Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Pages: [1] 2 3 4

Author Topic: Nagtatagal ba mga yaya/maid ninyo?  (Read 26968 times)

mommy bong

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 59
    • View Profile
Nagtatagal ba mga yaya/maid ninyo?
« on: July 20, 2012, 12:46:15 pm »


hello everyone,

Nagtatagal ba mga yaya/maid nyo sa inyo? Hay, Nafrustrate lang talaga ko, palagi ako papalit palit, kahit ano ganda pakisama, palagi pa rin umaalis.. may 2 months, 3 months, 6 months then alis na.. although meron din naman nagtatagal, palagi kasi 2 kinukuha ko kasama sa bahay, 1 maid at isa yaya para sa anak ko. madali na nga kung tutuusin work nila pareho pero umaalis pa rin, lalo na pag galing agency.. pag tapos contract, kahit taasan sweldo, aalis pa rin.. hayy. siguro dapat sa susunod medyo may eded na kuhanin ko, usually kasi medyo bata (20-21yo) nabibigay sa min.
« Last Edit: August 03, 2012, 10:22:58 pm by toughmom »
Logged

lorygirl

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 62
    • View Profile
Re: Nagtatagal ba mga yaya/maid ninyo?
« Reply #1 on: July 20, 2012, 01:16:22 pm »

naku sis sakin hindi rin nagtatagal mga yaya/maid ko..months lang inaabot nila..wala pang nakaka 1 year..ang hirap pa naman humanap na kapalit nila..
Logged

widdle

  • Newbie
  • *
  • Posts: 3
    • View Profile
Re: Nagtatagal ba mga yaya/maid ninyo?
« Reply #2 on: July 20, 2012, 01:46:52 pm »

Hi!  I also have that problem with yayas.  Getting older maids has also disadvantages.  Im only in my 30s and I got a maid whose 50 y/o.  She always tries to do things her way and when I try to suggest or teach her, she always says she knows how to do it.  Another thing is when they have families of their own, especially the husband, when they demand that they need to go home..it's difficult for them to say no.  My yaya already left after `1 month stay with us because her husband told her to do so, nalugi pa ko sa pamasahe.  But I have a new yaya and I hope this time, tumagal naman sya.
Logged

Mommy France

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 1644
  • Lucky to be loved by 2 boys
    • View Profile
Re: Nagtatagal ba mga yaya/maid ninyo?
« Reply #3 on: July 20, 2012, 02:09:47 pm »

Well, dalawa pa lang naman ang nagiging yaya ko. The first one pinaalis ko dahil talagang hindi nagwo-work-out ang relationship namen. :D Malayong kamag-anak kasi ang patong-patong na yung issues ko with her so let go na lang.

The second one has been with us for more than 2 years now and I love my son's yaya. Alam ko love din niya yung anak ko at yun ang pinapahalagahan ko. Nagmamarunong din siya minsan pero I let her feel naman na I value her opinion kasi kailangan ko rin naman minsan. Pero pag talagang kailangan lang gawin, nasasabi ko naman and gagawin naman niya.

Pag umaalis kami, pinapasalubungan ko siya. Ganun din yung mommy ko sa kanya. Kapag umuuwi ako sa parents ko, may pasalubong yung mommy ko sa kanya. Way of thanking her sa pag-aalaga niya sa anak ko.

Di naman perfect yung relationship namen at minsan nag-aaway kami pero I think kaya tumagal siya samen is alam naman niya na simpleng pamilya lang kami ng asawa ko. Kinakamusta ko yung pamilya niya. At siya rin kapag nasa ospital yung mommy ko or MIL ko talagang concerned din siya.

Sa naranasan namen sa unang yaya ng anak ko at sa mga nababasa ko dito, alam kong mahirap makahanap ng kasambahay na may malasakit talaga sa pamilya kaya talagang pinangangalagaan ko itong yaya ng anak ko.
Sana magtagal pa siya samen para kung guminhawa na ang buhay namen eh mas masuklian ko naman yung malasakit niya samen.
Logged
I am not perfect but I try my best to make the most of what God gave me.
Bad things may happen to me, but I will always come out of it with my head up high. Why? Because I know that I did the things I can control the right way. And the things I can't control, I leave it up to God's will.

