Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Pages: [1] 2 3

Author Topic: Two families in one house, good idea ba?  (Read 27174 times)

platinumangel

  • Newbie
  • *
  • Posts: 47
    • View Profile
Two families in one house, good idea ba?
« on: January 03, 2012, 12:44:57 am »

Magandang idea ba ang maki-join kami sa apartment ng brother-in-law ko para makapag-ipon? 

Idea kasi ito ng husband ko.  I work sa Makati and my husband sa Pioneer...  We are staying sa Pasig and yung bro niya sa Cainta, at dun niya gustong lumipat kami para mabawasan daw ang gastos namin...  Yung bro at ka-live-in partner nito at asawa ko ay okay sa idea.  Ako lang ang hindi kasi hindi ako kumbinsido na makakaipon nga kami.  Baka kase ako lang itong nagpapaka-kontra sa suggestion ng asawa ko.  Please enlighten nyo naman ako :) 
Logged

Mommy France

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 1649
  • Lucky to be loved by 2 boys
    • View Profile
Re: Two families in one house, good idea ba?
« Reply #1 on: January 03, 2012, 10:14:59 am »

Possible ngang maka-ipon kayo pero think try mo i-calculate yung cost ng transpo ninyo from Cainta to Makati or Pioneer.
Do a sheet lang kasi ganun talaga eh. Makita mo kung worth it yung pwede ninyong maitabi sa inconvenience ng may kasamang iba sa bahay.

If ever na mapag-decidan ninyo na mag-join with your in-laws, i-ready mo yung sarili mo sa possibleng conflicts.
So kailangan malinaw yung hatian ng gastusin at maintenance ng bahay.
Kailangan maiwasan yung silipan kasi usually yan ang nag-cau-cause ng comparison at awayan between families eh.

Kaya naman siya kung kaya pero i-observe mo din sana muna kung ano yung mga pro's and cons.
Better talaga if you make a tally of your goal savings para makita niyo if what you;re doing will work or not.
Logged
I am not perfect but I try my best to make the most of what God gave me.
Bad things may happen to me, but I will always come out of it with my head up high. Why? Because I know that I did the things I can control the right way. And the things I can't control, I leave it up to God's will.

mishyla

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 198
    • View Profile
Re: Two families in one house, good idea ba?
« Reply #2 on: January 04, 2012, 01:47:21 pm »

tama mga ibang sissies...weigh mo yung pro's and con's. dati kasi kami lang sa house, then nakasama namin yung SIL ko and isang anak niya. yun lang di malinaw sa hatian ng gastos..nung una sagot namin lahat , nung una okay e.kaso andami naging conflicts..so better pagusapan ng mabuti. right now we are living in the same house pero different floors..and have our own door....better this way.. hiwalay lahat..
Logged
MISHYLA

FayeP

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 214
  • I so love my baby Reid!!!
    • View Profile
Re: Two families in one house, good idea ba?
« Reply #3 on: January 04, 2012, 05:45:24 pm »

sis, alin ba mas malapit??un house nyo ngayon o un sa bro ni husband sa cainta???

kun mas malapit sa place of work nyo un sa pasig, eh talo kayo kun sa cainta kayo lilipat kasi pagod, traffic...remember, ang pera kikitain natin pero ang nasayang na oras di na maibabalik...

isa pa, kahit andun naman kayo sa current place nyo makakaipon pa din naman kayo eh,ang una mong tignan is yung paraan nyo ni husband ng paggasta ng monthly sweldo...

isa pa ulit, tama sina mommy france at chi na possible may conflict...lalo na sa mga hatian ng bayad sa bills...

