Parent Chat

Advanced search  

News:

Pages: 1 [2] 3 4 ... 8

Author Topic: living on our own - pagbukod expenses and concerns  (Read 86978 times)

mum tine

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 51
    • View Profile
Re: mahirap b ang bumukod?
« Reply #15 on: March 16, 2009, 10:05:44 am »

hello po sa mga mommy n nakabukod n...need ko ng advice.kc until now nasa place kami ng hubby ko ang we're planning to move.kaso pinag-uusapan namin ang mga expenses...please bigyan nyo naman po ko ng idea kung mga how much ang mga nagagastos nyo sa mga bills and food per month...thanks in advance!


Hi mom andz,
Kami two years ago pa planning na bumukod,kaya lang nanghihinayang ako sa upa eh,kaya sa halip ipambayad sa upa eh, nagloan sa housing para ang huhulugan namin mapapasa amin na. Hopefully this year makalipat na kami.

Ang alam ko mahirap bumukod, kami na lang talaga, di tulad ngayon na ang daming tumutulong, una na sa pagtingin sa anak ko, tapos share pa kami sa food sa, bills kaya magaan. Pero we still have to move kahit mahirap iba pa rin ang may sarili.
Logged

andreisyle

  • Newbie
  • *
  • Posts: 13
    • View Profile
Re: mahirap b ang bumukod?
« Reply #16 on: March 16, 2009, 04:46:28 pm »

mahirap na masarap sis..

were staying w r inlaws before..lahat sagot nila-grocery,bills..gosh. d q narealize ganun pala kalaki un..

but d ka rin ganu makakilos kz d sa yo yung hse.walang mabiling gamit kz lahat meron na sa kanila.d makainvite ng friends,etc..etc..i know u know what im talkin about..

so my husband and i decided to mortgage a condo unit.gosh kala namin kaya namin (madami pa kz kaming money nun kz nga lahat sa bahay sila nagbabayad)..

in fairness,kinakaya pa din naman..but ramdam mo na talga lahat..kailangan naka off ang ilaw,fan,tv,pc pag d ginagamit..minsan lang aircon pag kids ang nainitan..pati tulo ng faucet nakakawori :)

pero my sense of fulfilment kz u hav a place to call ur own.. kahit d pa masyadong maayos.. kahit "maskipapapano" p lang :) atleast meron ka na :)

so my advice - go lang ng go sis.. kakayanin nyo yan! :)

reply:

Hi,

There is such a word as "walang madali", but if you join hand and hand with your husband or children, then what is supposed to be hard will be easy.

Mas may fullfilment and you can aptly call your self a mother, if you have a place to call your own kahit rented lang. In the first place, kapag nag asawa ka na, then you are giving signal to the whole world na KAYA MO NA, so dapat, nakabukod ka na.

Having a life of your own is very adventure packed, you will learn the word SAVE and CALCULATE in terms of how to pay the rent and how to budget for food and electricity, water, etc.

You will be more responsible pag naka bukod ka na kasi walang kang tulong na inaasahan that you will have something on you table without working for it. And you can also teach your experiences to your chil/ children as they grow up. You will learn lots of things in this our precious life.

Goodluck and SP moms are just a click away.

Annray
Logged

teklah

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 53
    • View Profile
Re: mahirap b ang bumukod?
« Reply #17 on: August 18, 2010, 07:56:10 pm »

depende sa situation. kung okay naman ang inlaws mo at hindi sila financially dependent sa husband mo, okay lang na hindi muna kayo bumukod. pero kung dependent sila pagdating sa pera meaning humihingi pa ng sustento sa husband mo, mahirap kasi doble ang gastos nyo. although kapag nakabukod na kayo may reason na para tumanggi sa mga hingi hingi ng inlaws, di pa rin maiiwasan na umaasa ang inlaws mo sa inyo, maiirita ka lang.

pero hindi mahirap bumukod, in fact mas maganda ang nakabukod kasi matututo kayo maging independent. makukuha mo kung ano ang gusto mong klase ng pamumuhay, kasi halimbaawa malinis ka sa bahay tapos inlaws mo mga balasubas sa bahay, wala ka magagawa kasi nakikisama ka sa kanila at wala kang choice kundi maging tagalinis ng bahay nila, hehe.

