Parent Chat

Advanced search  

News:

Pages: [1] 2

Author Topic: SAHM,ano everyday routine mo?  (Read 2532 times)

sunshine23m

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 104
    • View Profile
SAHM,ano everyday routine mo?
« on: January 14, 2012, 12:05:53 pm »

mommies na nakaalalay lang sa bahay at sa anak nila ano-ano everyday routine nyo? ako eto,

pag gising sa umaga,init ng tubig para pag gising ng babee ko e me pamplaligo na..almusal ng kaunti para me lakas sa susunod na gagawin..linis ng bote,pag sinipag maglalaba habang nagsasaing,saglit sa bilihan ng ulam,magluluto,pag gising ng babee ko titimpla ng gatas...magpapaliguan na...ang bilis ng oras...maliligo naman ako..kakain,alas kuatro na agad,ang bilis chat ke hubby,habang pinapatulog ang bata...hapon na,saing ulet...fb,sp ng kaunti..tiklop ng damit,hindi maka watch ng tv kasi cartoons palabas...as in ganito araw araw! kulang pa yan..kulang maghapon sa loob ng bahay...kaya minsan pag me biglang yaya mga friends lalo na sa mga friends ko dito sa sp e hindi ako lumiliban...kayo ano everyday routine nyo? post na!

Read it on Smart Parenting.
Her Partner Thinks She Does Nothing All Day So This Stay-at-Home Mom Made a Video

Click this link:
https://www.smartparenting.com.ph/parenting/real-parenting/stay-at-home-mom-enjoy-your-day-off-a00061-20190207?ref=parentchat

Get a chance to be invited to exclusive events or grab limited freebies from Smart Parenting and partner brands! Login to reply to this topic or share your tips in this forum. Invites are sent via email to selected forum members so be an active Parent Chatter!
« Last Edit: February 07, 2019, 08:51:58 pm by Mommy Jazz »
Logged

MommyMichell

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 86
  • Love my smart kids!
    • View Profile
Re: SAHM,ano everyday routine mo?
« Reply #1 on: January 15, 2012, 01:24:42 am »

pag weekdays gising maaga, iready kids for school, pagkaalis nila back sa pagtulog, gigising bago umuwi kids para makapagready ng lunch tas magpc or magsiesta then merienda, tas pc or watch tv tas cook dinner tas pc ulit or watch DVD movie night

pag weekends, painin sa higaan, tanghali babangon, tas cook lunch, tas pc or watch tv then siesta, tas malamang magdinner sa mga byenan tas paguwi dito pc or watch tv/dvd

*yung paglalaba, paglilinis etc hindi ko daily routine, aminado akong tamad, sana matulungan ko sarili ko na sumipag, New Year's resolution ko to*
Logged
Thanks to all the moms here for sharing!

mamacharis

  • Guest
Re: SAHM,ano everyday routine mo?
« Reply #2 on: January 15, 2012, 02:37:41 am »

hay naku! kasapi ako sa samahan ng mga TAMADISTIC

gising ng 11am. luto, paligo baby, nood tv at pc. pag malapit na dinner luto uli (pero most of the time yung ulam namin the whole day na nakakatamad kasi magluto plus 2 adult  1 baby lang kakain.) nood tv tapos pc till 3am habang pinapaikot labahin sa washing machine.  ;)

saturday full force na.. lahat ng dapat gawin ginagawa ko para pag sunday pahiga higa na lang  ;)
Logged

MommyMichell

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 86
  • Love my smart kids!
    • View Profile
Re: SAHM,ano everyday routine mo?
« Reply #3 on: January 15, 2012, 08:57:43 am »

mamacharis, ikaw na presidente ng Samahan Ng Mga Tamad Na Mommies, ako Vice-President lol  :P,
ang sarap kasi maghi-hilata lang  ;D

siguro once in every 3 months lang ako talaga sinisipag na maglinis, yung talagang super linis, lahat nakaayos, pero kung anong tamad ko, sya namang sipag ni mister ;)
Logged
Thanks to all the moms here for sharing!

sunshine23m

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 104
    • View Profile
Re: SAHM,ano everyday routine mo?
« Reply #4 on: January 15, 2012, 11:48:55 am »

same tyo mamacharis,yung cook kung ulam e para sa maghapon na...ang nangyayare nga pag yung dalaga ko e diet dietan e nasasayang pa ulam kaya ako naging ganitong kalobo e yung natitira na ulam super ubos ko yon pag gabi na kase panget na kung ilalagay sa ref...kaya minsan kung kumain ako parang pang construction worker,hahaha!
ngayon eto oras ng laba ko tempt na naman akong magbukas ng FB at SP..pano matatapos!

