Parent Chat

Advanced search  

News:

Pages: 1 [2]

Author Topic: How to deal with yaya na pabalang sumagot  (Read 16115 times)

kandie

  • Newbie
  • *
  • Posts: 37
    • View Profile

honestly, ako wala na ako tiwala sa kanila atsaka hindi na rin ako naaawa sa kanila,biro niyo maayos yung pakikisama ko sa kanya lalo na doon sa yaya kahit hindi marunong maglinis hinayaan ko na lang.one time nagluluto ako ng lunch hindi ko maopen yung stove kelangan yun ng lighter para open eh hindi ko maopen so kala ko wala na nainis ako doon sa maid bakit hindi siya nagorder ng gas hinayaan ko na lang, yung dinner bago sila nagluto may sinabi ako tapos sumingit yung yaya may gas pa daw baka hindi ko naopen ng maayos lalo ako nainis alam pala ng yaya na may gas pa hindi lang man sinabi sa akin nakahiga lang sila sa kwarto imagine ilang steps lang yung kwarto nila sa stove atsaka masmabilis makalabas ng kwarto yung yaya kasi nasa ilalim siya double bed kasi yun.sila pa yung may gana magalit.sorry nga wala ako narinig sa kanya.

last time pumunta kami sa manila ngovernight kami sa lolo and lola ko kasama yung yaya,the next day may kausap sa phone yung yaya sabi ko sa kanya na tumulong siya kasi nakakahiya sa lola ko nagopo naman siya yung bumalik ulit ako para silipin siya aba nasa telepono pa rin siya nakaupo may paiyak iyak pa siya,sa isip isip ko sabi ko hello hindi mo pwede isipin yung problema mo habang nagtratrabaho. kasi para sa akin nandito ka nga sa manila para magtrabaho hindi yung iniiyakan mo yung boyfriend tapos hindi pa maayos yung pagkatrabaho binabayaran ka pa.sinabi ko kay mama yun tapos may sinabi din siya sa yaya na pagaalis na kami magpaalam siya sa lola ko aba dinaanan lang niya sa kusina lola ko tapos doon siya sa mga maid nagpaalam tama ba yun?binigyan at pinagluto siya ng pagkain ng lola ko tapos ganyan lang gagawin niya.

just recently yung gagamitin ko yung wet wipes ko para pangpunas sa face pagtingin ko wala na eh isa na lang yun iniwan lang yung wrapper doon tapos sinabi ko sa maid and yaya naisa sa inyo may gumagalaw ng gamit ko actually galit ako yung sinabi ko sa kanila kasi personal things ko yun.wala kasi tao sa bahay syempre sila lang nasa bahay gabi lang may tao sa bahay.kaya sabi ko sa kanila na hindi kayo puwede pumasok sa kwarto pag walang kailangan kung meron man sabihin muna sa akin atsaka hintayin ako dumating bago maglinis ng kwarto.nagreact agad sila lalo na yung yaya sabi ko naman bakit ka nagreact kaagad sinabi ko lang naman isa sa inyo wala ako binanggit na pangalan masyado ka defensive tapos kung ano ano na pinagsasabi niya na ang tagal na daw niya wala naman nawawalang gamit sumagot nanaman ako batuhan kami ngsagot,ang gulo pa kausap.
then kanina lang sabi niya na bibili siya ng sabon panglaba sabi ko 2 linggo lang ubos kaagad yung sabon sabi niya yung maid daw kasi siya hindi daw madalas gumamit sumagot ako sabi ko oo alam ko sinasabi ko lang ayun hindi na sumagot siguro alam niya pagsumagot siya sasagot din ako.ayun sa mga pinaggagawa niya wala ako naririnig nagsorry siya lagi na lang siya tama.
Logged

