Parent Chat

Advanced search  

News:

Pages: [1] 2 3

Author Topic: Young or old yaya?  (Read 23351 times)

mommycakes

  • Newbie
  • *
  • Posts: 10
    • View Profile
Young or old yaya?
« on: July 09, 2012, 03:16:19 pm »

Here's the thing. My 2-month old son and I were living with a 62 year-old yaya. Ni-refer lang yung yaya sa asawa ko at nabigla din sya na matanda na rin yung bnigay samin. Ininsist lang ng asawa ko na mag-yaya kami dahil paalis sya ulit para sumampa. Naiinis ako sa sarili ko kasi di ko magawang pagalitan yung yaya dahil matanda na sya, kahit papaano me respeto din ako sa elders. ito mga reasons kung bakit ako inis:

1. Mahilig siya mag-murmur after pag nagsa-suggest ako ng something sa ginagawa nyang task. Pag tinatanong ko kung ano yung sinasabi niya, hindi ako pnapansin, kaya baka negative mga sinasabi niya kaya hindi na niya inuulit sabihn sakin.
2. Nung pinagbantay ko ng bata, nung kinuha ko me nakita akong kulangot na malaki sa shirt ni baby!
3. Kulang sukli niya pag pnagbibili ko ng kung ano. (kaya ngayon di na ako nagpapabili)
4. Yung araw araw na niya ginagawa nakakalimutan pa! (Ex: ang araw araw nyang gingwa e paglalaba, minsan hindi niya dina-dryer kaya kailangan pagsabihan mo pa, kaso ang reason niya "ay nakalimutan ko, hindi ka naman nagsabi" .)
5. Marami pang iba!  >:(

Bigyan ko pa kaya ng chance? Kasi kung mag-isa lang ako kaya ko naman lahat (ayoko talaga ng yaya, feeling ko nawo-worsen ang lahat)  Yun nga lang ayaw ng asawa ko dahil wala daw kami kasama ni baby sa bahay. Any suggestions? thank you!
« Last Edit: July 09, 2012, 03:32:57 pm by Mrs. Anderson »
Logged

annekjarki

  • Newbie
  • *
  • Posts: 8
    • View Profile
Re: 62-year-old yaya
« Reply #1 on: July 09, 2012, 03:37:14 pm »

hi!mommycakes, i had a similar experience and haay!grabe ang
moment ko with the very old,old yaya lasted a month.
naawa talaga ako sa kanya kaya i gave a chances,patience,understanding and
compassion kaya lang hindi ko talaga na carry so here are couple things
what i have done before i decided to end our moment;
* every single day i ask her if she can and she is willing to work?
  i tell her my apprehensions and i remind her that her dapat in her
age di na siya dapat ng wowork and since feeling niya carry pa niya
"TRIAL Period" lang ang muna ang stage namin.
*hindi tumalab yung effort ko gumawa ng to do list niya para hindi
makalimot (cannot read kasi na siya so it didnt work) so nilimit ko ng
5 things yung workload niya.
*from the 5 things na ginagawa niya sadly hindi talaga kami okey so si
husband ang pina evaluate ko. pati ang son ko  na 6yo nagsasabi na
sa kay yaya; Lola,wag ka na mag work magsleep ka na.
the fourth week i decided to clear things up with her.mahirap kasi.May
ibang old yet experience,able helpers naman na carry pa but in some
cases mahirap magcompromise stress na tayo at stress din sila.
its hard to find an efficient,trustworthy,reliable and good helper
these days but don't give up. :) hope you'll find a better one :)
Logged

mami che

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 435
    • View Profile
Re: 62-year-old yaya
« Reply #2 on: July 09, 2012, 04:01:11 pm »

