Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Pages: 1 [2]

Author Topic: Experience with Miracles and/or Divine Interventions  (Read 12412 times)

mami che

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 436
    • View Profile
Re: Experience with Miracles and/or Divine Interventions
« Reply #15 on: April 12, 2012, 02:42:04 am »

Joining mga sis  :)

I have 2 major (muntik) accident na naexperience but in those 2 incident, feeling ko may guardian angel talaga ako... God is really good.  ;)

One was nung college days ko. Natututo  pa lang ako to drive the car alone... While on the road, nahulog yung apple na nilagay ko sa harap ng car.. Ewan ko kung bakit pilit kong inaabot yung apple while driving... habang nakayuko ako (moving car), biglang kumabig yung manibela at the same time nakuha ko na yung apple. Pag angat ko, lulusob na pla sana yung car sa parang manhole/big canals - yung ginagawa ng maynilad... i stopped & looked around. Ang dami na palang nakatingin sa akin. Pero di ako natakot. Felt God's presence. Thankyou talaga ako ng thankyou kay God nun habang pauwi. 

2nd one was nung galing kami ng cagayan de oro with the project team 8yrs ago... Nagloko yung airplane na sinasakyan namin (CDO to manila) . Hindi kami mkalanding kaya paikot ikot kami sa ere sguro more than 30min yun para mag-ubos ng gas. I can see from the window na nagreready na mga policemen, firemen, medics sa landing area. may mga wang wang na rin... Everybody was panicking inside the plane. Mga nakasuot na sila ng life vest. Me, i just prayed silently... Ang sabi ko, "bahala na po kayo Lord sa amin... kung di po ako makasurvive, bahala npo kayo sa parents ko..." then i prayed the rosary. Bago ko matapos yung rosary, the plane attempted to land... and would you believe mga sis - it was the most quiet & smooth landing ive ever experienced... we all cried & hug each other kahit di kakilala... 'twas amazing experience really... Ang bait talaga ni Lord  :D
Logged
"Of all the rights of women, the greatest is to be a mother..."

FrankosMom

  • Newbie
  • *
  • Posts: 27
    • View Profile
Re: Experience with Miracles and/or Divine Interventions
« Reply #16 on: April 13, 2012, 01:19:18 am »

My father and his relatives have always been devotees of Quiapo Church’s Black Nazarene and I become one too. Here are some of His greatest works in my life. 

•   2001 - It started when I was in college freshman. I needed to get 1.0 in one of my subjects and I prayed for me to get this grade so I can still be in the Deans List, which I did.
•   Summer of 2004 - I prayed for my dream guy/husband; should be smarter than me and will love me for who I am. I asked for a sign: that I will take this guy to Quiapo Church to hear mass. April 2004 I met Aron. Then January 9 came (Feast of Black Nazarene) and I came with Aron who is now my husband. That’s when I remembered what I prayed for; He gave me Aron as his answer for my dream guy/husband.
•   2005 – When I finished college, I prayed that I want to work outside the country. After 2 years (2007) I flew to Shanghai to work. 
•   August 2011 – My Husband needed to get a US Visa to see his mother for the last time, who is dying from breast cancer. He was denied for a tourist visa in Shanghai where we used to live. So he went to Manila and applied again. I prayed the Black Nazarene Novena for my husband and son to get a visa. And they did. He granted my wish and my mother in law’s last wish to see his son and grandson.
•   January 2012 – Our work contract in Shanghai ended and I applied for a work in Beijing. I prayed the novena again and I am now working here in Beijing.
•   March 2012 - I was worried that I won’t be able to get a work visa so I prayed again the novena. Now, I have 1 year residence visa.

