Parent Chat

Advanced search  

News:

Pages: [1] 2

Author Topic: How to deal with yaya na pabalang sumagot  (Read 16116 times)

smart.momi

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 150
    • View Profile
How to deal with yaya na pabalang sumagot
« on: June 26, 2012, 09:18:36 am »

Yung yaya ko maayos naman kaya lang may pagkamasungit at kagabi nga nainis asawa ko sa kanya kasi lately lagi na lang sya pabalang kung sumagot. For these past situations, pinapalampas namin pero i think it need to be stopped. Pag pinagsasabihan in a nice way kahit di niya sabihin pero it seems she take it against us. Maayos naman sya sa bahay at sa bata pero itong ugali niya na pabalang sumagot gusto ko sana makorek in a way na hindi sya nagagalit. Kayo sisses, how do you deal with them?
Logged

Mommy France

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 1644
  • Lucky to be loved by 2 boys
    • View Profile
Re: How to deal with yaya na pabalang sumagot
« Reply #1 on: June 26, 2012, 09:46:08 am »

Alam mo, mabait naman sa mabait yung kasama namin sa bahay at super thankful naman ako sa kanya.
Kaso one time nung napagsabihan ng asawa ko meron siyang "tsk, tsk" na parang frustrated siya.
Ginawa din niya yun sa biyenan ko at talagang sinabihan ako ng biyenan ko na "pagsabihan ko daw".

If she feels frustrated, I acknowledge naman. kaya nga maganda if we talk to them kung anong nangyayari sa buhay nila para maintindihan natin where they are coming from. Baka may nakakapag-trigger sa attitude nila kaya sumasagot sila or sumisimangot kapag nauutusan.

Malumanay kasi ako sa mga kasama sa bahay kasi parang mas kailangan silang intindihin. Lalo na for someone na napagkakatiwalaan naman at maayos naman sa bahay.

I-assure lang na kung may problema sila, pwede naman nila tayong kausapin at kung may tanong sila, wag silang mahiyang lumapit. Basta let her know din how you feel sa pagsagot niya para malaman din niya na hidni ninyo nagustuhan yung pagsagot niya pero maayos naman yun.
Logged
I am not perfect but I try my best to make the most of what God gave me.
Bad things may happen to me, but I will always come out of it with my head up high. Why? Because I know that I did the things I can control the right way. And the things I can't control, I leave it up to God's will.

ahyzeyuh

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 1063
  • im a good person,just keep on making bad decisions
    • View Profile
Re: How to deal with yaya na pabalang sumagot
« Reply #2 on: June 26, 2012, 09:53:14 am »

yung yaya ng anak ko ganun din!!
nakakainis-- ilang beses ko na pinagsabihan -- babait peru after few days ayon na naman..

pagnapapagsabihan- mukha naman kawawa
Logged

yhamsloveŽ

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 870
  • I'm a Certified SP (Sisterly-Packaged) Member
    • View Profile
Re: How to deal with yaya na pabalang sumagot
« Reply #3 on: June 26, 2012, 10:09:38 am »

Hindi ko pa na-experience yung ganon so far kase yung mga naging yaya ng anak ko mas matanda sa akin at awa ng Diyos, mababait naman.

Siguro kung ako, ang gagawin ko:

1) Kung mas matanda sa akin, iintindihin ko nalang. Pag papasensiyahan ko nalang siya kase baka nga naman, may pinagdadaanan.

2) Kung mas bata sa akin, kakausapin ko. Yung usap-kapatid para hindi naman siya matakot at baka biglang lumayas eh.  ;D

Ako kase, kapag may mga instances na may nagagawang nakakainis yung yaya ng anak ko, dina-divert ko yung attention ko dun sa mga bagay na nagawa niyang mabuti or nakabuti sa anak ko. Maayos siyang mag-alaga and so far, hindi naman sumasama ang ugali ng anak ko. Masaya na ako dun.  ;)
Logged
yhamslove  

smart.momi

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 150
    • View Profile
Re: How to deal with yaya na pabalang sumagot
« Reply #4 on: June 26, 2012, 10:29:18 am »

hi sisses, thanks sa replies.

