Parent Chat

Advanced search  

News:

Pages: 1 ... 4 5 [6] 7 8

Author Topic: living on our own - pagbukod expenses and concerns  (Read 86646 times)

mariann

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 859
  • enjoying motherhood to micah and iza
    • View Profile
Re: help about "pagbukod"
« Reply #75 on: September 27, 2011, 08:50:18 pm »

i can sense the controlling factor is on your age.  with us, it meddling factor.  yong lahat ng kilos mo pinapaki-alaman.  lahat mali.  i moved out of my MIL's house.  but then, kahit sa sariling bahay ng magulang ko, i'm still not comfortable because you can't do things on your own.  you still have to abide by their rules.
 
when we moved out, we started from the scratch.  our savings went to furnitures and appliances.  rent for the apartment last 2005 was P4,500 minimum for a 2-bedroom unit.  maybe you can get a smaller one for a cheaper rent.  we have a yaya kasi we are both working.  you also have to consider you electric bill, water bill, grocery.
 
better be prepared financially before you move out.  assess how much you can afford.  but i still believe that if there's a will, there's always a way.  kaya nga ng mga securtiy guards and salesladies na mamuhay here in the city away from their hometowns, why can't you, di ba? 
 
God bless.  if you still can't afford, tiis-tiss muna, sis. 
Logged
mariann[move]

Bry♥Shey

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 94
  • I ♥ My Wifey Shiela, Aliesh & Aera
    • View Profile
Re: help about "pagbukod"
« Reply #76 on: September 30, 2011, 10:40:12 pm »

in your position mommy, i suggest huwag muna. better save up po muna and get a job first before thinking na bumukod kayo.

sino magbabantay sa baby nyo? - since you mentioned that you have plans in looking for a job, tapos si hubby nyo ay umaasa pa sa kita ng family business nyo? , shared income kasi ito and family business so hindi pwede na kay hubby mo mapunta lahat ng kita nun. if bumukod ka, mas madadagdagan ang mga expenses nyo.

Mga NEED na bayaran talaga;
1. Kuryente,
2. House Rental
3. Bayad sa tubig
4. If magkakaroon kayo ng kasambahay since pareho kayo magtra-trabaho,
5. Groceries & Food Supplies.
6. Transportation nyo or mo para sa trabaho.

Mga Optional na bayarin
1. Monthly Internet payment
2. Monthly Phone payment
3. Monthly Cable TV Payment.

i would suggest to do the following first;
1. Get a job first
2. Save up first. mas maganda yung may bank account na kayo and emergency funds

kami ni mrs. we started talaga na mag rent lang sa isang apartment. nagsimula kami sa kama lang mismo walang frame. na linalatag lang namin pag matutulog na kami at inaangat namin pag umaga na. hehe!! then eventually nadagdagan ng nadagdagan.. it was very hard. pero nadaan din naman sa tsaga. pero yan yung mga lessons na nalaman namin. establish the foundation muna para maka bukod. para it wont be hard for you and your hubby. PLUS, your baby.
Logged

tintoink

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 69
    • View Profile
Re: help about "pagbukod"
« Reply #77 on: October 02, 2011, 03:47:57 am »

ako gusto ko na bumukod. meron akong rent na apartment, pero hindi ko natitirahan naka 6months lang kami.
ending ko sa inlaws parin. nasa abroad si hubby at 3 kids kami 3,2,1 sunod sunod. walang tumatagal na yaya samen, so no choice talaga kasi work din ako. mahirap naman kasi bumukod lalo na at yaya lang kasama nila tapos wala pa kaming lalaki sa house.  well hati naman kami sa expenses. pero iba parin talga kapag sarili mo na, mas masarap umuwi ng bahay,.

tiis lang talga. kasi hindi ko naman kasundo ang mother in law ko.
Logged
***A person with half volition goes backwards and forwards, but makes no progress on even the smoothest of roads****.
Thomas Carlyle

smoothie

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 82
    • View Profile
Re: help about "pagbukod"
« Reply #78 on: October 06, 2011, 05:17:58 pm »

i don't want to discourage you sis but weigh the pro's and cons first. Yung pagbukod namin was one of the best things that happened to my life BUT one of the hardest kasi ang daming responsibilities.