Naku sis, mahirap ang oldie na yaya.. Kasi pati sya aalagaan mo pa instead na yung baby mo nlang iintindihin mo...
I, too, had a yaya na 60yrs old. Pero nagkunwari muna sya na 50 lang daw sya. Nagulat din ako. I didnt know na ganun na pla sya katanda. Gusto ko sya agad pauwiin coz mas gusto ko yung mga bata para kayang tumakbo with the kids... but pinagbigyan ko pa din. But 1st day pa lang, nakita ko ang baby ko na may dugo ang lips kasi nahulog sa upuan kasi di niya nahabol...2yrs old baby ko nun. Di na namin sya pinatagal. Pinauwi ko na after 5days. Yoko kasi ng additional stress...  :o kaya you try na maghanap ng iba...  :)
Logged
"Of all the rights of women, the greatest is to be a mother..."

sweetpumpkin

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 254
    • View Profile
Re: 62-year-old yaya
« Reply #3 on: July 10, 2012, 08:00:53 am »

naku naku!!! ang hirap ng ganyan @mommycakes! kaloka! para kang kumuha ng bato na ipupukpok sa ulo!!!! ganyan nga kasi pagmatanda na. parang ikaw pa ang may intindihin ngayon.sa halip na anak mo lang inaalala mo, e pati si lola yaya kasama na rin sa isipin mo. ganyan kasi maid ng byenan ko noon. ayaw magpaturo ng gawaing bahay porke matanda na raw sya alam na niya lahat kasi marami na syang napasukang trabaho. ayun, ang dami nyang nasirang appliances sa bahay ng byenan ko. saka sis mommycakes.. hindi ko natake yung nakita mo sa damit ni baby mo hehe. saka pag ganyan medyo may edad na mahirap na rin kasi kung may sakit sya kargo mo pa. sabi din ng mga pedia, kaya nagkakaprimary complex sa mga old yaya minsan nakukuha. mommycakes mas mabuti pa ikaw na lang sa baby, kung gusto mo sya sa lahat gawaing bahay..pero kay baby ikaw na lang :)
Logged

mommycakes

  • Newbie
  • *
  • Posts: 10
    • View Profile
Re: 62-year-old yaya
« Reply #4 on: July 18, 2012, 04:41:35 pm »

 :) salamat mga mommies!
Logged

swtgrl_bee

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 516
    • View Profile
Re: 62-year-old yaya
« Reply #5 on: July 21, 2012, 07:03:51 am »

Yaya ng anak ko 69YO :) Age ng anak ko 2YO3Mos, okay na pala yaya namin. Ang problema ko lang sa Yaya ko sobrang sipag ayaw magpahinga. Natatakot ako baka bigla nalang mahimatay sa pagod. 1 year plus na din siya sa amin. Yaya pa kasi siya ng asawa ko.
Logged
xoxo B1B2 :))

buuurp

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 669
    • View Profile
Young Yaya
« Reply #6 on: August 24, 2012, 03:06:25 am »

Hi! Back again here and seeking your help mommies.

We recently hired a new nanny-maid for our 19month old son last Sunday.

She is very young from Binan, Laguna and just finished grade 5, yun ang sabi niya. She was recommended by my dad's friend and only had 2 weeks of experience na pagiging yaya for a 9 month old baby.

Her mom and an Aling Babylyn ang naghatid sakanya nung Sunday. Nag-advance ang mother niya ng 1k since her salary is going to be 3k and they wanted to get it monthly. She won't be taking any day-offs except on holidays daw.

Okay sana - pero very young. And halos no experience of taking care a baby. Ang sabi niya kaya umalis sya sa previous amo niya - minumura daw sya. Sabi ko bakit naman sya minumura? Kasi daw pinakekeelaman daw sya sa paglilinis niya. Anyway sa Tondo sya nagtrabaho nun.

Now dito samin, si baby ang priority niya dapat. We live on a 1br 30 Sqm. unit and konting gawain bahay like cook her own food and walis, sampay (since may washing machine naman), hugas ng dishes, linis lang ang gagawin niya.

