Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Pages: 1 [2] 3 4

Author Topic: Nagtatagal ba mga yaya/maid ninyo?  (Read 26603 times)

violet.crumble

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 129
    • View Profile
Re: Nagtatagal ba mga yaya/maid ninyo?
« Reply #15 on: August 15, 2012, 03:40:31 pm »

@Mommy bong - pa-share naman ng number ng agent mo.  baka sakaling swertehin na din ako.
Logged

mommy bong

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 59
    • View Profile
Re: Nagtatagal ba mga yaya/maid ninyo?
« Reply #16 on: August 17, 2012, 01:09:24 pm »


sana po eto pa rin number nila.. pakitry na alng po 09434924123.

Goodluck po!
Logged

proudofELA

  • Newbie
  • *
  • Posts: 27
    • View Profile
    • Friendly Lions Online Shop
Re: Nagtatagal ba mga yaya/maid ninyo?
« Reply #17 on: August 28, 2012, 03:27:27 pm »

Nakailang palit din kami ng yaya for my daughter before. My baby's yaya now has been with us for almost 4 yrs.  Swak na swak siya sa amin and sa baby ko, who is almost 5.  Minsan may mga kinakainisan ako sa kanya but I try so hard na initindihin, kasi super love naman niya ang baby ko and hindi niya talaga pinapabayaan. :)

nuttymommy

  • Newbie
  • *
  • Posts: 3
    • View Profile
Re: Nagtatagal ba mga yaya/maid ninyo?
« Reply #18 on: September 02, 2012, 08:38:05 am »

I don't understand yayas nowadays. We've had yayas na after 1 week nagpapaalam na dahil di daw nila kayang mag-alaga ng bata. Why apply for yaya job in the first place? Why not apply for job as a medical doctor or lawyer!!! Parang nakakaloko kasi, we have to waste time training, only to leave after 5 or 6 days. Despite good compensation and fair, kind treatment.

I think ang ayaw nila sa household namin, laging may kamag-anak in the house to oversee yaya. They prefer to be alone in the house with the baby para pwedeng hindi sila mag-trabaho and nobody would know about it because the baby can't speak.
Logged

CallcenterMom

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 108
    • View Profile
Re: Nagtatagal ba mga yaya/maid ninyo?
« Reply #19 on: September 04, 2012, 12:38:06 pm »

I just changed my yaya 2 weeks ago.  Yung last yaya ko, bukod sa tamad, imagine she thinks she can get away at shouting at my daughter and threatening to beat my daughter with a hanger.  Kapal ng pagmumukha niya.  Nobody does that to my daughter and get away with it.
Logged

mommyjm

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 60
    • View Profile
Re: Nagtatagal ba mga yaya/maid ninyo?
« Reply #20 on: September 06, 2012, 01:57:38 pm »

Observation lang mga sis...

Whether maid or yaya, in my own experience, makikita talaga totoong personality/character niya after 3 months. At the start, sobrang sipag and mabait but then, pag at ease na syempre lumalabas na natural na ugali.

All our maids/yayas in the past, pag 2 years na, mahirap ng pasunurin, medyo matigas na ulo. Kaya for us, pag 2 years na sya sa amin nag eexplore na kami ng kapalit and kapag nagdecide na sya umalis, okay lang sa amin.

I also realized, na sa baby very critical yung first 2 years niya. Yung yaya ng baby ko from newborn til 2 yrs old sya, masipag and caring sa baby pag andyan kami. Pero pag wala, nood lang ng tv ang inaatupag or pakikipagchismisan sa maid. That's why delayed speech yung anak ko, di niya kinakausap during daytime kasi busy sya sa panonood ng tv. We found out when we left a voice recorder at home.
Logged

imeego

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 340
    • View Profile
Re: Nagtatagal ba mga yaya/maid ninyo?
« Reply #21 on: September 06, 2012, 02:38:51 pm »

yaya ng baby ko more than 1 year na sa amin..siguro swerte din ako na masipag at matyaga sya kahit na super likot ni baby saka madaling syang sabihan, there are times na may mga sablay din pero for me as long as di major sablay like nasaktan ang anak ko, ok lang sa akin ...one factor din siguro na more than 1 year na sya sa amin is di din sya masyadong hirap sa pag-aalaga kasi most of the time nasa akin naman si baby since sahm ako....di ko sya inobligang gumawa ng ibang chores kasi may all-around helper naman, pero ang maganda sa kanya tumutulong pa din everytime free sya at nasa akin si baby :)
Logged