MommyMichell,
             kung patamaran e kasali ako dyan..yung labahin ko minsan para di ako mainis makita fold ko un ng maganda at nilalagay ko sa isang sulok na hindi ako maiinis,ayun lilipas ang oras,gabi na ulet puro hilata lang gawa ko at ni babee...wish ko makalaba ako ngayon!!!
Logged

sushilover123

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 229
  • patiently waiting for my little baby boy..
    • View Profile
Re: SAHM,ano everyday routine mo?
« Reply #5 on: January 15, 2012, 11:49:55 am »

Pashare!! I woudn't say na tamad tayong mga SAHM, kung may bayad nga lang ang pagiging mommy e mayaman na tayo sa mga overtime pay.  ::)

Routine ko everyday, gising ng 7:30, dahil no choice gising na ang aking napakakulit na 7month old. Then, luto ng breakfast, pakainin si baby, by 10am inaantok na ulit si baby, Si hubby naman gigisinh for breakfast while baby is sleeping. Handa ko na paligo ni baby whule inaayos yung baon hubby. Paggising ni baby, ligo na.. Laro laro..kulitan tapos by 2pm tulog na siya ulit. Kain nko ng lunch. tupi ng mga damit ni baby, ayos ayos. By 4pm gising ulit si baby tapos pasyal pasyal. Iready ko na pang dinner. By 7pm luto na dinner, hilamos ko na si baby para by 8:30 sleep na siya.tapos maglalaba nako para sa morning isasampay ko na lang.  9:30pm dating ni daddy. Then 10pm sleep na kami. Haay, dagdag pa ang 3x kong paggising gabi gabi dahil gusto breastfeed ng baby. Haaay..
Logged
A mother's joy begins when new life is stirring inside... When a tiny heartbeat is heard from the inside and a playful kick reminds her that she is never alone.

imeego

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 340
    • View Profile
Re: SAHM,ano everyday routine mo?
« Reply #6 on: January 15, 2012, 04:15:51 pm »

naguilty naman ako sa routine ko, parang ako na ata pinakatamad ;D  eto daily routine ko:
8-8:30 am- gigising si baby, dun lang din ako babangon kasi di ko pwede sya iwanan sa bed while si hubby naka-breakfast at nakaalis na nyan (naka-ready naman na food c/o helper hehe) timpla muna ako ng milk then padedehin sya, bigay ko sya kay yaya para ako naman mag- breakfast,then akyat uli ako sa room on ng laptop para mag-FB, SP etc. after 30 mins ligo na ako, kunin ko na si baby laro kami or read ng books niya for around 1 hour...then padedehin ko uli tapos hele ko na (this will take around 40 mins to an hour). nakabantay lang ako while nasa harap ng computer habang tulog sya..mga 1-2 pm gigising sya, dede muna uli then baba kami para mag-lunch ako. after ko maglunch, watch tv sandali then papaliguan ko na sya with yaya para mag-assist.  then pakainin ko na si baby, after niya kumain stay muna sya kay yaya for an hour habang ako nasa taas (as usual nagcocomputer ;D) pag-akyat ni baby playtime niya uli then padedehin ko before ko sya ihele..by 430 to 5 pm usually tulog na sya then gigising ng 6 pm, bigay ko kay yaya habang prepare ko yung food niya, after ko pakainin, linis ako feeding bottles, sterilize and while waiting, watch ng tv...by 7 pm usually nandito na si hubby so dinner na kami, after that kunin na namin si baby para umakyat sa room..play uli sya until mga 9 pm, liliguan namin  tapos ihehele ko na..yun lang gawain ko everyday, feeling ko pagod na pagod pa ako nyan ;D, kasi naman ang hirap maghele ansakit sa katawan since medyo mabigat na baby ko ::)