Logged
"The LORD is my rock, my fortress and my deliverer; my God is my rock, in whom I take refuge. He is my shield and the horn of my salvation, my stronghold."
                                     -Psalm 18:2

platinumangel

  • Newbie
  • *
  • Posts: 47
    • View Profile
Re: Two families in one house, good idea ba?
« Reply #4 on: January 05, 2012, 04:10:53 pm »

I've already laid out my cards pagdating sa pros and cons, at ako pa ang nasabihan ng "Isipin mo kase yung kung paano magwo-work at hindi yung pano hindi magwo-work na makapag-save tayo!"  So in short, parang ako ang kontra bida sa lahat!  And we are doing this para maka-save sya ng money sa son niya with another girl...  Aware na ako sa lahat ng conflicts na pwedeng mangyari eh at sinasabi ko yun sa kanila... lumalabas na ako ang sarado ang utak and hindi nakaka-intindi sa goal kung bakit kailangan naming gawin yon.  Ako ba ang makitid ang utak dito at hindi willing mag-sacrifice?  Nakakainit lang kasi ng ulo!  Parang kahit limang daan beses kaming mag-weigh ng pros and cons eh go pa din sila sa idea nila.  I'm asking to straighten out the set-up and plan, tapos yun nga parang for them, madali na lang ayusin yung details basta lahat ok sa idea and naiintindihan ang goal... So diba?  Nakaka-offend lang.  Parang naglalaro kami sa takbo ng mga desisyong gusto nilang gawin. 

Mas malapit kung nasaan kami ngayon (De Castro, Pasig) sa mga work places namin pareho...

Highblood ever na naman ako!!!
Logged

ea_brea

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 408
  • don't be afraid to dream a little bigger, darling
    • View Profile
    • La Mer de Reve
Re: Two families in one house, good idea ba?
« Reply #5 on: January 05, 2012, 07:16:30 pm »

i agree with sis FayeP, makakaipon kayo kahit nasa sariling house pa kayo basta you mind your expenses. and una ko din talaga naisip is pwede magkaroon ng conflict. hindi naman sinasabi na magkakaroon, meron lang possibility. pwede nga okay kayo sa ngayon pero what if nga magkasilipan sa gastos, etc.

pero kung malinaw naman ang usapan nyo, e di try nyo. basta dapat may back-up plan pag pumalya. :)

FayeP

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 214
  • I so love my baby Reid!!!
    • View Profile
Re: Two families in one house, good idea ba?
« Reply #6 on: January 07, 2012, 04:40:27 pm »

sis platinumangel, mas malapit pala un ngayon eh, tipid talaga sa oras...

at un nga kahit nasan kang lugar nakatira, ang pag-iipon ay disiplina talaga...

you can tell him na siya ang sarado ang isip for not considering your side...di ba kayo ang mag asawa? dapat agree kayo pareho sa magiging desisyon, kun ayaw mo dun sa gusto niya, dapat makinig siya sa yo tapos mag agree kayo...

suggestion ko wag kayo hehe sayang oras sa pagtravel, mahihirapan ka pa...tapos makikisama ka pa sa inlaws mo, un ang pinaka mahirap eh un pakisama...sa una kasi magkakasundo pero dadating ang panahon na may masisilip kayong nakakainis sa mga kasama mo sa bahay, which is magko-cause lang ng away or samaan ng loob..un stress na makukuha mo, mas lamang pa kesa sa masesave mong money...
Logged
"The LORD is my rock, my fortress and my deliverer; my God is my rock, in whom I take refuge. He is my shield and the horn of my salvation, my stronghold."
                                     -Psalm 18:2

platinumangel

  • Newbie
  • *
  • Posts: 47
    • View Profile
Re: Two families in one house, good idea ba?
« Reply #7 on: January 08, 2012, 01:01:02 am »

Yun nga din ang advise ng nanay ko eh... Kahit nandito kami sa current place namin at nangungupahan kami dito, kung talagang mag-iipon kami eh makakaipon kami.  Nakakasama lang ng loob is sinasabi ng asawa ko dun sa hilaw nyang hipag na ako ang sarado ang utak at negative sa idea.  Kailangan magtiis at mag-adjust kasi nga magtitipid.  Sabi pa nila na ako ang hindi nakakaintindi sa goal ng husband ko, which is to save up money for his son's schooling this year.  So ako pa ngayon ang hindi nakakaintindi sa sitwasyon. Ilang ulit ko nang sinabi sa asawa ko ang mga reasons ko pero AKO ang hindi niya naiintindihan... So korek ka mommy FayeP na sya nga ang sarado ang utak...  All they can think about is making this idea work, without considering the possibilities of conflicts.  Okay naman ako sa ganung fighting spirit pero ang akin lang, mas lamang kasi yung cons na nakikita ko eh.  At ayoko lang na magkaroon ng samaan ng loob, dahil kung ako sa asawa ko eh major adjustment na, eh di lalo pa na nandyan yung bayaw ko at ang ka-live in niya.  At tumpak din na mas marami pa yung stress na makukuha ko kesa sa perang mase-save, so alin ba ang mas importante?

