Parent Chat

Advanced search  

News:


Answer the Smart Parenting 2020 Reader Survey for a chance to win exciting prizes like overnight stay at Pico de Loro, car seats from Baby Company, Gymboree membership and more. Click this link to answer the survey: https://www.surveymonkey.com/r/SPReadersSurvey2020PCF

Pages: 1 2 [3]

Author Topic: my child prefers milk to solids  (Read 16646 times)

charmed0304

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 94
  • I love being a mom!
    • View Profile
Re: my child prefers milk to solids
« Reply #30 on: May 28, 2012, 10:31:34 pm »


baby ko din 1 yr and 5mos, ayaw kumain rice, isang subo lang ayaw na, iluluwa na niya.. Mas nasanay sya sa biscuits kesa sa pagkain talaga.. Konti lang kung kumain sya ng solids. ewan ko ba, pinapakain naman sya paminsan minsan every meal time. Pero mostly,milk talaga gusto niya. Pag di namin bigyan milk, water ang ituturo niya. Nagwoworry nga ako baka di masanay sa meals lumalaki pa naman na sya, hindi pwedeng puro milk lang.

Logged

mommy_lani

  • Newbie
  • *
  • Posts: 35
    • View Profile
Re: my child prefers milk to solids
« Reply #31 on: May 29, 2012, 12:20:16 am »

hi mommies,

well ganito din si baby nathan. But in his case even nung magsisimula palang sya kumain ng solid sinusuka na niya talaga.
6 moths until now na mag 1 year old na sya this june. Kapa sinubuan mo sya kahit konti lang na solid ayun nagduduwal na them afterwards susuka na sya. Hay..
Pero nanaba pa nga sya though ayaw niya talaga ng solid...
Logged

BlueAby

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 461
  • Mother of two
    • View Profile
    • CS_CuteShoppe FB Page
Any Tips to encourage our kids to eat real foods (instead of milk lang)
« Reply #32 on: May 30, 2012, 08:23:34 pm »

Hi mga mommies,

Hihingi lang po sana ako ng tips sa inyo. Matumal kasi kumain yung panganay ko ng food compared to his younger sister. 3yo na yung panganay ko and pahirapan talaga kumain. Kung tatiyagain mo naman it will take you 30mins - 1hr para maubos niya yung half rice. Madalas nga di pa niya maubos. Ang payat tuloy ng panganay ko. May nabasa ako na dapat daw creative ang food nila so I've tried to buy yung small pan na may shape. Yun yung ginamit ko para makaluto ng pancake nung weekend. Ok naman since nag-enjoy siya sa shape I have also put ripe mangoes sa gitna ng star shaped na pancake para mas maaliw siya at mas healthy.

Pinapatay ko rin ang TV kapag kainan time na and ligpit din ang toys pero ganun parin siya. Ano pa po kayang tips ang Meron kayo na mabibigay for me. Sinusubukan ko po pala ngayon yung Apebon na vitamins, 1wk ko na xang pinapainom ng ganun kaso nagkasakit kaya lalong pumayat.
Logged

lykeil

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 126
    • View Profile

Try mo clusivol multivitamins for kids. Or tiki tiki. Doon tumaba at gumana nang kain ang mga anak ko. Dati rin patpatin sila. Since 3 years old na ang panganay mo, encourage him eating rice and vegies and meat para maging strong siya. I-reverse psychology mo lang siya by telling him that it would make them grow big and braver. Tapos syempre pag once naubos niya yung pagkain sa plate, reward them with ice cream or their forbidden favorite foods or toys once in a while. 

