Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Author Topic: I think my 2 y/o is Introvert... :'(  (Read 7744 times)

Blake

  • Guest
I think my 2 y/o is Introvert... :'(
« on: June 17, 2012, 06:30:16 pm »

Basahin sa Smart Parenting:
Your Child Might Be An Introvert If He Is Showing These 7 Signs

Click HERE.

photo by ISTOCK

Hello parents!  :)
i need advice kasi feeling ko introvert anak ko. Hindi kasi kami masyado palalabas tapos hindi rin mahilig makisalamuha sa iba even to relatives. Back sa province medyo ok sya sa mga younger titos and titas niya kasi nakakalaro niya madalas. Dito kasi sa Manila walang ibang relatives, as in everyday 2 tao lang ang nakikita niya, minsan lang din kami pumunta sa mall, pag nasa ibang lugar kami as in wala syang imik, gusto lang magpakarga lagi, super shy, ayaw maglaro pag di ako kasama... pero minsan naman especially pag nagwarm-up na sya sa isang lugar nageenjoy na din sya, nakikipaglaro na, pero it would really take a looong time. minsan nga hindi talaga.
I've been an introvert kid during my younger years, i know how it affected me through the years: affected ang confidence, self-esteem, at personality talaga kaya i dont want my kid to be "that" kind of kid.

How can we push our kids to be more outgoing, friendly, and less shy?


Naka-relate ka ba? Maging member na para makapagpost ng katanungan o payo dito
Reply to join this discussion.

« Last Edit: July 21, 2020, 04:57:44 pm by Parentchat Admin »
Logged

chococream

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 569
  • without you life is without meaning baby
    • View Profile
    • Online Store
Re: I think my 2 y/o is Introvert... :'(
« Reply #1 on: June 17, 2012, 07:26:14 pm »

Hi sis,

I have that kind of kid sis, she is a very shy girl and doesnt play easily with other children. Hindi mo yan malalayo sa legs ko or pakakarga agad sa akin or sa dad niya if she is around new people pero after a long long while, magwarm up na sya and then makikipaglaro na sya. advice?? wag mo lang talaga syang pilitin sis, give her time to interact on her own. ganyan lang ginawa ko, if ayaw nyha makipagsalimuha sa iba so be it, i play with her and talk to other people at the sametime.

slowly nag unwind na sya kahit 3years old na sya now, i enrol her to ballet summer classes kahit nasa likod lang kami as long as she sees other kids, kahit inaaya sya and she doesnt play with them bsta makita lang niya other kids and other people.  sya lang kasi bata sa bahay puro adults kami lahat and she likes to stay most of the time sa kuarto and watch dvd's pangbata. kaya association to other kids is very minimal.

now she is in toddlers school, hindi sya masyadong nakiki pagplay pa din pero meron na syang kinakausap na mga ibang ka age niya kaya its a progress kahit slow.

i prefer din naman kasi na hindi sya ganun ka socialize na bata, sa dami ng mga bad guys takot ako na by one second ma linga ako or what, kaya i want her to always be wary to other people and strangers. Honestly sis she dont go and talk to other people if nakikita niya na i dont know the people or hindi close family sila.

ai sorry napahaba.
Logged

Blake

  • Guest
Re: I think my 2 y/o is Introvert... :'(
« Reply #2 on: June 18, 2012, 01:48:47 am »

siguro kailangan ko lang talaga i-expose muna sa tao 'tong anak ko. kahit yung simpleng paglakad lakad lang sa labas   tuwing hapon. tapos occasionally pasyal sa mall. at playground. sabagay 2 y/o pa lang naman anak ko, so madami pang chance. not too late.

nag-worry lang ako kasi everytime na pupunta kami sa mall o kahit saan na maraming tao nagpapakarga sya lagi, minsan pag medyo malapit yung mga tao samin ayaw niya tumingin taz tense talaga sya. super nahihiya.
pero may mga times din na medyo nagwwarmup sya sa place. especially kung may cars. hilig niya eh. basta happy lang sya ok lang at hindi pnpressure magisa.