Logged
I want to be a MOM! ;-) !!!!

violet.crumble

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 129
    • View Profile
Re: mahirap b ang bumukod?
« Reply #18 on: August 24, 2010, 05:39:17 pm »

sa tingin ko po, mas mahirap pong makitira with in-laws.

the moment hubby and i decided to get married, talagang pinilit ko na magsarili agad kami.  sabi ko nga sa kanya kahit sa squatters' area niya ko itira, ok lang basta hindi ako makikitira sa in-laws.  i'm lucky na pinagbigyan ako ni hubby.  yung unang ni-rent namin was super bulok na house pero at least kami lang talaga.  natuto kami na magtipid, magbudget, pati yung share sa housework, naayos namin.  saka pag nag-aaway kami, hindi uncomfortable yung feeling na may nakakarinig sa usap namin. and most importantly, walang nakikialam.  talagang 2 lang kami and i think that's what really helped us adjust to married life.  na right from the start, wala kami makakapitan kundi isa't-isa.
Logged

mommy ni lijah

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 292
    • View Profile
Re: mahirap b ang bumukod?
« Reply #19 on: August 27, 2010, 12:04:18 am »

tama sila sis, depende sa lifestyle at sa earnings nyo.. kami ngaun nakbukod na.. kumuha kami ng house two years to pay... tapos, sa sweldo ni hubby kinompute naman yung savings naman tapos yung monthly sa bahay , expenses ni baby... sa ngaun budget mn is 30k as in pinagkakakasya ko talaga.. ;D
Logged

Mommy France

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 1644
  • Lucky to be loved by 2 boys
    • View Profile
Re: mahirap b ang bumukod?
« Reply #20 on: August 27, 2010, 09:36:04 am »

Hindi mahirap bumukod. Nakakapanibago lang. It's a big leap from being dependent to being responsible.

1 year pa lang kaming nakabukod ng husband ko. Although breadwinner ko ng family ko, I know na at some point dependent pa rin ako sa kanila kasi dun kami nakatira. I needed them to take care of my child while I'm gone and they manage the house.

In financial terms, you kayang-kaya kapag nag-compute ninyo total ng utlities plus yung weekly grocery budget ninyo and then meron pa for savings, kakayanin na.

Kung sakto lang, find things na pwedeng wala muna. Like us, yung sala naman incomplete pa. Dining pa lang. Wala din naman kami bisita so pwedeng later on na lang.

Nakakapanibago talaga pero at least ngayon sineseryoso na ako ng nanay ko. Dati kasi walang tiwala yun na kaya ko magmanage ng household dahil nga trabaho or eskwela lang alam ko.

Matututo ka rin on your relationship with your husband. Mahirap mag-ayos ng issues kapag may kasama kayong iba sa house. :)

Don't think of it as mahirap. Mas maraming long-term benefits ang pagbubukod.
Logged
I am not perfect but I try my best to make the most of what God gave me.
Bad things may happen to me, but I will always come out of it with my head up high. Why? Because I know that I did the things I can control the right way. And the things I can't control, I leave it up to God's will.

alenski

  • Newbie
  • *
  • Posts: 36
  • loving my husband and baby is my passion
    • View Profile
    • My Life as a Mom
Re: mahirap b ang bumukod?
« Reply #21 on: September 01, 2010, 12:45:24 pm »

para sakin sis very fulfilling ang pagbukod ninyo ni hubby. kami ni hubby pagka kasal na pagkakasal namin lumipat na agad kami sa apartment na nirent namin. as in kaming dalawa lang tlaga yung lahat-lahat. kinasal kami civil lang so walang nagregalo sa min, as in wala talaga. so nabaon na halos kami sa utang sa credit card kasi lahat ng gamit namin card namin kasi wala din kaming ipon pero dahil sa tyaga and sa pagtutulungan namin nalagpasan namin lahat yun. fulfilling sya kasi alam mong walang maisusumbat sayo kahit sino na tipong umasa ka sa mga in laws/magulang mo. ngayon nag rerent kami sa father ko (commercial yung place kaya hindi kayang ibigay sa min ng libre pero in time magiging amin din daw to) ang rent namin sa house is 5500, meralco naman naglalaro bill namin sa 4k-5k, water bill is 600 plus other expenses. buti nga nakakaya pa ni hubby lahat lahat masipag kasi at madaming sideline kaya kahit hindi ako mag work nakakaya naman namin.