prettyhope

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 68
    • View Profile
Re: Nagtatagal ba mga yaya/maid ninyo?
« Reply #4 on: July 20, 2012, 05:27:15 pm »

waaahh! my baby is only 2years at nakakailang yaya na kami... hmm... 6 yaya na kami... pinakamatagal is 8months. ok sya 42 yrs old, kaso nagkasakit asawa niya kaya need niya kami iwan para sa asawa niya.. all around un, nag-aalaga sa baby ko, pinapaliguan, naglalaba, lahat ng sa bata plus, naglilinis ng buong bahay, fan, cr, lahat! at naglalaba din ng damit ko.. and ang bonus pa niya samen is she cook! sobrang sarap niya magluto! tumaba nga ako nung asamen pa yung yaya namin na yun! pinagluluto ako nun everyday ng breakfast ko!  :D :D :D kaya sobrang sad ako nung umalis sya samen, 3k lang sweldo niya pero super all around pa sya =) wala akong mahihiling pa kaso un nga, not all things lasts forever eheh

yung pang-6th na yaya ng anak ko is turning 17yrs old lang..  grabe dumating sya saken ng mukang wala pa talaga alam sa buhay. walang dalang personal belongings so binili ko pa, toiletris lahat! then nagulat ako may kuto yung anak ko, nahawa sa kanya! ayun binili ko silang magyaya ng "kwell". so far she's improving everyday. natututo na sa buhay hehe kasi pinagsasabihan ko talha ng bonga!!! hehe she knows how to manage her time na.. gumisging sya ng madaling araw pra maglaba, then by 12-2pm skul sila ng baby ko dahil salingpusa na sa daycare anak ko hehe sa hapon tulog sila then pag gising na sila maglalaba na yan ng uniform at magllinis. paguwi ko, malinis na na mga feeding bottles at magtutor na lang ako sa anak ko hehe thank God for having yayas lke them! kahit na yung iba is sobrang pasaway! hindi ko na lang ishare at baka maginit lang mga ulo natin mga sis hehe!

ang mahalaga, minamahal ng mga yaya mga anak natin. ako kasi sabi ko, mahalin lang nila anak ko, mamahalin ko din sila. giver kasi ako sa mga yaya. pag umaalis laging may pasalubong at pag namamasyal kami, kasama ang yaya at wala sya gastos! may pasalubong pa sya sa pamilya niya hehe
Logged
Proud Mom. Professional Marketer. Independent. Meticulous.

Mommy France

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 1644
  • Lucky to be loved by 2 boys
    • View Profile
Re: Nagtatagal ba mga yaya/maid ninyo?
« Reply #5 on: July 20, 2012, 05:37:54 pm »

^^ Tama, in the end naman talaga kasi that's all that matters sa yaya ng anak mo. As long as nakikita mo yung malasakit nila sa anak mo wala namang problema. :D
Logged
I am not perfect but I try my best to make the most of what God gave me.
Bad things may happen to me, but I will always come out of it with my head up high. Why? Because I know that I did the things I can control the right way. And the things I can't control, I leave it up to God's will.

Angeldust

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 115
    • View Profile
Re: Nagtatagal ba mga yaya/maid ninyo?
« Reply #6 on: July 20, 2012, 05:40:15 pm »

Ganun yata talaga mga helper ngayon, porke alam nila na kailangan sila mga maangas na. Yung yaya ko for 3yrs simula nung umalis sya because nag-asawa di na kame nakakuha ng matinong helper minsan 1week lang aalis na at nakapag advance na ha kaya masusumpa mo talga ang mga hitad mga bastos na rin, mas ok na yung palit ka ng palit hanggang makahanap ka ng OK kesa naman pagtitiisan mo nalang ugali or ikaw pa makikisama sa kanila. Meron kaming naging helper 52yrs old OK sana galing maglaba kaya lang ang galing sumagot sa mama ko at laging sinasabi na marami sya malilipatang iba, so pinaalis na namin sya  ;D
Hay.. good luck nalang satin makakuha tayo ng maayos na yaya at helper.
Logged

mami che

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 436
    • View Profile
Re: Nagtatagal ba mga yaya/maid ninyo?
« Reply #7 on: July 20, 2012, 06:22:50 pm »

may nagtatagal, may pinapatagal at may hindi na pinapatagal  ;D
Logged
"Of all the rights of women, the greatest is to be a mother..."