i remember pa sa playground, sa sobrang dami ng mga batang naglalaro ayaw niya na tumingin. parang natatakot na. taz gusto niya mag-slide kasama pa ako. buti na lang di masyadong eksena itsura ko dun kasi medyo bata pa naman ako.  ;D

sa toddlers skul na pala baby girl mo. 3 y/o? that's a good idea din pala para makasalamuha sa iba mga anak natin, try ko din pag medyo malaki na anak ko. hanggang labas, playground, at mall lang kami sa ngayon eh.
Logged

ea_brea

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 408
  • don't be afraid to dream a little bigger, darling
    • View Profile
    • La Mer de Reve
Re: I think my 2 y/o is Introvert... :'(
« Reply #3 on: June 18, 2012, 10:20:18 am »

meron naman ata talagang mga batang hindi outgoing (ayoko tawaging introvert, it's too early to tell). yung pamangkin ko din ganito, pag nasa children's party lagi nakakandong sa mommy/yaya niya, ayaw sumali sa games at makihalubilo sa mga bata. pero pag play gym naman laro ng laro kahit mag-isa siya. minsan mabilis siya magwarm up, minsan hindi din. pero ngayon nag-iimprove na siya, pumapayag na kahit manonood lang ng magic show sa party.

i think kanya-kanyang mood yan ng bata. or baka natatakot lang talaga siya. baka you need to expose them din to other people, not necessarily lalabas naman kayo parati. pwede din naman sa house nyo lang. papuntahin yung cousins niya (kung meron) or anak ng friends nyo para masanay din siya sa ibang bata.

nicole03

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 63
    • View Profile
Re: I think my 2 y/o is Introvert... :'(
« Reply #4 on: June 18, 2012, 11:40:29 am »

my 1 year and 10 month old daughter also has stranger anxiety, her developmental pediatrician advised us to enroll her in toddler class, before kasi pag dinadala ko siya sa playhouse she'll just cry for the whole 30 mins and she wouldn't go anywhere she'll just sit on my lap but after 4 days ayun nagkapag warm up na din siya she doesn't cry anymore we can stay inside the playhouse for one hour or more and she plays with other kids and laughs with them, the dev ped told me to expose her to other people and children and huwag ikulong sa house, I also limit her TV time to one hour per day, pinapasyal ko siya palagi sa labas ng house nakasakay siya sa bike before kasi if may bumabati sa kanya naiyak agad now hindi na masyado though there are times na umiiyak pa din siya but its not that often compared before, sabi din ng dev ped niya stranger anxiety is very common with toddlers...
Logged

rozzy

  • Global Moderator
  • Sr. Member
  • *****
  • Posts: 465
  • Having own family is the BEST GIFT from GOD :)
    • View Profile
Re: I think my 2 y/o is Introvert... :'(
« Reply #5 on: June 18, 2012, 01:21:31 pm »

Hi Sis.

Isa palang anak namin ni hubby. And ang mama ko nag-aalaga sa kanya. Pag pumapasok kami, si mama at our daughter lang naiiwan sa house. Marami inaasikaso si mama gaya na lang ng sari sari store niya kaya madalas si TV ang lagi nyang kausap or maglalaro magisa with her toys. Though kahit nakakulong lagi sa house medyo hindi naman naapektuhan ang confidence niya. Tuwing Linggo after church gala kami. Nakikita ko naman na mahilig sya sa mga bata at gusto niya nakikipaglaro. Pero may isang naging problem kami sa anak namin. Nang dahil sa hindi palalabas ng house, natatakot sya lumakad mag isa sa kalsada. Kahit sa mall nga lang kami sasabihin niya mahuhulog sya. Kahit patag yung floor she used to tell mahuhulog sya kaya super kapit sa amin na parang kala mo nga may bangin sa gilid. I've been disturbed with her actions kaya ginawa namin ni hubby everyday nilalabas namin tapos encourage na hindi sya mafall. Mahirap sa umpisa kasi talagang todo kapit samin. Una sa may gutter lang ang lakad lakad niya then hanggang sa tawid tawid na ng kalsada (pero kasabay kami). Si hubby naman gawa niya eh takbo sila pabalik balik. Ayun hanggang sa nasanay na sya.