Logged

CIB

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 320
  • Life ain't Life Without Danreb and Lila...
    • View Profile
Re: SAHM,ano everyday routine mo?
« Reply #7 on: January 15, 2012, 04:38:36 pm »

Kasapi din ako dito  ;D

7am Gising na ako ni hubby para may kasabay sya sa breakfast. Time namin sa bahay na kami lang. Kaya  I love mornings!
8am Alis na si hubby. Pag palengke day ko sumasabay ako sa kanya. Malapit lang wet market sa amin iniiwan ko si lila tulog pa. Pero pag hindi linis bahay na. Pero pag tamad mode bumabalik ako ng bed nagbabasa ng libro. 9 usually gising ni lila. Pero minsan sleep pa sya hanggang 10am. Exercise na ako between 9-10. Or basta kailangan wag lalagpas ng 11 naka pag exercise na ako at tapos na ng gawaing bahay. Depende na lang sa mood ko kung ano uunahin ko sa araw na yun.
11-12noon Magluluto na ako for lunch. Nakapag bath na rin kami ni Lila bago kakain.

1-4pm. Nap ni lila. Sinasabay ko dito yung pag net ko. Or magbabasa ako ulit. Bale ito yung oras ko talaga para sa sarili ko.
4-6:30pm. 4 usually gising ni Lila. Merienda niya sumasabay ako. (I usually cook merienda dahil mahilig si hubby pagka uwi habang nagpapahinga gusto niya may kinakain.) Tapos ito naman oras ni Lila. Nanonood depende sa topak niya kung movie or yung mga educational dvd's. Or makikipaglaro sya sa mga pinsan niya sa sa compound. Ito na rin yung time na nag prepare na ako magluto para sa dinner. Dating ni hubby 6pm kailangan bago mag 6 nakaluto na ako. 6:30 kadalasan kami nagha-hapunan.
7-10 Family time. Watch kami movie or tv lang. Mga 9pm maglilinis na kami ni lila dahil kailangan before 10 sleep na sya.
10-11pm Ito yung time namin ni hubby.

Napapalitan lang yung 8-11 routine ko sa umaga pag tuesday. Walang exercise dahil araw ng laundry ko. Tapos yung 4-6:30 ko pag sabado. Church day namin ni Lila. Kaya si hubby nagluluto ng dinner. Wednesday off niya parang ito rin yung "day off" ko. Sya gumagawa sa bahay o kaya umuuwi sya sa kanila sama niya si Lila maghapon. Pero pag may topak ako pinapalayas ko talaga silang dalawa. Para lang matahimik ako mag-isa sa bahay ng ako lang. Kasi feeling ko bilang nanay kailangan natin talaga ng time na ganun. Dati nagkakasamaan kami ni hubby ng loob dahil dito. Pero nung naintindihan niya nagkukusa na syang "lumayas" bitbit si Lila pag alam nyang may ganung mood ako.
Logged
Love is like handing someone a gun, having them point in your heart and trusting them not to pull the trigger - SpongeBob

princess080910

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 308
  • Meyer's Mom!
    • View Profile
    • meyer
Re: SAHM,ano everyday routine mo?
« Reply #8 on: January 16, 2012, 01:01:26 am »

ay join ako dito  ;D

my daily routine:

usually 10 am or 11 am nag uumpisa ang araw ko, mga ganung oras din kasi bumabangon ang mahal kong anak. donya to matulog, takot sa araw kaya tanghali siyang nagigising  ;D ;D

pagkagising bababa na kame for breakfast/lunch, usually  may food na si meyer c/o lolo daddy kasi siya maaga nagigising..

ligo time ni meyer mga 12 or 1 pm depende kasi marami pa tong laro..

usually 3 PM nap time ni meyer maswerte ng maka 2 oras siyang natutulog.