Minsan kasi nalulula ang mga bata pag sobrang dami nakikita sa plate niya. Portion by portion lang gawin mo. And let him eat by himself. Gusto rin kasi nila ng independence. Pag umabot na ng 30 min or 1 hour, eh subuan mo na kasi malamig na food, hindi na nila gusto kainin. : )

Sa case ko naman, like my 2nd child na boy, kahit ano pakain ko or dami kinain na kanin eh hindi talaga siya tabain kasi malikot pero mabigat naman siya at kusang naghahanap ng makakain sa ref or table pag nagutom. I make sure na may ready and available food kung gusto nilang kumain or mag water. They do it by themselves or he will ask for my assistance kasi yun ang instruction ko sa kanila. 
Logged

bugick

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 68
    • View Profile
Re: my child prefers milk to solids
« Reply #34 on: June 08, 2012, 06:08:10 pm »

hayyy, it's such a relief to learn na may mga mommies/parents din who are having the same problem as me..

my daughter's 1 year and 8 months and milk pa din ang main 'food' niya everyday. theory ko naman sa case ng baby ko, tamad lang talaga siya ngumuya. medyo nagsisisi nga ako na nasanay siya sa cerelac during her early months kasi tingin ko malaking factor yon on how she treats/feels about solid food. she takes rice naman, pero para siyang hamster (hahaha!). iipunin niya lang sa bibig niya pero iluluwa din lahat when  her mouth's full. very seldom that she swallows what she eats. kumakain din siya ng biscuits, kaya lang, minsan niluluwa pa din after a few swallows.

sana talaga ma-overcome ng babies natin `tong adjustment stage nila. and i do hope my daughter doesn't turn out to be a picky eater. 
  :(
Logged

just_memom

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 442
    • View Profile
Re: my child prefers milk to solids
« Reply #35 on: June 22, 2012, 08:48:03 am »

Hi mga mommies, im not sure also if this is the correct forum for my concern.

Si baby is 1 year and 7 months (turning 8 mos this July). It started 3 days ago na milk niya sa gabi hinahati niya and matutulog na hinde na uubusin. Then paggising sa umaga, bibigyan ng milk ayaw na uminom (normally nauubos niya) hanggang sa umabot na ng almost lunch time, so bibigyan na siya ng food (rice+ meat + veggie) kakainin naman niya pero lagi it would take 30 mins. Tapos before she sleeps in the afternoon magmimilk yan pero for the past 3 days, hinde talaga nagmimilk, kahit paggising, aabutin na naman siya ng dinner time na.

Is it possible na nagngingipin si baby kaya ayaw mag sip sa bottle?
Is it possible na ayaw na ni baby sa milk niya?
Is it possible na ayaw na ni baby magmilk instead magbiscuit nalang?
Logged

clarize_alejandro

  • Newbie
  • *
  • Posts: 4
    • View Profile
Problem feeding my 2 y/o baby
« Reply #36 on: November 08, 2012, 11:54:19 am »

Hi Momsies! i have a 2 y/o son who really doesn't like to eat...puro lang sya milk..ayaw niya eat ng rice, or kahit ulam..but he eat biscuits, bread and fruit sometime. Ano ba puwede kong gawin to make him eat rice???
Logged

preciouslara

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 365
    • View Profile
Re: Problem feeding my 2 y/o baby
« Reply #37 on: November 08, 2012, 10:48:19 pm »

hi sis, i have a 2yr old daughter naman buti nga sayo ngddrink ng milk eh, baby ko lakas nga sa milk ayaw naman sipsipin sa bote o sa baso, sa dropper lang talaga,dndropper ko siya every 2hrs pero marunong siya uminom ng juice etc sa cup or kahit straw pera lang milk niya, gusto dropper lang,nagbbreastfeed pa din siya pag naisipan niya, ayaw din niya mag eat ng rice or lugaw kahit ano basta rice,sobrang bihira talaga, mas gusto niya kainin mga noodles like sphag,macaroni soup or pancit canton,malakas naman siya sa fruits,biscuits pero problem ko din yung pagkain niya ng rice...hay.
Logged

purple_girl

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 617
    • View Profile
Re: Problem feeding my 2 y/o baby
« Reply #38 on: November 09, 2012, 12:10:54 am »

try cutting down on milk and offer solids instead. pag nagutom tapos nanghingi ng milk, try mo na solids ang ibigay. hayaan mo siyang magwala or magtantrum, kakain din yan pag gutom talaga. tough love kumbaga. pwede rin kasing factor ang milk why he doesn't want to eat solids. mabigat kasi sa tiyan ang formula milk so kapag busog na siya sa milk, wala na siyang gana mag solids.

