Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Pages: [1] 2 3

Author Topic: dapat ba mahihiya sa asawa mo na wala kang trabaho?  (Read 19455 times)

2gud4u

  • Newbie
  • *
  • Posts: 39
    • View Profile
dapat ba mahihiya sa asawa mo na wala kang trabaho?
« on: January 22, 2012, 08:49:02 pm »

sa mga stay at home mommies: dapat ka ba mahiya sa asawa mo na stay at home ka, hindi ka nagwowork? nakarinig kasi ako ng salita from my mom mismo na "hindi ka ba nahihiya sa asawa mo na wala kang trabaho?"
« Last Edit: January 25, 2012, 02:32:01 pm by Mommyjazz »
Logged

prima mama

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 93
  • my baby sophie
    • View Profile
Re: dapat ba mahihiya sa asawa mo na wala kang trabaho?
« Reply #1 on: January 22, 2012, 09:04:22 pm »

it depends sis on the situation. in my case na i have 7months old baby i dont. Reason is i want to be hands on in taking care of our baby. i used to work before but i give up my job and hindi birong sweldo ko for my precious daughter. Nasa pag-uusap nyo din yan mag-asawa.
Logged

2gud4u

  • Newbie
  • *
  • Posts: 39
    • View Profile
Re: dapat ba mahihiya sa asawa mo na wala kang trabaho?
« Reply #2 on: January 22, 2012, 09:21:26 pm »

thankz sis.
choice ni hubby na wag ako mag work even before na hindi pa ako pregnant.napa isip lang kasi ako doon sa sinabi ng nanay ko, feeling ko pinapamukha niya sa akin na ang tamad tamad ko at inasa ko na lahat sa asawa ko.
Logged

Lelen

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 539
  • Fulltime Nanay ni Enzo
    • View Profile
Re: dapat ba mahihiya sa asawa mo na wala kang trabaho?
« Reply #3 on: January 22, 2012, 09:35:12 pm »

Not at all. Pero as prima mama said, it depends. But as you said, it's your husband's choice, so hindi ka dapat mahiya sa husband mo. Pero is being a SAHM your choice too?

Like you sis prettymalditah, I stopped working too even before I got pregnant. It was a mutual decision. And right now, naiiyak ako pag  naiisip kong mag work kase di ko kayang iwan si baby.  ::) Kase i know, no one can take care of my baby as good as I do, so "hindi ako nahihiya" na di ako nag wo-work, kase I know and my husband knows that SAHMs are working 24/7.

Hope this makes you feel better.  ;)
Logged
 

mami che

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 446
    • View Profile
Re: dapat ba mahihiya sa asawa mo na wala kang trabaho?
« Reply #4 on: January 22, 2012, 09:40:14 pm »

Naku sis, dapat hindi ka mahiya kasi napakaganda ng trabaho mo ngayon bilang full-time mom... saka choice pala nyo yan ni hubby e so nothing to be ashamed of...  ;) mas proud pa nga si hubby  na SAHM ka, im sure :D
Logged
"Of all the rights of women, the greatest is to be a mother..."

❤Xian&Mam ❤

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 581
  • choco lover.impulsive shopper. mother.wifey;)
    • View Profile
Re: dapat ba mahihiya sa asawa mo na wala kang trabaho?
« Reply #5 on: January 24, 2012, 02:01:49 am »

SAHM din ako eversince nag asawa ako,
wala naman dapat ikahiya na SAHM  tayo mommy
mas mahirap pa nga ang trabaho sa bahay e,
yung trabaho sa labas may oras ng breaktime,lunchtime,petiks time, :P hehe at uwean etc. at may day-off pa.
pero tayo mga SAHM 24/7 araw at gabi walang pahinga..minsan  nga nakakaloka na eh.
kalerky naman kung sabihan tayo nakakahiya,anovveeyyyy :o haller huh!
mas nakakapagod,nakakabagot at nakakaloka sa bahay kaysa sa trabaho sa labas noh.
« Last Edit: January 24, 2012, 04:12:17 am by XiansMam »
Logged
Being a mom is a full-time job
 with very few breaks, but it's the best job ever cuz
 I get paid with hugs and kisses!