CallcenterMom

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 108
    • View Profile
Re: Nagtatagal ba mga yaya/maid ninyo?
« Reply #22 on: September 11, 2012, 03:21:39 pm »

May kinuha kami yaya sa Cavite.  Tinubos ko sa amo niya.  1 month pa lang kasi gusto na umalis eh hindi ko naman masisisi yung dating amo kasi pinamasahian pa niya from Samar.  Sabi sa akin, gusto daw mag-trabaho malapit sa anak.  Eh yung anak halos kapit bahay namin.  So, tinubos ko at pinalayas ko ang luma kong yaya (for several reasons) para sa kanya.I spent almost 5k para bayaran ang utang niya at pamasahe niya para makapunta sa amin at bayad sa sumundo sa kanya sa Cavite.

Eto ngayon, kagabi nagsabi sa akin na uuwi na daw sya sa Samar kasi daw pinauuwi na sya ng bayaw niya para alagaan ang mga anak niya.  2 weeks pa lang sya sa akin.  Na-realized daw niya hindi pala daw niya kaya ang trabaho sa Maynila.  My God, 8 ang anak niya lahat hindi tapos sa pag-aaral  pinaka-bata is 4 yo tapos ang nagtratrabaho lang sa kanila is yung anak niya na kapitbahay namin na katulong din.

Ang nakakainis pa, the way she tells me kagabi na uuwi na sya ay parang ganun-ganun lang.  hindi niya inisip ang perwisyo na ginawa niya.  Pinalayas ko yaya ko na puwede ko pa naman pag-tyagaan kahit papaano. Gusmastos ako ng 5k para makuha sya tapos ganun na lang un.  Minsan hindi ko masisisi ibang mga amo na nabwibwisit sa mga katulong.  Mapansamantala kasi karamihan sa kanila.
Logged

Golda_Magsaysay

  • Newbie
  • *
  • Posts: 25
    • View Profile
Re: Nagtatagal ba mga yaya/maid ninyo?
« Reply #23 on: September 12, 2012, 03:09:35 pm »

yung maid namin mga 6 months pa lang sa amin but she's been very good with my daughter. what i like most about her is that she keeps my daughter active. overweight kasi anak ko at natuwa ako na may initiative talaga yung yaya na ipaexercise sya.

ngayon palaging sumasayaw yung anak ko ng Goldilocks Bitbit dance, kasi pinakita ng yaya niya sa Youtube. gusto pa nga niya sumali sa contest e!

rare talaga makahanap ng maid na ganun ka-ok pero rest assured na marami din akong dinaanang "bad eggs". patience lang talaga ang sikreto. 
Logged

KVsmommy

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 471
  • Living a full life as a WAHMmy. :D
    • View Profile
Re: Nagtatagal ba mga yaya/maid ninyo?
« Reply #24 on: September 14, 2012, 12:38:51 am »

