Parent Chat

Advanced search  

News:

Pages: [1] 2 3 4

Author Topic: Super tigas na ulo ng bata anong dapat gawin  (Read 122716 times)

laivalenzuela

  • Newbie
  • *
  • Posts: 32
    • View Profile
Super tigas na ulo ng bata anong dapat gawin
« on: February 25, 2012, 11:42:02 am »

Basahin sa Smart Parenting.
Click this to read full article.
Palagi Kong Nasisigawan Ang Anak Ko, Paano Ba Kumalma?
Pagdidisiplina na Walang Pagpaparusa
Matigas ang Ulo? Narito ang mga Payo


help mga mommies my daughter just turned 5 last Feb. 16 and my MAJOR concern is yung napaka tigas na ulo niya ngayon ayaw niang sumunod sa lahat ng sinasabi ko to the extent na minsan kahit ayaw kong paluin napapalo ko kahit labag sa kagustuhan ko... Tapos pag napalo mo andyan yung aamuhin ng mga tita ko andyan na pag nagsumbong sa kanila yung anak ko sasabihin salbahe ako na tumawag ang anak ko sa Bantay bata... Hindi ko na alam ang gagawin ko yan ang pinaka major problem ko sa anak ko ngayon gusto ko sana na habang maaga pa ay mabago na niya yung ugali na yan

Naka-relate ka ba? Basahin ang latest comment tungkol dito o mag Reply para makapagpost ng katanungan, payo o kwento.

« Last Edit: January 25, 2022, 11:47:49 pm by Parentchat Admin »
Logged

mommy ni kent

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 88
    • View Profile
Re: Super tigas na ulo ng bata anong dapat gawin
« Reply #1 on: February 25, 2012, 12:58:12 pm »

same tayo ng problem sis.yung son ko turning 4 pa lang sa may major major tigas ulo niya, umiiyak nalang  ako minsan para mawala ang stress.napapalo ko rin siyaatnakukurot halos araw araw :-(

Mod's note:
A Parenting Expert's 3-Day Guide to a Better-Behaved Child

Read it on Smart Parenting. Click this link:
http://www.smartparenting.com.ph/parenting/toddler/a-parenting-expert-s-3-day-guide-to-a-better-behaved-child-a00026-20171127
« Last Edit: December 10, 2017, 07:56:47 pm by Mommyjazz »
Logged

peppergurl971

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 54
    • View Profile
Re: Super tigas na ulo ng bata anong dapat gawin
« Reply #2 on: February 25, 2012, 01:11:28 pm »

Nung bata ako alam ko matigas din ulo ko. Ang ginawa ng nanay ko, reverse psychology at di niya ako masyadong binibigyan ng pansin. Nahirapan ako, kasi parang di nako pinapansin ng nanay ko, tapos ako na ang kusang nag sumamo and sunod sunuran sa mga sinasabi niya para lang pansinin niya ulit ako. Try nyo din sis, baka mag work.
Logged

Errych

  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 619
  • Watch.Wait.Time will unfold & fulfill its purpose.
    • View Profile
Re: Super tigas na ulo ng bata anong dapat gawin
« Reply #3 on: February 25, 2012, 03:55:30 pm »

Try to talk to the people around your daughter first. Let them know that they are not helping your child. Dapat kasi sa pagdidisiplina ng bata ay CONSISTENCY. Para kasing nakakahanap ng kakampi yung anak mo sa kanila. Be firm. If you need to spank her, do it on the right time and place. Baka kasi mapahiya naman yung bata. Its not too late to modify your child's behavior.
Logged

laivalenzuela

  • Newbie
  • *
  • Posts: 32
    • View Profile
Re: Super tigas na ulo ng bata anong dapat gawin
« Reply #4 on: February 26, 2012, 09:34:52 am »

same tayo ng problem sis.yung son ko turning 4 pa lang sa may major major tigas ulo niya, umiiyak nalang  ako minsan para mawala ang stress.napapalo ko rin siyaatnakukurot halos araw araw :-(

Ang hirap no sis... ako rin ganyan umiiyak na rin lang ako sa sobrang galit...
Logged

laivalenzuela

  • Newbie
  • *
  • Posts: 32
    • View Profile
Re: Super tigas na ulo ng bata anong dapat gawin
« Reply #5 on: February 26, 2012, 09:40:18 am »

@peppergurl971 thanks sis sa advice alam mo sa aming dalawa ni hubby siya ang marunong mag reverse psychology na pag ayaw ng daughter kong kumain di niya talaga papakainin na pag nagutom si daughter ang anak ko rin naman ang kusang humihingi na ng pagkain

