Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Pages: [1] 2 3 ... 5

Author Topic: changing baby's surname to his Dad's  (Read 29598 times)

baby_marcus

  • Newbie
  • *
  • Posts: 3
    • View Profile
changing baby's surname to his Dad's
« on: February 18, 2012, 04:09:58 pm »

hello everyone, single mom too :) kelangan pa bang baguhin ang apelyido ni baby? gusto kasi ng papa niya na ayusin at ipa apelyido sa kanya
« Last Edit: April 11, 2013, 11:46:21 am by Mommyjazz »
Logged

danel_em

  • Guest
Re: Kelangan pa bang baguhin ang apelyido ni baby?
« Reply #1 on: February 19, 2012, 01:27:58 am »

kahit wag na kamo hehe there's no point if hindi kayo magkasama ng tatay ng anak mo tapos ang apelyido niya sa tatay niya. confusion will start. pagiging sakim lan ang hayaan mong maconfuse ang bata :)
Logged

lei101402

  • Newbie
  • *
  • Posts: 26
    • View Profile
Re: Kelangan pa bang baguhin ang apelyido ni baby?
« Reply #2 on: February 19, 2012, 12:55:45 pm »

sis think about it many times muna.ako i have 3kids n0t married same father lahat sa father un apelyido.im thinking naman na ichange sa family name ko.wag m0 muna gawin sis hanggang di kayo married,unahin nyo marriage
Logged

baby_marcus

  • Newbie
  • *
  • Posts: 3
    • View Profile
Re: Kelangan pa bang baguhin ang apelyido ni baby?
« Reply #3 on: February 21, 2012, 01:56:12 pm »

magulo pa po kasi yung sitwasyon namin, ang sa akin lang ayoko naman PAG NAG ARAL ANG BABY KO, MAGTANONG BAKIT BLANGKO ANG PAPA NIYA.. sana NGA PO MAAYOS PA.. :(
Logged

moi angels

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 401
    • View Profile
Re: Kelangan pa bang baguhin ang apelyido ni baby?
« Reply #4 on: February 27, 2012, 01:28:44 am »

think about it sis... (mga 1000 times kung kinakailangan!)... mas malaking problema kasi sis, let's say napapalitan mo nga yung apelyido ni baby ngayon, then bago pa man sya nakapag-school or while he's studying na, biglang nawalan kayo ng communication ng father ng baby mo... or you will meet someone na willing pakasalan ka (these are just sample scenarios sis, i'm not really sure if applicable syo...)... mas mahihirapan ka. As for your baby, if s/he asks about the dad, you can always be open naman sis. ang importante siguro is for you to prepare your baby sa situation ninyo (be open, etc)...  :) :) :)
Logged

wandergirl_turn_mom

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 100
  • Live simply.Love generously.Speak kindly
    • View Profile
Re: Kelangan pa bang baguhin ang apelyido ni baby?
« Reply #5 on: March 01, 2012, 08:50:43 pm »

It depends on you, kasi ako not married pero kay SD yung apelyido ng anak namin. Kasi andun kami sa side niya nung nanganak ako.

Ngayong nag-aaral na yung bata, advantage din kasi at least naka enlist talaga yung father's name sa birth certificate at ginagamit niya yung apelyido ng papa niya. Yun nga lang, lumalabas din sa records na hindi kami same ng family name at minsan natatawag akong MRS. ______

Pag isipan mong mabuti. Mahirap madaliin ang lahat
Logged
 

baby_marcus

  • Newbie
  • *
  • Posts: 3
    • View Profile
Re: Kelangan pa bang baguhin ang apelyido ni baby?
« Reply #6 on: March 02, 2012, 01:52:58 pm »

inaayos na ni sd yung apelyido ni baby.. inaapura n niya akong gawin bago mg 1 yr c baby
Logged

hanne

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 166
    • View Profile
    • My Curious Ava
Re: Kelangan pa bang baguhin ang apelyido ni baby?
« Reply #7 on: March 02, 2012, 04:49:56 pm »