kandie

  • Newbie
  • *
  • Posts: 37
    • View Profile
Re: Nagtatagal ba mga yaya/maid ninyo?
« Reply #8 on: July 20, 2012, 11:58:15 pm »

kami din walang tumatagal puro palpak nakukuha namin lalo na sa maid puro months lang kaya sa isang taon nakaka 3 maid kami,yung mga yaya naman ng niece ko mga a year na sila pero umalis na din lumalaki na kasi yung ulo.
Logged

CallcenterMom

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 108
    • View Profile
Re: Nagtatagal ba mga yaya/maid ninyo?
« Reply #9 on: July 21, 2012, 08:58:16 am »

Sa akin, ang dami ng nagdaan, pero may tumatagal naman, kaso bihira.  Latest was wala pa akong anak, maid and tindera ko sya for 4 years, umalis kasi nabuntis.  Then after her, nanganak ako, I had a yaya for 5 years.  Since 6 months baby ko hanggang sa mgaing 6 yo nasa akin sya.  Umalis kasi mag-aasawa na daw.  Yung pumalit, 6 months pa lang sa akin, gusto ko ng paalisin kung hindi lang mahirap kumuha ng mapagkakatiwalaan.  Ang hirap kasi kapag sa agency.  Lalo na uso sa balita yung mga maid na nilalason at pinapatay ang mga amo.
Logged

BlueAby

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 447
  • Mother of two
    • View Profile
    • CS_CuteShoppe FB Page
Re: Nagtatagal ba mga yaya/maid ninyo?
« Reply #10 on: August 13, 2012, 10:56:59 am »

Sa akin sis wala talagang nagtatagal na yaya pinakamatagal na yata yung 3mos. Yung una kong yaya ang nagtagal ng 3mos kaso pinaalis namin. Kasi puro text, pag walang nakakakita sa kanya text lang sya ng text at di binabantayan yung mga anak ko, eh nag-aakyatan na at baka mahulog. Sinungaling din kasi malakas na kalabog ang narinig namin sabay iyak ng anak ko, nung tinanong namin pwet lang daw ang tumama. Eh ulo yung hawak nung anak ko habang umiiyak siya, 1yo palang anak ko nun. Minumura din niya mga anak ko, kaya dun na nainis parents ko at pinaalis na sya

Next yaya ko wala pang 1wk nagpasundo na. Sabi ng nanay di daw talaga sanay sa gawaing bahay. Ok lang naman din sa akin kasi takot sa kanya yung anak ko. As in umiiyak pag makikita siya kaya nga halos di rin niya naalagaan mga anak ko.

3rd yaya, wala pang 1month. Petiks lang ang yaya ko na to, nagpaalam na umalis iba ang dinahilan. Pero bago pa sya magpaalam naririnig namin na kausap niya yung tiyahin niya sa phone at parang may lilipatan na karinderya daw.

4th yaya, almost 1month. Pinamasahihan pa namin siya then after 2wks (sabi niya bday niya) kaya umalis ng bahay, tapos di na bumalik. SInabi namin na di pwede un so she stayed for a month (sa usapan namin) Kaso wala pang eksaktong 1 month umalis na din siya. Ninakawan pa kami. hay. Ok sana siya sa mga anak ko, except lang sa pagbalik niya as in napapabayaan na niya mga anak ko. Pinag-aaway pa niya yung family naming mag-asawa.

Dahil sa last yaya ko na-trauma na ako sa yaya. Sabi pa nila wag na lang daw akong magyaya dahil unting panahon na lang at di na alagain yung mga anak ko. Pero I know na mangangailangan din kami lalo na kapag bumukod na kami ng mister ko. Sana lang makahanap na talaga ng yaya na for keeps.
Logged

violet.crumble

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 129
    • View Profile
Re: Nagtatagal ba mga yaya/maid ninyo?
« Reply #11 on: August 13, 2012, 04:03:33 pm »

Ako din.  Namomoblema sa mga maid na di tumatagal.

1st maid ko 5 months lang.  Okay sana magwork kaya lang intrimitida.  Kaya pinaalis ko.

2nd maid,3 months lang.   matanda na.  43 daw, but turned out 53 na sya.  Nahuli ko nakikipagchismisan sa ibang maid, as in nagbibigay ng info tungkol sa pamilya ko e bilin kong wag magbigay ng info about us for safety reasons.  Nung napagsabihan ko, nagtampo, nagpaalam.

After nun mga 8 months akong walang maid.  Pagod ang katawan ko, may 1 year old pa kong hinahabol.  Ako ang tagalinis, luto at alaga ng bata.  Nagpapa-laundry lang kami.  Mas masaya buhay ko sa totoo lang.

