embed embed2

Parent Chat

Advanced search  

News:

watch now
Pages: 1 [2] 3

Author Topic: Relatives think OFW got lot's of money  (Read 34798 times)

mommykay

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 304
    • View Profile
Re: Relatives think OFW got lot's of money
« Reply #15 on: April 13, 2012, 04:47:55 pm »

hay Mommies,

just want to share more about this issue, na friday the 13th ako ang aga about sa wish ni hipag na cash support in completion of their dream house, to the limit nanaman and blood pressure ko kanina. I told myself madamot lang ba talaga ako who who who. I know its a necessity to have house para sa isang pamilya pero di ba dapat problema nila yun.

Sabi nila maliit lang naman daw 20k lang naman ang hinihiram, maryosep! 10 hrs/ 6days a week ko pinaghihilahudan dito para kumita , once a month akong lumalakad sa 1.3 km na 22 meters below the ground n tunnel para kitahin ko kung ano mang sinusuweldo ko ngaun. nginig tuhod ng 2 araw tuwing nagtratracking ako ng mrt project dito.

I told my hubby bakit tayo nagsasakripisyo andito na malayo sa anak natin para ifund ang future ng anak natin at hindi ifund ang kaginhawahan ng iba.

sabi ko sa asawa ko bakit di niya (sister niya) magtry lumabas ng bansa kahit atleast 2 years para makumpleto bahay nila, di daw kaya iwanan mga anak. Anak ng pusa di kaya kami n lang magsakripisyo para mautangan nila, utang n ilista mo sa hangin.

minsan sarap na lang umuwi at mag stay sa comfort zone tulad nila.

pacensya uli wala masabihan e.
Logged

ea_brea

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 408
  • don't be afraid to dream a little bigger, darling
    • View Profile
    • La Mer de Reve
Re: Relatives think OFW got lot's of money
« Reply #16 on: April 13, 2012, 05:14:40 pm »

mommykay, cheer up! you have every right to be madamot to your in-laws, dahil pinaghirapan mo ang perang hinihingi nila. sobra naman ang dream house nila pati perang pampagawa parang napaginipan lang din nila, walang ka-effort effort! talk with your husband, hindi naman pwede na kada hingi nila e magbibigay kayo. it's alright to be selfish basta within reason. :)

mommykay

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 304
    • View Profile
Re: Relatives think OFW got lot's of money
« Reply #17 on: April 14, 2012, 12:23:04 pm »

@ea_brea
thank you sis, infairness kay hubby kinu-consider naman niya decision ko, naka-hold ang wish  ;) . ewan ko b sis si SIL nahihiya makisama sa in-laws niya pero di siya nahihiya sa akin  ::)
« Last Edit: April 15, 2012, 01:39:24 am by toughmom »
Logged

CIB

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 320
  • Life ain't Life Without Danreb and Lila...
    • View Profile
Re: Relatives think OFW got lot's of money
« Reply #18 on: April 14, 2012, 05:15:36 pm »

Nalungkot naman ako dun sa "sando"  :'(

  Nakakadurog ng puso dahil I used to do that kay hubby. Kada uuwi sa pinas yung kuya ko or pamangkin ko twing sembrek vacation sa Dubai yung huling sando or shirt  na hinubad ni hubby "binabalot" niya for me. Iniiyakan ko katabi sa gabi kasi sobrang miss mo na tas iko-kuntento mo sa sarili mo na kahit yung amoy na lang muna.

Naranasan ko rin na tipidin yung sarili ko sa pagkain. Usually 2 weeks bago sumahod on diet na ako. Breakfast/lunch ay noodles then tuna or hotdog for dinner dahil may nagtext sa pinas na kailangan namin ng ganitong halaga. Yung maalat na noodles lalong umaalat dahil humahalo na pati luha ko  ;D Pag naiisip ko na "Ano bang ginagawa ko sa pesteng lugar na ito?" pag sinasamahan ako ng homesick. Kaya I swear hanggang ngayon ayoko pa rin kumain ng pulang hotdog 4 years after. Pleassse! Amoy pa lang ng instant noodles talaga nagrereklamo na yung tyan ko.