How do I teach her? Its the first time na magiging amo ako talaga, since the previous nannies we had were provided by my mother-in-law so madalas trained na sila ni MIL and si MIL ang amo nila kahit samin sila nakatira.

Ang rants ko sakanya is: pinasabay niya yung damit niya sa labada ko nung Tuesday, ma-TV until 11pm kahit sabi ko patayin na niya ng 10pm - tatapusin daw muna niya yung pinanonood niya, late magising. Sabi ko 6am dapat kasi si baby 6am nagigising - 7:30 am gumigising, ako pa gumigising sakanya, ma-cellphone, walang kusa - kelangan utusan...

Ang gusto ko lang - nauutusan ko sya unlike sa older yayas naiilang ako. Magalang naman sya, hindi madaldal. Tahimik (downside nabobore si baby kasama sya). Walang dayoff (laging may maaasahan magbantay - trauma sa mga stay out na yaya na di sumisipot). Magaling maglinis kapag nautusan.

Pero kasi medyo napipikon ako, kagabi ako pa naglagay sa hamper nung marumi niya.... Para tuloy kaming may border... should I be patient, train her? How? Or should I find a replacement na masmatanda at may experience na?

help naman po, ang hirap kasi humanap ng yaya na di ka iiwan or nanakawan... :(
Logged

Sometimes, its not that people change…you just find out who they really are.

ianthe

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 108
    • View Profile
Re: Young Yaya
« Reply #7 on: August 24, 2012, 07:07:01 am »

how young sis???
Logged

xianne

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 139
    • View Profile
Re: Young Yaya
« Reply #8 on: August 24, 2012, 11:22:06 am »

hi sis..

ganyan tlgah pag BATA..

yung yaya ng baby ko 17 yrs old lang and wala din experience sa pagaalaga ng bata...
2 days ako ng half day sa work para turuan sya ng pagaalaga kay baby.. 2 month old lang
c baby nung ngstart sia..so far okay naman madali naman matuto though may mga corrections talaga.

sa paglilinis ng bahay..
cnasabi ko sknya na pag tulog c baby maglinis linis ka ng bahay at maglaba..
pag wala k ng ginagawa puwede kana matulog...

ganun din yung yaya ko sis..
mas nauuna pa ako gumising sknya.. nung una naiinis din ako..pero nung tumagal hindi nah..
maaga din kasi nggising c baby mga 6Am , kaya ginigising ko na din c yaya at cnasabihan ko
na wag kana matulog bantayan mo na c baby..matulog ka nalang mmaya pag wala kana ginagawa...

bout dun sa TV.. ganun din sya gabi na matulog...
mga 11 na din.. lagi ko cnasabi sknya na cgeh magpuyat ka pero siguro mong gigising ka ng maaga bukas
pag ginising kita..gumising kana..

bout sa cellphone naman..
dko naman sya pinagbabawalan.. isipin mo nalang sis nung ganun edad natin ganun din tau hehe...
pero lage ko cnasabi sknya na mag cellphone lang sya pag wala na sila
ginagawa ni baby like pag nuod lang sila tv, or nakahiga sa kama..

always remind her sis, pag wala ka sa bahay itext mo sya..
lage ko tinetex sknya ( bantayn mo maigi c baby, pag tulog sya maglinis ka,gusto ko paguwi ko malinis bahay
,malinis laht ng kilos ha pra d ako magalit...)hehe

bout sa labahan..
puwede mo naman sya sabhihan sis..na ibukod niya yung labahan niya..

ganun tlgah pag bata wala pa sa focus magwork.. parang tayo lang nung ganyang edad..
pagsabihan mo lang..unti-unti matutu din yan..

ako love n love ko yung yaya ni baby ngaun,,
nung 2mos palang c baby sobrang maingat sya buhatin... ngaung 7 months na hala grabe niya harutin,,
tawa ng tawa c baby lage...