kandie

  • Newbie
  • *
  • Posts: 37
    • View Profile

sa mga pinaggagawa niya sino pa hindi maiinis kahit mama ko nakita na din niya kabastusan niya.atsaka may tao sa bahay ang ingay ingay nila parang sila yung amo sila pa yung magagalit bakit daw bawal daw.hello hindi talaga siya nagiisip kung siya kaya dyan.tapos yung kasama niya na maid papaalisin na namin sabi niya pati siya aalis na daw nagreact kami sabi ko wala na nga kwenta sa bahay yun papaiwan mo pa.tapos pag may maling ginawa yung maid siya yung magagalit maiinis may pagkaweirdo din.
Logged

abz22

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 133
  • Soon to be Mommy of Two!! :D
    • View Profile

^hi sis. I can see na galit ka na talaga sa maid and yaya mo.  As for me, you better decide if you are still willing to have them at your home.  If hindi mo na talaga kaya, then just talk to them nicely and tell them that there are other housekeeping jobs that would fit them the best.  This is for you to save time, energy and money na rin.  Kaysa parang hindi ka nasasatisfy sa mga ginagawa nila and the worst is, nagkakaroon ka ng sama ng loob.  And since nagkakasagutan din kayo, baka masama na din ang loob nila sa'yo.  So choose na lang.

On their side naman, try to understand na din na they have feelings as well. Hindi naman laging smooth sailing.  As for me kasi, I treat my baby's yaya as part of the family.  Pag may mga pagbabago sa attitude niya, iniisip ko baka may personal na pinagdadaanan (siyempre tao din siya) so I talk to her personally.  Of course they have to be professional at work pero since they are yaya and maid, bihira yung talagang nagsasabi sa mga sarili nila na "dapat professional ako" since they are not in the office/corporate world.  So widen your patience and understanding na lang in case na may mga ganitong incidents kang pagdadaanan.

Ayun, I wish na maayos mo na yan at kung magdecide ka na palitan sila, maging best for your need! ayun lang.

God bless sis! I hope it helped a little.
Logged

chester

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 321
    • View Profile

sis, sa akin kasi madami na ring naging yaya-kasambahay ako. may mga simpleng bagay bagay na hindi nagagawa ng tama pero pinapalampas ko lang. either sabihin ko sa kanila or sometimes ako na lang kusang gumagawa.  pero kung sasagot sagutin ako, yan ang big NO sa akin. mas mabuti pang maghiwalay na lang kami kaysa mgwork pa siya sa akin dahil mas kumplikado pa.
Logged

kandie

  • Newbie
  • *
  • Posts: 37
    • View Profile

actually siya nga yung nagsabi wala daw siya problema sa amin e sabi pa niya hindi siya naniniwala sa mga sinasabi ng dating yaya tungkol sa amin atsaka maayos yung pakikisama namin sa kanila kasi lumaki kami sa yaya kaya alam namin pano magtrato sa kanila.
pinapayagan pa nga namin umalis yun kahit hindi niya off eh.atsaka sino hindi magagalit pag nagsinungaling ang yaya sabi niya may kamaganak siya sa quezon city pero sa totoo wala naman boyfriend niya yung pinupuntahan niya para lang mapayagan siya umalis hinayaan na nga lang namin.atsaka dati pa lang bastos na siya nakauwi na siya galing off hindi lang man niya sinabi na nakauwi na pala siya diretsyo lang siya pumasok. madalas maayos yung pakikiusap namin sa kanya last time sinabi ng kapatid ko sa kanya na ayusin niya yung gamit ng bata hindi lang man niya inayus iniwan lang yung bag yung tinatawag ko hindi lang man siya sumasagot.kahit kapatid ko naiinis na sa kanya.
sa ngayon naghahanap na kami ng bago kasi hindi rin talaga nagtratrabaho alam namin nagsisinungaling lang siya pero hinayaan lang namin.pag off naman niya alis siya ng gabi mga 8 balik siya the next day mga 6 or 7 na ng gabi after nun tapos na oras ng off niya hindi lang man siya naglilinis.ganun din sa maid naghahanap din kami pero yun talaga walang pagasa araw araw na lang sasabihin namin linis ang bahay hindi naman ginagawa nakakasawa na magsabi telebabad lang ang alam sinabi na rin namin sa kanila na dapat magtipid pero hindi pa rin kailangan kami na talaga magcontrol.lahat ng trabaho nila sinasabi na namin ng maayos sa kanila una pa lang sila yung ayaw makinig.
sa totoo lang ako yung nasasaktan din kasi parang lahat ng sinasabi ko binabastos lang nila kahit na maayos yung sinasabi ko hindi nila ginagawa.
Logged