Grabe lang...  They dont want me to feel like they are ganging up on me, pero that's what they are doing.

So sige pagbibigyan ko sila pero magbibigay ako ng ground rules since mapipilitan ako sa gusto nilang mangyari.  At kapag magkaproblema or conflict eh isa lang ang sasabihin ko sa kanila: "I TOLD YOU SO!"
Logged

two_angels'_mom

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 415
    • View Profile
Re: Two families in one house, good idea ba?
« Reply #8 on: January 17, 2012, 02:30:23 pm »

naku sis sa totoo lang yung ganyang set-up mahirap to make it work..and im speaking from experience ha..kasi ganyan ang set-up namin ngayon..im living in the same house as my brother and his family..nakakastress talaga..sa amin dalawang magkapatid medyo ok lang pero pagdating sa sil ko nandun yung nagkakabilangan..it only worked out when i was financially well-off..kasi hindi ako nagbibilang..ako ang mas malaking share sa gastusin and i dont mind pero nung hinati na lahat ayun na bilangan na..kasi kahit sabihin mo pa na iseseparate nyo yung pagkain nyo with them e pano yung electric and water bill..pano pag yung ka-share nyo hindi marunong magtipid..e d imbis na nakatipid kayo when on ur own mas napapagastos pa..well this should never be a problem kasi sabi nga magkakaanak naman..kaso in real world sis dadating time magiging conflict pa din yan..so my advice is if wala ka na talagang magawa dahil nga feeling mo lumalabas ka ng kontrabida e d sige nga try nyo tapos tama ka pag d nagwork anjan ka din para sabihin i told you so..pero if u really wanna make this work tama si mommyfrance kailangan malinaw lahat..iseparate nyo ang gastos sa pagkain..buy ur own food..buy ur own stove din..tapos kung kaya na magkaron ng submeter para mas malinaw ang hatian sa electric bill mas maige..well yung water bill wala ka ng magagawa dun pero ok lang naman to kasi mura lang naman yan..pero the rest kailangan bukod bukod pa din kayo..para iwas conflict..as in parang nakatira kayo sa isang bahay pero boarders lang kayo lahat para iwas talaga sa conflicts!
Logged

platinumangel

  • Newbie
  • *
  • Posts: 47
    • View Profile
Re: Two families in one house, good idea ba?
« Reply #9 on: January 18, 2012, 06:10:07 pm »

Thanks sis Two-time...  I will try to be as clear as I can pagdating sa hatian ng expenses.  Pero sana lang wag silang mag-react violently or magtaas ng kilay if magpaka-OC man ako dahil conflict ang iniiwasan ko dito.  Pero ngayon palang mga sis nararamdaman ko na yung uncomfortability ng everyday life ko :(
Logged

platinumangel

  • Newbie
  • *
  • Posts: 47
    • View Profile
Re: Two families in one house, good idea ba?
« Reply #10 on: January 25, 2012, 06:17:35 pm »

MGA MOMMIES!!! 

So ayun, nakalipat na nga kami last weekedn, and now here is the first problem...  The yayas and househelp quit and left the day they said paalam!!!   I was like, I KNEW IT and I warned you all!!! 