My daughter is currently studying. Nakwento ni mama kasi parang napunta sa gitna ng corridor ng school eh naiwan magisa ayun sabi mahulog daw sya pero as mama told her na hindi, she tried to take steps ayun hindi nga raw sya nahulog.

Pasensya at tyaga lang sa part natin sis. Or better to consult with a dev pedia to assist you more. Hope everything turns out well.
Logged
"It is not good for a man to live alone, I will make a helper suitable for him" Genesis 2:18

Parent Chat Community Rules

smart.momi

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 150
    • View Profile
Re: I think my 2 y/o is Introvert... :'(
« Reply #6 on: June 18, 2012, 04:02:20 pm »

i think sis once in our lives dumadaan tayo sa phase ng pagiging introvert it's not because were afraid but i think its because the confidence in ourselves is not yet fully developed. minsan meron din takot sa kanila na whatever happens to them they are worried baka walang sasalo sa kanila.

my daugther naman eversince eh hindi sya mahiyain. pero when she turned two, napapansin ko lagi na sya nahihiya lalo na kapag binabati sya. like yung naglalakad kami sa street tapos may pupuri sa kanya bigla na lang sya nahihiya or minsan in a middle of the crowd ayaw na niya magdance pag napansin nyang pinapanood sya. what i did is, everytime na nahihiya sya, i told her not be kasi unang una wala syang ginagawang masama. And i encourage her to do everything she wants and assure her na when she falls, i am here to catch her. I think kasi malaki ang contribution sa growth ng isang bata yung assurance na lagi andyan parents nila for them lalo na di pa nila kaya yung sarili nila.

Expose her to the crowd and communicate with her in a way na naiintindihan yan. Yung baby ko sis, dito sa manila sya lang din mag-isa. Sa compound namin walang bata kundi sya lang. Pero sa awa ng diyos hindi naman sya mahiyain.

Just hang on sis maybe its just another phase of their growth and eventually they will outgrown it.:)
Logged

CallcenterMom

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 108
    • View Profile
Re: I think my 2 y/o is Introvert... :'(
« Reply #7 on: June 19, 2012, 02:24:51 pm »

My daughter used to be like that mommy blake.  I know how you feel. 

Please read my blog regarding this related topic.

http://intrimididaatribida.blogspot.com/2012/05/f**k-to-swan.html
Logged

Blake

  • Guest
Re: I think my 2 y/o is Introvert... :'(
« Reply #8 on: June 19, 2012, 09:23:22 pm »

mommies!
thank you so much sa pag-share ng experiences and advices nyo. really helpful. feeling ko kasi talga minsan ako lang nakaka-experience ng ganito sa bata. nagppanic ako minsan kasi di ko na alam kung ano pa ibang dapat gawin para maging social creature anak ko. pero siguro nga it's too early to say na forever na magiging ganito ka-shy anak ko.

siguro i really need just to expose my son first sa tao. kahit simpleng paglabas lang ng bahay. or once a week sa mall. laro sa playground. etc. tapos enroll sa toddlers school.

maybe it takes time, but i'm hoping with my guidance na rin maging active and maging social creature anak ko pag big boy na. really appreciate your advices mommies. thanks!  :-*
Logged

aliya_liapot

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 70
    • View Profile
Re: I think my 2 y/o is Introvert... :'(
« Reply #9 on: June 29, 2012, 08:14:01 am »