Mrs. Anderson

  • Global Moderator
  • Full Member
  • *****
  • Posts: 244
    • View Profile
Re: How to deal with yaya na pabalang sumagot
« Reply #20 on: July 18, 2012, 08:16:33 am »

Merged with existing topic.
Logged
It's your contributions that matter, not the number of posts.
Please use the search tools available. We have lots of valuable inputs from the members; take time to read them.

chester

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 321
    • View Profile
Re: How to deal with yaya na pabalang sumagot
« Reply #21 on: July 18, 2012, 08:47:09 am »

kung hindi na kaya ng powers mo sis, hanap ka na talaga ng kapalit niya.  or baka may mapakiusapan ka sa family or relatives mo na tumingin sa mga bata habang naghahanap ka ng kapalit.  yung sa akin kasi noong nasa province pa si baby at walang kasama, si MIL tumingin kay baby. then noong kinuha namin si baby sa bulacan kasama pa rin si MIL, ako gumagawa sa ng gawaing bahay (with the help of hubby). dapat before ako umalis sa bahay eh nakaprepare na lahat even lunch ni MIL para si baby lang titingnan niya.  hirap din kasi ng wala siyang kapalitan sa pagtingin kay baby. 

sad lang ako ngaun kasi nakahanap na kami ng kasama pero lately lang namin nalaman na preggy siya. gusto ko pa naman siya kasi maayos siya magtrabaho at may kusa.  :(
Logged

smart.momi

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 150
    • View Profile
Re: How to deal with yaya na pabalang sumagot
« Reply #22 on: July 18, 2012, 09:05:52 am »

A few minutes ago ito lang din ang topic namin ng officemate/kumare ko. Sis kandie, i cannot blame you kung talagang galit ka sa kanila. Minsan kahit anong pasensya mo sa kanila mauubusan ka pa rin. Ako, i dont know kung hanggang saan ko kaya pagtiisan ang pwedeng maging yaya ng anak ko ulit. Sana nga pumayag na lang yung kapatid ko na sya na lang makakasama namin forever sa bahay. Kasi alam mo yung lahat na halos ng pasensya at pagiintindi binibigay mo sa mga yaya/katulong tapos pinaghihirapan din natin ang pinapasahod natin sa kanila pero parang wala lang sa kanila. Wala man lang mga konsiderasyon. Hindi sila marunong magpahalaga. Sabi ko nga sa dating yaya ng anak ko, kahit santo mawawalan ng pasensya sa ugali niya. Kahit gaano kabait ang isang tao magiging masama dahil sa ugali niya.

Sana mga sis, makahanap tayo ng isang yaya/katulong na for kept na. Pero i doubt sa panahon ngayon. Swerte na lang ng mga sis natin na nakahanap na.
Logged

kandie

  • Newbie
  • *
  • Posts: 37
    • View Profile
Re: How to deal with yaya na pabalang sumagot
« Reply #23 on: July 18, 2012, 03:20:25 pm »

