Parent Chat

Advanced search  

News:

Pages: 1 2 3 [4]

Author Topic: Nagtatagal ba mga yaya/maid ninyo?  (Read 35555 times)

Morefun

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 230
    • View Profile
Re: Nagtatagal ba mga yaya/maid ninyo?
« Reply #45 on: August 12, 2013, 07:37:00 pm »

Wala na ang first yaya namin.  Dadating hopefully si yaya #2.  Si yaya #1 sinungaling, malakas kumain at halos dikit na ang cellphone sa tenga niya.  Umalis at kung ano ano kasinungalingan ang sinabi sa nagrecommend sa kanya.  Nagka open forum kami kagabi, para claro ang lahat, di siya makapagsalita ng sinabi lahat ng saloobin ko at kung gano siya kasinungaling.  Hindi ako papayag na magkalat siya ng tsismis, kaya nagharap harap kami, ako, husband ko, mother in law, siya at ang nagrecommend sa kanya.  Akala niya palalagpasin ko kasinungalingan niya... nakahanap siya ng katapat sa akin!  Tameme siya sa open forum namin.  Di ko siya uurunga.  Of course, let me reiterate, no regrets ako sa magandang pinakita ko sa kanya at sa lahat ng mamahaling pagkain na binibigay ko sa kanya, dahil alam ko babalik din yun sa akin, siksik liglig at umaapaw.  At ang pagsisinungaling niya, babalik din sa kanya yun, siksik, liglig at umaapaw!    >:(
Logged

apple11

  • Newbie
  • *
  • Posts: 34
    • View Profile
Re: Nagtatagal ba mga yaya/maid ninyo?
« Reply #46 on: August 27, 2013, 10:33:00 pm »

Depende naman din kasi sa tao yun. Minsan kahit anong gawin mong mabuti at pakisama gawin mo (amo pa nakikisama) aalis pa din sila. So far 2 lang na maid tumagal at gusto ko performance. Sa dami ng mga namasukan sa amin.
• Naka 2 yrs mahigit yung isa ko na maid kaso naenfluence ng kapwa maid kaya umalis at sumama sa bf. gusto bumalik kaso gusto ng asawa kasama sya e wala naman ako ibibigay na trabaho at ayaw din niya kasama.
• 1 month lang 2 ko maid. Magkasama ng kinuha ko. Naawa lang ako kaya ko kinuha tutal lumuwas na kahit calumpit lang galing. Kaya naging 3 sila. mahirap pag marami at nagsisilipan kahit may kanya kanya ng tokang trabaho. Sinungaling pareho at ubos lahat ng pagkain pati foods ng mga bata. Tinago nila na may mga anak sila. Di lang na nakadeny sa checkup. Kasi pinapacheck ko bago ko ipaalaga mga bata. Sabi nung isa uuwi lang sandali pero di na bumalik.   
• 1 yr. ok lang kasi magaaral ng vocational course. Love niya mga kids. Masaya naman sya at nakapunta daw sya sa ibat ibang lugar. Masipag at sensitive.
• 1 day. First day niya namasyal pa kami sa moa. At kami ng hubby ko nagalaga at bumuhat sa kids. Push lang sya stroller at wait sa upuan habang kami pagod sa paghahabol sa kids sa cosmic kidz. Bumale pa ng 1k buti na lang 500 lang muna pinabale ko. Ayun di na bumalik. Kapitbahay namin nagrecommend kaya nagtiwala kami. Pamangkin niya. Nalaman ko sa asawa ng kapitbahay namin na buntis pala yung pamangkin. Mga manloloko alam naman pala niya. Kumita pa sya sa akin ng pamasahe syempre sobra.

Marami pang iba. Kaya minsan di mo masisi mga amo bakit mahigpit sila. Sa dami na rin ng naencounter na di tumutupad sa usapan at manloloko.
 
Logged

mommyonsale

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 150
    • View Profile
Re: Nagtatagal ba mga yaya/maid ninyo?
« Reply #47 on: September 17, 2013, 03:35:53 pm »

Yung yaya ko naman naka 4 na Ako...