Hi mommy blake. Pareho tayo na 2 lang kami lagi ng daughter ko sa house. My daughter is now 1 yr and 8 mos. When she was a bit younger, medyo mailap sya sa mga tao even sa relatives. But thats normal because she doesnt see them often. Ayaw ko na magtuloy-tuloy yung behavior niya na ganun so ang ginawa ko, sinanay ko sya na makakita ng ibang tao. Pupunta kami ng mall and i let her play sa mga playground dun. Favorite niya yung carousel. Try mo muna yung mga activities na hindi niya kailangan makipaglaro sa ibang kids. Then pag comfortable na sya magplay sa labas, try mo naman siya sa mga activites na meron na siya ibang kalaro. Most importantly, madalas na kami nagkikita ng mga relatives para she knows who her tito, tita, lolo and lola are. Now super friendly na siya sa lahat. Hindj madali yan but be patient lang. Dapat lang masanay siyang makakita ng ibang tao.

Try mo din siya panoodin ng mga educational cartoons para maaliw kahit sa house lang kayo. Then play with her kahit kulitan lang. Musical instruments also help. like maracas, tambourine, xylophone and piano. Kasi naaaliw siya sa mga sounds. Pero kung gusto niya talaga quiet time sa house, give her books to play with. Tatalino pa sya lalo =)

Good luck mommy blake.
Logged

KVsmommy

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 471
  • Living a full life as a WAHMmy. :D
    • View Profile
Re: I think my 2 y/o is Introvert... :'(
« Reply #10 on: June 29, 2012, 10:25:23 am »

sis Blake: when my daughter turned 1, she was a very amiable kid, hindi mahiyain. Nakikipaginteract even with strangers. When she turned 2, ayun biglang naging clingy and shy. Now that she's three, medyo shy pa din, pero after we enrolled her in summer class, ang laki ng change sa kanya. :) she's also in school na din now, daycare lang naman, mainly for socialization and to learn basics. hindi rin talaga sya yung tipong pa-bibo or assertive. but she does communicate and interact pag naka-warm up na. :) May nabasa ko somewhere eh, may mga kids lang daw talaga na may malaking sense ng inner peace. :) Here's the article: http://www.askdrsears.com/topics/child-rearing-and-development/8-ways-help-shy-child

ang laking help sis nung meron talaga syang regular means ng socialization with kids na hindi niya kilala. Hindi naman agad-agad ang pagbabago, pero definitely as the weeks go on, nagkakaron ng effect yung environment na kasama niya yung mga batang same age niya, doing things na gusto din nyang gawin. :)

tama si sis ea_brea, it's too early to say she's an introvert. :) it can be a phase she goes through lang din as a toddler, so you don't have to worry. Pero it would help din if you exert effort to expose her to an environment na may strangers, pero fun pa din ang setup. :)

Blake

  • Guest
Re: I think my 2 y/o is Introvert... :'(
« Reply #11 on: June 29, 2012, 05:23:02 pm »

@aliya_liapot
nga pala boy ang anak ko. usually girls ang nagiging super shy di ba? nag 2 anak ko this june lang. gusto niya lagi kami lumabas just to see cars. yun hilig niya. pag kinakausap naman sya ng mga nakakasalubong namin, ok lang, walang imik, pa-shy pa rin, pero di na sya masyado nagtatago sa akin. di lang talaga sanay. di din kami masyado makalabas ng house. pag andito kami sa house favorite niya panoorin si barney, yung musical lang, not the entire story. hehe.. taz of course pag kami kami lang andito sa house super active and likot niya. sanayin din talaga.

@KVsmommy
buti ka pa mommy sa start pa lang hindi na mahiyain baby mo, anak ko kasi super tahimik once nakalabas kami ng bahay or his comfort zone. kaka-2 pa lang naman niya this month so di ko talaga dapat madaliin or piliti. i believe dadating din kami dyan sa pagiging comfortable sya wth other people.
sa ngayon dahil sobrang andito kami sa bahay lagi nood muna sya ng barney taz laro with me. hilig sa gadgets super. marunong na gumamit ng cp at magpatugtog. minsan labas kami lakad lakad. pansin ko din sa kanya the more na pinipilit ko sya maglakad magisa mas umaayaw sya. hehe.

thank you mommies. ang problem ko naman ngayon is Tantrums. at pagddisiplina. hirap. 
Logged

Anne Mercado

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 485
    • View Profile
    • Green Eggs & Moms
Re: I think my 2 y/o is Introvert... :'(
« Reply #12 on: July 14, 2012, 05:25:10 pm »

Kids all have different personalities. My son also needs to "warm-up" before interacting with people. Some days it takes just a few minutes, other times it takes 30 - 45 minutes.