We spend around 35k a month. 4 kami + yaya.
Dito napupunta money namin:

- rent
- electricity
- grocery
- cable
- internet
- water
- school bus
- yaya
Logged

Princess Dizon

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 129
  • Happy and Proud to be a Young Mom :)
    • View Profile
Re: help about "pagbukod"
« Reply #79 on: October 06, 2011, 08:03:44 pm »

 Sis kheishanna -ako din i'm a young mom nkatira din ako sa IL ko naiisip kong mag bukod din kaso mas iniisip ko na mas mapapamahal at mapapagastos kami kung bubukod kami at isa pa ngstudy hubby ko so kpg bumukod kami ,kami lang dalawa ng baby ko maiwan kung sa mga IL ka nkatira mgagabayan ka nila ska sis temporary lang naman yan eh tapusin nyo muna studies nyo bfore kayo bumukod ,mhirap ang buhay sis think twice :)
Logged

mommy_trish

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 89
    • View Profile
Re: mahirap ba ang bumukod?
« Reply #80 on: October 28, 2011, 06:37:52 pm »

hi mga sis! help naman.

we're planning na bumukod by next year pero hindi totally kasi property parin ng parents ko yung lilipatan namin. pero naisip ko mas ok na yun kaysa dito kami sa house ng parents ko nakatira na sagot nila lahat. mabait naman parents ko kaso feeling ko sa sobrang bait, naging dependent na ko sakanila. somehow kahit papano magiging independent na kami kahit di kami magpay ng rent, kasi kami na ang bahala sa food, water and electricity namin.

ang question ko, how much usually ang budget nyo for the food, electricity, water and kung may iba pang expenses? i have two boys and sila pa lang kasi nasa 8k monthly na, may yaya pa. TIA!  :)
Logged
Jesus loves me! He who died,
Heaven's gate to open wide;
He will wash away my sin,
Let His little child come in.
Yes, Jesus loves me!
The Bible tells us so.

sheys_sheys

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 56
    • View Profile
Re: mahirap ba ang bumukod?
« Reply #81 on: October 28, 2011, 06:44:42 pm »

mahirap kung sa mahirap....
nakabukod kami and malayo talaga ang aming mga relatives,sa amin lahat ng expenses of course...

ask ko kung may work kayo pareho ni hubby?...
sa amin 2k for one week,with my two yr old son...kasama allowance namin ni hubby...
tapos house bills(Electricity,water we don't have Telephone)---2k yun yung budget ko...
I don't have yaya din...mayre-rent ba kayo sis?...
Logged

cheena

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 85
    • View Profile
Re: help about "pagbukod"
« Reply #82 on: November 03, 2011, 01:58:20 pm »

like you sis gusto ko na rin bumukod, kahit na nga parents ko kasama namin sa house mas ok pa din if nkabukod, ang no. 1 concern ko lang tlaga is yung mag-aalaga sa anak ko, kahit na sa tingin ko kaya naman naming bumukod yung anak ko pa din ang iniisip ko, sobrang kulit niya kasi, feeling ko walang tatagal na mag-alaga sa kanya..ayoko naman na iwanan lang sya sa yaya bka paluin lang lagi, kaya until now hanggang plano nlang yung gusto kong pagbukod.
Logged

buuurp

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 669
    • View Profile
Re: mahirap ba ang bumukod?
« Reply #83 on: December 17, 2011, 06:27:58 am »

6 months na kaming nakabukod, and nasa 40k a month overhead namin lahat lahat na yan.. we are renting and have a 10 month old son. :)

both of us are working, may savings na din kasama yun.
Logged

Sometimes, its not that people change…you just find out who they really are.

jhenbreak

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 66
    • View Profile
Re: mahirap ba ang bumukod?
« Reply #84 on: December 19, 2011, 05:47:46 pm »

Mahirap na masaya. Magastos magsimula. Mahirap kasi ikaw lahat gagawa ng lahat unless you hire a maid.

 Pero masaya kasi kayo lang talaga, mas mahirap ata makisama di ba? And, it is biblical, dapat kapag nag-asawa ang lalaki, bumukod silang mag-asawa. Masaya kasi adventure yon eh, dun nyo mas mafifeel na mag-asawa talaga kayo, walang makikialam, walang makikigulo. Maghagisan kayo ng plato, magsigawan kayo, walang eextra (but of course we don't do that, haha!), my mom just told me about that. The moment we got married, bumukod na kami, kaya nga nag-asawa kami eh, nakakahiya naman sa magulang ko o magulang niya na nag-asa-asawa kami tapos hindi pala namin kaya.

