Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Pages: 1 [2]

Author Topic: Starting to Hate My Stepson  (Read 6284 times)

haideemarquez

  • Newbie
  • *
  • Posts: 11
    • View Profile
Re: Starting to Hate My Stepson
« Reply #15 on: December 12, 2012, 12:11:35 am »

hmmmm...what do you mean na nakikipaglandian asawa mo se officemates niya?
Logged

youandme

  • Newbie
  • *
  • Posts: 39
  • ichigo ichie! - once in a lifetime
    • View Profile
    • everyday dose of....
Re: Starting to Hate My Stepson
« Reply #16 on: December 17, 2012, 11:57:49 am »

May stepdaughter(SD) din ako as of now 8y.o. na sya. nagkakilala kami ni husband 9 mos. Pa lang sya. during our relationship na BF/GF every weekend sa biomom si SD. so may foundation talaga ng relationship with the biomom kaya hirap ako pumasok sa buhay niya.

nung una sabi ko sa sarili ko matututunan ko din sya mahalin kagaya ng magiging anak ko (I have my own child now 3y.o.) pero nagkamali ako. nung time na buntis ako 4 yrs old na si SD. dahil sa makulit sya hindi ko sya gusto ni ayaw ko sya tabihan sa pagtulog. kasi ako tulog na sya pababalik balik pa sa kwarto namen. nung time na yun dun pa kami sa bahay ni MIL nakatira. spoiled ng konti sa lola niya. at dahil nga sa buntis ako maaga ako natutulog at dahil maingay sya nilolock ko ang pinto. nagsumbong pa nga MIL ko kay hubby bakit daw ako ganun pinagsasarhan ko ng pinta si SD. keber na lang eh ang ingay eh. kung hindi  marunong sabihan eh di ilayo ang sarili ko sa kanya.

nung time na yun feel na feel ko ang gap nameng dalawa kasi nandyan ang lola niya, biomom niya at papa niya kaya san pa ko lulugar sa kanya. wala na. ok lang as long as ok kami ng asawa ko. minsan nga pag lumalabas kami ang saya ko kasi naiiwan si SD sa bahay. naisip ko nga din na sana nasa tyan na lang anak ko para lagi sya kasama.pero hindi naman puwede yun.

lumabas na ang anak ko natigil ako sa bahay at nalipat na din kami ng bahay. dun na lumabas ang tunay na kulay ni SD. kahit sawayin ko hindi nakikinig. salita pa lang ginagamit ko walang palo. pag hindi ko na kaya pinapakita ko sa kanya na galit ako o ayaw ko sya katabi o kausap. pag ganun lalo sya nagpapapansin na minsan nakakagigil kasi lakas niya mangasar.

nakadama din ata sya ng selos sa anak ko kasi minsan niya nang binuhat ang anak ko kasi malalaglag daw, nilagyan niya pa nga ng unan sa mukha kasi umiiyak daw. siguro 4 or 5 yrs old sya nun. pasensya na lang ako kasi hindi ko naman sya puwede paluin or sermonan ng wagas.

lahat na yata ng kalbaryo dinaanan ko. hanggang sa kinasal kami ni husband. 5y.o na si SD noon. lahat ng sama ng loob ikinumpisal ko bago ako ikasal. alam ko hindi madali pero sinabi ko na lang sa sarili ko na makakayanan ko din ito at darating ang araw na maibibigay ko din ang pagmamahal sa SD ko kagaya ng pagmamahal ko sa anak ko.

nagondoy. hindi sila nagkita ng biomom niya simula noon. si MIL naman nagabroad na kaya saken na halos naiwan ang bata. maidagdag ko pa pala noon tinatakasan namen ng alis ng anak ko si SD para lang maiwasan sya. para paguwi niya galing school wala kami at derecho sya sa bahay ng lola niya. masama ba ako ? iniiwasan ko lang naman sya para hindi niya ako makulit at hindi niya din kulitin anak ko.

nung grade 1 sya hindi ko sya napapalo puro sermon lang. lahat ng kailangang paliwanag sinabi ko na para maintindihan niya kung bakit ako galit. nag-grade 2 sya lalong tumindi ang tigas ng ulo at tamad magaral. andun din awayin ang bunso at manduhan kung ano ang gusto niya. dito na pumasok ang pagiging nanay ko. napapalo ko na sya nasesermunan halos araw2. ayoko na kasi na babastusin ako at hindi susundin kasi paglaki niya ako din ang mahihirapan. kung ano ang disiplina na ginagawa ko sa anak ko ganun din ang kanya. pero aaminin ko mas malambot ako sa anak ko. pero pinapakita ko din sa kanya na pag mali ang anak ko dinidisiplina ko. kaya hindi lang lagi sya ang napapagalitan.

masyado ako nahihirapan sa pagdidisiplina sa kanya tamad magaral, may katigasan ang ulo, at syempre sya ang panganay at mas matanda mas nasusunod sya sa laro nilang magkapatid. minsan umiiyak ang anak ko dahil sa kanya. Sinasabi ko sa kanyan na ibigay niya na kung ano gusto ng kapatid niya kasi maya maya bibitawan niya din, susunod si SD pero maya maya makakarinig nanaman ako ng iyak. Dun na kumukulo ang dugo pag ganun so SD matigas ang ulo hindi marunong making.

ang maganda lang kahit na matigas ang ulo niya sumusunod sya saken, nauutusan at alam kong mahal niya ang kapatid niya na anak namen ng papa niya. hindi lang talaga maiwasan kasi bata na matigas ang ulo at may kakulitan. lagi ko din pinapaliwanag sa kanya kung bakit ako nagagalit at sa huli laging may yakapan. nagsisimba pa ako para sa kanya kasi gusto ko matanggal ang pagkagalit ko sa kanya. madalas kasi ako galit sa kanya kahit na konting pagkakamali niya lang.  alam ko mali ako kasi ako ang matanda ako ang mas dapat umintindi. ako ang isa sa magiging dahilan kung ano sya paglaki niya.

lagi ko ipinagdadasal na sana mapalitan ng pagmamahal ang nararamdaman kong galit sa kanya. kasi naman pag nakikita ko sya muka ng nanay niya ang nakikita ko   . may stepfather din ako humingi na din ako ng advice sa kanya. ang sabi niya saken mahalin ko ang bata. dahil yun ang kailangan ng isang bata.

sorry ang haba gusto ko lang malaman mo na sa isang banda may kalbaryo pero sa isang banda may maganda ring mangyayari. isipin mo na lang para ka lang nagtatanim, pag nagtanim ka ng tunay na pagmamahal hanggang sa pagtanda niya mamahalin ka din niya. isang bagay na hindi nakukuha kahit saan.

**dati sabi ko magaanak pa ko ng isa para hindi ko na sya maasikaso. pero unfair yun sa kanya imbis na grudge ang itanim naten sa kanila pagmamahal para pagdting ng panahon kahit na anong mangyari wala sya maisusumbat saiyo. sana maging maayos na kayo at malalampasan mo din iyan. minsan kahit ayoko na magalit automatic na nagagalit ako sa kanya. na gusto ko mawala sa sarili ko. dahil habang buhay na kami magsasama. saaken din pag galit ako sa asawa ko automatic nagagalit din ako kay SD kaya nga hanggat maari ayoko magaway kami ni husband. para peaceful kami habang buhay.


sory haba post 
Logged
living my life to the fullest...love my kids, husband and our pet "oreo"
Pages: 1 [2]