mommy ni kent

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 88
    • View Profile
Re: dapat ba mahihiya sa asawa mo na wala kang trabaho?
« Reply #6 on: January 24, 2012, 08:49:28 am »

naku kung alam lang nila hirap maging SAHM! 4 years nako SHAM! stress, frustation, panghihinayang sa work ko dati..yung mga pangarap na abot kamay ko na,pero binitawan ko para alagaan ang anak ko. palagi ako umiiyak dati kase sobrang nababagot na ako sa bahay. sinubukan ko mag apply ulit,iniwan ko anakko sa yaya niya, nagsumbong anak ko,kinakagat daw siya.at narinig ko pa siya tinawag na unggoy..  nag 50/50 pa siya sa hospital dahil nagka amoebiasis napabayaan.iba talaga pag nanay ang magbabantay sa anak.tayo lang ang makakapagbigay sa kanila ng ganitong pag aalaga. lumaki akong wala ang nanay ko nag wowork sa ibang bansa. ang hirap ng walang ina.walang umaasikaso ng maayos. :( wala ng sasarap pa sa pakiramdam na makitang nasa maayus ang mga anak!
Logged

Mitch Hildawa

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 127
    • View Profile
    • Momsterpiece
Re: dapat ba mahihiya sa asawa mo na wala kang trabaho?
« Reply #7 on: January 24, 2012, 09:56:42 am »

Super agree ako kay sis mommy ni kent! Case to case basis talaga yan sis, eh! Choice din ni hubby na sa bahay na lang ako lalo na ngayong buntis ulet ako kahit na 1yr old pa lang panganay namin. Plano namin nun pag 1yr old na si baby balik na ulet ako sa work kaso nasundan agad. hehe! Siguro sabe ni Lord magaling daw akong mommy, kaya binigyan pa ulet niya ako ng baby. Hehe! Masaya naman maging SAHM kahit nakakastress pero isang smile lang ng baby ko pawi naman ang pagod :)
Logged

KVsmommy

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 477
  • Living a full life as a WAHMmy. :D
    • View Profile
Re: dapat ba mahihiya sa asawa mo na wala kang trabaho?
« Reply #8 on: January 24, 2012, 10:07:24 am »

naku sis, wala kang dapat ikahiya, dahil moral responsibility mo bilang ina ang maging kasama at maalagaan ang anak mo. :) nasabi lang yun ng mama mo, siguro dahil na din yun ang kultura dito sa tin, kasi nga mahirap ang buhay, ang expected ng mga tao palaging dapat nagtratrabaho ang parehong mag-asawa.

Pero tama, depende talaga sa sitwasyon eh. Kung kaya ng finances na yung nanay maging SAHM, mas maganda pa nga. :) Kasi iba talaga ang pangangalaga ng nanay sa anak. No yaya, not even your own mom can equal the kind of care and love na maibibigay mo sa baby mo. :) Like there was a time nag-stay yung little girl ko for the day sa in-laws ko, e ang rule don, hayaan daw maglaro at magdumi ang bata, which is fine lang naman kasi she's a toddler, and kids her age, they play like there's no tomorrow. :)...kaya lang ayun pagdating ko, sugatan ang mukha ng anak ko dahil nadapa ng bongga sa semento dahil hindi nila nabantayan ng maigi. Oo normal naman sa bata ang madapa, but still it's an ACCIDENT, and an accident CAN BE prevented. :) Hindi ko man mapipigilan madapa ang daughter ko everytime, I make sure naman na as much as possible ay nakasubaybay ako sa kanya.

Iba talaga ang 'hagod ng ina' pagdating sa pagaalaga ng anak, and true ang sabi ng ibang SP mommies, may kakaibang hirap ang pagiging SAHM, especially pag alam mo na how it's like to be a working mom, yung may kinikita ka, yung may friends ka from work, may social life ka, may mga little gimiks ka, you can buy a lot of the things na gusto mo...