Sis Marnie, yun nga sis eh kasi sa katarayan niya yung anak ko nagiging masungit na rin. Hay. Kung di lang mahirap maghanap ng yaya.
Logged

mommyandkiehla

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 232
    • View Profile
Re: How to deal with yaya na pabalang sumagot
« Reply #5 on: July 03, 2012, 01:48:54 am »

Ako eto naman. Mahilig mangatwiran at sumasagot din. Siguro 2days pa lang siya sa amin napansin ko na at ng mama ko. Since syempre bago pa lang siya baka d pa niya alam mga bagay bagay sa bahay I teach her. Like yung mop nakatambay lang somewher. I told her sa labas na lang para maarawan. Sumagot, gagamitin ko pa po iyan. Pinalagpas ko. Next, tinuruan ko maghigas ng bottles ni baby. Ganito ganyan gawin mo sabi ko. Sumagot, ay ako ho kasi ganito maglinis ng bote. I simply said sige ganito na gawin mo ngayon. Sa grocery, caught her texting while si baby nsa push cart actualy d pa niya binibitawan celphone noya so I said itago muna ang celphone kapag bantay si baby. Sumagot, tinitignan ko naman ho. Kanina, nagkukwentuhan kami ni hubby. Takbo ng takbo baby ko at sinusundan niya naman but tulak tulak pa rin niya ang stroller edi ang hirap nun db. Sinabi ko ipark mo sa tabi tska mo sundan si baby. Sumagot, opo sinusundan ko naman po sabay turo sa stroller na what she meant na habang sinuaundan niya anak ko tinutulak niya stroller. Oo nga i said, ipark mo sa tabi ang stroller at iwanan mo tska mo habulin si baby. Para simpleng ipark ang stroller ng masundan ng maayos ang anak ko e sumagot pa. Kainis! Nung isang araw, ngmamadali kasi kami dahil paalis kami. Nakikita naman niya at narinig na need na namin umalis. Hinugasan pa ang bottles ni baby so sabi ko iwanan na muna at ayusin na sarili niya. Sumagot, opo. Inulit ko na iwanan na kasi nga mgmadali ayoko naman madaliin niya paghugas ng bote. Hindi pa rin tumigil. Tinapos pa rin. Nakakagigil. Matigas ulo. I always keep my temper cool pero sinasagad niya ako sa pagsagot niya. Nakakaawa naman kapag pinagalitan mo.
Logged

mommyandkiehla

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 232
    • View Profile
Re: How to deal with yaya na pabalang sumagot
« Reply #6 on: July 03, 2012, 01:57:23 am »

Basta ang dami niya side comments or katwiran kapag may sinasabi ka sa kanya. Simpleng hwag mo muna hugasan, sasagot pa na ito lang ho kasi masikip. Lagi yan mga sis. 27 years old na siya amd madami na kasi siya daw napasukan trabaho. Yung last e nagjanitor siya so iniisip ko baka ganun siya sa dati niya work. Sumasagot sa boss. Sabi ng mother ko mukhang palaban daw. Haaay! Paano ito. im giving her a chance amd kapag ganito pa rin siya naku hindi ko na siya patatagalin pa sa amin. Parang siya ang boss e.
Logged

ahyzeyuh

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 1063
  • im a good person,just keep on making bad decisions
    • View Profile
Re: How to deal with yaya na pabalang sumagot
« Reply #7 on: July 03, 2012, 09:04:34 am »

sis try nio kausapin, yung  tipong  asked her how she is doing
how does she finds your family and the chores that she have
or if my personal issue ba siya.

baka need niya lang na iappreciate siya o kaya inotice yung ginagawa niya-- malay mo my pinagdadaanan.

then give ur insights na feeling mo nababara na kayo ng hubby mo the way siya sumagot

pag-yung yaya o katulong kc naman, nag-iinarte o nagdadabog, we asked, kung ano issue niya

if shes not feeling  well- then ibang chores na lang gawin niya
if humihingi na naman family niya pera- naiinis siya, then we give space

kung matapang talaga yaya niyo- then i guess need nio rin maging strict
Logged

mommyandkiehla

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 232
    • View Profile
Re: How to deal with yaya na pabalang sumagot
« Reply #8 on: July 03, 2012, 11:56:28 am »