Akala nila ganun lang kadali. Pag nag text pa expected ora mismo rin. As in agad-agad! As in kailangan mo pang ipaliwanag na sa katapusan pa ang sahod pag nag overseas call ka na.  At alam nyo rin ba na yung hinihingi nyong pera eh isang bwang halaga kong sahod? Pwedeng magtira para naman may pangkain ako? Kahit pangkain ko lang? Pero siempre hindi ko naman mai-voice-out. Lalo na pag narinig ko yung mga mga pamangkin kong tinatawag ako na "Nay-nay! Nay-nay!"   ;D

Kaya nga ang pangaral ni kuya always give lang half of what they want. Wag mo ibibigay lahat. Magtira para sa sarili. OFW ako for 2 years. Umuwi ako walang ipon. Well siguro mga 40% lang nung dapat. Hindi naman ako nagsisisi. I guess mahal ko lang din talaga sila. Pero the next time siempre I know I'll do better  :D
Logged
Love is like handing someone a gun, having them point in your heart and trusting them not to pull the trigger - SpongeBob

chester

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 321
    • View Profile
Re: Relatives think OFW got lot's of money
« Reply #19 on: April 16, 2012, 02:28:36 pm »

@mommykay: sorry to hear that sis. iba talaga culture ng pinoy. hindi naman lahat pero karamihan ganon. minsan kailangang maging bato ang puso para matuto ang ibang tao. minsan din kasi kahit ipaliwanag na sa iba na hindi pinupulot ang pera eh feeling nila ikaw pa masama ugali pag hindi naibigay
Logged

mamacharis

  • Guest
Re: Relatives think OFW got lot's of money
« Reply #20 on: April 16, 2012, 04:35:18 pm »

may kwento rin ako narinig hindi ko na lang sasabihin kung ano connection ko sa kanila. \

Nasa U.S siya maganda naman ang work kaso  yung sister niya dito sa pinas nawalan ng work eh mataas ang lifestyle. private school 2 anak, ang ilaw ay pumapalo ng 7k/ month 13k ang rent sa apartment etc etc. kulang ang 50k per month to think na walang work yun ha pati asawa.

dumating yung time xmas pati pang regalo 5k daw pangreregalo sa mga friends hinihingi na. ay sows napapailing ako habang naririnig ko ang kwento na yan.

pinakamatindi ilang years din na ganyan at till now ganun pa din.. hindi din siguro matiis nung kapatid kaya pinapadalhan ang problema habang tumatagal nawawalan na ng gana kasi parang nang g*g* na lang daw. for example pay tuition pag pinadalahan naman hindi babayaran. tapos after a month hihingi ng pang tuition uli pag tinanong kung bakit hindi binayad ang isasagot ay pinang bayad ng bahay etc.

ako ang naiinis kasi hindi tama. to think na yung hinihingian niya ay may sariling pamilya na rin. aba mataas ang cost of living sa ibang bansa tapos nagbabayad pa sila ng amortization sa bahay nila dun. yung mga taong ganyan pag hindi naiwasan mahihila ka pababa eh.

eto pa pag magpapadala ng box pag xmas tatanungin kami , kami ng asawa ko hindi na nagsasabi kasi nga nakakahiya laging ganun. aba sila mga branded shoes etc ako ok na ko makasinghot ng toblerone na may amoy ng america eh. hehe!  nakita ko reaction nung nakita yung bag niya na ninewest ang brand ang comment ba naman PWEDE NA. sa isip isip ko mahal kaya ng ninewest tapos sasabihing pwede na? WOW



Logged

swtgrl_bee

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 516
    • View Profile
Re: Relatives think OFW got lot's of money
« Reply #21 on: May 11, 2012, 09:41:27 am »

