embed embed2

Parent Chat

Advanced search  

News:

watch now
Pages: [1] 2 3

Author Topic: Relatives think OFW got lot's of money  (Read 34799 times)

mommykay

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 304
    • View Profile
Relatives think OFW got lot's of money
« on: March 21, 2012, 12:53:35 pm »

Hi! it's been long since nagpost ako dito anyways...

to OFW Moms, you experience this? Nakakaloka as in, most of the time nakakapikon. Ang mga kamaganak nageexpect lagi na may mahihiram sayo pangbayad utang, pangpaanak, pang repair ng house and all hay. Hindi naman po sa madamot kaso nakakapika lang kasi akala nila dami naming pera dito sa ibang bansa. Tapos may maririnig ka pang inngitan n bakit sa ganun pina utang ako hindi , madamot etc.

Sana Alam nila kung anung hirap ang nasa ibang bansa. Sacrifice na malayo sa anak ang pinakamahirap sa lahat. alam b nila na 6 days a week 10~12 hours per day ang trabaho may bonus pang sigaw at pagminalas ka may kasamang pang panglalait yun. tapos sa gabi kahit 9pm n nakauwi kelangan pang magluto ng dinner at pang baon sa office tomorrow. Then sunday  n nga off gugulin mo p yun sa paglalaba at paglilinis ng flat.

Kaya sana yung mga iba dyan na may kaanak n ofw hinay hinay lang sa demands at wishes nyo dahil sa totoo lang yung  nakikita nyong ngiti sa pictures namin sa facebook 10% lang yun ng kung anung emotion meron kami dito sa ibang bansa.

Dyahe naman siguro picturan at ipost namin umiiyak kami sa gabi habang yakap yung stuff toy n sinuutan mo ng sando ng anak mo.o pagnginangarag kami ng boss namin o nahiwa ang kamay kasi inaantok n pero kelangan pang magluto ng baon para bukas.

.... naglalabas lang po ng sama ng lood..

ikaw anung hinaing mo let it all out mga Sis.
Logged

2gud4u

  • Newbie
  • *
  • Posts: 39
    • View Profile
Re: Relatives think OFW got lot's of money
« Reply #1 on: March 21, 2012, 09:25:23 pm »

true yan sis.ganyan din nanay ko akala yata may bundok ako ng ginto dito sa ibang bansa or namimitas lang ako ng pera sa puno.minsan naranasan ko pa na masumbatan ako eh sa wala naman ako maibibigay talaga kasi umaasa lang din ako sa husband ko.nakakalungkot pero nakakainis na rin minsan pag pinipilit ka na magbiga kahit alam naman na wala ka talaga maibibigay
Logged

jenevans

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 56
  • all good things come to an end....
    • View Profile
Re: Relatives think OFW got lot's of money
« Reply #2 on: March 21, 2012, 10:07:26 pm »

haynakuh, ewan ba natin at ganyan talaga ang unang nasa isip ng mga tao dito, pero sa mga malalawak ang isip at naka experience, alam nila kung ano talaga ang hirap nang pera sa abroad. Kung minsan pa nga, yung iba, sila pa ang pinapadalhan nang pera sa abroad pag wala pang nakukuhang trabaho o gipit, parang kami ngayon, kelangan mapadalhan namin ng pantubos sa passport sa agency ang kapatid ko na nasa China para lang ibigay sa kanya ang kanyang passport at makapagtrabaho sa iba.May kakilala pa ako na 15 years nagtrabaho ang nanay sa abroad eh pag uwi dito, wala pa ring napatayo na bahay.  Sana mabago na ang pagtingin nila na porke abroad eh madami nang pera. Wag naman sanang ATM ang tingin nila sa mga bayani nating nasa abroad...
Logged

dmnq

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 88
    • View Profile
Re: Relatives think OFW got lot's of money
« Reply #3 on: March 21, 2012, 10:19:41 pm »

true yan.. ang asawa ko pag umuuwi mabilis pa sa alas dose na andito sila sa bahay.. hindi naman tayo nagdadamot kaya lang abuso na sila eh.. yung asawa ko din nakakainis kasi siya naman bigay ng bigay.. hingan siya ng t-shirt, sapatos at kung ano ano pa ibibigay niya.. un lang kasi pag hindi mo din naman napagbigyan eh kung ano ano pa sasabihin behind your back.. ewan ko ba bakit ganyan thinking ng mga pilipino.. di naman porke nagtatrabaho sa ibang bansa dame ng pera..
Logged

lalabs28

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 70
  • Medcine student . love my husband and son so much!
    • View Profile
Re: Relatives think OFW got lot's of money
« Reply #4 on: March 21, 2012, 10:48:24 pm »