Yaya1 naka 6 years Sa akin 17 years old sya ng dumating Sa akin sya nag alaga Sa panganay ko. Nung buntis Ako Sa pangalawa naalagaan pa niya pero umalis na sya nag asawa Kaso nabalitaan ko niloko Lang sya... Pumalit si yaya2 kapatid niya 17 din ng dumating pero 1 month and half Lang mag aaral daw sya nangakong may kapalit pero isang malaking kasinungalingan Hindi na nagparamdam kaya ayun si yaya1 super sorry Sa akin... Then si yaya3 senior na 61 years old Sa baby Lang sya at linis Lang ng little pero Ako lahat.. 3 months Lang sya Kasi aalagaan naman niya yung apo niya Sa pamangkin which is yun naman kasunduan namin na aalis sya kapag kinailangan na sya ng pamangkin niya... Yaya4 bago Lang sya Sa akin 5 days pa Lang 17 years old Kaso napag nakawan Ako agad ng 1000 at pabango pero umamin naman Dahil yung tita niya Mismo eh yaya din dito Sa likod Bahay namin... Tinanggap ko pa Rin at binibigyan ng pag Asa Kasi natukso bata pa pero sana wag ng maulit Dahil palalayasin ko na sya... Masinop Sa Bahay Kaso intrimitida atsaka maharot grabe... Waley muna aketch trust Sa kanya... Observahan ko muna...
Logged

Cyril Coreces

  • Newbie
  • *
  • Posts: 14
    • View Profile
    • Mommy Life Vlogs
Re: Nagtatagal ba mga yaya/maid ninyo?
« Reply #48 on: January 18, 2019, 07:38:20 pm »

Nakuh mga mommies.. Agree ako na iwasang kumuha ng yaya na mga 20-21. Naexperience ko na din.. She is a single mom and 2 months lang tanda ng baby niya sa baby ko.. Galing probinsya at nirecommend ng kawork-mate ng papa ko kasi dating nagwork sa kanila... I paid her air fare from davao to manila and even gave her allowance.. Umabot 3 months okay pa siya pero nung nagtagal na nakabili na siya ng android phone at nagkaroon ng kaibigan dito sa amin, dun nagbago ang lahat.. Nakalimutan baby niya at kung sino-sino boyfriend at kausap online kahit pinagsasabihn namin, worst ay tumatakas pag gabi nagpapaalam na nagpaload tapos malaman mo nalang napunta na ng star city kasama barkada o kaya nasa beer house.. Hindi na din maayos trabaho niya dahil hindi na nakafocus sa baby ko. Ang matindi nalaman ko sa may-ari ng tinatambayan nila na tindanhan ni baby na nagyoyosi pala siya ng kaharap ang bata 😠 . Tama nga na kahit anong buti ng pakikitungo mo, bigay mo ng tulong wala pa rin effect, binibigyan ko damit at minsan supplies baby niya.. Sinasadya ko din dagdagan sahod niya para may pambili vitamins sa anak niya, pinadala ko pa yung mga stock kong vitamins at gamot sa kanya nung umuwi siya ng davao (and yes sagot namin ang ticket at nag-CA) pa siya.. Pero pagbalik wala din.. Balik sa dating gawi kaya pinauwi ko na ng davao dahil stressful talaga mga mommies.. Ngayon kapatid ng nanay ko, yes tita ko, ang pumunta last week para tumulong sa amin at bibigyan lang namin allowance 5k per month plus sss and phil health benefits.. Mas okay kasi daw pag relatives.. 😊 subukan nyo din mga mommies kung may kamaganak kayo na pwede makatulong bigyn lang ng allowance. Kaya natin to mga mommies'
Logged
Join me as I discover and explore the "mommy world!" - Follow me on Facebook -  https://www.facebook.com/mommylifeph/

Cyril Coreces

  • Newbie
  • *
  • Posts: 14
    • View Profile
    • Mommy Life Vlogs
Re: Nagtatagal ba mga yaya/maid ninyo?
« Reply #49 on: January 18, 2019, 07:41:57 pm »

Kamusta mommy? May update na ba sa observation mo s yaya mo? ☺ same tayo maharot nkuha ko kaya pinalayas ko na
Logged
Join me as I discover and explore the "mommy world!" - Follow me on Facebook -  https://www.facebook.com/mommylifeph/
Pages: 1 2 3 [4]