Im 16 weeks pregnant on my first..

I've had a total of 3 OBs na.. One from Muntinlupa, the next was from Pasig and now since I'm planning to move to taytay, syempre dun na rin ako manganganak.. Big help sakin tong forums sa site na to. Dito ako nagkaron ng mga idea since first time mom ako.
Now going back, third OB ko ay si Dra. Gatapia (dahil din dito sa forum). I just had my first check up with her last November 15, 2014 sa ospital niya sa Taytay Maternity and Child Care Clinic..
Please be reminded:
1. May numbering ang appointment, so punta kayo dun before 6am para magset up ng appointment. Ako dumating ako dun 6:30am tapos number 18 ako.. Nagsstart daw mag check up si Doc ng 8-9am.. Pero not to worry, in case malampasan ka (like what happened to me), bumalik ako ng mga past 2pm tapos nasa 30s na yung number, lumapit lang ako nurse tapos sinabi ko na number 18 ako, isiningit naman ako. Susundin naman parin yung number mo.
2. 150 ang check up. Ang maganda kasi yung sakin sa unang check up ko, may radiation free na ultrasound agad, so nakita ko yung baby ko tapos 150 lang total. Kasi nung first ultrasound ko sa muntinlupa, bilog bilog lang nakita ko. Ngayon may kamay, legs, muka at spinal cord na na pinakita. Nakakataba ng puso.
Ang maganda pa kay doktora, ang dami nyang info na binigay samin. tapos yung reseta niya eh may specific na brand ng gamot. Kasi nahihirapan talaga ako bumili sa drugstore ayaw ako pagbilhan ng ibang brand pag walang reseta. E generic name yung mga reseta sakin nung dalwa kong OB.
Tapos binigyan din kami ng booklet na babasahin na may kasama pang CD para pakinggan pampatalino sa baby.
Nagtanong na rin ako nung about sa admission.
Kapag nagprivate room ka, may magbabantay daw sayo sa loob na nurse para mag assist. So kung wala yung mga family members mo, may makakausap ka parin para di ka mabored.
Pag normal, eto yung tanda ko (tapos ibawas nyo nalang yung philhealth):
1. Ward: 6k
2. Private room (fan): 9k
3. Private room (aircon): 11k ata or 13k
*Standard lahat yan na 1 day lang, hindi ata nakakapag extend*
Pag cesarian nasa 26k ata.. Di ko tanda. Di ko masyado tiningnan kasi I dont want to attract it.
HOPE THIS HELPS!

Uupdate ako after ng next checkup ko which is Dec 12, 2014.