^^ Sis wandergirl, curious lang po ako kung ano mga pros and cons sa situation niyo? nasa name ko kase si baby pero my family insists na legal right ng anak ko na makuha ng anak ko apelyido ng dad niya. same thing din ang advise sa akin ng lawyer ko. pero kung ako tatanungin, ayaw ko na mag effort habulin yung tatay nyang wala namang paki...tho the thought of getting him to court tickles me pink hahaha mainis ko lang sya ng bongga (tho that's beside the point kase i want what's best for my kid).
Logged
Visit our Curious Ava Shop for clothes and accessories fit for mommies and their little girls --

https://www.facebook.com/curiousava

wandergirl_turn_mom

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 100
  • Live simply.Love generously.Speak kindly
    • View Profile
Re: Kelangan pa bang baguhin ang apelyido ni baby?
« Reply #8 on: March 02, 2012, 05:38:40 pm »

Hi hanne!!
PROS:
*May naka enlist na Father sa Birth Cert niya at Baptismal Cert.
*Hindi siya mata-tag agad as "putok sa buho" kasi may naka enlist sa school record na may Father siya.

CONs:
*Worried ako baka kunin niya yung bata pag laki.
*Or mag claim siya ng kung ano man sa pag-aari ng bata (coz my daughter's into modelling).
*Paano kung nagkaroon na siya ng ibang pamilya, tapos ma-meet ng anak ko in the future. Magkaroon ng confrontation na "hey, that's my dad's name! How come he's also listed as your dad?"
*If may mangyari sa akin *cross my fingers* or mag-abroad ako baka mag-claim siyang guardian tapos di naman niya maasikaso ng maayos yung bata. Gusto ko kasi syempre sa parents and siblings ko maiwan yung bata if ever.
Logged
 

hanne

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 166
    • View Profile
    • My Curious Ava
Re: Kelangan pa bang baguhin ang apelyido ni baby?
« Reply #9 on: March 02, 2012, 07:52:35 pm »

^ thanks for answering sis.

ang only concern ko talaga is basta wag lang sya ma-deny ng tatay niya when the time comes na naghahanap na sya. or baka alipustahin sya ng kung sino man gf or asawa ng tatay niya just bec she's not protected by the law. marami kase silang anak sa pagkabinata and one of my contemporaries e naghahabol ng sustento, i remember yung current gf ni SD called his other son na "walang karapatan at hinde man lang binigyan ng apelyido" ni SD. nasasaktan naman ako for the other mom kase pareho kame. difference lang, hinde ako naghahabol kase buti nalang mas malaki sweldo ko kesa kay SD.

pero naisip ko din yung isang nilista mo, na baka pag may nangyari sa akin, maghabol si SD esp since alam niya na madami akong life insurance at ginawa kong sole beneficiary si baby. tho nakalagay naman na trustee ko ang mom ko sa mga plans.

anyway, napahaba ang kwento. Salamat mga sis  ;D basa basa nalang ako ng ibang inputs from the other.
Logged
Visit our Curious Ava Shop for clothes and accessories fit for mommies and their little girls --

https://www.facebook.com/curiousava

wandergirl_turn_mom

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 100
  • Live simply.Love generously.Speak kindly
    • View Profile
Re: Kelangan pa bang baguhin ang apelyido ni baby?
« Reply #10 on: March 02, 2012, 11:22:39 pm »

