Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Author Topic: Need advice on how to Balance Work and Family  (Read 5760 times)

BlueAby

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 447
  • Mother of two
    • View Profile
    • CS_CuteShoppe FB Page
Need advice on how to Balance Work and Family
« on: June 06, 2012, 12:43:46 pm »

Hi mga Mommies,

Hihingi po sana ako ng advice sa inyo. Working mom po ako and nakatira po ako kasama ng parents at mga kapatid ko po. Hihingi lang po sana ako ng advice kung pano ko po pwedeng i-balance yung life ko sa work and sa family. Kapag po kasi pumapasok ako ng maaga, napapabayaan ko po yung mga anak ko. Kapag naman po inasikaso ko yung mga anak ko, yung trabaho ko naman po ang naaapektuhan.

Isa pa po sa prob is mahirap po makahanap ng yaya. As in ang tagal na po naming naghahanap ng yaya pero wala prin po kaming makita. Yung mama ko naman po ay may hanapbuhay din na may kalayuan sa bahay namin.

Ganito po kasi sched ko:
Magigising yung mga anak ko ng 7am then bibili na kami ng almusal sa labas ng bahay. Then pag-uwi pakakainin ko na sila. Mga 8-8:30 kami matatapos nun then pagpapahingahin ko sila. Pagdating naman ng 9am papaliguan ko na silang dalawa. Mga 10 na kami matatapos kasama na toothbrush and bihis ng damit. Then tsaka ko palang sila naihahatid sa mother ko sa pwesto niya sa palengke. Pag-uwi ko ako naman ang maliligo at magbibihis, mga 11am na po ako matatapos. Byahe ko papasok ng office is 2 hrs. 1pm na po ako makakarating ng office. And dahil po sa late na ko, di na ko nakakapaglunch. Maglalunch na lang po ako sa oras ng meryenda break mga 3pm po. Then may 10 1/2 hrs po ako sa office. if 1pm po ako nakakapasok 11:30pm na po ako makakalabas ng office, then 1 1/2 - 2hrs byahe po pauwi. mga 1am na po ako nun makakauwi. Minsan po sa sobrang pagod ko kinabukasan ko na ng umaga hinuhugasan yung bote ng mga anak ko.

Nung dati po na kailangan ko magmadali pumasok, di ko na napapaliguan yung mga anak ko, sinasabi ko na lang sa mother ko. Mag 1 month  na nung nalaman ko na di rin pala napapaliguan ni mama dahil sa dami rin ng trabaho niya. Naawa tuloy ako sa mga anak ko. Kaya naisip ko na kelangan ko po talaga silang ma-asikaso bago ako makapasok.

Di ko naman po sila pwedeng paliguan ng mas maaga sa 9am. Nung sinabi ko po kasi sa pedia nila na 9am ko sila pinapaliguan, sabi ng pedia is sobrang aga daw po. Yung mga anak ko po pala is 3yo and yung isa po mag 2yo na this month.

Sana po matulungan nyo ko.
Logged

Mommy France

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 1644
  • Lucky to be loved by 2 boys
    • View Profile
Re: Need advice on how to Balance Work and Family
« Reply #1 on: June 06, 2012, 03:56:02 pm »

Ayun nga sis.. Like I said, kailangan maiayos mo yung morning routine mo. Pwede mong alisin yung pagbili ninyo ng umagahan by preparing your breakfast before the start of the week. I don't see anything wrong sa pagpapaligo ng maaga. Basta wag lang yung bagong gising at kung pwede naman na gawing maligamgam yung panligo, mas OK na yun kesa hindi sila mapreskuhan buong araw.

Ganyan kami noon eh. Pero imbes na umaga yung problema sa gabi naman. So yung dinner namen, imbes na luto everynight, we cook ng Sunday tapos re-heat na lang.

Ano nga palang role ni hubby dito? magkaiba ba kayo ng working hours?
Logged
I am not perfect but I try my best to make the most of what God gave me.
Bad things may happen to me, but I will always come out of it with my head up high. Why? Because I know that I did the things I can control the right way. And the things I can't control, I leave it up to God's will.

