Parent Chat

Pages: [1] 2 3

Author Topic: Organizing tips  (Read 13753 times)

proudnewmommy

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 70
  • our life....
    • View Profile
Organizing tips
« on: March 20, 2009, 01:01:46 am »

Mommies help!!!!!

Naku, ako yata ang pinaka disorganized na babae ( syempre exag tong statement na to hehe!)

Im a working mom po kase and sometimes I spend too much sa mga personal hygiene or make up na hindi necessary ay di ko naman nahgagamit. May pagkatamad pa ako mag apply minsan hehe.

Need  ORGANIZING TIPS po sana.

Just like sa BATHROOM, ano po ba nga mga necessary things na dapat? Kase yung soap and shampoo basket ko super daming anik, anik ( loofah, towel, facial wash , kung ano anong bath soap, facial scrub, may whitening soap, may shampoos, body scrub etc etc) Parang pag tiningnan mo sya  hindi neat!


SA POUCH ko, hindi yata tama ang term na pouch bag ( super laki tuloy yung bag na gamit ko pang office) kase parang bag din sya. Daming lipstick, face foundation, brush, lotion, perfume. Babay poweder , make up, pony tail, etc etc. Parang ang dumi tuloy.

Ilang beses ko na I try I minimize tong mga to mommies, pero ganon pa rin.

Tips naman po! Thanks in advance! ;D

Read it on Smart Parenting.
Get Rid of Your Kalat With These Affordable Organizers

Click this link:
https://www.smartparenting.com.ph/life/home/clutter-busting-organizers-below-p300-sa00043-20190119-src-rl?ref=parentchat

Get a chance to be invited to exclusive events or grab limited freebies from Smart Parenting and partner brands! Login to reply to this topic or share your tips in this forum. Invites are sent via email to selected forum members so be an active Parent Chatter!

« Last Edit: January 25, 2019, 12:30:11 am by Mommy Jazz »
Logged
"I will never let you fall, I'll stand up with you forever, I'll be there for you through it all... Even if saving you sends me to Heaven...."

Katie

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 395
    • View Profile
Re: Organizing tips
« Reply #1 on: March 20, 2009, 01:40:15 am »

From an OC Mommy: ( hehe)
 
sa bathroom, ilagay mo kung ano lang yung ginagamit mo. yung iba, ( esp kung expired na ) itapon or ilagay mo na sa lalagyan. gingamit mo ba talaga yun lahat? remember, may expiration date din yung mga scrub at loofah ha.
 
sa pouch bag ko, i have my essentials din. like small baby powder, face powder with compact mirror, small alcohol, lotion, body spray . lahat in small sizes. pati toothpaste at toothbrush.
 
so i suggest, yung mga essentials lang sis.
 
sa closet, by color ako. tas pare pareho ng fold. pag jeans, jeans, pag shorts shorts. hehe
 
Logged

soumy01

  • Guest
Re: Organizing tips
« Reply #2 on: March 20, 2009, 09:28:42 am »

correct ka dyan si katie essentials lang talga
ako tamad ako madami dala kung di ko naman gagamitin ay iwan na yan.

like yung sa pouch mo na mukhang bag na  ;D ;D. baka naman ilang type ng lipstick, face powder etc dala mo. better bring one lips stick lang basta tig iisa lang. then may mga nabibiling maliit na spray bottle, yung mga maliit lang na lalagyan pwede ka don magsalin lang para handy.

 
Logged

michi247

  • Guest
Re: Organizing tips
« Reply #3 on: March 20, 2009, 01:21:35 pm »

sis, mas maganda kung minimalist k rin. kung ano lang kelangan, yun lang dapat nakalagay.

sa batroom, may rack ako kung san nakalagay yung shampoo, soap, loofah, feminine wash, etc. tapos iba din yung lalagyanan ng panlinis sa cr. mas maganda kasi kahit basket gamit mu, kita mu yung laman, hindi yung parang ukay ukay n hahalungkatin mu p yung laman.

sa pouch, kung ano lang necessary, yun lang dala ko like powder, lip gloss, alcogel, tissue and exra pantiliner and napkin.

