Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Pages: 1 [2]

Author Topic: Feedback on profriends developer?  (Read 25282 times)

bella swan

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 156
  • "I can do all things through Christ" Phil 4:13
    • View Profile
Re: Feedback on profriends developer?
« Reply #15 on: May 08, 2013, 12:44:11 pm »

Pero ngayon mommy @annamariemomof3, okay na treatment nila sa akin, inaasikaso na nila ako ng maayos kasi talagang nag-amok na ako sa opisina nila last Friday, kahit binabaliktad nila ang istoryo when we talked, pinagpasa Diyos ko na lang. Ano man ang sabihin nila, may isang mas makapangyarihan naman ang nakakaalam ng totoo. Tsaka, kaya pa sila mas mabait is because I raised my issues sa CEO nila, kay Mr. Guillermo Choa. Fortunately, nag reply sya at ininform tao niya na asikasuhin ang case ko. Pero di ba, mas nakakaasar kasi kung hindi pa nakarating sa may-ari, hindi pa sila gagawa ng tama? Ayoko kasi ng ganun, hanggat maari, ayusin muna sa baba at wag ng ipaalam sa taas but they gave me no choice. Ramdam mo ang discrimation...
Logged
I love my kids sooo muc!!!

annamariemomof3

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 144
    • View Profile
Re: Feedback on profriends developer?
« Reply #16 on: May 29, 2013, 04:43:52 am »

ako ipinagpaubaya ko na kay hubby yoko kasing madagdagan pa wrinkles ko la naming pangpa belo lol. sabi nga rin ni hubby tuwing pupunta siya sa office ng profriends may nag aamok.malamang ako rin ganun kaya hindi ako nakikipag usap sa kanila. everytime na lang sinasabi we'll review your case tapos pag magkakaharap na ask nila kung ano issue. hello di man lang ba sila nag lolog man lang. may mga taong nag aabsent sa work para lang mag asikaso the least they can do is review the case, di ba yun naman trabaho nila bakit di nila gawin. imbiyerna talaga. kung di pa sinabi ng hubby ko na backout na kami di pa magkakaroon ng progress kahit snail's pace pa rin.
Logged

bella swan

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 156
  • "I can do all things through Christ" Phil 4:13
    • View Profile
Re: Feedback on profriends developer?
« Reply #17 on: May 31, 2013, 03:15:43 pm »

Hay naku Mommy @annamariemomof3, masakit man sabihin at unawain pero ayaw nila ng maayos na salita, gusto nila talaga naiirita ka talaga at pinagbabantaan sila. Kahit siguro pinakamabait na tao sa mundo eh mauubos ang pasensya sa kanila. Kami nga po, nakalipat na sa bahay namin pero nun nakabitan kami ng metro ng tubig, ang daming sira at tagas connected sa line. Then, nun nakabitan ng metro ng Meralco, sangkatutak rin na problema... Until now, pero hindi na kami gaano nabibigla kasi we have met a lot of people who experienced the same scenarios at para bang napaghandaan na namin na mararanasan rin namin ang mga ganitong bagay... I do not know what to feel, matutuwa ba ako kasi di na gaano sumama ang loob ko o mabubwisit na kahit anong remind mo sa kanila na ayusin ang trabaho nila eh, wala pa ring epekto...

Iniisip ko na lang lagi na may purpose si God kaya kami nandito at kaya ko nararanasan ang mga ganitong bagay... :) I want to stay positive para laging pretty :) hehe...
Logged
I love my kids sooo muc!!!

annamariemomof3

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 144
    • View Profile
Re: Feedback on profriends developer?
« Reply #18 on: June 18, 2013, 12:14:59 pm »

sa palagay ko may change of management sila kasi kahit paano may nakikipag usap na. dati kasi ni ayaw nilang makipag dialogue ngayon open naman na communication nila. kais talagang about ready na kami to pull out eh and we told them that. since talagang 0% pa bahay namin the found a house na 90% built na thequestion lang is kung kanino kaya talaga yung house na yun? hmmmmm? I want na kasi ma turn over na yung bahay tapos matirhan muna ni hubby since manila sa work, para Makita na lahat ng palpak at mapagawa na before me and my kids move in since mahirap na magpa repair ng bahay pag marami na gamit at malilikot na bata di ba. well fingers crossed sana nga totoo na sinasabi nila at hindi lang kami pinapacify.
Logged

bpangan14

  • Newbie
  • *
  • Posts: 1
    • View Profile
Re: Feedback on profriends developer?
« Reply #19 on: August 19, 2013, 09:29:54 am »

