Mahirap ba bumukod?yes and no.
mahirap sa UMPISA kasi magastos yan,crucial talaga the first few months pagkabukod nyo
kasi nagsstart palang kayo i-complete yung mga gamit niyo and medyo strict dapat talaga sa budget.
hindi mahirap kasi tulad ng sabi ng ibang mommies/wives, mas mihirap makisama at mas mahirap magpakaplastic and mag ipon ng sama ng loob na hindi mo mailabas due to respect,family factor etc.
one thing is mas magastos minsan makipisan right?
kasi pag nakikipisan kayo it means mas marami kayong kasama,hindi naman pwedeng iisa lang
gagastusan mo dun o kaya di rin naman pwedeng magdamot ka sakanila kasi pamilya parin yun diba?
pero pag bumukod kayo pwedeng maging lesser ang expenses nyo basta alam nyo lang kung paano mag budget ng expenses and everything..
dati nakikitira din kami ni hubby sa FIL ko.sa katabing bahay eh sa SIL ko naman with her 3kids and her hubby. duplex house siya kumbaga.ang hirap kasi iisa ang metro namin sa water at electricity. mas malaki ang kinoconsume nila kesa samin kasi hubby ko naman palaging wala due to work bale once or twice a week lang siya umuwi.ako lang,yung eldest ko and later on yung yaya namin ang nasa bahay.imagine hindi fair ang hatian sa bills.mas malaki ang binabayaran namin kesa sakanila,understandable naman na no need to share sa expenses si FIL kasi he's too old at wala namang pinagkukunan ng pera.but my SIL naku!!masyadong matapang,apo ata ng katipunero eh

halos lahat ng kinikita ni hubby sa city services lang namin napupunta.
tapos may pagka war fr*ak pa SIL ko.mahilig masyado sa away.
kapag mainit ulo niya ako ang pinagbubuntunan. lagi niya akong sinisigawan at pinaparinggan up to the point na pati 3year old daughter ko pinagsasabihan niya ng kung ano-ano and even her kids inaaway kaming mag ina.(take note:3rd trimester ko na ng pregnancy that time)
lahat tiniis ko.wala silang narinig sakin kahit ano pero umabot sa point na napatid din pasensya ko.
kasi umaabuso na even my unborn child pinagdidiskitahan.nagsumbong ako kay hubby pero worst ang nangyari after niya i confront si ate.so nag makaawa ako kay hubby na lumipat nalang kami.after 3weeks nung sinabi ko yun naghanap na ng malilipatan si hubby kahit na umupa muna kami atleast hindi na stressful.
before kami lumipat pinag usapan namin kung saan.then we both agreed na lilipat kami sa ibang city kung saan wala akong kamag anak ni isa at wala din siyang kamag anak ni isa para fair..para walang makikialam sa amin na pwedeng maka apekto sa relationship namin.that was reasonable.
so far nakahinga na ako kasi wala ng stress.unlike before na para ako palaging nagtatago sa bahay para lang makaiwas sa away.lagi lang ako asa kwarto lalabas lang ako pag kakain na.

nagtiis ako manganak na walang ibang nakaalalay sakin kundi si hubby.wala kaming kagamit gamit nung lumipat kami pero after few months halos di na magkasya sa bahay namin mga gamit na naipundar namin.

:)malaki na kasi natitipid namin kaya nakakaipon na kami kahit pano..