hay.. grabe no? akala nila eh porket nasa ibang bansa milyonaryo na! kasi mom ko OFW sa middle east, 5 years pa lang siya late na kasi siya nakapag-abroad kasi ayaw niya kaming iwan as much as possible kaso kailangan nila mag-paaral ng 2 college na anak ..
Anyway, 1 month before umuwi mom ko grabe punta ng punta dito mga kapatid niya kunwari tinatanong kung kamusta na siya but the aim is mangungutang halata naman eh, nakakapag-taka lang kasi is kung kelan malapit na umuwi mom ko tska sila naglalabasan whereas nung time na gipit kami pati yung share ng mom ko sa lupa nila hindi nila binibigay at mega ignore pa sila sa mga tawag at text ha .
So ito na nga dumating na mom ko AS IN pag-uwi namin galing airport wala pang 30 mins. tumawag na yung pinsan ko at guess what? nangungutang ng 20k! then i just said pwede daw po ba magpahinga muna si mama kasi kakauwi lang namin eh . the next day eto na si pinsan (20k) at kasunod si kapatid na nangungutang 10k!  sabi ng mom ko pwede tig-5k lang kayo? kasi hindi naman malaki pera kong dala tsaka marami akong bayarin but  yung mga relatives namin ayaw pa so no choice si mom kasi naunahan na ng awa kasi ang daming dahilan. then sumunod na days merong 5k, 3k, 10k etc.

IN SHORT ayun napunta sa pautang yung money ni mama .some paid, some didnt lalo na yung 10k :(

yun nga hindi sa nagdadamot pwede naman sila mabahagian ng blessings di ba? nakasanayan na natin yung may sabon,kape,gatas konting damit at pabango yung natatanggap o naibibigay. okay na nga yun kesa sa wala pera din naman ipinambili dun, sana i-consider nila na may paglalaan na ibang bagay sana yung pera na hiniram nila.
Nakita ko kasi hirap ng nanay ko dun sa pera tas ganun lang mangyayari di man lang niya daw naipagawa yung bahay namin o nakapag-ipon man lang ..

Logged

buuurp

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 669
    • View Profile
Re: Relatives think OFW got lot's of money
« Reply #5 on: March 21, 2012, 11:56:49 pm »

awww mommykay nalungkot naman ako sa post mo dun sa stuff toy na may suot ng sando ng baby mo. :( balak ko pa naman mangibang bansa :( parang ayoko na ... :(
Logged

Sometimes, its not that people change…you just find out who they really are.

rosetan

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 193
    • View Profile
Re: Relatives think OFW got lot's of money
« Reply #6 on: March 22, 2012, 12:19:08 am »

Sobrang nakaka relate ako. 13 years ng OFW ang Mom ko, sympere reason para mabuhay kame kase wala kaming support mula sa tatay namin. Yearly ang uwi niya, pag sundo palang sa airport madami ng gusto sumama as in sila pa nag sasabi na "rose sama kami sa pag sundo kay tita ____" so wala naman mami magawa sama na din sila. Pag dating sa bahay alam nyo na kung ano ang scenario todo kwento kahit alam naman nila na pagod pa. Tapos pag magpapa alam ng pauwi bigla sasabihin wala ka bang chocolates at pabango jan? So ayun bubuksan sa harap nila ang box at kanya kanya na sila ng kuha. Nagkakatinginan na lang kami.

Nun kinuha naman kami magkakapatid ng Mom namin para mag work din sa ibang bansa at sama sama na kami, ang dami ng tetext at nag ym sa amin na kamag anak namin na nagpapatulong mag apply. Kesyo madali lang naman daw pala makapunta doon bakit hindi tulungan si ganito at si ganyan. Sympre ang mabait kong nanay tinulungan din maka pag abroad ang mga pinsan ko 4 sila na sabay sabay umalis sa Pinas papunta sa amin. Halos lahat sagot namin ang gastos pag alis nila, pagdating sa abroad sagot pa din namin sila sa pagkain, toiletries, etc. kase wala pa naman sila work. Kasama din namin sila sa bahay.
Ngayon eto na ang naging problema, ng makahanap sila ng work parang nagka limutan na. Sobrang nasaktan kami sa ginawa nila na parang ginamit lang nila kami esp si nanay para makapunta at makapag work sa abroad.
Hindi naman kami nag susumbat, wala naman masama n tunulong db? Lalo na kung mga kamag anak mo naman ang natutulungan mo pati na ang pamilya nila. Kaya lang masakit lang yung pakiramdam na balewala kana sa kanila at parang taas taas na ng tingin nila sa sarili nila.
Logged