sa cabinet, organized din ko, tig isa kami ng cabinet para madali mag ayos at maghanap ng gamit.
Logged

kalix

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 287
  • because of YOU!
    • View Profile
Re: Organizing tips
« Reply #4 on: March 20, 2009, 02:02:19 pm »

sis, why don't you use bag/tidy/pocket organizer then pit it inside your bag. i have one & i just put all my stuff there. very neat & organize. you can put your cp, wallet in 1 compartment or your make up, loton, wipes hand sanitizer etc. to another. di sya nakakalat sa loob ng bag. at anytime na gusto mong magpalit ng bag tatanggalin mo lang then lipat sa ibang bag.mabilis lang at wala ka pang makakaliutan kasi nakalagay na sang lahat don. di ka pa mahihirapang magkalkal.

sa cr naman, you can put all your essentials sa rack. pag ubos na ang bote or sachet ng shampoo automatic sa bin na sya. i have also laundry basket/bin inside our bathroom para pagkahubad diretso sa bin. mas ok kung dalawa. hiwalay yung colored sa white. kung malaki yung space ng banyo nyo. from time to time kasi tinatanggal o binabasura ko na mga hindi kailangan. all you need is 5 mins. or dapat may kanya kanya silang container o lalagyan. para madaling kunin. :)

Logged
"..there is no greater prayer than that of a MOTHER for her children. These are the purest prayers because of their intense desire and, at times, sense of desperation.

keih liwanag

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 1078
  • ANNE KEIR.. the HAPPINESS beyond our HAPPINESS!
    • View Profile
    • my multiply
Re: Organizing tips
« Reply #5 on: March 20, 2009, 02:46:48 pm »

BATHROOM
   - when i have found my best friends already..meaning hiyang ako sa brand ng ganito ganyan, ng shampoo, liquid soap, sponge, scrubs, etc., i stick to them. yun lang ang makikita mo sa bathroom. one of each kind nalang. when i experiment, and hindi ok, i dispose them agad kase ayoko may clutter sa bathroom. either ilagay ko sya sa isang paperbag na ipamimigay ko, or tapon talaga.

POUCH/KIKAY KIT
   - like with the bathroom essentials, ang dinadala ko lang eh yung best friends ko ;) i used to have almost 10 lipsticks everyday na dala dala. pero ngayon, i just bring 2. one na medyo light for the day then at night pag gusto ko medyo heavy ang color. i don't use foundation or face powder narin naman so bawas na sa kikay kit ko. 1 blush and 1 blusher will do. i have bigger kikay kit at home. hindi narin ako nagtatabi ng maraming makeups kase they expire. lalo na mascara. pinaka-fast eto kapitan ng bacteria...kase moist. ganun din ang lip gloss na using brushes.
   - perfumes naman, since super mahilig ako dito, instead of buying 100ml, i buy small nalang. kase madaling dalhin and madaling isingit kung san. 100ml minsan kase is too bulky. so imagine kung dala ko everyday yun, ay ayaw! hehe since fan din naman ako ng usual perfumes, i rarely experiment naman so kung talagang fave ko na ang scent. i buy two small bottles nalang.
   - i learned na piliin lang ang dadalhin nung nagkababy ako, kase yung gamit naman niya ang hindi ko mapili. as in dala ko lahat! hehe pero i have to give way.. kase nakikishare nalang din ako ng bag kay AK when we go out. very exhausting pag dalawa pa dala namin. i just bring my own bag pag ako lang. pero pag family pasyal, AK and i share the same bag. meron lang ako little space sa bag niya. so i have no choice but to lessen what i bring.
Logged
Being a mom is deciding forever to have your heart go walking around outside your body.

cheiz

  • Guest
Re: Organizing tips
« Reply #6 on: March 20, 2009, 08:25:46 pm »

bathroom: I have my own rack and my hubby has his own rack din dun namin nilalagay respectively yung mga kung ano-anung gamit namin. as for things or items na di naman namin ginagamit we either give it away or place it in a shelf. I don't like keeping empty bottles or boxes so I threw them right away pag wala ng laman. We also have our own laundry basket. dati separate yung damit niya sa damit ko pero later on we separate na lang yung whites from colored clothes.

pouch/kikay kit: medyo oc din ako pag dating dito. I don't like a big bags pero surprisingly ang daming laman ng bag ko. (2-3 lipstick/gloss, compact, mini blusher/eye shadow set, mascara. eyebrow pencil and brush, tweezer, comb, hair clips, extra scrunchie, ilog maria propolis ointment, pen)

1. It's nice to put your things in compartmetns para if your looking for something mas madali and mas madali din in organize. Like sa dresser namin, i made a separate compartment for me and my hubby. so lahat ng gamit na kailangan niya dun lang nakalag and all my stuff are in my own compartment also.
2. We also have our separate shoe rack para mas madaling ayusin at linisin.
3. instead of a side table or a night stand my husband and i has own box. Para din syang side table dun din namin nilalagay yung kanya-kanya namin abubot.
4. for cabinets ganun din ako as much as possible yung pag kakasalansan niya dapat are according to design or color of the clothes. Pag sleeveless isang rack ang yun, pag whites dapat mag kakasama.