basta ako sis, i suggest na try nyo bumukod kasi dun nyo mararanasan yung buhay mag asawa talaga. kasi yung hirap sa expenses part yun ng buhay diba dun nyo makikita kung pano nyo babalansehin lahat lahat ng magkasama kayo at hindi umaaasa sa iba :)

Nanay Gez

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 95
  • Proud Nanay of Juana Maharlika! ^_^
    • View Profile
Re: mahirap b ang bumukod?
« Reply #22 on: September 01, 2010, 01:24:04 pm »

hello mga sis.
kami lagpas one year ng nakikitira sa MIL ko. pero before we got married, we bought a house na rin, pero baretype yun at hindi pa namin napapagawa since inuna muna namin yung ibang gastusin, like pabinyag, at first birthday ng baby namin. and okay naman kami sa MIL ko, since kami lang naman ang kasama niya sa house na nirerent, but ngayon, pwede na malipatan yung town house na nabili ng MIL ko, i was very shocked nung malaman kong sasama na rin sa MIL ko yung Kuya ng hubby ko at yung bunso nila with her Family. Its not that I dont like to be with them, pero alam ko magiging magulo lang ang set-up.
My hubby and I really wants to live in our own house, kaso daming dapat itake into consideration, like the budget, hindi lang yung kung kakayanin na ba namin i-shoulder lahat ng gastos, pero pati na rin yung pagpapagawa dun sa bare type house. di din naman kami makaipon kasi super sakto, as in sakto lang talaga, yung sweldo namin. We're considering na nga rin to have loans, para dun sa house improvement. minsan nawawalan na ko ng lakas ng loob. tapos araw-araw pa akong tinatanong ng MIL ko kung kelan daw namin balak tirhan yung bagay namin, na feeling ko eh ayaw na niya kami kasama sa bahay at gustong-gusto na niya kming bumukod. :(

hay... ganito pala kapag hehe.. pero super excited na kami tumira sa sariling bahay namin. lalo na kapag mag-aayos na kami ng gamit.

sana makalipat na rin kami...
Logged
[/url][/url]

nixmusic

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 447
    • View Profile
Re: mahirap b ang bumukod?
« Reply #23 on: September 01, 2010, 02:49:24 pm »

Lumaki akong nakikitira ang parents ko sa mga lolo't lola ko sa father's side kaya I know that when it's time for me to have my own family, mas gugustuhin kong nakabukod kami. Mahirap oo, pero masasabi kong kinakaya naming tumayo sa sarili naming mga paa at mas maeestablish namin ni hubby yung gusto naming way of upbringing sa mga magiging anak namin. Challenging din kasi nagstart kami from scratch talaga so paunti-unti nabibili namin yung mga kailangan naming gamit sa apartment.
Logged

mariz

  • Newbie
  • *
  • Posts: 26
    • View Profile
Re: mahirap b ang bumukod?
« Reply #24 on: September 01, 2010, 03:36:14 pm »

Nakabukod na kami ng husband ko right after ng wedding namin.  Kaya from the start pa lang solo na namin ang expenses sa lahat lahat. Para sakin , mas masarap ang nakabukod, kasi marami ka matutunan, pinakauna na doon ang pagiging independent sa lahat ng bagay. Magiging mas madiskarte ka na at matututo ka rin magtipid. Kapag nakabukod kayo meron ka ng masasabing place of your own, kung saan makakakilos ka ng maluwag. When it comes to expenses naman, malaki talaga ang gastos kapag nakabukod kayo kesa sa hindi.Kayo lang kasi ni hubby ang sasagot sa lahat ng expenses sa loob ng bahay e. Dito mo na masusukat ang galing mo sa budgeting, hehe. Kung how much ang expenses mo, yun naman ay depende sa lifestyle mo. Kailangan lang, huwag tayo mag spend more than sa kinikita natin.  :)
Logged

QUINN

  • Newbie
  • *
  • Posts: 34
    • View Profile
Re: mahirap b ang bumukod?
« Reply #25 on: September 03, 2010, 11:53:32 am »