Mommy Jazz

  • Administrator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 3200
    • View Profile
    • Jazer Basan for Smart Parenting
Re: Relatives think OFW got lot's of money
« Reply #7 on: March 22, 2012, 02:58:01 pm »

Kaya hindi ko sinasabi ang araw ng paguwi ko. Don't worry Mommy Rosetan. Ang importante nakatulong kayo and you did it because it's right, hindi naghahanap ng kapalit. You will surely be rewarded for what you did, not by the people you helped though.
Logged

ea_brea

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 408
  • don't be afraid to dream a little bigger, darling
    • View Profile
    • La Mer de Reve
Re: Relatives think OFW got lot's of money
« Reply #8 on: March 22, 2012, 06:40:51 pm »

napansin ko din to, dati pag sinusundo namin pinsan/tita ko from australia may nakakasabay kami ng isang jeep ng sumusundo ng kapamilya nila. may mga OFW din kasi na mayabang, yung binabalandra yung mga alahas nila or mga appliances na nabili sa duty free, lalo na noon. ngayon lahat na mataas ang presyo, so kahit mataas pa din ang palitan sa dollars, hindi naiisip ng mga kamag-anak na mataas din naman ang cost of living sa ibang bansa. yung iba nga halos hindi na kumain makapagpadala lang ng pera.

rosetan

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 193
    • View Profile
Re: Relatives think OFW got lot's of money
« Reply #9 on: March 22, 2012, 10:58:45 pm »

Thanks mommyjaz! Yan ang natutuhan namin na wag na magsabi kung kailan ang uwi namin esp si Nanay. Last time na umuwi ako sabi nila, oh andito ka pala? Kailan ka pa dumating? Sagot ko... Last month pa ho, pabalik na ulit. hehe.

@ ea_brea- i agree sis! Yun tipong akala mo may outing sa airport. hehe.
Logged

mommykay

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 304
    • View Profile
Re: Relatives think OFW got lot's of money
« Reply #10 on: March 23, 2012, 09:46:40 am »

@buuurp

Yup sis yung sando niyang suot before siya umuwi nung feb, dito kasi siya ng xmas at new year :(
« Last Edit: April 15, 2012, 01:39:55 am by toughmom »
Logged

mommykay

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 304
    • View Profile
Re: Relatives think OFW got lot's of money
« Reply #11 on: March 23, 2012, 09:54:30 am »

Kaya lang Mommyjazz I feel unfair kasi, ako eto nasa ibang bansa malayo sa anak ko, wala pa nga kming bahay o sariling negosyo. Pero mga kapatid ni hubby kung manghirap pangpagawa ng house, pangstart ng negosyo, pangpaanak. Gusto kong sumigaw ng hello kami muna puwede pagnakaestablish na kami ng amin tsaka na muna kayo :(

May thinking kasi sila na ay 20K lang yan ano ba naman sa kanila kung pahiramin nila ako ng ganyang amount, e kung 6 silang magkakapatid n mang hihiram ng ganyan wasak bulsa ever, e ako nga ni hindi ko mabilan sarili ko ng levi's n pants o branded bags na hindi 50% sale naawa ako sa sarili ko minsan promise.

Hindi po ako materyosong tao kaso minsan kasi di b gusto mo rewardan sarili mo ng mga bagay a out of the usual stuff kasi sa ngaun di ko maatim gawin yun kasi nakafocus ako sa pagiipon kasi gusto maganak uli, pero mukhang kahit anung tipid gawin ko kung may ibang taong manghihiram n hindi matangihan mukhang pangarap n lang ito.

I am so depress, di naman halata no mga sis, sorry... dito lang nailalabas.
« Last Edit: April 15, 2012, 01:39:37 am by toughmom »
Logged

purplemom

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 827
    • View Profile
Re: Relatives think OFW got lot's of money
« Reply #12 on: March 26, 2012, 12:02:13 am »

@mommykay..na touch din ako sa kwento mo na stuff toy na sinuotan mo ng sando ng anak mo...kaya bilib ako sa mga mommy na nag abroad and naiiwan ang anak dito kasi sobra sakripisyo...

...nasa culture na yata natin yan kasi kahit naman di nag OFW pag nalaman ng mga relatives na may stable job ka grabe din makahiram..yun bang di mo naman ka textmate pero pag mangungutang parang naka unlitext pero pag due na ang tagal mag reply...