Because of His great miracles, I have always been a devotee to Black Nazarene. And whenever I prayed for something I always talk to him as if I’m talking to a friend, this makes me feel good and less worried. Also, I sometimes write my prayers/petitions in a post it so that I can remember my wishes, then when I checked them again that’s when I realized He answered my prayers.
Logged

jeebustrip

  • Newbie
  • *
  • Posts: 5
    • View Profile
Re: Experience with Miracles and/or Divine Interventions
« Reply #17 on: April 18, 2012, 10:01:16 am »

i love this thread!!

to be honest, i experience miracles everyday. siguro umabot na sa point that i see God everywhere. inside me, in my son, in my friends, strangers, plants, animals everything!

i'm amazed how things in this world just seem to fit into place and for me that is a miracle. di ba galing ng Diyos? dahil sa kanya possible yung technology, pagkain etc. isang example: yung radio mo. nakakarinig ng mga kanta gamit yung radio waves. nadiscover siya ng tao pero pano naging possible yun? isa lang explanation sakin eh: kasi yun ang gusto ni God. so yun. everything is a miracle for me.
Logged

mommyjanice

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 197
  • Life Is not fair, but it's still good
    • View Profile
Re: Experience with Miracles and/or Divine Interventions
« Reply #18 on: April 18, 2012, 10:54:29 am »

Minsan, pag may nagagawa akong kasalanan, Nahihiya talaga kaong magpray o magsimba..I admit, hindi ganun kalakas ang faith ko sa Kanya..Minsan,parang feeling ko, saka lang ako nagpraypray pag may kailangan o may problema ako...By the way here's one of the story na alam kong di niya kami pinabayaan..

Bagong Lipat lang kami sa bahay namin that time..5 months lang siguro si Inigo..Nung hapon na yun, naubusan kami ng tangke ng LPG>dahil la pa kami amsyadong kakilala, may nakita lang akong mga leaflets nung nagdedeliver ng tangke kaya I ordered 1. nagamit pa naman namin..

Until 12:00 in the midnight bigla na lang kami ginulantang ng sigaw ng kapatid ko habang kumakatok sa pinto ng kwarto namin..Yung tangke daw ng LPG, tumatagas.. At first, natulala muna kaming mag asawa bago pa kami tumakbo pababa..Ayun pala, ang lakas na ng singaw..A sin dun sa mag gitna ng tangke nanggagaling yung singaw.. Sa sobrang taranta namin, napatakbo kami sa labas..Di namin naisip na andun pa ang baby namin sa kwarto..Binalikan sya ng yaya, while ako, napatakbo sa may gate.. Maswerte kami kasi that time, may nag iinuman pa sa may kabilang kanto...Agad nilang pinatay lahat ng sigarilyo plus hinarang lahat ng dadaan..Nilabas nila yung tangke hanggang sa naubos yung singaw..

So habang hinihintay namin na magsubside yung amoy , nagkwento yung kapatid ko...Nagising na lang daw sya at parang may nagtulak sa kanya na bumababa. Binuksan niya yung ilaw then saka pa lang talagang nagising yung diwa niya nung naamoy yung tagas.. Dun pa lang sa pagbukas ng ilaw, pwede ng sumabog yung tangke kasi triggering device yung ilaw e...PEro maliwanag na gumawa ng paraan ang PAnginoon para mailigtas niya kami..KAsi sa suffocation pa lang, pwede na naming ikamatay yun...

Thank God talaga...

Logged
[Consider pursuing your dream like a 400 meter dash. Lock your eyes on the finish line; be aware of your competitors without taking your eyes off your goal. Kapag linga ka ng linga at lingon ng lingon, di ka pa nakakalahati, semplang na ang byuti mo. Pakialam mo sa takbo nila? Ayusin mo ang takbo mo

insensitive

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 893
  • i didn't know i was capable of feeling so much...
    • View Profile
Re: Experience with Miracles and/or Divine Interventions
« Reply #19 on: April 18, 2012, 11:15:41 am »

^sis janice alam ko yan hehe...naunang masunog ang bahay namin diba..remember, kaya tayo naging magkaibigan dahil dinamayan mo ako :D


ako naman everyday alam ko na mahal ako ng Diyos..ako ang laging nagkukulang sa kanya ;(

there are times na pag wala akong pera tapos wala na talaga matakbuhan, di ako masyado ngaalala kasi alam ko last minute bibigyan niya ako ng sagot..at hindi sya pumapalya hehe..may magbabayad ng utang although di nila alam na kailangan ko..im always thankful!
Logged

NanaylovesAJ

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 91
    • View Profile
Re: Experience with Miracles and/or Divine Interventions
« Reply #20 on: April 18, 2012, 11:58:05 am »