From the start naka bukod na talaga kami ni hubby. We're renting an apartment with 2 bedrooms, up and down. Mahirap sa simula kasi walang gamit. Pero as time goes by, na kompleto lahat ng gamit namin until na nabuntis ako. Doon ko nalaman na magaling pala ako mag budget. We're married for 3 years na. Yung mga inlaws ko nasa kabilang kanto lang, kasi mas maganda pag malapit lang din sila to guide us. Yes lahat ng bills amin lahat. kuryente, tubig, cable, groceries. Ang techique lang jan wag kang ma spend nang soba sa income mo. Dapat lagi kang may naka save na pera...
Logged
ashton

insensitive

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 893
  • i didn't know i was capable of feeling so much...
    • View Profile
Re: mahirap b ang bumukod?
« Reply #26 on: September 03, 2010, 12:03:36 pm »

yes, mahirap ang bumukod kasi lahat ng responsibility sa inyo na magasawa. Like kami mga 4mos na kami nakabukod sa family ko, medyo nahirapan ako in terms of gawaing bahay. Dati pagdating ko ng hauz pwede ako magpahinga kasi madami nagaalaga sa anak ko, may taga laba..kakain na lang ako,laro kay baby matutulog na. Ngayon, sobrang nanibago talaga ako, since ako lang ang may work pasan ko lahat ng gastusin,bills..rent,utilities hangang kay baby.lahat lahat na,. Although minsan lang naman ako magluto, pero yung mga house chores like hugas ng plato,paglalaba,linis ng bahay ginagawa ko yun kasi no choice.kami lang mag-asawa eh. PERO fulfilling naman ska masaya kung kayo lang.,Feel na feel ko ang pagkakaroon ng sariling family.Masaya pag nakkabili ng bagong gamit sa bahay, at saka sa budgeting natututo talaga kami.
Logged

momi_chesca kikay

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 152
  • Can`t wait to see my little Lance..
    • View Profile
Re: mahirap b ang bumukod?
« Reply #27 on: September 03, 2010, 01:44:54 pm »

kami rin, even b4 ako maging preggy bumukod na talaga kami ni bf. Highschool sweethearts kasi kami hangang sa work magkasama kami kaya b4 p, ang ganda ng plan namin. Kumuha kami ng rent to own house s Bacoor tapos sa expenses sa house like bills,groceries,amit sa house pti renovation ng house namin mostly hati kami. gus2 namin kasi mfeel kung pano talaga yung bumukod, kung pano magmanage ng sarili mong bahay ska kung paano mgbudget para we can say n b4 kame mgpakasal (2012) at least nkpag adjust na kami. Nakakatuwa lang kasi now na buntis ako, yung household chores halos c bf na gumagawa. Pagluluto nalang ang toka ko :) Masarap yung feeling kasi kahit anong gawin namin inside our house, walang pupuna sa amin. Napakafulfilling. Pero pag nanganak na ako, ayun maghihire kami ng yaya pero yung usapan yung yaya and baby sa house ng parents ko mgsstay pag nsa work kame ni bf. Mom ko mismo ngvolunteer na siya na daw magaalaga para daw at least mmomonitor niya si baby pero ayoko rin naman kasi iaasa sa kanila yung pagaalaga sa baby ko madali na kasi mapagod mom q kaya we decided n magyaya at least mababantayan p ng mom ko db? As to budgetting, tama..it`s always better na may savings kayo kahit small portion lang ng salary nio, kailangan may maitabi kayo.. :) ganon gawain namin kaya little by little nkkyanan namin yung set up.  :)
Logged

leilatoto

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 324
  • Zoe Alexa Maxine
    • View Profile
Re: mahirap b ang bumukod?
« Reply #28 on: September 03, 2010, 10:01:12 pm »

hindi naman po mahirap..mas masarap nga kasi sarili nyo mundo nyo hehe...kung baga you can decide your own and dun kayo matututo about things..makakabili pati kayo sarili nyo gamit sa house..
Logged

mommitikya

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 75
    • View Profile
Re: mahirap b ang bumukod?
« Reply #29 on: September 04, 2010, 11:22:24 am »

Para sa kin, mas mahirap ang hindi nakabukod. Kasi ang dami mong pakikisamahan. Like sa min ngaun, nakatira kami sa in-laws ko kasama pa namin yung family ng ate ni hubby so ang dami-dami namin sa house.

Hirap lalo pag nasanay ka na malinis ka sa house pero mga kasama mo wlang ginawa kundi magkalat...hay...magsasawa ka maglinis! Kaya mas mahirap ang hindi nakabukod...ako, gusto ko ng bumukod pero yung asawa ko wala akong makuhang opinion kung gusto na o hindi...ay ewan!
Logged
Alphonse Miguel Ruanto[ [move]
Pages: 1 [2] 3 4 ... 8