BlueAby

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 447
  • Mother of two
    • View Profile
    • CS_CuteShoppe FB Page
Re: Need advice on how to Balance Work and Family
« Reply #2 on: June 06, 2012, 05:18:35 pm »

Thanks Mommy France.  :)
Yung breakfast kasi na binibili namin sa labas is more on ulam and kanin or mga sopas or champorado. May times na kapag di makakabili ng almusal like umuulan and di ko kayang dalhin yung dalawang anak ko, cereals na lang with milk ang pinapa-almusal ko sa kanila. Ano pa po ba yung iba ko pang pwedeng ihain sa agahan bukod po sa cereals?

About naman po kay hubby. Same po kami ng time ng pasok. Kaso di po kami magkasama sa bahay. May time lang minsan na dadalaw sya ng bahay para sa mga bata. Madalas po sunday lang yun kasi may samba sya ng sabado.
Logged

Mommy France

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 1644
  • Lucky to be loved by 2 boys
    • View Profile
Re: Need advice on how to Balance Work and Family
« Reply #3 on: June 06, 2012, 05:30:50 pm »

Ah... I see.

Breakfast can be ulam from last night or sinangag.
Since gabi ka na umuwi, mag fried rice ka tapos egg. Pwede ka rin gumawa ng pancakes.
Kung bread naman, pwede ka bumili ng tasty tapos egg or ham sandwhich.
Then alternate mo with cereals.

Gawa ka ng list tapos pwede mo i-reuse yung by mixing - matching depende sa week para di ka maubusan at hindi naman paulit-ulit.
Logged
I am not perfect but I try my best to make the most of what God gave me.
Bad things may happen to me, but I will always come out of it with my head up high. Why? Because I know that I did the things I can control the right way. And the things I can't control, I leave it up to God's will.

BlueAby

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 447
  • Mother of two
    • View Profile
    • CS_CuteShoppe FB Page
Re: Need advice on how to Balance Work and Family
« Reply #4 on: June 08, 2012, 10:04:57 am »

Thanks Mommy France sa advice. Lagay ko yan sa to do list ko. Ang gumawa ng weekly breakfast plan for my babies.
Ok talaga dito sa SP Forum ang laki ng help na naibibigay para mapaganda mo ang life mo.
Logged

mariann

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 859
  • enjoying motherhood to micah and iza
    • View Profile
Re: Need advice on how to Balance Work and Family
« Reply #5 on: June 08, 2012, 11:20:10 am »

there's nothing wrong with bathing your kids earlier in the morning.  my kids were bathed at 6am since birth, whatever the weather may be.

upon reading your 1st post, i can say that it's just a matter of time management.  i'm a full time working mom, too!  i have to be in the office at 8am and gets home at 7pm.  good thing your mom is willing to help watch over your kids. 

why don't you start waking up as early as 5am, prepare their breakfast and/or lunch.  you're wasting precious time in going out and buying food then coming back again to eat.

wake them up at 6 - 6:30, bathe them and feed them.  you have to make them get used to this para hindi ka mahirapan kung nasa school age na sila. hopefully, you'll be finished by 7:30 the most. then you can prepare yourself for office.  if you can get out of the house at 8:00am then you can be at the office at 10:00 am.  you're earlier by 3 hours. that way, you can get home early.

sabay na rin kayo lumabas ng bahay.  just drop them off at the market to your mom then diretso ka na sa office.  again, you're wasting precious time going back home from the market just to prepare yourself.  with your kind of situation, it's about time to train your kids to be independent.

while commuting, plan your next day's activities or your activity for the day.  so that you can be more efficient and finish your job early.
Logged
mariann[move]

Mommy France

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 1644
  • Lucky to be loved by 2 boys
    • View Profile
Re: Need advice on how to Balance Work and Family
« Reply #6 on: June 22, 2012, 03:02:39 pm »

Tama!! :D Ako din, I wake up at 4:30.
Before ako umuwi from the office, alam ko na yung baon at breakfast. In case kasi may kulang na gamit, mabibili ko na bago ako umuwi.