@Errych thanks din sa advice sis when i spank her naman i'll make sure na kaming dalawa lang and not in public dito lang sa loob ng bahay yun ayaw ko kaseng mapahiya yung anak ko sa ibang tao...  Super tigas na talaga ng ulo nitong bata na ito
Logged

liams mom

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 512
    • View Profile
Re: Super tigas na ulo ng bata anong dapat gawin
« Reply #6 on: February 26, 2012, 11:56:53 am »

Hay mga sis.. same situation here. My 3 1/2 son is giving me headaches for the past few months now.. sobrang tigas din ng ulo lalo na sa school niya. I actually posted a new topic last night hoping that may ma-advise mga sis natin na may same dilema.

Yung sa case mo sis laivalenzuela, tama yung advise ni sis Errych na kausapin mo mga nakapaligid sa daughter mo and tell them na its not helping na pag pinapagalitan mo yung bata kinakampihan nila and they make you the kontrabida. Iisipin kasi ng anak mo na tama yung ginagawa niya and you are just making an issue out of what she did. Kasi ok naman sa ibang tao. Ako kasi pag pinapagalitan ko anak ko I make sure na hindi siya lalapitan or aamuin ng daddy niya and mom ko. I make sure na malaman nyang lahat ng tao sa paligid niya hindi gusto yung ginawa niya.

@sis peppergurl971, gusto ko sana gawin yang advise mo sa anak ko. wag ko masyado pansinin. actually kagabi nung napagalitan ko siya pinaupo ko lang sa isang gilid ng sofa. maya maya, tumabi na sakin at yumakap ng yumakap. hindi ko siya sinamahan matulog sa room tapos paggising kanina "i miss you mommy" agad ang sinabi. Kaya lang para naman akong nakokonsensya na hind ko siya papansinin. :( Hay, hirap maging mommy no... you have to be firm yet you have to be soft... :(
Logged
lga

peppergurl971

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 54
    • View Profile
Re: Super tigas na ulo ng bata anong dapat gawin
« Reply #7 on: February 26, 2012, 12:25:56 pm »

Sisters, effective talaga yung ganun kasi yun ang ginawa sakin ng mother ko noon. Kaso risky sya, kasi ako noon nasaktan ako emotionally kasi ini-ignore nako ni mama. I suggest na lang na wag too much. Pag nakikita nyo na nahihirapan na si baby, have time to reward him/her o kaya mag bonding kayo, then thats the perfect time to talk about sa kakulitan niya.
Logged

eowyn

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 116
  • I so love being a mom!
    • View Profile
Re: Super tigas na ulo ng bata anong dapat gawin
« Reply #8 on: March 02, 2012, 10:21:11 am »

I'm having the same problem with my son. He's turning 4y/o in April and he started behaving arrogantly when he had this bastos yaya. It really breaks my heart to see how he's changed, partly, nagsisisi ako na hindi ko nalaman na pangit pala ang trato sa kanya ng dati nyang yaya. Nagsimula syang mamalo, manakit, manigaw. I feel all those 2.5 years that we were teaching him good manners are wasted nung nagpalit kami ng yaya. Hirap kami ngayon na i-correct ang attitude na nakasanayan niya. Iba na ang yaya niya ngayon, pero dala-dala pa rin niya yung pangit na ugali na natutunan niya sa dati nyang yaya.

Yung payo ni sis peppergurl, that's what I did just the other night. HInayaan ko lang ngumawa ng ngumawa ang anak ko, nevermind if our neighbors' dogs were barking sa sobrang ingay ng anak ko. HIndi ko sya pinansin talaga after niya ako paluin at sipain. Hanggang sa napagod sya, iyak pa rin ng iyak at nakatulog na. Kinabukasan, hindi na niya ako masyado pinalo-palo. Sabi lang niya agad sa akin, "Mommy, hindi na kita aawayin para love mo na ako." Kagabi pinagsabihan ko sya ulit kasi nagstart na naman mamalo, tumigil sya agad tapos yumakap na lang until he fell asleep.