NayRaq

  • Newbie
  • *
  • Posts: 7
    • View Profile
Re: mahirap ba ang bumukod?
« Reply #85 on: December 20, 2011, 01:52:43 am »

Mahirap bumukod, pero kailangan para sa privacy din at higit sa lahat para walang nakikialam sa iyong mga In-laws. If talagang gustong bumukod kayang magtiis dapat kung ano kakayanin ng sweldo, pero kung gustong makasave muna ng mas madali, wag munang bumukod at magtiis muna kasama in laws. :)
Logged

working_girl88

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 90
  • working girl
    • View Profile
Re: mahirap ba ang bumukod?
« Reply #86 on: December 20, 2011, 10:09:01 am »

mahirap. 7months na kaming nakabukod. before ako mapreggy 10 months ago, may work ako, so pareho kami ni hubby na may income. bumili na kami ng ibang gamit sa bahay kasi napagusapan na namin before pa na bubukod kami. kaya ngayon hindi na namin problema ang pagbili ng gamit. when i got pregnant, my hubby didnt want me to work kasi bonga yung morning sickness ko dati so sya na lang yung nagwowork for us. sobrang hirap kasi 2 lang kami ni hubby sa bahay, ako talaga ang gumagawa ng chores kasi may work sya. wala pa kaming washing machine so manual laba talaga kami. now that we have a baby, doble na ang hirap namin ni hubby.   :'( wala kasi kaming ibang kasama sa bahay na tutulong samin, kaya nga minsan naisip ko na bumalik muna sa house ng parents ko para kahit pano katulong ko ang mom ko na mag alaga kay baby. pero wag na lang, nahihiya ako sa kanila.  :-\
ang gastos namin ni hubby sa house for a month is 15k kasama na ang food, electricity and rent na 6k. pero ngayon na may baby na kami may dagdag na 3k-4k na sa budget. masakit sa bangs kasi si hubby lang ang nawowork, pero salamat sa mga friends namin ni hubby, sobrang supportive nila samin. may taga supply ng diaper kay baby, tas nagbbreastfeed ako kaya tipid sa gatas. hehe!  :D kahit pano nakakaraos na. siguro after 4-6 months back to work na ko, so plan namin kumuha ng yaya for baby. dagdag 3k na naman sa gastos, pero ok na din kasi mas magkakasya na yung income namin ni hubby sa gastos sa bahay at kay baby.  8)

mahirap bumukod kung kulang sa budget at hindi marunong sa household chores pareho.
Logged

imeego

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 340
    • View Profile
Re: mahirap ba ang bumukod?
« Reply #87 on: December 20, 2011, 11:27:27 am »

mas ok talaga nakabukod although mahirap kasi you have to start from scratch...for more than a year nakatira kami sa inlaws ko, nahirapan ako kasi di ako kumportable and di ako sanay makisama sa ibang tao, although sobrang bait nila...nung nandun kami,  ang share lang namin is bayad sa kuryente at sa driver, more or less 10k lang tapos everyting else inlaws ko na bahala...but since mapilit ako, pinagbigyan ako ni hubby na bumukod na ;D...magastos magsimula, need to buy everything-furniture/appliances, butas ang bulsa ni hubby that time kasi sabay din to sa birthday prep ni baby lol...but after that ok na kami, although unlike before na 10k monthly lang gastos namin, now lomobo na monthly expenses namin, umaabot na kami ng almost 15k sa grocery pa lang, di pa kasama yung para kay baby, utility bills (electricity, water, cable, internet etc) at salary ng helper at yaya...minsan nga naaawa na ako kay hubby since sya lang ang working dahil sahm ako...pero overall happy kami kasi di ka na makikisama, magagawa mo gusto mo na di mo iisipin baka may masabi sila ;)
« Last Edit: December 20, 2011, 11:35:11 am by imeego »
Logged

kurdapya101

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 165
    • View Profile
Re: mahirap ba ang bumukod?
« Reply #88 on: December 22, 2011, 02:04:17 pm »

mas masarap ang nakabukod kesa sa nakikisama sa MIL lalo na kung may pagkaalamera ang MIL naku goodluck hehe
Logged

kurdapya101

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 165
    • View Profile
Re: help about "pagbukod"
« Reply #89 on: January 12, 2012, 03:49:53 pm »

ako kami ni hubby 1 month lang kami tumira sa kanila.. turn out well naman though mahirap kase hindi ka makakilos ng normal and ang layo ng bahay nila novaliches then makati kami ni hubby work nun so ayun i decided na umupa ng bahay 8k a month upa namin konti palang gamit namin nun paunti unti nakumpleto mahirap na masaya tiis tiis lang talaga ngayon awa ng Diyos kumpleto na gamit namin may baby na din bahay nalang talaga ang kulang
Logged
Pages: 1 ... 4 5 [6] 7 8