I hope na-adjust mo na yung schedule mo sis. :)
Logged
I am not perfect but I try my best to make the most of what God gave me.
Bad things may happen to me, but I will always come out of it with my head up high. Why? Because I know that I did the things I can control the right way. And the things I can't control, I leave it up to God's will.

ea_brea

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 408
  • don't be afraid to dream a little bigger, darling
    • View Profile
    • La Mer de Reve
Re: Need advice on how to Balance Work and Family
« Reply #7 on: July 18, 2012, 10:42:52 am »

tama, time management lang ang kailangan ayusin sa routine nyo. bakit daw masama paliguan ng maaga ang mga bata? mas okay nga na masanay sila maligo ng maaga para pag may school hindi na sila maninibago. yung anak ko din nung wala pa siyang school 7am ko pinapaliguan.

try to wake up earlier, wag mo na hintayin na magising mga anak mo para magprepare ng kakainin nila. you can also have bread for breakfast. or isangag mo yung rice nyo from last night. wala naman po masama sa pagkain ng leftovers as long as hindi sira ang pagkain. or like Mommy France you can cook ahead para init-init na lang kayo. masarap na iluto ahead of time is adobo kasi sumasarap siya habang tumatagal. pwede din kayo mamili ng food over the weekend para kahit wala ka alam mong merong kakainin mga anak mo.

i hope mag maganda na yung routine nyo ng family nyo. :)

Errych

  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 619
  • Watch.Wait.Time will unfold & fulfill its purpose.
    • View Profile
Re: Need advice on how to Balance Work and Family
« Reply #8 on: December 25, 2012, 10:19:15 pm »

Is work-life balance merely a myth? Read on to find out.
The 7 Pís to Achieving Work-Life Balance

http://www.smartparenting.com.ph/mom-dad/taking-care-of-mom/the-7-p-s-to-achieving-work-life-balance
Logged

mommycheska

  • Newbie
  • *
  • Posts: 47
  • I Love My Adorable Kids "Mat, Franco & Lucas"!
    • View Profile
    • Treasure Box Photo Booth
Re: Need advice on how to Balance Work and Family
« Reply #9 on: December 27, 2012, 01:41:02 am »

I too am balancing my time for my kids, for work and for my business plus time for my husband and for my parents. It's very hard and shocks until now, I still experience the so called "so many things to do, yet so little time", the feeling that you do not know which one to start with first. I am still dealing with this, so I make sure I list all my priorities in a day, for a week, even my budget and my future expenses. My husband and I divided our tasks, whoever is free during that time does the associated tasks. For example, he is free in the morning, I stay up until 5am to wake him up and he cooks breakfast and brings our eldest to school while I sleep with our other 2 kids. When he comes back, he sleeps again and wakes up around 11 to prepare our middle child for school. I wake up around 1pm and takes care of my eldest's homework, review him for tests while taking care of my youngest. I prepare merienda for the kids then late afternoon I head to the office or if it's my work from home schedule, I go online at home and connect to our company network. When I get home or in between my work from home schedule, I do the laundry, clean the house and all of their kalats an of course when I am awake I also entertain inquiries via calls, emails or fb messages for our photobooth business naman. If we have events naman or we need to go somewhere, we bring the kids to my parents. It's really hard to juggle work and life but you'll able to manage it. Set your priorities first and cut those unnecessary things that consumes time but the best thing you should always remember, us parents should have the most time with our children.
Logged

lifeisbeautiful

  • Newbie
  • *
  • Posts: 16
    • View Profile
Re: Need advice on how to Balance Work and Family
« Reply #10 on: January 03, 2013, 05:47:31 pm »

Hi BlueAby,

how are you? it's been months na from your post. i hope you've adjusted to your situation in some way.
i'm in almost the same situation. wala akong ibang kasama sa house kundi husband ko at 3 yr old daughter namin. pareho kaming nagwwork full time ni hubby.

tama ang ibang mommies dito. you can try waking up earlier to do more things. :)

share ko lang ang routine namin sa bahay:

1. sunday: i cook packed lunch for monday to wednesday.
2. every night i make my daughter sleep at 8pm. syempre iikot ikot muna yan sa kama
at magpapaantok so more or less 9pm na sya natutulog.
3. ako naman i sleep at 10pm para makagising ako nang maaga.
4. every morning i wake up at 5:30am. pag ubos na yung niluto ko nung sunday, 5am naman ako gumigising or nagluluto na ako the night before.
5. 5:30 to 7am, i get all the chance to take a bath, cook, prepare breakfast, baon, eat breakfast, etc.
6. i give my daughter a warm bath at 7am and my husband wakes up at the same time. mas maliksi kumilos ang anak namin pag nauuna ang bath time kesa breakfast.
7. at 7:30am breakfast time na ng anak ko. cereals lang and milk. pinapabaunan ko sya ng bread, fruits, juice, maraming rice at ulam with vegetables para makabawi ng kain sa school.
8. aalis na ako ng 7:30am kasi ako ang susundo sa kanya. husband ko na ang bahala sa ibang stuff. usually mga 8am sila nakakaalis ng bahay para maghatid sa school at pumasok sa office.
9. since naka morning preschool + afternoon day care ang anak ko, nasusundo ko sya after office. nakakarating ako sa school 5:30pm. si hubby naman, sa bahay na ang diretso, since mas late sya pumasok.
10. dumadating ako sa bahay 6pm. si hubby 6:30pm. then pahinga, kain, gawa ng homework, nood onting tv, kulitan, sleeping time.

pag weekends, bumabawi kami ng tulog. hahaha.

out of curiosity, tinry namin na hubby ko lang ang gagawa ng lahat for 1 week,
since magkakaron ako ng out of the country assignment.
nakasurvive naman. kelangan lang talaga gumising nang maaga at matulog nang maaga. :)

if you could find a whole day day care for your 2 kids around your area,
that would really be nice. you hit 2 birds in 1 stone: a place that will care for your kids and educate them at the same time. :)
Logged

goodmornin

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 141
    • View Profile
    • Gourmet coffee business
Re: Need advice on how to Balance Work and Family
« Reply #11 on: January 03, 2013, 10:54:35 pm »

have you considered looking for a job na less travel time? 1 11/2 to 2 hours travel parang ang layo, considering gabi na yun at hindi na masyado trafic  :)
Logged
Trick Photography and special effects http://www.specialeffectsphotography.net

kiz_me1109

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 320
    • View Profile
Re: Need advice on how to Balance Work and Family
« Reply #12 on: February 19, 2013, 03:48:55 am »

It's been a month and wala parin yung yaya ng anak ko. Imbes na mainis e gumawa nalang kami ng paraan to manage our time. Both me and hubby work. The good thing though is we both work during the night. For me advantage talaga yung nasa graveyard shift kesa sa araw yung work. From work, sakto lang uwi namin tapos papunta na sa work si MIL. It's either me or hubby who will cook the breakfast. Around 9am tapos na kami. Then, we take a bath. Sabay na kaming 3. I let hubby sleep and ako naman bantay sa anak namin. Around 11:30 pinapakain ko na siya ng lunch. After lunch nap na niya. Dun ko na siya sinasabayan sa pagtulog. Sa room, naka lock lang yun and I let him play hanggang sa makatulog siya. I think past 1pm na siya nakakatulog and gising siya ng 4:30PM. Pagising niya, si hubby naman magbabantay sa kanya until 6pm. At 6pm kasi gising na ako and nireready ko na yung dinner namin. After dinner naliligo kaming 3 sabay. Then, around 7pm or past kami umaalis for work.

Dati mahirap. pero nakakasanayan din. My son is 3 years and 6 months pala. =)
Logged
[enter]anne080809.blogspot.com[/center]

JULLIE FERNANDEZ

  • Newbie
  • *
  • Posts: 13
    • View Profile
Re: Need advice on how to Balance Work and Family
« Reply #13 on: June 13, 2019, 11:12:18 am »

Hi mommies! How do you handle the pressure super drain na ako :( ayoko ng gantong feeling..

1. Working Mom - I need to work and pump at the office 3x a day. Minsan dahil sa stress konti lang napupump ko kaya i need to power pump sa gabi.

2. Wife - Though super supportive si husband may times na hindi ko na nagagawa mga responsibility ko sa kanya.

3. Friends - No time to meet them, yung feeling na sila na nag aadjust para sa "US Time" minsan wala na talaga.

4. House - Ang gulo ng bahay namin.. wala kasi kami kasi.. si LO sa sister in law ko na house nagstay at sila nag aalaga.


Kaya parang wala ako nagagawang tama.. I don't know.. or pagod lang ako? sorry long post. Ayoko sana sa facebook kasi hindi talaga ako mapost ng ganito. help!
Logged