I'm now a work from home mom, so working mom/stay at home mom ang drama ko. Still a SAHM, nadagdagan lang ng gawain sa bahay (at medyo konting dagdag income na din). :) Pero pareho din, la pa din social life. Hehe. Dati nabibili ko lahat ng gusto ko (most of it pala), ngayon masaya na ko pag may bago kong panty (hehe.). Dati sawang-sawa ako sa kaka-Jollibee, ngayon, nasasabik ako kumain sa Jollibee. Dati fashionista galore ako pag lumalabas, ngayon, tamang jeans, shirt, and flats na lang dahil kailangan habulin si baby. :-)

Truth is, iba ang pressure at stress pag ikaw ang naiiwan sa bahay. Kahit wala kang boss, people around you expect you to be able to do everything dahil 'nasa bahay ka lang naman'. Kailangan maayos ang bahay, dapat laging may bagong lutong food, maging matalino at malusog ang anak, etc....at bawal ka pa malosyang! :-)

So pag tinanong ka ulit kung hindi ka ba nahihiya dahil wala kang trabaho, sabihin mo "Ay, wala po kong panahon at dahilan mahiya. Busy po ako, dami ko ginagawa!" Sabay smile, walk out, hair flip. :D

Hats off sa lahat ng mommies!  :-)

mommymau

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 69
  • me & zye
    • View Profile
    • Anything With Reena
Re: dapat ba mahihiya sa asawa mo na wala kang trabaho?
« Reply #9 on: January 24, 2012, 10:38:31 am »

I'm now a work from home mom, so working mom/stay at home mom ang drama ko. Still a SAHM, nadagdagan lang ng gawain sa bahay (at medyo konting dagdag income na din). :) Pero pareho din, la pa din social life. Hehe. Dati nabibili ko lahat ng gusto ko (most of it pala), ngayon masaya na ko pag may bago kong panty (hehe.). Dati sawang-sawa ako sa kaka-Jollibee, ngayon, nasasabik ako kumain sa Jollibee. Dati fashionista galore ako pag lumalabas, ngayon, tamang jeans, shirt, and flats na lang dahil kailangan habulin si baby. :-)


Natawa naman ako sa sinabi mo sis KVsmommy. Pero totoo yang sinabi mo, wala nang papantay sa pagaalaga ng isang ina at kaya natin isakripisyo lahat ng mga nakasanayan natin para sa kanila kaya saludo po ako sa inyo.  ;) Dating SAHM din ako for almost 2 years pero bumalik din ako sa work para suportahan yung anak namin. Mas ok nga na nasa bahay lang tayo kasi nasusupervise natin ng husto yung paglaki ng mga anak natin.

Nasa pag-uusap naman po yun ng husband nyo kung kaya kayong suportahan o hindi pa. Sa amin kasi bumalik ako sa work kasi nagiipon kami para sa operasyon ng anak ko, dahil pag naoperahan na si Zyrene (hopefully within the year), balik SAHM ulit ako para alagaan sya. Excited na rin ako maging SAHM soon.. no worries.. hehe!  ;D
Logged
mommymau

working_girl88

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 91
  • working girl
    • View Profile
Re: dapat ba mahihiya sa asawa mo na wala kang trabaho?
« Reply #10 on: January 24, 2012, 02:44:51 pm »

hi mga sis SAHM din ako. before ako mapreggy magkasama kami ni hubby sa work kaya medyo malaki ang pera namin pag pinagsama, now that we already have a baby and si hubby lang ang nagtatrabaho, ang hirap ibudget ang pera, may konting ipon na pero minsan nagagastos din namin. high maintenance kasi talaga ang mga newborns. kaya promise ko sa hubby ko na magwowork ako after six months. mom ko na lang muna ang mag aalaga kay baby. no choice ako kasi kawawa naman si hubby kung sya lang lahat ang sasagot sa gastos. buti na nga lang libre ang tubig, kuryente at bahay, kasi dito kami sa house ng parents ko nakatira.

prettymalditah hindi ka naman dapat mahiya sa hubby mo, kasi it's his obligation - to provide for your family. pero diba minsan nakakaramdam din tayo na parang kelangan na ng tulong ng mga asawa natin na magtrabaho. syempre ayaw ng mga hubby natin na nahihirapan tayo pero diba sana tayo din. mutual lang siguro lagi.  ;) kung hindi mo pa kayang magwork and iwan si baby, dont. take your time until you can na kasi mahirap din na biglaan kang magwowork kasi mamimiss mo si baby lalong hindi ka makakapagfocus sa work mo..
Logged

Mommy Jazz

  • Administrator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 3242
    • View Profile
    • Jazer Basan for Smart Parenting
Re: dapat ba mahihiya sa asawa mo na wala kang trabaho?
« Reply #11 on: January 25, 2012, 02:29:47 pm »

I think the problem (if you consider it a problem) is more about your mom than you and your husband.
May mga bagay ng hindi na niya dapat malaman like your agreement with your husband. And since she has no idea about it (hindi naman kailangan) kaya nasabi niya yon.

