Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Pages: [1] 2

Author Topic: paano pag di mo feel friend ni hubby?  (Read 6765 times)

luk_resha

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 374
    • View Profile
paano pag di mo feel friend ni hubby?
« on: April 20, 2012, 01:10:17 pm »

babala: ang kwento ko po ay medyo mahaba  ;D

Recently na re-re-unite si hubby sa mga friends niya way back in high school - a mix of girl and boy. I have met some, mostly yung mga boys sa mga girls naman sa FB ko pa lang nakita/naka-chat (hubby and I share FB account btw). Last weekend kausap ni hubby yung isang girl na-ge-gets ko naman yung takbo ng conversation nila since nasa tabi ko lang naman si hubby habang nakikipag usap. The topic was a small get together so dapat ma-set asap mga ganon then request nila na isama din ako ni hubby and nag yes naman din si hubby. Pero sa isip isip ko kung saka sakali sasama ba ako?

Yes I haven't met the girls personally pero di ko talaga sila feel  ;D base sa kwento ni hubby 6 girls yun na kabarkada nila 4 ang separated sa husband (may mga kasal may live-in) the 2 others are single pero yung isa dun is engage na rin. So ayun yun pinaka-reason ko talaga kaya di ko sila feel. The other day ina-add ni hubby sa FB yung ibang friend nila tapos ayun nabanggit na naman niya na kamalas naman daw ng mga ka-batch niya na yun sinapit na kapalaran and ako naman nag maldita hindi naiwasang mag comment ng "nasa mga itsura naman din kasi nila" then napaisip ako na ops sorry foul yata nasabi ko  ;D baka ma-hurt si hubby dahil friend niya mga yun. E sinagot naman ako ni hubby na what made me think naman daw. The right term na gusto ko sabihin is (pardon mga sis sa term ko) "easy girl" pero dahil nga sa iniisip ko din naman feelings ni hubby kaya sabi ko na lang "basta ganun na yun". E humirit si hubby na kesyo daw mga Manila Girl daw na ganon lang daw sila tingnan pero matitino naman daw sila. Kaya hiniritan ko din sya na may matino ba na mag a-upload ng picture sa FB ng kuha sa may kusina katatapos lang maligo at nakatapi lang ng maliit na tuwalya in different angles? and the like... Kung ako ba ang mag gaganon seseryosohin ba niya ako na asawa niya? Ayun at the end of our argument napasabi na lang si hubby na "sabagay may pag ka-play girl nga din sila".

Hindi naman sa pang ja-judge sakanila especially na hindi ko pa sila kilala pero yun na kasi yung naitatak na impression ko sakanila lalo at hindi lang naman isa sakanila imagine 4 of them ganun. Sabi ng kaluluwang bakla ko aba flocks of the same feather ito teh. Yung isa pa sakanila married yung naka-live-in. Yung pag sasalarawan nga ng mga matatanda dito sa opisina yung mga ganun daw yung hindi mo makakabitan ng mga salitang "wife material". Kagabi text sila ng text kay hubby nangungulit if kelan ba matutuloy take note mga sis "inuman" nila kaya ayun naiinis ako lalo  >:( mga ke-babaeng tao may mga anak hindi umayos at kumilos sa naayos  ::) somehow worried din ako na baka BI sila sa hubby ko pag nagsasasama sakanila si hubby.


Logged

luk_resha

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 374
    • View Profile
Re: paano pag di mo feel friend ni hubby?
« Reply #1 on: April 20, 2012, 01:50:25 pm »

^clap clap clap sayo sis... i would want to do that to hubby yung prangkahin sya na hindi ok mga friends niya sakin pero worried din ako kahit paano kasi minsan may ugali si hubby na hindi umaayon sa pananaw ko parang nakikinita ko na baka sasabihan lang ako ni hubby na umandar na naman pagka-paranoid ko o di naman kaya sasabihin na nag seselos lang ako or worst baka aayon nga sya sa gusto ko pero at my back e go go go pa rin sya sa pakikisama sa kanila ayoko naman yung mag lilihim sya.
Logged

