Parent Chat

Advanced search  

News:

Pages: [1] 2 3 4

Author Topic: Achieving your Dream Home  (Read 48569 times)

Mommy France

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 1644
  • Lucky to be loved by 2 boys
    • View Profile
Achieving your Dream Home
« on: June 22, 2012, 03:45:38 pm »

Basahin sa Smart Parenting:
Dahil sa Pagsisikap, Anak ng Dating Jeepney Driver Naitayo ang Kanyang Dream Home
Click HERE.


For young families who are still living with their parents or  renting, share niyo naman what your dream home is.
Describe niyo lang and kung may pegs kayo baka lang gusto ninyo i-share.

Talagang I'm planning to achieve my dream home eh and start soon. Dream ko naman is a simple home for my family. Di naman extravagant pero sana may pocket garden man lang. Pero malamang dito na talaga kami sa south mag-settle. :D

For those naman na nakamit na ang kanilang dream home, share naman what you did to manage the cost and what are the things you considered before buying or loaning.

Naka-relate ka ba? Mag post ng katanungan o payo dito
Reply to join this discussion.

« Last Edit: September 30, 2019, 11:58:24 am by Parentchat Admin »
Logged
I am not perfect but I try my best to make the most of what God gave me.
Bad things may happen to me, but I will always come out of it with my head up high. Why? Because I know that I did the things I can control the right way. And the things I can't control, I leave it up to God's will.

rozzy

  • Global Moderator
  • Sr. Member
  • *****
  • Posts: 465
  • Having own family is the BEST GIFT from GOD :)
    • View Profile
Re: Achieving your Dream Home
« Reply #1 on: June 22, 2012, 05:51:39 pm »

Hi Mommy France! Nakakatuwa naman itong topic mo. :)

Naku lahat naman siguro tayong mommies used to dream a home. Yung lagi kong ini-imagine na tirahan ay simple lang. Siguro two-storey (kahit maliit na sukat ng lupa: 40sqm will do). Then may garahe (nangangarap ng magkasasakyan) at same with you Mommy France, a small garden. Yung anak ko babae and parang magandang bonding din pagmaturuan ko sya mag alaga ng mga halaman... :)

Sa loob ng house naman, siguro naka-tiles yung floor. Tapos may complete sala set. Tapos a dining table na sakto lang sa family. And sana hiwalay yung dirty kitchen. Hehe! (Hindi na ata simple ito). Then sa taas naman, at least three rooms at may maliit na space for home theater.

OK ba sa south? Hindi kasi namin kabisado ni hubby. Kaso pag dito kami around Antipolo mahal na talaga ang house and lot. :(

Waiting for mommies who have their homes already... :)
Logged
"It is not good for a man to live alone, I will make a helper suitable for him" Genesis 2:18

Parent Chat Community Rules

mommy ni kent

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 88
    • View Profile
Re: Achieving your Dream Home
« Reply #2 on: June 22, 2012, 10:07:46 pm »

hi mommies,, malapit ng matapos yung bahay na pinapagawa ko,actually tapos na siya pero hindi pa tapos yung tiles sa kusina kase kinapos sa budjet.. 126 sq meter lang siya. may garden sa harap tapos 2 ang terrace ko..sa harap at sa likod. yung cr 2 din. 2 bedrooms lang din since iisa lang yung anak namin. simple lang siya. halos kumpleto na rin siya sa gamit pero wala pang aircon,sa bahay pa kase ako ng parents ko nakatira. sobrang tipid ang ginawa ko, hindi ako halos nabili ng mga bagong gamit para sa sarili ko, saka hindi biglaan, hal. sa next 3 months, dapat may binata na. tapos sa sunod na 3 months, kesama, then tiles. hanggang sa matapos. ang mamahal na kase ng mga materyales ngayon, kaya dapat maging wise tayong mga mommies.
Logged

Mommy France

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 1644
  • Lucky to be loved by 2 boys
    • View Profile
Re: Achieving your Dream Home
« Reply #3 on: June 22, 2012, 10:55:43 pm »

@rozzy, simple lang talaga, enough room for my kids and samen ng asawa ko.
The garden talaga is one of the things na gusto namen ng asawa ko para ma-relax lang di ba?

Ok naman dito sa south eh, hassle lang kasi yung toll fee. Ang lapit lang namen sa Makati pero we have to pay toll pa para makauwi lang. If we use the service road aabutin kami ng syam-syam at siyempre sayang din sa gas.