Naku sa family namin walang OFW, I mean sa immediate family namin, pero may mga Tita akong nasa ibang bansa, inis na inis ako sa ibang kamag anak kong kung makahingi sa kanila akala wala ng bukas :( May mga trabaho naman dito sa Pinas. Umuwi Tita ko from UK kasama yung anak niya na halos kasing edad ng anak ko, naku nakakalungkot kasi yung mga damit nila as in UKAY din. Kasi lalakihan naman daw, hindi ata alam ng mga kamag anak namin na ganun ang nangyayari, hindi kasi nag NO Tita ko, I guess most of OFWs na kamag anak hindi makapag NO :( Kaya sobrang na appreciate ko talaga Mama ko, kasi siya talaga ang nanglilibre sa mga lakad nung andito Tita ko, ang sabi niya "Pamasahe palang nila eh mahal na..." Yung iba nakakainis lalo na kapag uuwi ang OFW akala ata nila limpak limpak na salapi ang kinikita/baon, kung makapagpalibre wagas, dapat nga rule of thumb since umuwi sila dito at mahal na ang pamasahe wag ng pagastusin :D
Logged
xoxo B1B2 :))

swtgrl_bee

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 516
    • View Profile
Re: Relatives think OFW got lot's of money
« Reply #22 on: May 11, 2012, 09:53:49 am »

Dito ako sa office nagrereply, buti avail. Naiiyak ako sa mga kwento niyo :( Naalala ko talaga ang Tita ko, nagkasakit asawa niya ni hindi man lang nagsabi dito sa Pinas :( Sila lang dun tatlo mag anak, grabe din ang lakad at byahe sa araw araw. Naku, tapos yung ibang humihingi eh nagpapaka enjoy lang dito. Sana magbago ang tingin ng ibang kamag anak na may OFW, seriously mahirap ang buhay sa ibang bansa.
Logged
xoxo B1B2 :))

buuurp

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 669
    • View Profile
Re: Relatives think OFW got lot's of money
« Reply #23 on: May 16, 2012, 02:22:57 pm »

wah nakakalungkot naman yung experience mo CIB, iba na tuloy ang tingin ko sa instant noodles. What you experienced definitely made you stronger! :)
Logged

Sometimes, its not that people change…you just find out who they really are.

CIB

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 320
  • Life ain't Life Without Danreb and Lila...
    • View Profile
Re: Relatives think OFW got lot's of money
« Reply #24 on: May 19, 2012, 11:41:50 am »

@buuurp
 :) Lahat ng klase ng instant noodles natikman ko. Promise! Actually nahawa lang din ako dun sa kasama ko sa bahay na mas sad yung buhay kesa sa akin. Yun lang din kasi halos kinakain niya. Inabutan ko na syang ganun. Dahil bukod sa pinapadala niya sa pamilya niya sinasabay niya din yung naiwan nyang utang sa pinas na lagpas hundred thousand. Plus tubo! Imagine!? Naalala ko nauna syang umuwi sa akin ang ipon niya sa 3 years. 30thou pesos lang. Lahat ng chocolate nyang bitbit ambag lang lahat ng kasama namin. Inulan sya dahil lahat kami talaga ayaw na syang pagastusin.  Sa pinas niya na lang daw bibilihan ng pasalubong yung pamilya niya. Kaya talagang iyak ako nung umuwi sya. Imagine how much courage kung paano niya haharapin yung pamilya niya?

Kaya ang hirap. Medyo mahihirapan kang maintindihan unless naranasan mo. Kaya don't be too hard sa mga taong galing abroad tapos uuwi walang naipon. Kasi hindi nyo alam kung ano yung mga pinagdaanan nila makapag-padala lang ng mas malaking pera sa pamilya nila sa pinas. Tapos yung mga andito kung gumastos parang papel lang na sinisindihan yung pera.