at his age, his nutrition should be coming from solids na. he doesn't really need formula milk at this point. you can actually do away with milk na nga, but if you really want him to drink milk, you can give him fresh milk instead. please see links below for reference:

http://www.chroniclesofanursingmom.com/2009/08/formula-milk-for-toddlers.html
http://www.mumzone.com.au/breastfeeding/toddler-formula-vs-cows-milk.php
http://alphamom.com/parenting/toddler-parenting/toddler-formulas-vs-milk/
« Last Edit: November 09, 2012, 04:47:19 am by purple_girl »
Logged

clarize_alejandro

  • Newbie
  • *
  • Posts: 4
    • View Profile
Re: Problem feeding my 2 y/o baby
« Reply #39 on: November 09, 2012, 01:00:26 pm »

Thank you Momsie Purple for the advise. Sana nga matututo na mag-solid ang baby ko.
Logged

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 134
    • View Profile
Re: Problem feeding my 2 y/o baby
« Reply #40 on: November 10, 2012, 03:07:07 pm »

problem ko din to sa 2 y/o ko, ayan, constipated na.  >:(
Logged
<a href="http://lilypie.com/"><img src="http://lb1m.lilypie.com/3Avgp8.png" width="200" height="80" border="0" alt="Lilypie First Birthday tickers" /></a>

iceylicious

  • Newbie
  • *
  • Posts: 9
    • View Profile
Re: my child prefers milk to solids
« Reply #41 on: November 20, 2012, 12:33:05 am »

yun daughter ko hanggang ngayon ayaw pa rin kumain ng kanin puro milk and biscuit lang.. ayaw din ng fruits.. :-\
pag binigyan mo ng kahit anong foods sasabihin niya maanghang daw yun.. lahat nalang maanghang sa kanya kahit di naman niya natitikman  :'(

anyway,binigyan sya ng pedia ng mosegor vita.. for 2mos daw yun iinumin. sana maging effective.
Logged

alexismom

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 1303
    • View Profile
Re: my child prefers milk to solids
« Reply #42 on: November 20, 2012, 10:43:36 pm »

Daughter ko hindi  rin mahilig kumain ng veggies and fruits. She got used to formula so now we're giving her fresh milk and full cream milk and encouraging her to eat healthy.  She eats rice with sabaw but it's not enough.  She's 2 years and 9 months and healthy so puwede na stop ang formula.
Logged

John Patrick Alvarez

  • Newbie
  • *
  • Posts: 1
    • View Profile
Re: Welcome newbie! Post your concern here.
« Reply #43 on: January 07, 2019, 12:01:14 pm »

Hi Guys!,

I'm new here and I'm a father of my 2 year old son. I came across this group since I'm checking what milk supplement would be better for my son since he's using S-26 promil  gold 1-3. We've undergone trial and error din for his milk kasi nung una we're using bonakid and since I want DHA for his intake kaya I switched to promil gold but then he's intake was more than the usual. For the whole day nakaka 9 bottles siya of 6oz and less yung intake niya ng solid foods sapilitan pa kumain. Please help me out on this any opinions would be gladly appreciate. Thank you!
Logged

lalaland

  • Newbie
  • *
  • Posts: 27
    • View Profile
Re: my child prefers milk to solids
« Reply #44 on: January 10, 2019, 04:41:41 pm »

Same sa panganay ko, sobra daw yung 9 bottles a day. Wala pa siyang 2 years old noon. Pag 2 years old, dapat sila na ang susunod sa gusto ng magulang. Ito ang age na pwede ko nang pilitin anak ko kahit ayaw niya. Hindi pwedeng bote pag ayaw kumain. Ako rin kasi nahihirapan sa sa pagpupu niya. Laging soft at matubig, nagkarashes.
Logged
Pages: 1 2 [3]