Our yaya naman has been with us for almost 3.5 years na. Ilang days old pa lang si baby, she was with us na. And wala naman talaga ko masabi, she's mabait and all that. We love her like family. Pero like mommyjm said, habang tumatagal, nagiging 'comfy' na masyado. Minsan napapansin ko, you have to tell her thrice pa before she stands up from where she is to do something. Di ko alam kung hindi lang talaga naririnig or talagang hobby lang niya maging spaced out lately. :) Pero ok lang naman, we can live with that... I can't expect her naman to be perfect. Sadyang ganun lang talaga siguro lahat ng tao, they change. :) Basta matino naman sya sa bahay, and especially with my daughter, we're good. :D

macon

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 52
    • View Profile
papalit palit nag yaya
« Reply #25 on: February 23, 2013, 11:13:07 am »

hi mga mommies ask ko lang opinion nyo, i have pamagkin kasi na laging umaalis ang yaya so ang nangyayari bago ng bago yng pinapakisamahan niya. minsan kapag umaalis yng mommy niya umiiyak na sya, pakiramdam niya siguro iiwan rin sya ng mommy niya. pano ba ihandle kapag ganun yng situation? nakaawa kasi.
Logged

BrightasDay

  • Newbie
  • *
  • Posts: 12
    • View Profile
Re: Nagtatagal ba mga yaya/maid ninyo?
« Reply #26 on: May 01, 2013, 12:00:48 am »

Hello mga mommies,

Based on my observation, you'd have to be really rich to have loyal ones. Kasi kung ordinaryong tao lang employer nila, with just basic salaries, good food and good pakikisama - its not enough for them.

Dalawa kaming kumukuha ng kasambahay, my mil and our family, at kahit anong ganda ng pagsasalita ko, they always have something to complain about na I'm mistreating them, but when my wealthy mil even shouts, tinatanggap lang nila, kahit makurot pa sila.

Namimili sila ng amo na marami silang mauutangan, maa advance, at sobrang galante.

Logged

mommyjm

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 60
    • View Profile
Re: Nagtatagal ba mga yaya/maid ninyo?
« Reply #27 on: May 01, 2013, 08:59:45 am »

^i an relate to this. Yung yaya ng neighbor ko lagi akong binabati and sabi niya gusto daw niya lumipat sa amin pag kelangan na namin ng yaya. I asked my yaya bakit gusto lumipat sa amin nung yaya ni neighbor kasi nakakausap naman niya. Sabi ng yaya ko, yung amo kasi nun walang kotse and kapag nagpupunta sa mall, nagcocommute lang so napapagod daw sya magbitbit ng mga bag. Tapos konti lang daw food ang meron dun, di katulad sa amin na madami. hehe
Logged

mommyonsale

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 161
    • View Profile
Re: Nagtatagal ba mga yaya/maid ninyo?
« Reply #28 on: May 02, 2013, 08:33:59 pm »

Yung yaya ng anak ko Aalis na sa 10 1 month pa Lang sya sa akin ang dahilan dahil nakapasa sya sa scholarship... Syempre Wala naman ako magagawa sayang opportunity niya eh... Sayang din kasi NASAma na sa kanya yung bunso ko... Ang hirap maghnap pa naman
Logged

mommyjm

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 60
    • View Profile
Re: Nagtatagal ba mga yaya/maid ninyo?
« Reply #29 on: May 05, 2013, 07:29:25 pm »

So far nagtatagal naman sa amin... Wala pa naman lumalayas o umaalis ng kusa. Sa tatlo ko na naging kasambahay, ako lang yung nagpaalis sa kanila kasi sa akin, pag gumawa ng kalokohan, ayoko ng maraming explanation. Alam naman nila yun bago pumasok sa amin. Yung una, pinaalis ko kasi sinisiraan kami sa kapitbahay at iniimpluwensyahan pa yung isang kasambahay. Yung pangalawa at pangatlo, pinaalis ko kasi hindi sumunod sa usapan na balik after dayoff. Yung dayoff nila, aside pa yun sa 1week na holy week at 2weeks na christmas vacation na binibigay ko sa kanila. Every sweldo and long weekend, pinapayagan ko sila mag dayoff. At aba, yung 3 days na dayoff nung long weekend e gusto pa 4 days. Pinababalik na namin, ayaw pa... So ayun, sabi ni hubby, sige wag na kayo bumalik. hehe
Logged
Pages: 1 [2] 3 4