Maraming subdivision devt sa may daang-hari pero di pa namen nako-consider ng asawa ko. Pero sana talaga soon makakuha na kami para pwede na si baby #2.


@Mommy ni kent - ang galing mo naman. bilib ako sa mga nagpupundar ng bahay. Investment talaga eh. Sakto lang yung 126 sq. malaki na nga yan compared sa ibang housing area plan eh. San banda yan sis?


I have a friend na niyayaya ako mag-Nuvali. sa nuvali pala kasi may para lower class, middle class at upper class. She's getting a house and lot sa lower class pero yung lower class naman na yun ayala yung developer. less than 2M.

Sana lang kasi mas lumawak pa yung opportunities outside metro manila para hindi tayo nagsisiksikan dito. :D
Logged
I am not perfect but I try my best to make the most of what God gave me.
Bad things may happen to me, but I will always come out of it with my head up high. Why? Because I know that I did the things I can control the right way. And the things I can't control, I leave it up to God's will.

mommy ni kent

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 88
    • View Profile
Re: Achieving your Dream Home
« Reply #4 on: June 23, 2012, 09:31:45 am »

@ mommy france, sis dito kami batangas. saka yung lupa e bigay ng parents ko  415 sq meter, kaya in JESUS NAME na mag kakarun ulit ng extra budjet, palalagyan ko na lang ng extension para if ever na magkarun pa ko ng 2nd baby at hindi ako mahirapang mag conceive kahit 27 na ako. bungalow style lang pala tong bahay kase kino consider namin mag asawa yung future if ever matatanda na kami, hindi kami mahihirapang mag akyat panaog sa hagdan :-)
Logged

Mommy France

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 1644
  • Lucky to be loved by 2 boys
    • View Profile
Re: Achieving your Dream Home
« Reply #5 on: June 23, 2012, 09:44:30 am »

^^Ang laki niyan sis. Kita mo, kahit binigay sa'yo ng parents mo yung lupa at least di naka-tengga. Pinagawan mo na ng bahay. :D Galing galing naman.
Logged
I am not perfect but I try my best to make the most of what God gave me.
Bad things may happen to me, but I will always come out of it with my head up high. Why? Because I know that I did the things I can control the right way. And the things I can't control, I leave it up to God's will.

mommy ni kent

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 88
    • View Profile
Re: Achieving your Dream Home
« Reply #6 on: June 23, 2012, 10:18:00 am »

oo sis, kase habang tumatagal lalong nagmamahal yung presyo ng mga materials, after a year malaki na ulit ipagbabago sa price niya. saka habang bata pa ang anak ko, dapat natapos na ang bahay, kase diba pag high school o college na, mas malaki na expenses, mas priority na yun so habang nsa prep, pa lang bebe ko ayun, inuunti unti ko na pagpapagawa. salamat na lang talaga natuto akong mag budjet ng tama. eto talaga ang priority ko ngayon, para after nito, may matatawag na akong home sweet home, yung akin, pinaghirapan naming mag asawa.:-)
Logged

Mommy France

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 1644
  • Lucky to be loved by 2 boys
    • View Profile
Re: Achieving your Dream Home
« Reply #7 on: June 23, 2012, 07:20:16 pm »

Nakaka-inspire naman yan. :)
May lupa kami sa Marikina. Sabe ng daddy ko, hati-hati daw kaming mag-kakapatid. Pero since we decided to settle sa south, gusto ko sana patayuan pa rin yun portion na nakalaan para saken pero pa-rent ko na lang. Hindi kasi binabaha yung lugar namen sa Marikina.
Pero itatabi ko din siya as plan b kapag di nag-work out ang plans namen dito sa South.

I'm asking nga kung ano ang mas malayo, daang-hari sa cavite (daan is thru alabang) or kung mag-laguna kami - Sta. Rosa area.
Logged
I am not perfect but I try my best to make the most of what God gave me.
Bad things may happen to me, but I will always come out of it with my head up high. Why? Because I know that I did the things I can control the right way. And the things I can't control, I leave it up to God's will.

trishevil

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 686
    • View Profile
Re: Achieving your Dream Home
« Reply #8 on: June 25, 2012, 03:53:24 pm »

Ako rin gusto ko ng sariling bahay. Kaso si hubby gusto sa Manila Area (which is to say wala na talagang space). Ako naman, gusto ko sana San Juan or Mandaluyong kaso expensive na kapag Metro Manila area di ba? May lupa naman kami kaso sa province at literally nasa bundok. Gusto ko sana gawin farm yun para hindi sayang.
Logged