Naiyak tuloy ako  :'( Naalala ko si friend. Nasa mas naging maganda yung buhay niya. Kung nasan man sya ngayon.
Logged
Love is like handing someone a gun, having them point in your heart and trusting them not to pull the trigger - SpongeBob

buuurp

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 669
    • View Profile
Re: Relatives think OFW got lot's of money
« Reply #25 on: May 20, 2012, 07:42:42 am »

:( ang lungkot naman nun, kaya nga minsan di ko alam mararamdaman ko kapag nakakarinig ako ng stories na hingi sila ng padala sa kamaganak nila or something, di nalang ako umiimik kasi di talaga ako lumaki sa hingi ng pasalubong or hingi ng padala... kaya tuloy nasasabihan ako ng madamot/cold ang culture kasi ganun kinalakihan ko eh... na yung mga cousins ko di rin sila ganun, kaya tuloy sa ILs ko ngayon napapailing nalang ako, magoouting... hingi daw pangouting dun sa nasa barko or abroad :( or kunwari may gusto bilhin na luho like cellphone etc... di nila alam yun hinihingan nila baka noodles lang ang kinakain makapagpadala lang.. kapag di nagpadala sabihin madamot.. :(
Logged

Sometimes, its not that people change…you just find out who they really are.

CIB

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 320
  • Life ain't Life Without Danreb and Lila...
    • View Profile
Re: Relatives think OFW got lot's of money
« Reply #26 on: May 20, 2012, 03:54:48 pm »

Nakakalungkot din yun talaga. May mga nagpapa-dagdag talaga ng padala kesyo dagdag daw sa pinampa- doctor last week. Nagpa-hospital last week si ganito, si ganyan. Kung pwede dagdagan tapos X2 nung naging bill. O kaya yung may mga pinapa-aral na 100% yung nagiging patong pag naghingi na. Tapos yun nga, ipambibili lang ng luho dito sa pinas.  Pampa-upgrade ng cp or pampa-rebond ng buhok  :o Sana naiisip nila kung ilang oras na OT yung binuno nung hiningian. Bukod sa tinitipid yung sarili sa pagkain. When I was abroad I tried working 14 hrs to 16 hrs (normal yung 12 hrs) a day pero hindi ko kinakaya. 3 days lang sumusuko na ako. Pero yung mga pamilyadong tao na pinapatulan talaga. Apa't o limang beses isang linggo. Isa rin sa rason nila Para pagod na pagod na pag-uwi ng bahay. Hindi mo na maiisip ma-homesick. Kasi matutulog ka na lang.

Masakit masabihan ng madamot kaya. Yung halos ibigay mo na lahat tapos isa, dalawang beses di ka makapagbigay nung eksaktong hinihingi ganun na iisipin sa iyo. Hindi naman sa akin pero sa kuya ko to naririnig nung magkasama pa kami. Dati nung hindi ko pa alam paano maging OFW may ganung mentalidad din ako. Pero nung naranasan ko nag-iba yung tingin ko sa kanya. Sa mga OFW nga. Lalo na sa mga nanay na OFW. Totoong-totoo yung pelikula ni Ate Vi nung nag-dialogue sya kay claudine dun sa ANAK. Nung 2nd time ko sya napanood umiyak ako talaga. Kasi nung una hindi. May 2 nanay akong kasama sa bahay dati na talagang minahal ko kahit mas matanda ako sa kanila. Totoo yung niyayakap at hinahalikan yung mga laruan at tsokolate pag ilalagay mo na sa balikbayan box. Na kahit dun man lang mayayakap din nila yung anak nila. Tapos araw araw mong tatawagan kahit 5mins lang. Kakausapin ng kakausapin kahit hindi pa talaga nakakapagsalita yung bata. Hahandaan mo pag birthday kahit hindi mo kasama. Nung hindi pa ako nanay nadudurog na ako nakikita ko pa lang sila. Kaya nung naging nanay na ako dun ko na-realize grabe pala talaga yung nararanasan nila.