Sana maging effective ito. I know I just have to be firm and consistent. 
Logged

ea_brea

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 408
  • don't be afraid to dream a little bigger, darling
    • View Profile
    • La Mer de Reve
Re: Super tigas na ulo ng bata anong dapat gawin
« Reply #9 on: March 02, 2012, 03:12:31 pm »

aside as pagpalo or hindi pagpansin, you need to talk with your children after the incident. they have to understand kung bakit sila pinalo o hindi pinansin. that's what i did to my son. hindi ko naman siya always pinapalo (mga twice or thrice ko lang ata siya napalo talaga). mas kinausap ko siya as if he's an older child. he's turning 7 now and hindi na matigas ang ulo niya. in fact we're very open on why i'm upset with what he did, or why he is the one feeling upset. basta keep an open line with your children. nakakaintindi na ang mga bata even at a young age.

may book din to, "Disciplining without Spanking or Shouting". :)

nylej20

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 430
  • mother of twins...
    • View Profile
Re: Super tigas na ulo ng bata anong dapat gawin
« Reply #10 on: March 02, 2012, 03:58:17 pm »

naku mga sis ako rin hirap sa mga kids ko to think twins pa sila boy at girl and turning 4 this august. Mahirap lalo sakin na disiplinahin sila kasi dito sa US bawal mamalo diba?sa pilipinas kasi napapalo ko talaga and minsan din dito diko mapigilan.  but like sa ibang mommies, pag okey na yunmg sitwasyo i talk to them and sinasabi ko na love na love ko sila kahit nagagalit ako ang the reason why nagagalit ako is because di sila sumusunod sakin. and tama nga na nagagaya nila yung ginagawa mo sa kanila kasi yung boy ko namamalo na sa twin sister niya dahil kasi nakikita niya napapalo ko twin sister niya.  Effective din yung time out chair kasi imbes na mapalo ko paupuin ko na lang sila dun habang nagcacalm down ako.  basta i assure them na love ko sila despite of everything..

meron din akong book ng Discipline without spanking kaso diko pa tapos basahin.. ;D ;D ;D
Logged
Happy Mom

violet.crumble

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 129
    • View Profile
Re: Super tigas na ulo ng bata anong dapat gawin
« Reply #11 on: March 02, 2012, 04:19:34 pm »

It may be because of their ages.  Kids na nasa 3-6 years old are trying to exert their independence, wanting to do things by themselves and sometimes, we adults misinterpret this as matigas ang ulo.  Try to see the root cause of the misbehavior.  Nagpapapansin ba?  Kasi sa bata pag nagmisbehave sila at pinagalitan natin sila, kahit negative yun, attention pa din yun.  So pag attention seeking ang misbehavior, better to ignore.  Give them attention pag nagbebehave sila.

Is the misbehavior a result of what he sees in other kids?  Kung nagsu-school na and nakakakita sya ng ganun behavior sa iba, he might be copying it and trying to experiment kung anong reaction ang makukuha from you.  Minsan paulit-ulit nilang ginagawa yung misbehavior kasi they are experimenting kung next time they do it same pa din ba reaction mo.  So make sure you are consistent with the consequences sa misbehavior niya.  Like yung 2 year old ko, habit niya ngayon mag throw ng things over the balcony (condo kami nakatira).  Pag ako kasama niya pag nagmisbehave sya, i make him stand in the corner and count to 20.  Pag si hubby, pinapagalitan sya and stand in the corner din.  Pag si yaya, they go downstairs and get whatever was thrown.  So napansin namin na pag si yaya ang kasama, mas nagtatapon ng gamit yung anak ko.  Kasi nare-reinforce yung behavior niya with something positive (they get to go out to get the thrown object).  So i make sure na pag nakita ko sya throwing something even if yaya ang kasama niya mag-play he gets the same consequence na stand in the corner pa din.

Minsan din i do time-out.  Like may phase yung son ko na namamalo.  So what i'd do is that i leave the room after he hits me.  Kasi i'm sending the message na i don't tolerate hitting. Na if you don't treat me well, wala ka nang playmate.  No one will want to play with you if you hurt them.  I don't pretend to cry kasi minsan the more they'd do it kasi they anticipate your reaction.  So when i leave the room, usually hahabol sya or iiyak, babalik na agad ako then we make him say sorry.  Ingat lang din when using this strategy kasi baka ma-intensify ang separation anxiety lalo if they are in this stage.  Mas kilala nyo anak nyo so you would know what he would respond to.

Minsan naman hindi nila ma-verbalize what they want.  And since hindi natin magets what they want hindi natin mabigay.  tapos nauuwi sa tantrum and nagiging sobrang intense ng emotions nila.  Pag nagwawala sila na nagsisisigaw at naglulupasay sa sahig, minsan na-ooverwhelm sila and di nila alam pano i-control yun.  Sometimes ang dating satin is nag-iinarte lang so pinapagalitan natin.  Ang approach ko sa anak ko pag ganun sya is i stay with him (nakabantay lang na hindi sya masaktan sa paglulupasay na ginagawa niya)  until matapos yung tantrum niya then i talk to him.  Useless kasi makipagusap pag nasa peak sya ng tantrum niya.  Pag ok na sya, i ask him what he wants tapos i remind him to just tell me instead of making sumpong and shouting.