Nag one on one sila ni hubby. Kinausap niya bakit ganun ang ugali. Tinanong if gusto ba niya trabaho niya. Oo naman daw. Nagevaluation sila at inulit ulit paano sa bahay. Sa tingin ko talagang palaban siya. Hindi yung tipong opo po lang. Talagang may katwiran at sagot lagi. Napakadali namin kausap. Nagpaalam last week uuwi daw dahil may namatay sa kanila. Pinayagan namin at nagadvance pa. iniintindi ko baka nalulungkot sa pagkamatay ng lolo niya at cross eyed kasi siya. So baka natuto siya sa pagkabata niya na maging palaban siya dahil baka nabubully siya. Thanks sis!
Logged

Jamielle Rose

  • Newbie
  • *
  • Posts: 40
  • i love my babies..
    • View Profile
Re: How to deal with yaya na pabalang sumagot
« Reply #9 on: July 03, 2012, 12:29:54 pm »

naku mga mommies ang yaya ko naman eh d naman nasagot ang nakkainis lang mabagal kumilos at mahina pumick up. 6 mons na sia dito sa amin pero mali mali pa din nkakainis lagi ko naisista sa mga ginagawa para kasing d ako satisfied pero dko naman si apinapagalitan pingsasabihan ko lang na ito ayusin mo ng linis ang gawa kasi is bara bara para nasabi lang niya na nkapaglinis na sia nkakastress ako kasi maselan sa bahay gusto ko malinis pati sa mga dmait ng babay ko naku ang dmait ang laba eh manilaw nilaw pa, para tuloy akong may 3 anak kasama sia na kailngan pa turuan ng turuan para matutu 18 yrs old na sia eh dapat alam na niya mga ginagawa niya..
Logged

smart.momi

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 150
    • View Profile
Re: How to deal with yaya na pabalang sumagot
« Reply #10 on: July 03, 2012, 05:41:25 pm »

just want to update lang. Yung yaya ko pinaalis na namin nong Sabado. After nyang sigawan si hubby at pagsabihan na parang bata na it seems di alam ni hubby ginagawa niya, we let her go. And the mere fact that her loyalty is not with us. I think enough is enough. Ang dami na nyang ginagawa na pinalampas namin. We talked to her but lalo pa sya nagmayabang at lumaki ang ulo. Isip kasi niya lagi lang sya pinagpapasensyahan. Imagine, she spills out all the information sa mga kapitbahay namin na mga tsismosa numero uno wherein my rule #2 is lahat ng nangyayari sa loob ng bahay sa loob ng bahay lang. Matagal na ako sinasabihan ng mga kapitbahay pero hindi ako naniniwala, yun pala kami na pinagppyestahan. Kung ano-ano pinagsasabi at pinagttsismis niya. Hay. Ang masakit lang is hindi maganda ang pag-alis niya sa amin. When i asked her, bat niya nagawa sa amin yun knowing na we treated her as part of the family at ang bait bait namin sa kanya. Aba bigla ba naman ako sinigawan. At nasampal ko sya. Kaya ayun pinalayas na namin. We had enough.
Logged

mommyandkiehla

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 232
    • View Profile
Re: How to deal with yaya na pabalang sumagot
« Reply #11 on: July 03, 2012, 08:52:41 pm »

naku ayoko humantong kami sa sampalan at talagang pigil na pigil na rin ako.  you'll get better sis. move on ka na lang. hayaan mo na iyon.
Logged

kandie

  • Newbie
  • *
  • Posts: 37
    • View Profile
Re: How to deal with yaya na pabalang sumagot
« Reply #12 on: July 03, 2012, 11:35:16 pm »