Sana nakatulong kahit paano, pero weigh mo pa rin ibang options
Logged
 

tiny_yabbi

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 118
  • i wouldn't be here if i didnt ♥ u
    • View Profile
Re: Kelangan pa bang baguhin ang apelyido ni baby?
« Reply #11 on: March 03, 2012, 12:07:46 am »


ako din mga sis naguguluhan kasi yung father ng anak ko foreigner and gamit ng anak ko yung last name ng father niya. Ok pa kasi kame noon nandito sya even sa baptismal certificate nakapirma sya. Now ang problem ko is nagkaanak ulit ko iba na yung father may current partner ok naman kame hindi pa kame kasal pero last name niya din gamit nung bunso ko. Medyo complicated lang kasi yung 2 kong anak magkaiba ng last name. Hindi na kame naguusap ng madalas nung father nung panganay ko kasi useless lang no support not even kamustahin yung anak niya. So sakin parang gusto ko sana ilipat sa last name ko yung panganay ko may makakapagadvice ba sakin kung anung best thing to do?thanks
Logged

wandergirl_turn_mom

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 100
  • Live simply.Love generously.Speak kindly
    • View Profile
Re: Kelangan pa bang baguhin ang apelyido ni baby?
« Reply #12 on: March 05, 2012, 09:22:24 am »

Sana may Lawyer dito to advise us no? Ako naman ang dilemma ko, kahit pareho yung father ng babies ko. Iniisip ko kung apelyido pa ba niya ang ipapagamit ko sa pangalawa? or I will use mine tapos leave the FATHER section BLANK. Then, papalitan ko na rin ng last name ko yung sa last name ng panganay ko. Kasi nakuha niya yung last name ng father nila dahil dun pa kami sa kanya nakatira nung binyag
Logged
 

riddermark

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 590
  • back to my old name
    • View Profile
Re: Kelangan pa bang baguhin ang apelyido ni baby?
« Reply #13 on: March 05, 2012, 04:57:04 pm »

this is already discussed in one of the threads here (la lang akong time maghanap but you can search it).

POV ko lamang po ito.

@ sis wandergirl - how will you change your last name? you can if you will marry.

as far as i know - sa birth certificate, you can declare the father as long as he acknowledges and signs the back portion of the certificate. ibig sabihin po kinikilala niya yung anak niya. however, you also MAY or MAY NOT use his surname and still declare him as the father.

as to the debate kung dapat or hindi, it depends on your situation and legal concerns. but most of the single moms here na nabasa ko says they'd rather use their own surname IF the mother and the father are not or may be not in good terms in the future because ...

1)  mahirap nang ibalik ang pangalan from SD's to yours. you need to file a case and spend time and money for this.
2) in case you will marry a different man and he wants to adopt your child, you have to seek SD's consent kasi nakapangalan sa kanya yung bata

but please take note na hindi porke nakapangalan ke SD yung bata he has the parental right over your child. Kapag hindi married ang mother and father, the mother has the SOLE PARENTAL AUTHORITY over the child unless maprove ni SD sa court that you are not capable.

you can still travel and bring your child even if he uses the surname of the dad. that's because ikaw nga ang me parental authority not him.

with regard naman sa rights ng bata sa knyang father, i guess yung pag acknowledge ng father sa kanya sa birth certificate regardless if baby's using his surname or not is enough para makuha man niya ano man ang dapat sa kanya according to law. (i hope i'm right on this).

i'm no lawyer po, best to ask one. and dont forget to ask the PROS and CONS

Logged
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
God created little boys for He knew that there should be lots of love and happiness added to a family.

wandergirl_turn_mom

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 100
  • Live simply.Love generously.Speak kindly
    • View Profile
Re: Kelangan pa bang baguhin ang apelyido ni baby?
« Reply #14 on: March 05, 2012, 05:30:34 pm »

how will you change your last name? you can if you will marry.

-sis, ang ibig ko pong sabihin let's say REYES yung anak ko ngayon kasi REYES ang father niya at acknowledged yn nung ipinanganak siya. Tapos, ako naman DELA CRUZ. Since hindi kami good terms ngayon at malayong maging good terms pa, Pwede ko pa bang gawin na DELA CRUZ yung anak ko?
Logged
 
Pages: [1] 2 3 ... 5