♥♥♥ RXmom ♥♥♥

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 392
  • I am your angel
    • View Profile
Re: paano pag di mo feel friend ni hubby?
« Reply #2 on: April 20, 2012, 04:14:48 pm »

pov ko lang sis..

for me i guess you need to trust your husband.. bakit ba hubby ko mga kaibigan niya sa bumbero mga babaero
at minsan inaaya pa sya magpunta sa club but for me okay lang coz i trust him.. minsan nga ako pa nagbibiro sa kanya na pumunta
sya but well sadyang mabait ang aking mahal na asawa at ayaw niya magpunta sa mga ganon klaseng lugar.

hindi din natin alam ang naging relationship ng mga kaibigan nyang babae to judge them.. hindi naman porke pala gimik or
umiinom ka  eh masama ka ng ina or hindi ka na mabuting babae. about naman dun sa pic sa fb.. siguro nagseek ng attention or  rebelde
sa nangyari sa buhay niya or walang tamang tao na nag guide sa kanila.

anyways about sa inyong dalawang mag-asawa naman hope you trust him.. remember kaibigan niya na yun before kayo
maging mag-asawa tska sinasama ka naman nila sa lakad  so their trying to reach you & make friends with you but ikaw ang
lumalayo. why not try mo mag-observe & try to know them sometimes yung mga taong ganon may malaking problem and they don't
know how to deal with it or dun sa pag-inom nila narerelease yung problema nila. may mga babae kasi na mostly ng friends
eh lalaki but it doesn't mean na flirt na sila.. mas comfortable lang sila with guys.

hope hindi ka magalit sa reply ko.. minsan kasi nagiging over protective tyo sa taong mahal natin na hindi naman dapat. okay lang
magworry ka but wag kang gagawa ng sarili mong multo na maging cause ng away nyo.

basta may advice.. just trust him! may sarili syang isip at alam niya na ang tama sa mali :D
Logged
GOD is good all the time

rozzy

  • Global Moderator
  • Sr. Member
  • *****
  • Posts: 479
  • Having own family is the BEST GIFT from GOD :)
    • View Profile
Re: paano pag di mo feel friend ni hubby?
« Reply #3 on: April 20, 2012, 05:13:37 pm »

In my own experience and feeling in terms of friends ni hubby, I can say na mas kampante ako kung kakilala ko rin yung mga friends nyang sinasamahan. I rely on my hubby's stories about his officemates. Pag nalaman ko may labas sila ng mga ka-officemates niya, alam ko na kung sino yung pasaway sa group nila at yung matitino. Halos araw araw kasi nagku-kwento si hubby about his officemates. Parang ako about my officemates naman.

Pag ang kasama naman niya eh mga college friends niya, mas OK sakin kasi nga kakilala ko rin sila. And hindi sila yung tipong maglasing ng todo or maging bad influence kay hubby. May times na ako rin mag-initiate na magsabi sa hubby ko na sumama sa kanila...

Need talaga ng trust between the couples pero syempre to avoid unnecessary situations, maganda na honest din tayo to our partner regarding our own feelings about their friends. May mga rason naman tayo to tell why we don't like that group of friends nila. At least alam nila reason behind our comments.
Logged
"It is not good for a man to live alone, I will make a helper suitable for him" Genesis 2:18

Parent Chat Community Rules

luk_resha

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 374
    • View Profile
Re: paano pag di mo feel friend ni hubby?
« Reply #4 on: April 20, 2012, 05:24:32 pm »

^^thanks sis I get your point naman. As what I have said that is my impression basing sa mga shared stories sakin ni hubby about them. Hindi ko lang maintindihan talaga yung mga tipo ng babae na imbes ayusin ang sarili e iba ang ginagawa and for what? in order to seek for attention lalo pa at may mga anak naman sila na definitely tamang pag buhusan ng tamang oras at panahon.