7 pm dinner time and quality time namen ni jay.. sobrang tagal namen magkwetuhan sa hapag.. nakasanayan na!
by 8 pm lilinisan ko na si meyer at bibihisan ng pantulog para presko, hanggang 10 to 11 pm pa maglalaro at magdadaldal.. isa lang nap niya sa buong araw kaya malamang tanghali talaga siyang nagigising..

yung routine namen kasi ni hubby pang artista since walang pinipiling oras trabaho nila. minsan straight buong linggo andito lang siya minsan naman halos di na kame nagkikita..

i do the cooking once nag request si hubby ng food na gusto niya pero i love baking cookies and other stuffs for everyone here esp/ meyer na super like yung oatmil cookie na may raisin ko.
somebody is doing the laundry for us tapos may help na pumupunta dito sa house nila jay pag weekend to do a general cleaning..
pinaka toka ko lang yung room namen na palageng makalat..
grocery naman, naka schedule na rin twice a month..
ohh, twice a week , usually wed and sun ang sched namen ng paglinis ng bottles ni meyer, babad muna sa tubig na may baking powder para di bumaho.

Logged
i thank the lord for the blessings he bestows, ten little fingers and ten little toes....

nylej20

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 433
  • mother of twins...
    • View Profile
Re: SAHM,ano everyday routine mo?
« Reply #9 on: January 16, 2012, 08:53:03 am »

buti pa kayo pwede gumising nga tanghali. ako hindi ata! :(

everyday gising ko talaga ay 6:30 am. magluto muna ng breakfastnthen pag nakaluto na gigisingin na si hubby para kumain. after ng breakfast sympre super hugas ng plato. after nun vaccum ng sahig and pag sinuswerte magpupulot ng mga nakakalat na laruan. 10am saing na and luto na ng ulam for lunch. after ng luch hugas uli ng plato at iprepare na baon ni hubby kasi 3pm pasok niya sa work. mga 1 or 2 pm matulog na mga kids ko. yun lang time ko manood ng walang kamatayang teleserye sa TFC! pag gising ng mga anak ko cartoons naman nakasked sa TV. 6pm saing ulit at 7 pm dinner time. 8pm bihisan at magtoothbrush na mga kids ko para 8:30 orm9pm sleep time na nila. pag nakatulog na sila baba na ko para hintayin si hubby kasi 11pm uwi niya. pagdating ni hubby ipaghain ko pa sya ng kakainin niya, either rice or tinapay. maswerte na 12midnighht ako makatulog. hay..eto buhay ko kaya bihira na lang ako maka FB at SP. kaya ginagawa ko every other day nag jojogging ako para ligtas ako sa paghuhugas sa morning. si hubby gumagawa nun, pero pag malas, pagdating ko galing jogging, tambak pa rin mga plato at hinihintay ako  ;D ;D ;D
Logged
Happy Mom

mami che

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 446
    • View Profile
Re: SAHM,ano everyday routine mo?
« Reply #10 on: January 17, 2012, 05:52:24 am »

Joining --- :)

My daily routine... hhhmmm... after coffee with hubby in the morning, I prepare breakfast for the kids. Our kasambahay prepare for the oldies. After eating, i prepare my kids to school. Ako din nagpprepare na. Papaliguan ko na rin si baby before ako umalis. Then i drive my kids to school. Tapos pagkasundo nung 2kids, hatid ko naman yung isa for afternoon class... Tapos uwi muna to rest. Papatulugin ko muna si baby... Then iidlip din ako konti tapos drive ulit to pick up my eldest... In the afternoon, ill prepare merienda for the kids tapos playtime nila then, review/assignment time tapos clean up na mga kids tapos prepare nako dinner pag kakain si hubby sa house... haaaaaayy... mahirap na masarap maging nanay  ::)
Logged
"Of all the rights of women, the greatest is to be a mother..."

Maya Ranario

  • Newbie
  • *
  • Posts: 21
  • Thank you Mommies of SP...
    • View Profile
Re: SAHM,ano everyday routine mo?
« Reply #11 on: January 19, 2012, 10:00:47 am »

:) Pagmadaling araw, gumigising kc mgpapadede ky bby, bf kc siya, papalitan ng diaper, bibihisan, tulog ulit, pgkagising ko iOn yung thermos para sa pmpaligo ky bby, di na ako mgluluto kc ang partner ko ang tigaluto,at laba,minsan lang ako mglaba pero siya talaga lagi..iligpit ang mga kalat sa kwarto,iprepare ang damit ng partner ko ppuntang work, siya na rin ng-aasikaso ng baon niya...pgkatapos papaligoan c bby, den kakain ng breakfast,minsan kasabay ko ang partner ko, minsan hindi kng kakaposin na ng time..
Pgkatapos,...papatulugin na c bby..mkapagfb,twitter na agad,minsan dito sa sp...check ko email ko kc ngmemessage lagi c partner...

