embed embed2

Parent Chat

Advanced search  

News:

watch now
Pages: 1 2 [3]

Author Topic: Relatives think OFW got lot's of money  (Read 34800 times)

simplengmisis

  • Newbie
  • *
  • Posts: 44
    • View Profile
Re: Relatives think OFW got lot's of money
« Reply #30 on: July 25, 2012, 01:54:46 pm »

Ay naku, nagpadala aku nuon ng malaking pira sa kapatid ku para bayaran yung hinuhulugan ko sa prudential. Gustu ku sana maipun ko yung mga kinikita ku nung OFW pa aku. Hindi niya binayaran yung prudential, hindi niya sinabi sa akin, hindi ko namalayan na matagal nang namatay yung acount ko sa prudential dahil sa hindi pagbayad. Hindi ku na naisalba kahit porsyentu lang yung malaking halagang naipun ko, hindi ko na rin maipagpatuloy yung plan ku.
Malaking halaga yung nawala sa akin at ang laki din ng galit ku sa kapatid ku dahil ginamit niya yung pira. Ang gustu niya intindihin ku na marami syang anak na binubuhay. BAKIT, SINU BANG MAY KASALANAN NA ANAK siya NG ANAK?

Ngayun, napawi na galit ku kasi bumagsak ang prudential. Kung naipagpatuloy ku ang hulog ko, malamang mas malaki ang pira na mawawala sa akin.
Logged

❤Xian&Mam ❤

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 578
  • choco lover.impulsive shopper. mother.wifey;)
    • View Profile
Re: Relatives think OFW got lot's of money
« Reply #31 on: July 29, 2012, 12:29:51 am »

naku halos talaga lahat ganun eh noh!
yun bang akala nila namumulot kalang ng pera sa abroad.
yun ngang pinsan ni hubby kung makahingi yung pamilya
sunod-sunod,kasi papadala pa sya sa asawa at anak niya,papadala
pa sya para sa pag-aaral ng sis niya,taz hihingi pa parents niya na sa kanya
rin nakatira lahat,nagrerent lang sila ng house lahat ng room naka aircon
si wifey naman lagi nasa parlor,taz lagi latest yung gadget
kasi lagi nagpaparinig sa FB kesyo ganito,ganun!
kung alam lang nila di na kumakain halos yung asawa niya dito,di na bumibili ng kahit ano para magkasya lang lahat sa kanila sahod niya,sabi pa nga ng pinsan ni hubby nung nakakwentohan ko...gusto niya na daw umiiyak
dahil di niya daw alam san kukuha ng perang ipapadala...haaayyy...buhay OFW!
Logged
Being a mom is a full-time job
 with very few breaks, but it's the best job ever cuz
 I get paid with hugs and kisses!

mum_06

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 188
  • you're my greatest achievement.love you both!!!
    • View Profile
Re: Relatives think OFW got lot's of money
« Reply #32 on: August 07, 2012, 09:31:58 am »

@ummkareem....ang hirap di ba? until now di pa ako tumawag dun sa kanila
since holiday  namin last May..masama lang kasi sa loob na tumutulong ka na nga,
pipigain ka pa..gusto ko lang sana magtulungan kami eh,di yong lahat iasa na lang.
kahit txt nga rin di na sila makasend sa amin..di na din naaalala...
tanda ko pa,once mgpadala pa ng pera,di man lang makatxt kung nakuha na ba nila.
ikaw pa mghihirap kontak sa kanila kung nakuha na ba o hindi :(
Logged
:) In God we trust :)

2gud4u

  • Newbie
  • *
  • Posts: 39
    • View Profile
Re: Relatives think OFW got lot's of money
« Reply #33 on: September 02, 2012, 03:27:27 am »

yes sis mum_06 kaya hindi ako nagpapadala kahit humingi ng tulong ayaw ko muna pinipilit ko tiisin.magtetext lang sa akin sasabihin tawag ka nga tapos pag tumawag pera pala kailangan samantalang pag wala kailangan hindi man lang makakumusta

Reply to post a comment
« Last Edit: June 14, 2021, 04:31:49 pm by Parentchat Admin »
Logged

Katie

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 395
    • View Profile
Re: Relatives think OFW got lot's of money
« Reply #34 on: November 26, 2012, 01:50:56 am »

Nakakaiyak... :(

Yung tita ko na pumunta ng US, she went back for a avaction dito sa Pinas after 3 years of working there. Pagdating niya dito, yung sister nyang taga Bataan at mga anak, grabe kung magselos sa amin ng pinsan ko. Kesho daw unfair daw yung treament sa kanila na kesho halatang halat daw kung sino ang favorites..mygod, kung may mga pasalubong man sa amin ng pinsan ko, hindi naman namin yun dinemand sa tita ko, sila nga yung halos lahat nalang damputin sa dutyfree, na parang kulang pa yata yung isang cart ng groceries sa kanila. tas nung paalis na yung tita ko pabalik, hindi na sila naghatid, bahala na daw na walang communtication..so after mong makuha ang loot, ganun ganun nalang? Grabeh...
Logged

sangolko

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 160
    • View Profile
Re: Relatives think OFW got lot's of money
« Reply #35 on: December 12, 2012, 02:26:32 pm »

Sobrang relate naman ako. OFW ako nung single ako at totoo family/relatives think na ang dami ko pera kase daw maganda ang work ko. Lagi sila nageexpect na magpapadala ako ng malaking pera pantuition, budget sa bahay, panghanda, pampagawa ng house, pambili ng jeep pambili ng pampakain sa baboy, pandagdag ng puhunan, pambili ng mga bago kasangkapan na nakita sa kapitbahay at kung ano ano pa. Hindi nauubusan ng paggagamitan ng pera kase ang akala ng mga nasa pinas sinasalok lang ang pera sa abroad hindi nila alam na kelangan din natin ng pera para sa ating sarili at para sa rainy days. Tas paguwi ng pinas nagbigay ka na nga ng pasalubong my pintas pa at my inggitan pa. Nanjan n yung wala pa akong 24 hrs na nakakarating my relatives at kapitbahay na naguunahan na makita at makausap ako kase mangungutang para gamitin sa kung ano ano... Hayyyy bakit ganun akala ng karamihan basta OFW madaming pera,,,
Logged

greenstickman

  • Newbie
  • *
  • Posts: 6
    • View Profile
Re: Relatives think OFW got lot's of money
« Reply #36 on: May 08, 2014, 09:00:22 am »

Hello po mga mommies!

Mahirap po talagang malagay sa ganitong sitwasyon. Pero ang mabibigay ko pong payo sa mga kapwa ko magulang ay ang tamang pagba-buget at proper mind set sa mga pamilyang maiiwan natin sa Pinas. Ipaalam lang natin sa mga mahal natin sa buhay na hindi pinupulot ang pera sa ibang bansa at kung gaano ito kahirap kitain.
« Last Edit: May 12, 2014, 03:45:15 pm by toughmom »
Logged

lalaland

  • Newbie
  • *
  • Posts: 27
    • View Profile
Re: Relatives think OFW got lot's of money
« Reply #37 on: February 08, 2018, 01:26:56 pm »

Hindi ko sinabi sa pamilya ko ang totoong sweldo ko kaya akala nila maliit lang. Kaya ko pang magpadala ng malaki pero napayuhan ako na dapat may savings din ako. Ganun nga ginawa ko.
Logged
Pages: 1 2 [3]
 

Close