Magandang araw po sa inyong lahat! isa rin po ako sa maraming tao na may problema sa profriends, Year 2012 ng kumuha kami sa profriends, nagkarron kami ng issue sa payment dahil nawalan ng trabaho ang asawa ko sa ibang bansa so nakabayad pa kami till December 2012. Nag message kami sa knila na baka pwedeng irefund yung binayad namin dahil wala na kming pambayad at wala na dn kming panggastos.Naghintay kami ng ilang linggo bago sila nag reply ayaw nila irefund yung bayad namin na almost 800k kahit 50% ayaw nila so binigyan nila kami ng option na lumipat sa mas maliit na unit from Haven to Alice.Last April nagpunta kami ulit dun para ipa reserve yung bahay na bago pero bago ma approve sau yung new unit kailngan muna nila inspect yung old unit para daw kung merong i rerepair ibabawas sa perang nahulog namin kahit hindi pa namin natitirhan yung bahay, so sabi nila procedure daw un at kailngan ko magsend ng authorization letter for inspection so May 7 nag email sila na mag send kami ng Letter to inspect den May 8 pinadala namin den nag acknowledge sila ng May 20. Everyday ako tumatawag sa kanila para ifollow up yung status nung bahay at laging sinasabi ng customer service e na forward na daw nila sa concern person yung issue namin. Last July 31 tumawag ulit ako sa knila pero iba nanaman ang sinabi ng customer service wala daw sila narerecieve na authorization letter to inspect pero nag ackowledge sila nung May 20. Biruin mo un almost everyday ako tumaatawag simula May till July walang nagsasabi sa akin na wala silang rcv na letter ano un naglolokohan ba kami pinatatagal nila yung process ng issue namin.Nagpunta ako ng August 5 para i follow up at magreklamo sa opisina nila sa mandaluyong pero ganun pa din ang sinabi ng customer service bigyan daw sila ng 1 week naka forward na daw yung issue namin.medyo nagmataas ako ng boses dun para marinig ng ibang bagong kumukuha ng house sa Profriends na mali ang magiging desisyon nila.Last August 16 tumawag na approve na daw yung transfer ng bahay namin pero nag deduct sila ng 180k sa pera namin para daw sa lahat ng penalty which is ok lang para lang maayos na ang problema namin pero binigyan nanaman nila kami ng panibagong problema ang gus2 nila mangyari magumpisa na kami ng monthly amortization bukas August 20 ng hndi namin nalalaman ang details at breakdown kung saan saan napunta ang pera namin. At confirmation letter na sa amin an yung bagong unit. Imagine that para nila kaming niloloko, kawalangyaan ang ginagawa nila sa amin as if naman an makakakuha kami agad agad ng 11k ng gnung kadali. Sabi nung tumawag mag send sya ng email for details pero tillnow wala pa dn yung email niya. Nakaka suka na ang ginagawa nila sa atin. Gus2 ko na nga magsumbong sa T3 e naghihintay lang ako ng tamang oras. Baka pwede nyo ako tulungan kung sino ang puwede ko lapitan sa issue ko sa knila at kng paano kayo nakalapit sa may ari kasi kng sa customer service lang ako makikipag usap kahit murahin ko un wala rin mangyayari dahil susundin lang niya kng ano ang iutos sa kanya. Meron na dn ba kayo alam na nakakuha ng refund sa knila? please help sa issue namin. Maraming Salamat
Logged

bella swan

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 156
  • "I can do all things through Christ" Phil 4:13
    • View Profile
Re: Feedback on profriends developer?
« Reply #20 on: August 21, 2013, 03:22:54 pm »

Hello @bpangan14!

Napadala ko na po ang email add ni Mr. Choa. Pero tanong ko lang po, bakit po kailangan na bawasan ang 800K dahil sa sira ng old unit nyo? Natirhan nyo na po ba iyon? Kung hindi pa, I don't think na kailangan nyo magbayad eh kung tutuusin pakiramdam ko, hindi pa tapos ang bahay nyo na haven, i mean marami pang dapat na ipapulido.
Logged
I love my kids sooo muc!!!
Pages: 1 [2]