yata ako dito sa group na to?? hehe

sa akin naman, meron akong bestfriend nung highschool..pero yun nga nagka conflict din at nagtampo ako kasi ako lang yung gumagawa ng effort kaya lumayo ako.hindi na ako gaya ng dati sa kanya..ngayon pag nagtitext ako sa kanya kamusta,  hindi sya ngtatanong kung kumusta na ako,ang anak ko halimbawang sinasabi ko may sakit..wala talaga syang pakialam..ako lang siguro nagturing na bestfriend ko sya.kaya ngayon wala na din ako pakialam :D


sa ngayon, i have friends pero not best of friends..meron naman ako nahihingahan ng sama ng loob or kung may problema man, pero hanggang chat na lang yun. asawa ko pa din ang best friend ko..i can say anything to him.kahit pa sya ang salarin hahah.

nasanay na din ako sis, masyado kasi akong attached sa tao once friend na ang turing ko sa kanya..at ayoko ulet mangyari yung naramdaman ko dati..daig pa ang bf-gf breakup.


anyway, pag may mga EB sis sama ka dito sa SP..madami nagiging close dito, im sure magkakaroon ka din :)
Logged

Mommy France

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 1649
  • Lucky to be loved by 2 boys
    • View Profile
Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
« Reply #9 on: December 22, 2011, 02:36:52 pm »

I felt this way talaga nung kakapanganak ko and nung bumukod na kami kasi I had to transfer from Marikina to Paranque. Wala naman ako friends sa South. Lahat North or East. Tapos kapag may event, siyempre hindi ako maka-OO, iba na priorities ko. So dumating na rin sa point na hindi ka na invited. Social Network sites make it worse - kasi nakikita mo pcitures na. And then sinabi ko sa husband ko how I've been feeling. Although I know na hindi niya maiintindihan kasi introvert yun. May friends siya pero konti. Ako talaga malaki ang circle of friends ko. Still he assured me na kahit di ako makalabas with friends, ako ang ilalabas niya - hence - our FriDates. :)

After 2 years, eto - nagsusunuran na rin magka-family ang friends ko. Ako naman yung tinatanong nila about their babies and madalas pa akong ninang ng mga anak nila. We may still not see each other that often but our friendship grew stronger. I have friends abroad na kahit di ko alam nangyayari sa kanya on a daily basis, pag-umuuwi siya dito - hindi niya ako nakakalimutan at isa ako sa mga unang nakakaalam.

Looking at it now, I've realized who my real friends are. Ayoko na rin mag-waste ng efforts sa mga superficial friends. You don't have to see each other often - sabe nga natin kahit sa pagiging parents - it isn't about the quantity, but the quality that matters most. As long as you try and be sincere, ok lang yan.

And of course - andito ang SP mommies. Kung ka-kwentuhan at "shock absorber" ang kailangan mo - andito lang kami 24/7. :D
Logged
I am not perfect but I try my best to make the most of what God gave me.
Bad things may happen to me, but I will always come out of it with my head up high. Why? Because I know that I did the things I can control the right way. And the things I can't control, I leave it up to God's will.

mommy_tl

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 144
  • modern-day homemaker
    • View Profile
Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
« Reply #10 on: December 22, 2011, 03:13:46 pm »

i also feel the same..sa office kasi i mange a small team.. pero yun yung tingin nila saken, their boss.. ang hirap2x kasi even if you are trying to open up to them parang wala lang..and sa group namin, ako lang ang mommy..yung mga friends ko nasa night shift sila..ako lang yung nalipat sa dayshift..and they dont invite me out na kasi aside sa iba yung time, they would assume na hindi na ako sasama coz of my baby.. :'( we have a group, my husband's teammates na pumupunta sa bahay during Saturdays pero hanggang dun lang pla yun..when i try to ask for help, ala nmang pumapansin sau..  :'(
Logged
daddy mike & mommy_tl & baby zeik