My husband and I got married after 5 years of gf/bf, after the wedding  we are so excited to have a child kaagad!! After a year of trying, we already consulted fertility doctors and all our lab tests are okay.. Everynight we pray together and attend mass every sunday.   Then I've heard about Father Fernando Suarez (healing priest), so we travel along to Batangas to attend a mass.. The experience was unexplainable, you feel that God and the Holy Spirit were present...... and then after a week  I was delayed only for 3 days,  yes its too early to take a pregnancy test... Im not expecting but im hoping and praying.. and whola!!! It's positive!!! We were so happy! God is really good
Logged

ilovekendra

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 105
  • my life. <3
    • View Profile
Re: Experience with Miracles and/or Divine Interventions
« Reply #21 on: April 26, 2012, 06:25:58 pm »

I will share mine mga Mommies!

That was February 21, 2012 to be exact. It was a day after my baby's 1st birthday. Eto ang kwento:

Last January kasi nagkaroon kami ng misunderstanding ng Nanay ko. That led us (my hubby, baby and I) to leave my Nanay's house. We didn't talk for a couple of months. We stayed at the house of my MIL. Totoo ang kasabihan na sobrang hirap makisama talaga (but that's not the issue).
Weeks after we left my Nanay's house, hindi pa rin kami nag-uusap ng Nanay ko. Then napagdesisyunan namin ni hubby na lumuwas ng Manila para maipakita naman namin sa kanya ang apo niya. Lumuwas kami ng Feb 19, then Feb 20 nagmall lang kami and we bought some stuffs for my baby as a gift to her.
We went back in the province Feb 21. Sobrang ayos lang ng pakiramdam ko noon. Pero nandoon yung sakit na dala ng mga sinabi sa akin ng Nanay ko, yung galit niya sa amin dala dala ko hanggang sa paguwi namin.
That time, nagtitinda po ako ng fishball, kwek kwek. Hindi po sa pagmamalaki mga Mommies, iniwan ko ang comfortable life ko dahil sa mga masasakit ng salita na naririnig ko sa nanay ko.
Kinagabihan ng Feb 21, maaga kaming natulog. Tapos ilang minuto lang, parang gising ako. Tapos kung ano ang posisyon nung natulog ako ganoon na ganoon doon sa panaginip ko. Yun pala binabangungot na ako. Sinasabi ko raw sa asawa ko na gisingin na ko, hindi niya ginagawa. To the point na hinahampas ko na raw ang ulo niya para gisingin niya ko. Ang masaklap pa nun mga Mommies, nasa side ko ang asawa ko tapos sa kabilang side ko may kung anong klase ng tao na para iniaabot niya sa akin ang palad niya. Sinasabi niya sa akin na "Halika na". Ginawa ko, nagdasal ako ng Our Father at ng Hail Mary kaso nandoon pa rin siya. Narinig ko na may kumalabog na pinto so inisip ko na baka yung kapatid ng asawa ko yun. Sinisigawan ko siya, sumagot naman siya ng OH. Pero yung sagot niya na yun pakiramdam ko sobrang layo niya.. Lumabas daw ako ng pinto, tapos may nakita akong isang bata sa lilikuan ko na aktong aakapin ang binti ko. (Kinikilabutan ako) Tapos nakita ko sa kadugtong na sala yung byenan ko at isa pang kapatid ng asawa ko. Umupo ako sa harap nila sabi ko gisingin nila ako pero hindi nila ako naririnig. Ayun, bigla na lang ako nagising. God is good talaga. Sa tingin ko ang nakatulong doon yung pag-pray ko sa kanya kahit I am grasping for breath na. Sobrang hirap ko noon. Nung nagising ako ayoko na matulog.
Logged
I am a MOM, and i'm proud of it!

mylittlegabriel

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 86
    • View Profile
Re: Experience with Miracles and/or Divine Interventions
« Reply #22 on: April 27, 2012, 12:12:51 am »

aaaww...i so love this thread..thank you MOmmy France..

