I experienced both at eto insights ko:
Young yaya - tama kayo mga sis na mahilig sa text, tv, magastos sa pagkain, kuryente etc. Pero sa experience ko sa kanila, pinapaliwanag namin sa kanila na priority dapat ang bata at hinde kung ano-ano, at un nga d bawal ang manuod ng tv wag lang maghapon to d point na makakaligtaan na nila alagaan ang bata. Tsaka ipaliwanag dn sa kanila na mahirap ang buhay ngayon at sila bilang tinuturing na d iba at kasama sa bahay e expected din namin sila na makipagtulungan sa pagtitipid. Basta maganda pakikisama mo sa kanila e nakikipag cooperate naman sila. Natural na magiliw dn sa bata/baby since maliksi at playful pa nga dn sila. As regards dun sa lakas nila kumain, pov ko mga sis, ok lang yan, kc mga wala talaga sa buhay yan kaya nga sila namamasukan e, kc kapos sila sa pagkain sa kanila, kaya ako, binubusog ko talaga sila lagi, yun weakness nila, at makikita nyo magiging loyal mga yan sayo

Old yaya (50 yrs old)- puro konsumisyon inabot ko. 1wk pa lang ako nakakapanganak nung mapunta sa amin si old yaya at eto ang chronicles niya:
Day 1 - since night na dumating e pgkakain ng dinner ay pinagpahinga na lang muna sya.
Day 2- sinabihan ng mga gagawin at mga routines para kay baby, eg, pagtimpla ng dede, sterilize, things like that. At night, sinabihan na matulog with us sa baba para pag iyak ni baby e maasikaso niya (cs kc ako so almost 1month din akong d pwedeng maghagdan e nasa 2/f room namin, so sa sala na lang muna kami sleep at that time.) anyari? Kami lang dn ni hubby ang gumigising every 2 hours na nagigising si baby, while si old yaya sarap ng tulog at naghihilik pa.
Day 3- morning, sinabihan sya ni hubby na expected namin sa kanya alalayan ako lalo sa puyatan for the meantime kc anemic ako n in fact sinalinan ng dugo nung nanganak ako. Sagot ni old yaya: di rn daw sya pwedeng magpuyat at high blood sya. Afternoon, masakit ulo niya kaya d daw niya muna karga si baby. Patience, patience...
Day 4- nakita ko si old yaya yung tubig galing sa inumin namin nilalagay sa mga bote ni baby, nun sinabi ko na yung wilkins dapat, sinagot lang ako na andami daw arte. Afternoon, nagpaalam si all around maid (matanda rin at kumare ni old yaya, package deal pala sila nung kinuha namin at d raw pwede maghiwalay ng trabaho) na uuwi ng probinsya at naaksidente daw anak.
Day 5- sumamang umalis si old yaya kay old all around maid despite usapan namin na wait muna niya kapalit niya at wala akong makakasama sa bahay during daytime at nsa work si hubby.
Conclusion- mas mahirap dalhin at pakisamahan ang old yaya kesa young one.