Mag share ako "some" of their story (na syempre base sa kwento sakin ni hubby) para naman you know what I am coming from. One time nag hahanap ng katulong yung isa kasi daw napapansin niya na "napapadalas" na may sugat o kaya may pasa yung anak niya only to find out later on na pag wala pa sya sa bahay at hindi makauwi yung kasama nila (stay out si kasama) pinag bubuntunan ng galit yung anak niya kasi nga naman hindi maiwan nung kasama yung bata ng mag isa sa bahay tapos late naman umuwi yung nanay kesa dun sa napag usapan nila considering na day shift naman work ng nanay. If malinaw ang isip nung particular na friend na eto alam niya sana priority niya. Tapos yung isa naman sabi ni hubby nahuli daw nung ka-live-in gumagamit drugs kaya ayun iniwan. Those sort of things sis. Promise mga ganyan story nila and gaya nga ng nasabi ko ng una kay hubby na rin galing na may pagka-play girl nga din sila. Hindi naman siguro basta basta lang ang mga kwento na ganito para hindi pa rin ako makapag isip ng sarili kong impression towards then right?

Andun na ako sa kaibigan niya sila before we got married I personally acknowledge that sis yun nga ang pumipigil sakin kaya hindi ko direct na nasasabi kay hubby yung gusto ko iparating but when an old friend turned out to be a friend who doesn't know how to care for her own self and to what is left to her, I am not a wife who will just stood still at hayaan na malagay sa alanganin ang asawa. Kung for the sake of pinagsamahan din lang they are no longer the same friends na nakilala niya before niya ko naasawa. I do trust my husband but not this kind of people, sa field of work namin one thing I am sure of is I should not give them the "opportunity "  ;)
Logged

ysLim

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 620
    • View Profile
Re: paano pag di mo feel friend ni hubby?
« Reply #5 on: April 21, 2012, 06:50:55 am »

 
Pero sa isip isip ko kung saka sakali sasama ba ako?


hi sis. sa tingin ko dapat sumama ka para maobserbahan mo sila and makita mo personally how they act in front of your husband. tsaka better not say negative things about your hubby's friends if you know that it'll hurt his ego. but if it turns out na flirt talaga sila kahit andun ka, let your husband know na hindi ka comfortable sa mga ginagawa nila or you can say it to them directly so they'll know their place.

pero samin naman ni hubby sinasabi ko talaga if i don't like his friends. at ganun din sya when it comes to my friends and we don't take it against each other.
Logged

♥♥♥ RXmom ♥♥♥

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 392
  • I am your angel
    • View Profile
Re: paano pag di mo feel friend ni hubby?
« Reply #6 on: April 21, 2012, 11:56:57 am »

ah ok sis.. may mga tao talaga mabagal processing ng utak.. lol! what i mean late bloomer ba.. na
hindi oa naaalis sa systema nila yung gumimik at may anak. kelangan nila din siguro ng taong
magermon sa kanila at pukpukin kung ano ang dapat gawin.

basta hayaan mo muna makipagkita si hubby kahit once at sumama ka then observe ka lang sa
mga kilos at kwento nila that's the time you decide and tell your hubby about how you feel about
sa friends niya.. atleast you try makipagfriends pero hindi mo talaga feel kamo.. hindi pa sasama
loob ni hubby if ever coz makita niya na nakisama ka naman.

always remind your husband na you trust him but yung mga kasama niya lang ang hindi mo
pinagkakatiwalaan. hehe
Logged
GOD is good all the time

luk_resha

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 374
    • View Profile
Re: paano pag di mo feel friend ni hubby?
« Reply #7 on: April 23, 2012, 10:13:47 am »

so far hindi matuloy tuloy pag kikita kita nila kaya happy ako  ;D palibhasa may kanya kanya na rin naman kasi silang pinag kakaabalahan ang lagi lang nangungulit now sa text at PM sa FB e yung isa na "bakante" ayon na rin sa own description niya sa sarili niya sa PM niya sa FB namin bakante daw sa love life, bakante sa work at bakante sa pagiging ina... o di ba panalo ang ale saan ka pa...
Logged

ysLim

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 620
    • View Profile
Re: paano pag di mo feel friend ni hubby?
« Reply #8 on: April 23, 2012, 10:23:00 am »