oo nga e hindi talaga sila marunong magpahalaga.tumawag yung mom ko sakanya sabi kalahati ng trabaho niya ako yung gumagawa, ngsosorry siya sa mom ko pero sa akin niisa wala.aaminin ko medyo mapride ako gusto ko kasi yung mahinahon na ako bago ko sila kausapin kahit sa niece ko ganun din ako.kaya may time ayaw ko na sila kausapin o utusin ako na lang yung gumagawa.
buti na rin aalis na rin siya nagsalita na siya sa mom ko and sa kapatid ko ayun paalisin na din namin.masyado chismoso din kasi yung mga maid/yaya ayaw nila pakialamin yung buhay nila pero yung buhay naman namin yung ginugulo nila kung ano ano pa yung mga pinagsasabi nila.kaya tuwing may bagong maid/yaya sinasabi na namin kaagad yung mga rules na bawal pagayaw pa rin pagsasabihan pa rin namin pero pagganun pa rin talaga goodbye na lang.ganyan din kasi yung ginawa nila ngayon kahit mom ko napansin na din niya atska yung mga pinaggagawa.atsaka napansin ko sa maid/yaya ayaw nila yung inuutusan sila nagagalit sila ng patago sa kwarto bakit pa sila pumasok bilang yaya/maid.hay grabe.
Logged

wingedmama

  • Newbie
  • *
  • Posts: 35
    • View Profile
Re: How to deal with yaya na pabalang sumagot
« Reply #24 on: July 18, 2012, 06:47:21 pm »

Naku mga sis, I have same sentiment. Ang hirap talaga maghanap ng yaya.  Yung yaya ng baby ko ganun din palakatwiran and I have a feeling na pagnasa labas kami ayaw nyang magpautos.  Ang sabi nga ni hubby wag daw ako mailang sa kanya kasi everytime na nagmamake face siya parang ako pa nagaadjust.  One time di na talaga ako makapigil kasi I asked  her kung nagbath na si baby and sagot sakin "Diba sabi mo ikaw?!" with matching irap.  Naiyak ako sa inis eh tapos tinawag ko siya sabi ko magusap kami.   Tinanong ko siya if she has a problem tapos i laid down my cards sabi ko di ko nagustuhan yung pagsagot niya at ang pinakaayaw ko yung pabalang sumagot.  Nagback pedaled siya sabi niya di daw ganun intention niya tapos after that one week na sobrang po... opo.. sige po.  Pero alas ngayon balik nanaman sa dati pero i let it past kasi iniisip ko mas dapat ako umintindi kasi baka di siya lumaki ng may proper guidance kaya ganun ang attitude but si hubby naiinis na. 

In our home, our house helpers & nannies eat whatever we eat minsan pa nga we invite them to join us.  pero this yaya, for one month now nagdidiet.  I am always warning her na she needs to eat on time bawasan lang niya if she really wants na pumayat pero what she did was di kumakain ng breakfast and dinner.  Eto na last friday sumakit yung tiyan, nagacid reflux.  from thursday to sunday nakahiga lang siya.  I gave her medicine nung una and Nung saturday naawa ako so i asked our village medics to come and see her and sabi nga hyperacidity.  I bought her crackers, hydrite and the medicine.  Ayaw kumuain kasi daw ang pangit ng lasa ng food.  Ayun four days na di daw makatayo sa sakit pero ang tingin ko sobrang binibaby niya yung sakit kasi everytime i checked on her nanonood po ng TV sa room.  Nung sunday ipinapunta ko na siya sa hospital.  I paid the bill & the medicines pero ayaw niya tulungan sarili niya.  I am forcing her to eat kahit konti ayaw eh sabi ng doctor hyperacidity lang.  I have the same condition but still i go to work.  Ako nagsuffer kasi di ako makawork so eto dumating si hubby and talked to her na we are helping her she should help herself.  Kung di talaga niya kaya magtrabaho we can't wait for her to get better kasi its been almost one week. Pinagbabakasyon na siya.  Alam nyo ba mga sis biglang gumaling.  Ngayon biglang kaya na niya magwork.. Hay naku last episode na eto ng kaartehan niya kasi sa susunod talagang suko na ko.and she need to go. 
Logged