Kaya malaking bagay talaga yung kahit isa o dalawang text lang galing dito sa pinas araw-araw. Na naaalala sila araw-araw or kahit email. Hindi yung naaalala lang sila pag malapit ng magkatapusan lalo na pag may kailangan kang hingiin.
Logged
Love is like handing someone a gun, having them point in your heart and trusting them not to pull the trigger - SpongeBob

mum_06

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 188
  • you're my greatest achievement.love you both!!!
    • View Profile
Re: Relatives think OFW got lot's of money
« Reply #27 on: May 21, 2012, 08:53:48 am »

Mommies,nakakalungkot talaga stories ng OFWs..:)
kakabalik lang namin from Pinas,bakasyon kami dun,aba
ang dami ka ng marinig kung di mo sila mabisita at di abutan ng pera.
kahit dito pa kami,daming ngtititxt na mangutang,eto naman si hubby
madali din hiraman kasi naaawa at may promise naman na mgbyad pero until now
walang nagbyad na kahit isa.meron pa na ilang beses mo na tinanggihan,hihirit pa lagi.
ang nakakahiya lang kay hubby halos sa side ko ang nangutang na dati walang
pakialam sa amin.yong kapatid naman ni hubby na seaman nghiram din kasi pagawa
ng haws nila,buti nga sila may haws na,kami ni plano wala pa....

    ang malungkot pa ngayon at talagang sumasakit dibdib ko ko sa mama ko.
ayaw ko sana na mapalayo loob ko sa kanya pero sya tong hindi nakakaintindi sa amin :(
bingyan na namin sya ng negosyo pero lagi na lang ubos ang capital at ilang
beses na namin bingyan pero wala pa rin...kung pgsabihan pa sya,kung ano2x pa sasabihin niya :(
gusto ni hubby na bigyan ng leksyon kasi umaasa lang talaga...di ko alam kung makaya ko ba lalo na
stop na ako sa work ko ngayon at si hubby under work compensation pa...

bakit ganun ang mama ko? ni hindi nga niya kami nbigyan ng magandang future tapos
nakadepende pa sya lahat sa amin....na kami na ngpapaaral sa ibang kapatid ko..ipagtsismisan niya pa
kami kung di sya mapadalhan o pinadaan ko sa kapatid ko ang padala ko eh kasi naman kung sya
may hawak ng pera isang iglap lang ubos na...kung makahingin pa akala mo minuto dyn lang sa kabilang bahay.
may paiyak-iyak pa....:(
Logged
:) In God we trust :)

momi95

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 50
    • View Profile
Re: Relatives think OFW got lot's of money
« Reply #28 on: June 01, 2012, 07:07:31 am »

Grabe talaga... after reading lahat ng mga experiences nyo mga mommies, parang isa lang ang epekto sa atin ng mga ito. Siguro nasa sistema na talaga ng mga naiiwan Pinas na kapag me nag-aabroad, akala nila e atm ang mga bulsa ng kamag-anak nila. Bukod sa financial, grabe din sila magbigay ng problema sa atin sa abroad.

Sana lang naiisip din nila na mas nagaalala tayo kapag malayo tayo sa kanila. Pero kapag masaya siguro ang mga pangyayari sa kanila, nakakalimutan nilang iparating sa atin....

Huwag kayo mag-alala mommies... di lang kayo ang me ganyang nararamdaman.... 
Logged

2gud4u

  • Newbie
  • *
  • Posts: 39
    • View Profile
Re: Relatives think OFW got lot's of money
« Reply #29 on: June 22, 2012, 10:23:08 pm »

i can relate to your story mum_06 ganyan din nanay ko binigyan na namin ni hubby noon ng pera pangpuhunan and pambayad sa utang pero hindi pa rin daw sapat binayad niya daw lahat sa utang, ang point namin sana pinaikot niya yung pera, tapos lagi kinakatwiran lugi daw sa negosyo kesyo matumal daw, naaalala ako pag kailangan ng pera.after nun hindi na ako matext.dumating pa sa point na humihingi ng passport copy at visa copy ko para makapagloan sya sa OWWA ng 100k nung sinabi ko kay hubby hindi sya pumayag kasi baka hindi mabayaran mahold ako sa immigration.tiniis ko talaga kahit masakit sa akin para matuto sya, ngayon nakakalungkot kasi kahit isang text wala ako matanggap galing sa kanya or kahit miscall man lang.
Logged
Pages: 1 [2] 3
 

Close