Mommy Jazz

  • Administrator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 3200
    • View Profile
    • Jazer Basan for Smart Parenting
Re: Achieving your Dream Home
« Reply #9 on: June 25, 2012, 04:20:51 pm »

We live near the house of the Makati Mayor. Gusto kong paalisin sila at dun kami tumira, dream house ko kasi yung bahay niya ;) Kaya lang madaming guwardiya, mahihirapan yata ako sa pagpapaalis sa kanila :D 
Logged

smart.momi

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 150
    • View Profile
Re: Achieving your Dream Home
« Reply #10 on: June 25, 2012, 04:48:47 pm »

Having a dream house for my family is isa sa mga pinakatop priority ko talaga sa ngayon.Sana nga mabigyan katuparan talaga. Pangarap ko di naman kalakihan. Yung parang bahay lang ni ai-ai delas alas.haha. Gusto ko lang naman yung maayos na bahay. Mga 4 bedrooms. Isang master bedrom, isa sa anak namin at isa sa magiging baby pa pag nadagdagan.hehe at isang guest room.  Tapos may maids quarter. Sympre up and down. Meron terrace tapos swimming pool. May isa akong room na puro mga family memorabilia ang laman. Tapos isang prayer room na may maraming santo. At meron ako garden na may grotto na may fountain and swing kasi pangarap ko talaga ang may swing sa bahay eversince bata pa ako. Pag medyo maluwag pa palagyan ko ng playground. Meron din kami billiards sa house and theater room para kay hubby naman. At ang gate pala namin gusto ko yung pang mayaman.haha. At ang lugar, gusto ko within Makati or kahit saan sa metro manila. Wow yaman ko.haha.Sana matupad. Hay sarap mangarap.
Logged

Mommy France

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 1644
  • Lucky to be loved by 2 boys
    • View Profile
Re: Achieving your Dream Home
« Reply #11 on: June 25, 2012, 06:37:53 pm »

^^ Sa pangarap naman nagsisimula ang lahat. :)
Logged
I am not perfect but I try my best to make the most of what God gave me.
Bad things may happen to me, but I will always come out of it with my head up high. Why? Because I know that I did the things I can control the right way. And the things I can't control, I leave it up to God's will.

sweetprincess

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 198
    • View Profile
Re: Achieving your Dream Home
« Reply #12 on: June 25, 2012, 07:46:05 pm »

ako din, isa sa top priority namin ni hubby is makapag pundar ng sariling bahay, within antipolo area sana ang target namin, kaso sobrang mahal na talaga ngayon, kahit bungalow style lang and sana 3 to 4 rooms since 3 ang babies namin, sa ngayon medyo mahirap pa talaga kasi nag school na ang 2 ate, pero pasasaan din eh alam namin na i-grant ni God yan and we can work on it para ma achieve ang aming simple dream house :)
Logged
i love being a mom to my precious three and a wife to my witty husband She:)

yhamsloveŽ

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 870
  • I'm a Certified SP (Sisterly-Packaged) Member
    • View Profile
Re: Achieving your Dream Home
« Reply #13 on: June 26, 2012, 09:58:39 am »

Yung dream house/home namin, dream nalang talaga: "Bungalow house, with two bedrooms, kitchen, dining room and living room" yung restroom, kahit simple lang, importante sa akin maging malinis.

Nakatira kami ngayon together with my parents pero nakabukod ang bahay, dun kami sa likod. Balak ng Tatay ko magpatayo ng duplex dun sa tinitirikan ng (maliit na) bahay namin para sa amin ng 2nd sister ko.

Nahihiya ako sa Tatay ko kase hindi na niya responsibilidad yun pero dun daw siya masaya. Kaya ngayon, nag-iipon nalang kami ng pangshare at yun nalang ang ipipilit ko sa kanya.

Sana kung may awa ang Diyos, masimulan na next year yung construction.

Para after non, makapag bakasyon na kami ng bonggang-bongga!
Logged
yhamslove  

insensitive

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 893
  • i didn't know i was capable of feeling so much...
    • View Profile
Re: Achieving your Dream Home
« Reply #14 on: June 26, 2012, 10:22:07 am »

sa real estate ako ngwowork pero wala kami sariling house pa hehe
ang mahal naman kasi kahit sabihin pang may employees discount

pero nag-i-scout na kami at gusto ko sa bulacan malapit lang di pa traffic..sunday may tripping kami..yay sana maging okay...tipid tipid talaga kami ngayon
Logged
Pages: [1] 2 3 4