kandie

  • Newbie
  • *
  • Posts: 37
    • View Profile
Re: How to deal with yaya na pabalang sumagot
« Reply #25 on: July 18, 2012, 07:33:11 pm »

hirap na maghanap ngayon ng yaya kung hindi lang pala sagot yung yaya hindi namin papaalisin ang bastos na kasi niya masyado pa defensive isang beses lang ako nagsalita siya tuloy tuloy magsalita kaya sagutan kami.tiniis lang namin siya kahit hindi marunong magtrabaho atsaka ilan beses na namin siya kinausap wala talaga,ngayon gusto na niya umalis eh di umalis na siya wala naman siya ginagawa tapos lagi pa nagmamadali magtrabaho.
Logged

mommyandkiehla

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 232
    • View Profile
Re: How to deal with yaya na pabalang sumagot
« Reply #26 on: July 19, 2012, 12:11:27 am »

Sa una ko post dito, i was complaining about our new helper na lagi may katwiran. My hubby left na at nagabroad so kami na lang sa bahay ng helper/yaya na 'to. A week before umalis si hubby, he talked to our yaya. Taught of her the things kung paano lahat sa bahay. Kada mali gawa inexplain kung paano at ano gusto namin at paano sa bata. Naging mainit ulo at dugo ko sa kanya. Konting mali naiinis talaga ako but that was before. Ngayon ok na kami. Lalo na nakikita ko na may malasakit siya sa anak ko kahit paano. May mga times na parang wala siya sa mood, iniintindi ko na lang na baka hindi lang din maganda gising niya or pagod etc. Sa dami na ng mga naging kasam bahay namin, one thing na natutunan ko is ibat iba mga pinanggalingan nila. May mga bagay na ngayon lang nila nakita at nagagawa simula ng lumuwas sila ng manila. Meron mga desidido talaga magtrabaho meron gusto makaluwas lang at makatakas sa kanila. Hindi dahil yaya or katulong tawag sa kanila e perfect na sila sa trabaho nila. Kinuha natin sila para makatulong sa atin, maging 3rd hand. Mahirap magtrain but need natin talaga habaan pasensya natin at kung kailangan ulit ulitin ang pagtuturo gawin natin. At higit sa lahat, kung nagiging stress sa atin ang mga katulong e ilet go na lang. Kaysa mabwisit tayo araw araw. Mahirap na talaga makahanap ng matinong kasambahay.
Logged

macDONald

  • Newbie
  • *
  • Posts: 1
    • View Profile
Re: How to deal with yaya na pabalang sumagot
« Reply #27 on: June 19, 2013, 09:43:07 am »

Basta ang dami niya side comments or katwiran kapag may sinasabi ka sa kanya. Simpleng hwag mo muna hugasan, sasagot pa na ito lang ho kasi masikip. Lagi yan mga sis. 27 years old na siya amd madami na kasi siya daw napasukan trabaho. Yung last e nagjanitor siya so iniisip ko baka ganun siya sa dati niya work. Sumasagot sa boss. Sabi ng mother ko mukhang palaban daw. Haaay! Paano ito. im giving her a chance amd kapag ganito pa rin siya naku hindi ko na siya patatagalin pa sa amin. Parang siya ang boss e.

Ganito ang mga problem ko ngayon mga sis.

In our case, pinsan ko yaya ng babies ko,feeling ko masyado syang feel at home na parang minsan sya na un boss at ako na un yaya,the way na utusan niya ako at punahin kung paano ko alagaan babies ko. Kahit si hubby grabe niya rin pagsalitaan porket walang work. Hayz ok naman sya sa work sa bhay at pgaalaga ng mga anak namin pero di ko na gusto attitude niya towards us ni hubby.

Plan namin ni hubby paalisin na sya at si hubby muna mgalaga sa dlwang bata habang ako un nagwowork.

OK lang ba un mga sis?
Logged
Pages: 1 [2]