Baka din may radical changes on the homefront kaya naga-act up ang mga kids.  New sibling?  or new yaya?  or new house?  or new schedule sa work ng parents?

Big issue din yung mga nakikialam na relatives sa pagdidisiplina.  Yung pamangkin ko kasi laki sa lola and super spoiled sya dun.  So when her parents try to discipline her or when they refuse to give in to what she wants ang dialogue niya palagi, "isusumbong kita kay lola".  When we are trying to discipline our kids, we need the support of everyone.  Kasi nga consistency is key.  Pag wala yun or pag alam nilang lulusot sila or may kakampi sila sa gusto nila kahit mali, mahirap i-establish ang discipline.

I know mahirap minsan to look beyond their actions kasi yung actions nila ang most visible sa atin and nakaka-affect talaga.  But oftentimes we have to extend our patience to see what the behavior is all about.



Logged

mommy ni kent

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 88
    • View Profile
Re: Super tigas na ulo ng bata anong dapat gawin
« Reply #12 on: March 02, 2012, 08:25:22 pm »

yung son ko, pag sinabi mong WAG, lalo niya gagawin.titingin pa sakin,kung ano reaction ko sa ginawa niya.pag pina face mo sa wall,iiyak ng bonggang bongga,aping api,parang binugbog.maririnig na lang ng lola k o tatay at kapatid ko.pagagalitan pa ako at kinukuha nila ang bata. ang anak konaman sasabihin, MOMMYGALIT AKO SAYO,MATAPANG KA. PANGIT KA! hay naku ang ugali,to think na  wala pa siya 4 year old.pero,pag nawala na yung tampo niya,lalapit na yan,ha hug nako at sasabhin mommy,mag sorry ka sa akin ha??? ??? ???
Logged

tiny_yabbi

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 118
  • i wouldn't be here if i didnt ♥ u
    • View Profile
Re: Super tigas na ulo ng bata anong dapat gawin
« Reply #13 on: March 03, 2012, 05:11:04 am »

Grabe sis parehas na parehas sila ng anak ko.. wala pa din 4 yrs old si Selina, lage akong nagagalit kasi hindi ko talaga gusto yung ginagawa niya katulad ng anak mu sis pagnapagalitan ko sya  sasabihin niya HINDI NA KITA BATI MAMA, PANGIT KA.. Lalo akong naiinis pagnaririnig ko un so napapalo ko pa sya lalo then pagdi pa din tumigil dedmahin ko nalang hanggang sa sya na lumapit sakin and katulad sayo sis yayakap na sya at sasabihin magsorry kana sakin para bati na tayo para luv na kita..

Feeling ko kasi nagseselos sya sa baby bro niya so later paguwe ko promis iiwasan ko talagang mapalo sya at pagnagkaroon kame ng ganung eksena il make sure na magiging kalmado lang ako then dedma lang at after nun kakausapin ko sya para maintindihan niya na mali sya and syempre ipaparamdam ko din sa kanya kahit nagalit ako luv ko sya..
« Last Edit: October 25, 2020, 12:36:27 am by Parentchat Admin »
Logged

jealousygirl

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 82
    • View Profile
Re: Super tigas na ulo ng bata anong dapat gawin
« Reply #14 on: March 03, 2012, 07:02:02 am »

Joining;

ako naman po ang ginagawa ko sa daughter ko whenever she have her tantrum or pag may inutos ako na hindi niya susundin or medyo nagpasaway siya,,, I tried to calm down and talk to her nicely. Pag worse na yung nagawa like i got hurt by her, ( which is i really hate ) napapagalitan at nasisigawan ko siya,, again im trying to avoid spanking her, so pinapapnta ko nlang siya sa room and stay there until i call her..most of the time hindi na niya hinhintay na tawagin ko siya, siya na kusang lalapit and say sorry about what she've done..after she say sorry, i asked her kung anong ginawa niya, and i asked her if it is right or wrong..  , i let her understand what is right and wrong.. before kasi naging ugali ko yung mamalo agad, so napansin ko na pag ganun lalo tumitigas ang ulo,,
 
I also try to apply the tingin pa lang dapat kuha na.. like pag may ginawang mali o ginagwang hindi tama,,, isang tingin lang,, no more words from me, dapat tumigil na siya,, which is very effective samin ni daughter ko..

One things constant communication even at their young age,, ako po i try to talk to her like a friend or mine.
and pag ok kaming dalawa, pinapaliwanag ko kung ano yung mga bagay  bagay. ..
Logged
Pages: [1] 2 3 4