...may mga uncle ako na nag OFW pero hindi kami yun nanghihingi or nangungutang kasi sa mga relatives pa lang ng wives nila (hindi nag work mga wives nila) eh ubos na sila..mas naaawa pa nga kami sa knila kasi lagi na lang problem ang itatawag sa kanila..yun bang pag nakakarinig sila ng call ninerbyos na kasi baka bad news na naman and of course hingi pera..tapos nun wala na sila work bigla di na sila pinupuntahan ng mga relatives..kaya pag may occassion gusto ng uncle ko invite naman daw kami kasi lagi na lang relatives ng wife nila..hindi naman ako naiinggit kahit may  mga new shoes,etc kasi lagi ko iniisip dati na mas magiging fulfilled ako if mabili ko ang gusto ko at hindi hiningi...nun namatay na uncle ko, ang laki ng adjustment nila kasi bigla hirap na mabuhay nasanay sa hingi..naisip ko nga ako yata ang may natutunan sa buhay ng uncle ko hindi ang mga anak niya kaso ako na lagi nila inuutangan.. ang sarap manumbat na bakit di sila mangutang sa mga kamag anak ng mommy nila pero nanaig ang awa and thankful pa din kasi magmula nun maka graduate ako never ako nangutang or nanghingi sa kamag anak ko..means i'm blessed and more fulfilled :)
Logged

Mommy Jazz

  • Administrator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 3200
    • View Profile
    • Jazer Basan for Smart Parenting
Re: Relatives think OFW got lot's of money
« Reply #13 on: March 26, 2012, 09:15:56 am »

@mommykay, you have to learn to say NO. Hindi naman pala emergency yung mga hinihingi nila. Buti sana kung may nagkasakit, naospital o pangtuition. What I did, sinabihan ko yung mga taong tinutulungan ko na "O, may kailangan ako paglaanan sa mga susunod na buwan kaya huwag niyo muna ako i-text." Dati nga sabi ko, pag may emergency lang ako kontakin. E iba ang definition nila ng "emergency". I have to stress pag tungkol lang sa pagpapaospital o aksidente.
This way kahit manghingi pa sila next month, pwede na akong tumangi. Huwag kayong mahiya na mauwi sa away ang pagtanggi niyo. Sila pa nga ang dapat mahiya. You will thank yourself later na away lang pala ang dapat maging tulay para maging tahimik ang buhay niyo. Marami na kayong natulong sa mahabang panahon. Hindi "lifetime free service guarantee" ang tulong mo. Effective din yung "kailangan ko nang magipon kasi hindi pa ako nakakaipon since nagtrabaho ako dito at ako ang naging takbuhan ninyong mga naggangailangan." Dagdag mo, "buti nga kayo may plano nang ipagawa bahay niyo at mag umpisa ng negosyo. Kami hindi pa namin maumpisahan yung planoo at dahilan ng pagpunta ko dito.
You have to let your relatives know your problems too kasi tingin nila sayo ang "perfect" ng buhay mo. Ang ilan pa sa mga effective na pang tigil ng pangungutang nila are:
-Maningil
-utangan mo rin sila.
-tanggihan kasi hindi pa nakakabayad si ____ or "pagnakabayad na si ______ tsaka mo ako tawagan." better yet, "Ikaw nalang maningil kay _________ at yun na ang pautang ko sayo.  Hayaan mo silang magaway-away hihi.
Logged

buuurp

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 669
    • View Profile
Re: Relatives think OFW got lot's of money
« Reply #14 on: March 26, 2012, 12:34:27 pm »

di ko naranasan to nung bata ako kasi my mom and dad separated - but sa kwento ng grandma ko ganyan sila sa father's side namin. Anyway so eto ko ngayon culture shock sa side ni hubby kasi ganyan sakanila. Minsan parang feeling ko andamot ko pero kasi parang sa akin nalulungkot ako sa relatives na hinihingan tapos makikita ko yun nanghihingi tumatambay lang dito sa Pinas sustentado pa. Sometimes kami na nahihiraman eh di naman kami sobra - pag di nagpahiram ako madamot. Ganun din dialogue sa mga nagabroad na kamaganak - nakalimot. Sakin naman, hindi naman responsibility ng Tito,Tita, Pinsan, Ate, Kuya supportahan ang lahat to the point na pang medyas mo sya din magpapadala - kung able ka naman to support yourself do it. Di kasi naiisip minsan nating mga Pinoy na kung icoconvert mo din yung cost of living + sacrifice of being separated from your family parang mastalo pa yung OFW. Pero yeah, I'm contemplating na maging OFW, para magkaron kami ng mga gusto namin, at gagawin ko pag ganyan may certain limit lang ako siguro papahiram o ibibigay. Pero talaga nagaalangan ako tuwing kasama ko si baby - feeling ko di ko kaya na yumakap lang sa stufftoy na may sando niya. :(
Logged

Sometimes, its not that people change…you just find out who they really are.
Pages: [1] 2 3
 

Close