Sa Hapon, manonood ng pbb tsaka maria la del barrio, magsasaing pero di nko mgluluto ng ulam kc ang partner ko na ang mg-aasikaso..dadating siya mga 6:30pm..may dalang ulam na..

1st time Mommy kaya nhihirapan ako pero masaya lalo pag nkangiti na c bby,walang kcng saya!
Logged

Lelen

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 539
  • Fulltime Nanay ni Enzo
    • View Profile
Re: SAHM,ano everyday routine mo?
« Reply #12 on: January 19, 2012, 01:25:27 pm »

Share din ako.  ;D
7am - gising
   -prepared na ng pamangkin/helper ang breakfast namin
   -ako naman, prepare ng paligo ni baby
7.3am - breakfast
8-8.30- play outside with baby. but usually pamangkin ko ang kasama niya while I do my morning habit.
8.30 - bathtime ni baby
9am - my bathtime
8.30 - 10.30 - video/playtime with baby
11am- naptime ni enzo, my computer and kutingting time
   my pamangkin does the cooking
2pm - late lunch
2.30 -4pm - movie time
5-6pm - time outside ni enzo with my pamangkin. bonding time with lolo and lola
6.30-dinnertime
7.30 - 8pm - bedtime ni enzo
9 - 11pm- my bedtime

This is my routine pag abroad si hubby. I dont do laundry kase ngpapalaba kami although ako ang namamlantsa every sunday. ;-)
Logged
 

momchel

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 127
  • my angels
    • View Profile
Re: SAHM,ano everyday routine mo?
« Reply #13 on: January 19, 2012, 03:29:45 pm »

Kakainggit naman yung mga gumigising ng late  :).

my day starts at 3:00 am! Yes!  May online job kasi ako sa kgb phils. and my schedule is 3 - 5:30 am weekdays. 4-7 am weekends.
5:30 gigisingin ko na si bunso, for school (kinder), prepare breakfast, sinasabayan ko na sya sa breakfast at super tagal niya kumain.
7:00 am hatid si bunso sa school, then tuloy sa market kung monday para bilhin ang menu for the week. pag  Tuesday & Saturday wash day. wednesday & sunday cleaning day. Friday is grocery day.
9:00 pagtapos maglaba or maglinis magsusundo nako kay bunso
9:30 time to prepare the food, this is for lunch and dinner na
10:30 help kuya prepare for school kasi pasok sya ng 11:00 am (grade school)
11:30 lunch na kami ni bunso then mag uurong, papaliguan si bunso inaabot nako ng 12:30pm
by 1:00 pm lang ako makakapag siesta. mag online makipag chat kay hubby who is abroad.
3:00 pm gigising si bunso papameryendahin, magtutupi ng nilabhan, magwawali walis ng konti,
4:30 pm dadating na si kuya prepare ng snack niya
minsan kung may time ako sa afternoon nagbe bake ako ng mga favorite ng kids ko, like cookies, brownies and breads.
5:30 start ko na prepare dinner namin, kasi maaga kami mag dinner ng mga kids ko 6:30pm.
7:00 pm magliligpit na ng lahat ng kinalat ng mga kids ko pati pinagkainan and everything, (may pagka OC kasi ako  i see to it bago kami pumasok sa bedroom malinis na sa kitchen at sala). then supervise the kids to clean themselves ang take their vitamins.
by 8:00 pm dapat nasa bedroom na kami dun na kami manonood ng tv for 1 hour
9:00 pm lights out na.

wala ako helper so i do everything laba, luto, linis, shopping, paligo kay bunso. isama mo pa yung mga activities sa school.
Logged

kurdapya101

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 167
    • View Profile
Re: SAHM,ano everyday routine mo?
« Reply #14 on: January 19, 2012, 04:10:05 pm »

4AM gigising deretso luto, init tubig, pakulo dede na nagamit ng gabi, lilig0
545AM - paalis na to work
8-5 - office hour
630-  bahay na pahinga saglit then luto kung wala ng ulam kung wala deretso bonding sa anak gang sa makaslip sya
10pm magreredi na natulog

Logged
Pages: [1] 2