goodluck sis...kaya mo yan..
mas maganda pag sabihan ang BATA kasi nakikinig yan..kesa sa Matanda hehe..
 ;) ;) ;) ;) ;) ;) ;) ;) ;) ;)
Logged

xianne

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 139
    • View Profile
Re: Young Yaya
« Reply #9 on: August 24, 2012, 11:27:35 am »

kakalungkot lang sis..yung yaya ng baby ko cnundo ng father niya :( umuwi na sila ng bicol .. magaaral daw kasi at mag bbusiness sila dun.. kakalungkot...

pati c baby malungkot..

nakakuha kami ng yaya pero ayaw niya dun.. iyak sya ng iyak..
pag tinatawag ko name nung yaya niya dati ..todo sulyap sya sa pinto tapos pag iniiwas ko yung ulo niya sa pinto umiiyak sya hehe..

Logged

ysLim

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 620
    • View Profile
Re: Young Yaya
« Reply #10 on: August 24, 2012, 11:29:04 am »

hindi ako magaling sa mga yayas, nahihirapan nga akong kumuha para sa mga babies ko  :(

pero base sa mga sinabi mo sis, since bata pa naman, eh you can train her pa. wala talagang kusa pag bata pa. importante eh nauutusan at marunong sumunod ng utos, hindi yung gagawa ng kanila. siguro observe ka muna sis. kung sa tingin mo eh sakit talaga sya sa ulo, hanap ka na ng iba.
Logged

ea_brea

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 408
  • don't be afraid to dream a little bigger, darling
    • View Profile
    • La Mer de Reve
Re: Young Yaya
« Reply #11 on: August 24, 2012, 11:45:47 am »

kung okay naman pala sa trabaho, give her another chance, sis. baka pwede mo pa ma-train yan. pero kung wala na talagang improvement, that's the time na maghanap ka ng iba. bata pa kasi kaya you need to constantly remind her of her responsibilities and your house rules.

Mrs. Anderson

  • Global Moderator
  • Full Member
  • *****
  • Posts: 244
    • View Profile
Re: Young Yaya
« Reply #12 on: August 24, 2012, 12:13:21 pm »

Please refrain from posting in textspeak.
Unedited replies will be removed.
Logged
It's your contributions that matter, not the number of posts.
Please use the search tools available. We have lots of valuable inputs from the members; take time to read them.

mami che

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 435
    • View Profile
Re: Young Yaya
« Reply #13 on: August 24, 2012, 01:08:56 pm »

Hi sis!

How young is your yaya? Around 12-13 perhaps? Yung mga ganyang age na  yaya, mas maganda sa mga pre-schooler coz parang may kalaro sila but to look after a baby, parang risky kasi mas careless sila.pero kung assist-assist, pwede na rin sguro tyagain.  I,too, had a young yaya before. 14-15 yrs old. Tinanggap ko na rin kasi they badly need money daw. Ganun din sis, tanghali magising, late matulog dahil sa tv but i constantly remind her about my rules and regulations sa house... after few months, naguumpisa naman na nyang iadapt mga tinuturo sa kanya tho paulit ulit ulit na pinapaalala, at least you can see improvements (somehow)... Kung may mga nakikita kang positive attitude sa yaya, puwede mo yang imold pa basta tutukan mo but kung not willing matuto, better let go and look for someone else.  :)
Logged
"Of all the rights of women, the greatest is to be a mother..."

buuurp

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 669
    • View Profile
Re: Young Yaya
« Reply #14 on: August 25, 2012, 02:43:08 pm »

she's 17 and she's leaving na today. :( nalulungkot ako at sayang ang advance namin. 1 month lang pala ang balak niya kasi malayo daw sakanila sabi ng mama niya... Hayyyy, sana makahanap ng kapalit.... Thanks for the suggestions pala, kapag nakahanap na kami ulit will try those... Hayyy....
Logged

Sometimes, its not that people change…you just find out who they really are.
Pages: [1] 2 3