It may take awhile before you get used to it but once it became a habit things becomes easier especially when tidying up.
 
Logged

gelytayz

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 94
  • Our Little Zhilo Alexia
    • View Profile
    • FOR SALE BRAND NEW WOODEN CRIB/HIGHCHAIR
Re: Organizing tips
« Reply #7 on: March 21, 2009, 03:14:53 am »

Don't buy too much stuff na meron ka pa. Sa bathroom, always have the necessary lang... Same with your kikay kit... like if u still have lipsticks naman--always bring yung ginagamit mo lang talaga.  :D u can do it...
Logged
[/url]
[/move]

toughmom moderator

  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 1193
    • View Profile
Re: Organizing tips
« Reply #8 on: May 14, 2011, 01:29:31 pm »

Logged

momedenneangel

  • Newbie
  • *
  • Posts: 13
  • The phrase "working mother" is redundant.
    • View Profile
Re: Organizing tips
« Reply #9 on: May 27, 2011, 10:02:17 am »

Better Buy Small Bag Organizer coz you can out everything on it at hindi kalat sa bag at pwede mo pa categorized (hiwalay ang powder, make-up, etc.) Hassle at baka magka problem ka pa sa bones mo sa shoulder kapag mashado mabigat ang dala mo always pag umaalis.

Sa Bathroom naman meron din bag organizer (cute yung see through) para naka categorized din yung items mo.
Logged
(`v)
`*..*
.*.**) .**)
(.* (.* .* .*`*. When you share the goodness in your heart, you always end up winning, because life gives back to you what you have given. Stay NICE even if others can't...

ysLim

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 620
    • View Profile
Re: Organizing tips
« Reply #10 on: June 12, 2011, 03:56:34 pm »

very helpful tips 'to mga mommies. maliit lang bag ko pero ang gulo. ang daming laman. pahirapan kung may kukunin ako kasi para na syang ukay2 sa loob.hehe.
Logged

michi247

  • Guest
Re: Organizing tips
« Reply #11 on: June 13, 2011, 06:09:20 am »

^ sis, gamit ka bag organizer. ok talaga siya and di mahirap magpalit ng bag kasi yun lang nililipat ko except lang kung maliit yung bag na gagamitin ko.
Logged

ysLim

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 620
    • View Profile
Re: Organizing tips
« Reply #12 on: June 13, 2011, 10:48:41 am »

^ thanks sis. san ba yan nabibili?
Logged

mamacharis

  • Guest
Re: Organizing tips
« Reply #13 on: June 13, 2011, 11:02:18 am »

ako kahit anong pilit kong i-organize ang mga gamit namin parang hindi tumatagal ng dalawang araw.  >:(
si baby buksan cabinet tanggal lahat ng damit .. everyday un kaya nakakawalang gana na tiklupin. pati papa ni baby naku parang di alam ang word na organize. hirap pa naman wala akong househelp. imbes kasi na makakagawa ako ng ibang bagay eh aayusin ko muna kalat kaya parang wala na ko nagagawa.

SP moms sa 99 store o japan store madami organzier. bag/shoes/clothes organizer.
Logged

michi247

  • Guest
Re: Organizing tips
« Reply #14 on: June 13, 2011, 11:27:16 am »

^^nabili ko yung sa kin sa kiosk sa alabang town center pero marami rin sa sm dept store. hanap ka na lang ng marami pockets. less than P200 ang bili ko and na-eexpand pa siya.

^ ganyan din dati anak ko nung below 1 yr old pa, tinatanggal lahat ng damit niya sa cabinet, basta kung ano ang abot niya na walang lock. so ginawa ko, inalis ko yung cabinet niya sa room namin, so wala na siya nabubuksan.di niya kasi abot yung iba. hehe!
Logged
Pages: [1] 2 3