♥♥♥mommyangel♥♥♥

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 378
  • HAPPINESS! :)
    • View Profile
    • The Who Mom
Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
« Reply #11 on: December 22, 2011, 06:23:52 pm »

yup sis, SP moms are here for you.  :)

siguro sa phase ng pag nagkababy ka na talaga, since iba na priorities mo, mababago talaga ang relationship mo sa mga friends mo. with me naman, nagsawa na din silang ayain ako. tama din ng sinabi nila dito, since may FB na, ang bilis mo talaga ma update ng mga lakad nila, tapos di ka kasama. dun sa part na yun medyo nahirapan talaga ko. pero it helped me in some point, nakilala ko talaga ang mga tunay na kaibigan ko, hindi lang sa salita, kahit na hindi madalas magkita basta kaibigan pa din sayo, na naintindihan ka since iba na ang situation. di na rin ako naghihintay na ayain o kahit di nila ako ayain ok na din sakin. mas gusto ko namang konti lang friends ko pero masasabi ko na totoo sakin.

open your heart to other people din. minsan sa sobrang attached natin sa mga dating tao sa buhay natin, ang hirap na ulit makisama. but malalaman mo din yan sa sarili mo kung ready ka na. with me kasi, nung naging ready na ko, yung mga true friends ko, naintindihan ako and naging ok kami ulit. with some, hindi na talaga naayos.

cheer up sis! ang dami namin dito sa SP.  :)
Logged

Lhani

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 64
    • View Profile
    • its fun being mom...
Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
« Reply #12 on: December 23, 2011, 12:43:16 am »


@babyblair - Wow. That's so nice to hear.
Thanks you so much sis.I am looking forward to get to know you more.
Maybe we can chat sometime.

@Lhani - True, Ganyan nga yung feeling..Same sentiment. Minsan, ini-enjoy ko nalang yung company

of those people na gsto akong kasama...You're lucky that you have your husband.
Ako, single parent.. I have FB friends, pero they're like a living ghost nga...

Sana multuhin naman nila ako minsan...
_____________________________________________________________________

Tama ka jan sis..ok naman sila naguusap kami nagbibiruan pero parang ang sakit lang ng feeling na akala mo kasama ka na sa circle of friends nila pero hindi pala..:(
Like yesterday they planned mag out of town hindi man lang ako niyaya sumama then yung ibang bagong friends nila kasama siguro kasi lahat sila mga single pa at ako lang ang may baby....hehe (para akong bata..selosa)
Logged
i love taking care of my only daughter "HAILEY"
and i love her so much...

Lhani

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 64
    • View Profile
    • its fun being mom...
Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
« Reply #13 on: December 23, 2011, 01:01:10 am »

@sis two-time single mom im not closing my heart naman kaya lang yung mga friends ko na tinuturing sa ngayon dont feel the same way for me..im just one of thier colleagues kasi malakas ako magjokes sa work pag medyo bred na lahat..Parang nakakalungkot lang na nakikita ko silang masaya with the company of each other and gusto kong sumali sa company nila na un pero hanggang friend lang ako na pang katuwaan at biruan lang.. :(

Parang ang drama ko na.. ;D :-[ (senti mode..)
Logged
i love taking care of my only daughter "HAILEY"
and i love her so much...

buuurp

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 669
    • View Profile
Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
« Reply #14 on: December 23, 2011, 02:42:02 am »

ako nga kakainis kapag magiinvite ako ng labas wala nagrereply, pero kapag sila tapos di ako makasama sobrang tampo, kapag sumama naman ako OP naman. tapos ginawa ko pa sila godparents ni baby, nagtataguan naman ngayon pasko. :( di naman ako nanghihingi gift, pero yung sana mageffort dumalaw, willing naman ako magorganize ng handaan or party. :( huhuhu.
Logged

Sometimes, its not that people change…you just find out who they really are.
Pages: [1] 2 3 ... 6