3rd maid.  7 months.  Sinungaling.  She lied about her name.  Diba nakakatakot yun?  Bakit mo di sasabihin real name mo kung wala ka masamang balak?!  Bukod dun, parang naiwan sa probinsya ang utak.  Tapos, super poor hygiene pa!

4th maid.  8 months na kong nagtitiis.  Tamad, Sinungaling. Nangungupit.  Di ko lang mapaalis dahil pinagaawayan na namin ni hubby.  Ayaw nyang walang maid dahil buntis ako, with a makulit 2 year old pa.

Ilang months na din akong naghahanap para mapaalis ko na to pero no luck pa din.  May nahahanap, pero for some reason, di na tutuloy.  Either nagkasakit ang magulang, namatayan ng asawa, nagkasakit ang anak, etc.  So for now, still stuck with the current one.

I'm starting to doubt if ako may problema.  Di naman siguro.  Kasi mabait naman akong employer.  Nagpapakita ako ng malasakit sa kanila even if i don't feel their malasakit in return.  We eat the same food.  I give them their salary on time.  Kahit di deserve ng performance nila, i give the increase as agreed.  Pag namili kami sa mall, pati sila may konting shopping.  You'd somehow expect some form of appreciation or gratitude in return pero wala.

Sorry ha.  Naging rant na tong post ko.  I just really want to find a maid na deserving sa kabaitan namin.
Logged

CallcenterMom

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 108
    • View Profile
Re: Nagtatagal ba mga yaya/maid ninyo?
« Reply #12 on: August 14, 2012, 12:35:26 pm »

It is really hard to find a good and reliable yaya and bihira talaga ang tumatagal.  Either nilalayasan ka or pinapalayas mo.  In my case may mga tumatagal naman sa akin. 4-5 yrs.  Wala pa namang mas matagal pa dito.  I wish meron lang talagang forever syo na kaso, syempre ang mga katulong  may mga pangarap din sila so hindi natin talaga mapipigilan.
Logged

mommy bong

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 59
    • View Profile
Re: Nagtatagal ba mga yaya/maid ninyo?
« Reply #13 on: August 14, 2012, 12:45:12 pm »

tama talaga mag mommies, and mga sisses... mahirap talaga makatagpo maayos at reliable na yaya/maid.. makatagpo man, hay after 1 year aalis din for their personal plans in life... di na yata talaga uso un tulad noong una na hanggang pagtanda at pagkapanganak, yaya mo, naging yaya na anak mo..

dami ko na aubos pera sa agency, puro palpak din.. sa ngayon naman, thankful ako at may nakuha ako yaya at maid na ok tlaga, worth it ang pasahod namin... maasahan at mapagkakatiwalaan, so far... salamat dito sa smart parenting forum, dito ko nakuha un number nagrefer sa kin.

Logged

sweetpumpkin

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 254
    • View Profile
Re: Nagtatagal ba mga yaya/maid ninyo?
« Reply #14 on: August 14, 2012, 01:00:30 pm »

sa akin din, hindi nagtatagal ang yaya/maid. hindi ko na din kasi sila matagalan. nung una sobra akong apektado kapag nagpapaalam o tumatakas ang yaya ng anak ko. sa una gigil na gigil ako bakit ako tinatakasan. yung mga nagpapaalam naman, pinapayagan ko sila umalis. hindi ko pinipigilan o pinapakiusapan na mag stay.nung dati i feel so betrayed talaga kasi nalaman ko na yung hipag ko mismo ang nagpatakas dun sa maid, pinayagan niya umalis na hindi nagpapaalam saken.i was young pa naman kasi noon. 25 yrs old.nun nagsimula na kami mag abroad, natuto na ako. at ngayon hindi ko na kailangan ng yaya o maid. may maliit pa akong anak, pero kaya ko na pagsabayin ang bahay at bata.  dati pa pag nakakahanap kami ng okay na yaya, paalis naman kami ng bansa. dun ko nasasabi sayang,bakit ngayon lang kita nakilala hehe...nakahanap ako ng ok na yaya 3 times. pero we have to leave the country kaya di namen sya na keep...kaya ako ngayon promise ko sa mga anak ko, aalagaan ko mga anak nila.mahirap ang mga naranasan ko with yayas, ayoko maexperience ng mga anak ko yun.
Logged
Pages: [1] 2 3 4