yes it's true, madaming miracles ang binibigay ni LORD saten, minsan we just failed to recognized it..i super like yung sayo MOmmy France about your husband going to church, indeed what an answered prayer..galing talaga magwork ni LORD.. :)

madami din akong experience of miracles and divine interventions...share ko lang yung first time that I am looking for job after graduation..May pa grad namin, April naghahanap na halos lahat ng batchmate ko...being the panganay, I would want to help my family so super gusto ko ng magktrabaho...only to be disappointed kc that time mga classmate ko n kasi ko, puro call center ang pinupuntahan, that time parang simula palang mag-boom yung call center business sa pinas...inde un related sa course namin, IT kami, pero un ang gusto ng mga kaibigan ko, sama-sama naman ako and ang parang focus lang namin is to get a job..sobrang pressure kc dumating sa point (sometime July na, bale almost 4 months nako nag-aapply, lahat ng kasabayan ko, nakakuha n ng trabho, tpos ako prating regret letter nakukuha ko..i feel so down and disappointed of myself, plus the pressure and all, sobrang one time nag-iiyak talaga ako habang nagdadasal sa CR..I spoke with GOD with all the emotions I had that time, and I asked HIM to please help me kc I badly need a job, mapupudpod n yung pang-apply ko na shoes sa kakalakad sa ortigas at makati, wala padn..until came August, may tumawag saken..call center din but they're looking for an HR Information System Analyst, ininterview ako twice and voila! i got the job...ang miracle dun is first, GOD gave me a job just in time, second, they gave me my asking salary (much more than the neophyte call center agents that time), third, related sya sa course ko and I did loved my position. fourth, I got to work with good ppl, as in until now magkakaibigan padin kami and the best yung teamwork namin, uncomparable sa ibang naging job ko na sumunod. fifth, napunta ako sa HR dept wherein gustong gusto ako ng boss ko, tpos natututo pako ng madami in terms of being an HR generalist, an added knowledge for me kc after that job, halos pwede ndin ako mging HR  staff kahit IT ang background ko sa profession..and lastly (ito un pinaka-malupit dun eh, hehe), dun ko nakilala ang first bf ko, na ngaun eh asawa kona...a true man of GOD and a husband any wife could ask for...super blessed! ang galing ni LORD...kapag inisa-isa ko yung mga miracles na nkuha ko sa job na un, naisip ko paano nalang kung binigyan kaagd ako ni LORD ng work noon, eh di inde ko nakilala si hubby..mantakin mo yun, ahihi!! :)

truly GOD's intervention in our lives are so powerful, ili-lead ka niya sa kung saan niya plan for you..we need to just be an obeying sons and daughters to our FATHER's will..AMEN!!!  ;)
Logged

Mommy France

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 1644
  • Lucky to be loved by 2 boys
    • View Profile
Re: Experience with Miracles and/or Divine Interventions
« Reply #23 on: April 27, 2012, 09:19:33 am »

Glad you like the thread.
Yes, sometimes talaga kapag lahat ng nasa paligid natin parang nasisira we tend to be negative.
Nakakahawa talaga ang negativity at napaka-addicting naman ng self-pity.

Logged
I am not perfect but I try my best to make the most of what God gave me.
Bad things may happen to me, but I will always come out of it with my head up high. Why? Because I know that I did the things I can control the right way. And the things I can't control, I leave it up to God's will.

Mommy Jazz

  • Administrator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 3213
    • View Profile
    • Jazer Basan for Smart Parenting
Re: Experience with Miracles and/or Divine Interventions
« Reply #24 on: January 25, 2013, 02:36:12 pm »

Last Christmas, there was a delay on the money I'm expecting that I got depressed. Inisip ko magkulong nalang kaming magiina sa house (hubby was out of town) para iwas gastos. I thought of not attending any reunion para iwas gastos sa regalo.Huwag mag imbita ng bisita para iwas abot ng aginaldo. It's true na ang Christmas is not about malling or spending. It's remembering Christ's birth. But with the culture we have, hindi pwedeng hindi ka gumastos. Wala namang choice but to go out even if it bleeds my budget dry. I questioned God bakit ayaw niya kaming magcelebrate ng maluwag sa bday niya.
Siguro divine intervention nga yon. If I got my money soon, baka naubos ko lang agad. Maybe I was being prepared for something more important na paggagamitan ko ng pera ko.
Logged
Sumali sa mga usaping pang magulang. Magtanong at magbigay ng payo dito sa Parent Chat.
Pages: 1 [2]