Just try to expose her to as much people as you can and try not to pressure her. Let her get comfortable at her own pace.
Logged
my take on parenting: http://greeneggsandmoms.com

syndyela

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 268
  • Happy to relate with SP moms! :)
    • View Profile
    • Soulary
Re: I think my 2 y/o is Introvert... :'(
« Reply #13 on: August 07, 2013, 02:27:53 am »

Eversince baby yung daughter ko, nakita ko na sa kanya ang pagiging shy sa ibang tao.  Very active siya pag nasa bahay or pag kasama ang relatives niya kahit outside.  Pero pag may ibang tao na na kumakausap sa kanya, tiklop na siya.  Dinadala ko siya sa parties and pinasok ko siya ng daycare, pero wala pa rin.  Katulad ng ibang kids na kwento ng mga mommies dito sa thread, need din niya ng matagal na warm up before makipag-interact or mapalagay ang loob sa isang lugar.  Siguro kasi wala namang ibang kids sa bahay noon and puro mga yaya ang kasama niya. 

Ngayon she turned 4 years old and nursery/junior casa na siya sa school.  I enrolled her to a montessori school para mas maunti ang students and mas matutukan ng teacher.  Sa daycare kasi noon, halos bente ata sila and traditional ang turo.  I also enrolled her sa swimming class last summer para makainteract ang pinsan niya na nagtake din ng lesson.  Ngayon nagsstudy na siya, assessment ng teacher, sobrang mahiyain nga daw daughter ko to the point na nagccringe ang kamay niya and tumatalikod pag kinakausap.  Nagworry siguro yung teacher na baka may developmental problem siya, until one time, narinig niya anak ko na sumigaw sakin at kinausap ako ng malakas nung lumabas siya ng classroom niya....nagsasalita naman pala daw siya sabi ng teacher, hehe. 

Mahiyain pa rin daw siya ngayon, sabi ng teacher, pero sabi niya, August pa lang naman daw...my daughter still has many months para madevelop ang pagiging active niya.

In fairness, I can see naman na nag-iimprove ang anak ko.  During parties, sumasali na siya sa mga palaro.  Sa playground, tinatanong na niya yung names nung mga kids nun ("what's your name?").  Pero pag nasa mood lang.  Hehe. Hindi na rin siya yung nagtatago sa gitna ng legs ko na parang gusto nyang bumalik sa loob ng tyan ko haha! Kaya I make sure na lagi siyang busog and well rested before ko siya ipa-interact with ibang kids.

I came to the point na gusto ko na mag-give up na iimprove ang socialization skills niya.  Kapag pala pinipilit siya makipag-socialize and ayaw niya, ako ang nasstress! Kaya ngayon, hinahayaan ko nalang siya sa kung anong gawin niya in a social setting.  Sa school, before ng start ng class, hindi ko na siya pinipilit na makipaglaro or usap sa classmates niya.  Siguro naman, one of these days, she would initiate to speak up or approach them pag gusto na niya.
Logged

Mommy Jazz

  • Administrator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 3213
    • View Profile
    • Jazer Basan for Smart Parenting
Re: I think my 2 y/o is Introvert... :'(
« Reply #14 on: October 10, 2017, 02:06:15 pm »

Try setting up a play date. Here's A Mommy’s Complete Guide to Great Playdates from Smart Parenting
Click image.


Post a question about this topic or share your experience.
login or register here at Parent Chat and join this discussion!
« Last Edit: October 10, 2017, 06:51:00 pm by Mommyjazz »
Logged
Sumali sa mga usaping pang magulang. Magtanong at magbigay ng payo dito sa Parent Chat.