STRESS!!!  Bago pa naman ako sa work and sila mga taga call centers...  Time to do plan B... Question is, what is plan b?  Nada!!!!! :((
Logged

two_angels'_mom

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 415
    • View Profile
Re: Two families in one house, good idea ba?
« Reply #11 on: January 26, 2012, 02:27:22 am »

hay sis sad to hear that..although i was telling you na mahirap yan to make it work i was hoping u and ur hubby can somehow make it work..hay umpisa pa lang yan ha..so probably you can ask ur hubby now "now what?"(sigh)
Logged

MommyPhie

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 193
    • View Profile
Re: Two families in one house, good idea ba?
« Reply #12 on: January 26, 2012, 09:36:19 am »

Sabi nga nila sa bawat palasyo dapat 1 lang ang hari at 1 lang ang reyna kung hindi, gyera yan...
I am in the same situation right now. Nauna mag move-in yung family ko dito sa house na pinagawa ng parents ko (they live in another house) then nung nag-asawa yung brother ko dito na rin sila tumira pero separate kami ng room tapos hiwalay din food. kaso sa mga utilities share kami pero mas malaki yung share ko since nauna kami at mas madami kami, pero baliktad na ngayon mas madami na sila coz out of the country na si hubby at wala na rin ako maid. Di ko naman nahingian yung brother ko cause I know na adjusting pa lang sila, pero until when kaya? (haist). Gusto na namin ni hubby lumipat ng house pero di pa enough ipon namin. I am stuck in this situation sa ngayon kaya pinipilit namin ni hubby na next year we will have out own house na.

Ok na rin yang pinagbigyan mo siya para marealize niya na hindi siya laging tama and he should listen to your opinion too. Pero sana sis bago ka pumayag you set limit to your hubby na after 3 or 6 months na di magwork yung set-up dapat humiwalay ulit kayo sa kapatid niya. Kasi pag pinatagal nyo pa yan madadagdagan pa ang problema.

platinumangel

  • Newbie
  • *
  • Posts: 47
    • View Profile
Re: Two families in one house, good idea ba?
« Reply #13 on: February 03, 2012, 08:56:29 pm »

MommyPhie, medyo yan ang problema ko din.  Hindi ko na-set kay hubby kung hanggang kelan kami maninirahan sa apartment ng brother niya.  Two weeks down the road, wala pa rin kaming makuhang maids/yayas.  Ang nangyari, I was forced to bring our kids to my parents' house kasi dito, kahit walang maid, nandito ang father ko to help.  Pero temporary lang din kasi waiting lang sya sa plane ticket niya to leave abroad.  So diba?  Parang ganun din... Hindi din umubra na nandun kmeng lahat sa iisang bahay ng walang maids...  Grabe lang kasi ako ang pinaka-apektado sa lahat coz I am the one forced to not go to work, kasi sa sales dept naman ako so flexible pagdating sa attendance.  Pero unfair lang diba?  Aminado ako that I voluntarily do it dahil hindi ko naman maipagkatiwala ang anak ko sa kanila for the simple reason na hindi ako comfortable dahil limang bata tapos yung bro-in-law ko lang ang maglu-look after?!  Anong guarantee ko na hindi masasaktan, aksidente or maha-harm ang anak ko diba?  Eh nung may yaya nga, natapunan pa ng mainit na tubig, eh di ano na lang ang mangyayari kung yung bayaw ko lang ang nag-aalaga sa limang bata diba?  Hindi ko rin kasi maiwasang hindi mag-worry at ma-stress eh, but believe me, super nag-ta-try akong wag ma-stress, kung alam lang nila! :)

I so worry so much about this coz I know we don't have the financial luxury to be trying and testing things such as this.  Hindi naman simpleng ulam lang ang tina-trial and error namin dito.  But at the end of the day, still, I'm praying na wala ang problemang dadating.
Logged

ea_brea

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 408
  • don't be afraid to dream a little bigger, darling
    • View Profile
    • La Mer de Reve
Re: Two families in one house, good idea ba?
« Reply #14 on: February 24, 2012, 07:18:35 pm »

yikes, 5 pala yung kasama nyo na bata jan. medyo mahirap nga yan. buti na lang flexible ang sched mo sa work. naku dapat mag-usap na ulit kayo ng husband mo (muna) and ng in-laws mo dahil mukhang hindi tatagal ang ganyang set-up.
Pages: [1] 2 3