yung dating yaya namin okey yung pagtratrato namin sa kanya, yung tumagal tagal na siya mga 1year doon lumabas yung ugali niya lagi niya kami sinisiraan sa mga yaya doon sa school pati sa maid namin na kasama niya sa bahay na ngayon siya na yung nagaalaga sa niece ko.lahat ng kwento niya binibiligtad niya hindi ko raw siya pinapanood ng tv eh siya nga dyan yung lumalapit sa tv pagnanonood ako tuwing hapon atska sa gabi andoon din siya.maayos yung pagkakasabi ko sakanya tungkol doon sa pananamit niya nagalit na siya dapat nga kami yung magagalit kami dapat yung masusunod, gusto niya kasi kung ano yung gusto niya siya yung masusunod hindi lang man niya kami nirespeto pinagbibigyan na nga namin siya masyadong abusado pa.sumasagot sagot pa siya sa akin syempre sasagot din ako sa kanya,kaya kinausap ko yung kapatid ko and mom ko pero sila na yung nagpasya kung ano gagawin sa kanya after mga ilan weeks pinaalis na siya hinayaan na yung utang niya na 2 thousand.
yung maid naman ngayon hay grabe sakit sa ulo yung bago pa lang siya sinabihan ko na yung mga dapat gawin  pero lahat ng sinasabi ko pasok sa tenga labas naman sa kabila ilan months ko na siya tinulungan kung ano dapat gawin araw araw hanggang ngayon hindi pa rin alam kung ano dapat gawin mag4months na siya sa amin lagi pa rin dapat pagsabihan.paginutos mo na maglinis lilinisin nga niya pero kinabukasan hindi na niya gagawin ulit, sa sobrang inis ko na sa kanya hinayaan ko na siya para alam nila na hindi talaga naglinis.ilan bese na rin kami nagaway text kasi ng text hindi naman ginagawa trabaho niya sasagot niya wala daw siya load sagot ko sa kanya wala load pero makikita nagtetext tapos nagtetelebabad pa kahit andyan yung amo napakalandi mo kasi...one time nahuli ko siya naglalaro ng tubig habang naglilinis ng banyo namin sabi ko bakit ngayon ka lang naglilinis ng sahig sa banyo naglalaro ka lang ng tubig kanina pa ako nasa pinto hindi mo lang alam...sumagot siya sabi niya bakit kayo ganon lagi niyo na lang ako pinapagalitan syempre sumagot ako sabi ko sa kanya pano naman hindi kita papagalitan naglalaro ka lang ng tubig ilan oras ka na sa banyo ngayon ka pa lang nagsisimula maglinis tapos hindi ka pa nakikinig ilan buwan ka na dito ganon ka pa rin magtrabaho...sa inis ko sabi ko huwag mo ako subukan a mababatukan kita diyan ayon hinamon niya ako sabi niya oo ba sagot ko sa kanya lumapit ka tumayo ka dyan...ayon nabatukan ko siya nagulat siya yung ginawa ko sa kanya yun...mag20 na siya hindi pa rin marunong umitindi nakakabwisit na sasagot sagot pa siya lagi ko siya binabara.
Logged

ahyzeyuh

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 1063
  • im a good person,just keep on making bad decisions
    • View Profile
Re: How to deal with yaya na pabalang sumagot
« Reply #13 on: July 04, 2012, 06:39:17 am »

yung mga ganyang age talaga sis parang wala sa sarili- lumilipad isip
lalo na pag-galing province
dami nila gusto gawin at explore kaya yung work na-aapektuhan
lahat kailangan pang ituro, ultimo pag-gamit ng gasol o tamang paglalaba-- lahat na lang kailangan pa iutos
tapos kung di napagbbigyan sumasama loob
Logged

kandie

  • Newbie
  • *
  • Posts: 37
    • View Profile
Re: How to deal with yaya na pabalang sumagot
« Reply #14 on: July 04, 2012, 03:00:38 pm »

yun din ang sabi ng mom ko sa akin ganun daw talaga pag galing province hirap turuan.grabe naubos pasyensa ko doon kahit mom ko ayaw na rin siya kausapin ang hirap sobra turuan.one time sabi ng kapatid ko sa kanya huwag isara yung door ng room nila kasi ang hirap nila tawagin hindi mo alam kung nagbingi bingihan lang e then yung pagbalik niya sa room niya sinara yung pinto hay!nakakaloka....pag wala yung amo niya nagdadabog siya kaya sinasabi ko sa kanya kulang pa yung pagdabog mo ah maya lakasan mo pa baka hindi nila marinig pero pag nandyan yung amo kala mo kung sino mabait hindi siya makaimik hindi din makadabog.minsan sa sobrang inis ko sa kanya nasabihan ko yun ng tan-g-a e pero totoo naman na ganun siya kasi kahit simple instruction hindi pa rin niya makuha nakatunganga lang siya sa harapan mo tapus may itatanung sasabihin niya hindi niya alam e siya yung lagi sa kusina tapus maririnig mo may binubulong siya kaya sinasabi ko sa kanya ano yung binubulong bulong mo diyan a?sasagot naman niya wala po...hay!
Logged
Pages: [1] 2