^ hahaha. nakakarelate ako sa happy feeling kapag hindi natutuloy ang gimik/inuman ni hubby with friends i don't like.  ;)
Logged

luk_resha

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 374
    • View Profile
Re: paano pag di mo feel friend ni hubby?
« Reply #9 on: April 23, 2012, 10:59:17 am »

hihi apir tayo sis  ;D
Logged

chococream

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 574
  • without you life is without meaning baby
    • View Profile
    • Online Store
Re: paano pag di mo feel friend ni hubby?
« Reply #10 on: April 23, 2012, 11:11:31 am »

join in ako sa apir sis,  pa lihim akong nagsmile pag ganyan agn nangyayari. hahaha sana tuloy tuloy nalang ang inuman ni hubby na dito lang sa bahay with friends na alam kong good influence.

and tama talaga ang sis natin, its not that we dont trust ang husband natin, its just that hindi natin ganun ka kilala ang mga taong pinapaligiran sya at that moment. normal lang for me na hindi sila pagkatiwalaan. iba na yong nagiingat than kung kelan pa na accidente dun pa magiingat, wala ng kuenta diba.

Logged

♥♥♥ RXmom ♥♥♥

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 392
  • I am your angel
    • View Profile
Re: paano pag di mo feel friend ni hubby?
« Reply #11 on: April 24, 2012, 07:42:27 am »

so far hindi matuloy tuloy pag kikita kita nila kaya happy ako  ;D palibhasa may kanya kanya na rin naman kasi silang pinag kakaabalahan ang lagi lang nangungulit now sa text at PM sa FB e yung isa na "bakante" ayon na rin sa own description niya sa sarili niya sa PM niya sa FB namin bakante daw sa love life, bakante sa work at bakante sa pagiging ina... o di ba panalo ang ale saan ka pa...


haha! bakante pati utak kasi walang maisip na maganda rather maghanap ng work :D

buti ako walang problema sa asawa ko.. malabong ma-impluwensyahan kahit na gaano pa kababaero kasama niya. well matindi kasi paninindigan niya at love na love niya ako. hihi
Logged
GOD is good all the time

MommyPupu

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 50
    • View Profile
Re: paano pag di mo feel friend ni hubby?
« Reply #12 on: April 24, 2012, 08:48:02 am »

I can super relate. He has a friend na super dislike to death ko. reason behind, when we were in high school at alam niyang kami na, super influence sya para magkita lang ang ex at husband ko so tumatak talaga yun til now and I can't forgive him. So since close sya ni hubby, I allow him to be part of our entourage (but NOT Best MAN coz he's not the BEST, hehe).

Til now naasar ako pag nalala syang itext ni hubby!Btw, my hubby super knows how i hate his friend. >:(
Logged

LLLA

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 445
  • ♥♥♥cRazYwoRkiNgMoM♥♥♥
    • View Profile
    • lizloveslexidigiscrapbookplace
Re: paano pag di mo feel friend ni hubby?
« Reply #13 on: April 24, 2012, 08:50:25 am »

joining
-may mga barkada si Hubs na girls na di ko talaga feel since magBF-GF pa lang kami.
Deadma lang ako.. basta wag lang nila akong kantiin...  8)
Logged
♥♥♥ I just love my kids! ♥♥♥

luk_resha

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 374
    • View Profile
Re: paano pag di mo feel friend ni hubby?
« Reply #14 on: April 24, 2012, 09:54:52 am »

^basta wag lang kakantiin... tama sis  ;D
Logged
Pages: [1] 2