Just answer her "Hindi po. Napagusapan na main itong set-up. Bakit may problema ba?" Better yet, don't ask her that question anymore para hindi na humaba ang usapan at baka ma stress ka pa.
Logged
Sumali sa mga usaping pang magulang. Magtanong at magbigay ng payo dito sa Parent Chat.

sweetpumpkin

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 255
    • View Profile
Re: dapat ba mahihiya sa asawa mo na wala kang trabaho?
« Reply #12 on: January 25, 2012, 03:28:20 pm »

hello! very nice topic..pasali po.. :)
dapat bang mahiya ka sa asawa mo na wala kang trabaho? oo! kung....
-kulang ang income ni mister pangsustento sa inyong pamilya
-maluho si misis at mga anak
-nagbibigay ka pa sa side mo(nanay mo o mga kapatid mo)/ may sinusustentuhan kang kapatid o magulang
dapat bang mahiya ka sa asawa mo na wala kang trabaho? hindi! kung...
-bilang SAHM, nagagampanan mong mabuti ang lahat ng tungkulin mo sa mga anak nyo at sa asawa mo
-hindi ka maluho at di inggitera :)

i'll just share my experience mga mommies,
i've been a full time mom since i got married 2004...i'm so blessed lang talaga kasi good provider si mister. tuwing may financial problems kami lagi nyang sinasabi saken na hwag kong problemahin ang pera,sya ang bahala,at ako naman daw ang bahala sa mga anak namen...late last year sinubukan kong magwork...pero hindi ako tumagal.4 months lang ako sa work kasi sobrang pagod sa trabaho,yung quality nang pagiging nanay at asawa ko,sobrang poor...as in laging nagmamadali sa umaga dahil malalate na ko sa trabaho...kawawa mga anak ko,sila nagsusuffer dahil kailangan nilang magising ng maaga para sumabay saken sa pagpasok.at marami pang iba na di ko na nagagawa sa mga anak ko,like makipagkwentuhan o makipaglaro sa kanila.dahil paguwi galing work,i have to do household chores naman.we agreed ng asawa ko magstop muna ako.i'll take a rest muna daw kasi masyado akong nagcoconcentrate sa trabaho...na parang napapabayaan ko na sila.
we'll ayun lang mga mommies,just know your priorities...basta you are being a good mother and a good wife, hindi kailangang mahiya k mister kung wala kang trabaho... :)
Logged

Kuya Xtian

  • Newbie
  • *
  • Posts: 49
    • View Profile
Re: dapat ba mahihiya sa asawa mo na wala kang trabaho?
« Reply #13 on: January 25, 2012, 05:35:02 pm »

sa mga stay at home mommies: dapat ka ba mahiya sa asawa mo na stay at home ka, hindi ka nagwowork? nakarinig kasi ako ng salita from my mom mismo na "hindi ka ba nahihiya sa asawa mo na wala kang trabaho?"

For me depende to, sa akin kasi mas gusto kong hindi nagwo work ang wife ko para focus na lang siya sa daughter namin. Sympre depende din kung sakto naman ang income ko sa work
Logged
=======================================================
Minsang sinabi ni Kuya...

"Kung may pagkakataon tayo gumawa ng mabuti ay gawin na natin agad, sa panahon ngayon mas marami ang gumagawa ng masama kaysa sa mabuti"

bhey0624

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 121
    • View Profile
Re: dapat ba mahihiya sa asawa mo na wala kang trabaho?
« Reply #14 on: January 25, 2012, 08:00:51 pm »

super inggit ako sa mga stay at home moms!
Logged
Pages: [1] 2 3